"Bakit mo ba tinatanong? Tingin mo ba, may nasabi ka?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. Hindi agad ito nakasagot. Tila pinag-iisipan niya pa ang sasabihin. Hangga't maaari, hindi ako pwedeng mag-isip ng kung ano-ano. Ayoko ring malaman niya na sinabi niya 'yon... kung sakali mang sinabi niya talaga. Pero kahit 'yong thought na malaman niyang iniisip ko 'to, ayoko ring mangyari 'yon. Tiyak na magiging super awkward at mahihirapan akong makausap siya muli ng walang ilang. "Uh, wala naman. Iniisip ko lang dahil lasing ako no'n. Alam mo naman kapag mga lasing, 'di ba? Iba 'yong nagagawang actions at words..." Napatango ako. "Oo... ewan, hindi naman ako umiinom. Paano ko malalaman?" Napabuntong-hininga siya at umiling. "Bakit nga ba tinanong pa kita tungkol dito?" Bakit parang nagsisi s

