"Thank you talaga, Chain. Aasahan ulit kita sa Linggo, ah!" Tumatawang wika ni Ma'am Coleen. "Kapag kasi ganitong araw, umaalis talaga kami ni Leigh. Wala naman akong tiwala kay kuya kaya alam mo na..." Sinamaan niya ng tingin si Daen. Umismid naman ang unggoy at pinagkrus ang braso niya. Kahit ako man din, kung ako 'yong nanay ni Kennedy, hinding-hindi ko ipagkakatiwala sa kanya. "Sige po, ma'am. Salamat po ulit dito sa pauwi niyo sa'kin." Ngumiti ako at saglit na tiningnan ang paper bag na dala ko, nasa loob nito 'yong pauwi nila sa'kin. Ang dami nga, e. Ilang tupperware din. Hindi ko pa nabubuksan pero alam ko nang masarap. "Ihahatid ka na lang ni kuya, ah. 'Wag ka nang mamasahe, baka mapaano ka pa. Madilim na rin." Iiling sana ako at sasabihing 'wag na pero biglang lumabas si Ken

