Halos hindi ako nakatulog dahil kay Daen. Noong una, sinubukan kong tumabi sa kanya kama pero feeling ko, illegal! Hayop. Wala naman kasing magkaibigan ang natutulog ng tabi sa kama, 'di ba? Lalo na kapag babae at lalaki pa! Nakokonsensya ako sa wala pero mas okay na 'yong ginawa ko. Naglatag na lang ako sa baba ng kama at doon pinalipas ang gabi. Nakakainis nga, e, dahil hindi pa ako masyado maabot ng electric fan. Hinahangin lang 'yong buhok ko, mas priority pang bigyan ng hangin si Daen. Natatakot naman akong ibaba 'yong pagkakatutok dahil last na ginawa ko 'yon sa electric fan, nabali 'yong ulo. Hindi ko na naman pinagawa, binenta ko na lang. Ang mura nga ng bayad, e. Pinang-meryenda ko lang. Okay na rin kaysa sa wala. 'Yong gamit kong electric fan ngayon, bigay 'to ni Collier. N

