Napaupo ang kaniyang ama at napahawak sa metal na hawakan ng hospital bed.
“Magligpit ka na! Aalis tayo,” walang buhay na sabi ng ama ni Zarina.
Masakit man dahil natututunan nang mahalin ni Zarina si Luke, pero mas pinipili niya na humilom muna.
Makalipas ang apat na taon, ay matatagpuang nagtatatakbo si Zarina sa kahabaan ng daan sa Turkey.
Makapal na usok ang lumalabas sa bawat paghinga ni Zarina dahil sa matinding lamig. Di niya nalaman na magkakaroon pala ng snow storm at kagagaling lang niya sa kanilang architectural firm.
“Bwisit! Bakit kasi di kotseng mapa-niyebe o baha ang binili ko. Sheet! Ang lamig!” reklamo niya, bahagya nang makita ang daan.
“Hello? Chloe? Sabihin mo kay Mama baka di na ako makakauwi. Makapal na ang yelo sa daan. Magpapalipas na lang ako sa hotel!” sigaw ni Zarina sa cellphone at saka nagtungo sa pinakamalapit na hotel.
“Hi, I need a room for one?” sabi ni Zarina sa receptionist.
“I need one too!” biglang sabi ng isang lalaki na nagpatindig ng balahibo ni Zarina.
Lumingon siya para tingnan at laking gulat niya nang nakatingin na sa kaniya si Luke.
“Anong…?”
“Sa wakas, nakita rin kita!” napaka-ganda ng ngiti ni Luke.
“I changed my mind. Sorry!” sabi ni Zarina sa receptionist saka mabilis na naglakad paalis kaso kita niya na malabo na talaga siyang makaalis pa sa tindi ng snow storm.
“We only have one room with one bed left. Today is fully booked!” sabi ng receptionist.
“We’ll get it!” sabi ni Luke at nagbayad agad saka hinila si Zarina.
“Bitawan mo ko! HELP!” nag-palahaw na si Zarina roon.
“No! We are fine. My wife and I had an argument. Sorry for the inconvenience!” sigaw naman ni Luke saka binuhat na si Zarina para di na magdulot ng kung ano pang komusyon.
Pagdating sa kwarto ay binaba ni Luke si Zarina at isinara ang kwarto.
“Anong ginagawa mo rito?Paano mo nalaman na nandito ako?” bulyaw agad ni Zarina.
“Pinaalam ni Chloe. Ng Papa mo at ng Mama mo!” matigas na sabi ni Luke nang masalo ang sampal ni Zarina. “Anong ginagawa ko rito? I want you to marry me!”
Natigilan si Zarina. “Nasisiraan ka ba ng bait?”
“Bakit? Dahil sa ginawa ng Papa ko? Pinakulong ko na si Papa. Ok na ba? Lahat ng shares ni Papa, ibinigay ko na sa Mama mo, dahil kulang pa yon na bayad sa ginawa niya. Zarina, natakot ako na sabihin na ako ang nan-reject sayo dati pero kung iisipin, biktima lang tayo ng gulo nila.”
Natahimik si Zarina dahil hindi madali ang magpakulong ng sariling magulang.
“Kung hindi pa rin sapat at di mo pa rin ako makakayang tanggapin, wala ka nang maririnig sakin. Ni makita ako, sisiguraduhin kong hinding-hindi mo na ako makikita,” seryoso na sabi ni Luke habang nakatingin kay Zarina.
Di nagsalita si Zarina at hinalikan si Luke.
Agresibong mga halik.
Mabilis siyang binuhat ni Luke at inihiga sa kama. Mas bumilis at dumiin ang mga halik nila hanggang sa malunod na sila sa mga damdamin nila. Ang bawat hinga nila sa pagitan ng mga halik ay tila kasing bigat ng taon na nawala sa kanila.
"We can stop, just tell me!" humahangos na sabi ni Luke nang tumigil at tumitig kay Zarina habang humihingal ng malala.
"Touch every bit of me, I need warmth!" sagot ni Zarina na mabilis rin ang bawat paghinga at halatang nilalamig rin ng sobra.
Kinabukasan, iniwan na lang ni Zarina si Luke nang walang kahit anong pasabi.
Umuwi si Zarina sa kanilang bahay at pagkarating ay padabog niyang sinarado ang pinto.
“MGA TRAYDOR!!!!!” palahaw ni Zarina.
Nag-uunahang pumunta sa sala ang kaniyang ina, ama, at ang mag-asawang sina Chloe at Jeremy.
“Anak!” pangunguna ng kaniyang ina.
“Wag kayong mag-iinarte ngayon. Gano ba kahirap intindihin ang salitang ayaw ko makita?” gigil na sabi ni Zarina.
“Anak kumalma ka muna. Nagawa lang namin dahil gusto lang namin na tumigil ka na sa pagtanggi. Palayain mo na ang sarili mo! Anak kasi, maloloko mo ang sarili mo pero kami hindi. Alam namin na mas minamahal mo lang si Luke habang lumilipas ang panahon. Anak napatawad ko na ang Papa niya. Napatawad ko na ang panahon,” sumamo ng kaniyang ina kay Zarina. “Baka oras na rin naman na tanggapin at magpatawad.”
“Ganon na lang yon Ma?”
“Anak, mahirap pero hindi lang naman tayo ang naghirap. Nawalan ng ina si Luke tapos kinailangan niyang ipakulong ang kaniyang ama. Tinigil mo bang mahalin ako at ang Papa mo? Di ba hindi? Anak, nilalaban ka ni Luke,”
“Ma!”
“Anak! Walang kasalanan si Luke!”
“Alam ko po yon pero…” naiiyak na sabi ni Zarina.
“Tara na, hahatid ka na namin kay Luke!” sabi ni Chloe na pulang-pula na sa kaiiyak. “Papangit na ang anak ko dahil sayo!”
“Tara! Baka seryosohin non ang sinabi noon kagabi!” sabi ni Zarina saka pinahid ang mga luha.
Kaso pagdating sa hotel ay wala na roon si Luke.
Ni macontact nina Chloe ay hindi na.
“Kasalanan ko naman,” walang lakas na sabi ni Zarina saka napaupo sa tabing kalsada at humagulgol roon.
Tatlong buwan ang lumipas at wala pa ring balita kay Luke. Umuwi na ang Mama at Papa ni Zarina sa Pinas.
Sina Chloe na lang ang kasama niya.
“HAAAY!” buntong-hininga niya habang naka-upo sa dulo ng bus.
Pauwi na siya dahil may nakaaway na naman siya sa firm.
Masyadong mainit ang ulo niya nitong mga nagdaan na araw. At di niya maunawaan kung bakit. Ngayon nga ay nagalit lang siya dahil sa ayaw niya ng kulay na suot nong co-architect niya.
Ilang oras rin ang byahe at narating niya ang tinutuluyan nila. Amoy niya na agad ang niluluto ni Chloe.
“Andito na ako!” Sigaw ni Zarina saka dali-daling tumakbo sa fireplace at nagpainit.
“Aga ah! Hay! May tumawag sakin, kaibigan ko, napaaway ka na naman daw!” nakapamewang pa si Chloe.
Eto simula nang manganak, parang anak na rin ang turing kay Zarina.
“Ano ulam?” pag-iiba niya sa usapan.
“Tsk! Iibahin pa usapan. Alam ko na. Nainform na ako kasi tumawag ako na baka pwede kang umuwi ng maaga kasi baka mag snow storm na naman eh, on the way kana pala. Haaaay! Niluto ko paborito mo!” buntong hininga ni Chloe sabay umupo sa sofa sa likod ni Zarina at tinuyo ng towel na maligamgam ang buhok.
“Thank you! Para kong masisiraan ng bait pag di nakakain niyan!”
“Hay nako, mamaya buntis ka ha!”
“Ano, bulate lang? Self-reproduction? Kaya pang makagala ako eh bantay sarado ako ng mga walang kwentang tauhan ni Papa. Kala nila di ko sila namamalayan na nakasunod lagi sakin?”
“Ba, mamaya sa sama ng loob mo…”
“Ok! Tara na, kain na tayo. Baka magutom ang inaanak ko! Baka ma-haggard siya,” pagputol niya sa nagbabadyang pagsisermon ni Chloe.
Pagkakain, lumabas si Zarina para maglinis ng harapan nila dahil punong-puno na ng yelo, baka makadulas pa.
Kinuha niya sa gilid ng tool room ang pala at nagsimula nang mag-alis ng mga snow.
Maganda ang lugar na napuntahan nina Zarina lalo na pagka hindi winter season. Sumama siya kina Chloe pag-alis ng kaniyang mga magulang.
Habang nagpapala, naramdaman na naman ni Zarina ang pakiramdam na hindi niya talaga gusto. Lumingon-lingon siya at saka tumakbo papalapit sa taong alam niyang ilang panahon na silang minamatsagan.
Kahit malabo pa ang paligid dahil sa dulot ng snow storm, ay alam niyang dapat matigil na ang pagsunod sa kanila.
Sinugod niya ang lalaki saka hinampas ng pala ang tagiliran nito.
Pagtumba ay saka pumatong siya sa lalaki para i-lock ang mga braso at saka iniamba na naman ang pala.
“Tumigil ka na ha! Sabihin mo kay Papa hindi ako magpapatiwakal!” sigaw ni Zarina sa lalaki.
“Zarina,” usal ng lalaki.
Nalaglag ang panga ni Zarina nang marinig ang boses na matagal niyang inintay. “Luke?”
Sa mga oras na iyon ay parang himala na nagliwanag ang paligid. Nawala ang kapal ng yelo.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Parang sasabog ang puso niya sa saya. At sa di inaasahang pangyayari ay nawalan ng malay si Zarina.
Nagising siya sa ospital at ngawa ni Chloe ang bumungad sa kaniya.
Pero iba ang hinahanap niya.
“ZARIII!!”
“Tsk! Buhay pa ako!”
“Alam ko!” biglang change mood si Chloe.
“Nalamigan ata ako!” sabi ni Zarina saka bumangon sa pagkakahiga.
“Bwisit ka!” biglang hampas ni Chloe sa braso ni Zarina.
“Bakit?” ungot niya.
Mamaya-maya nga ay may pumasok na doctor at nasa likod nito si Luke.
May dalang pagkain.
“Hi Doc! You came here so, something serious?” usisa ni Zarina.
“Ah no! I just wanted to say that you really should be careful from now on. No strenuous activities, you might lose one of your twins. Ok? Congratulations! Take care. This is the card of the ob-gyne that I highly recommend. Visit her, ok? Bye!”
Natanga naman si Zarina.
“Buntis ako? At kambal pa?” bulong ni Zarina.
“Zarina,” kinakabahang sabi ni Luke.
“Tsk! Anong ginagawa mo rito?”
“Nagpa-miss sana ako…kaso hindi ka nga pala marunong non,”
“Expired na ba yong tanong mo sakin three months ago?” tanong niya bigla kay Luke.
Ngumisi naman si Luke. “Hindi naman tanong yon Zarina. Utos yon! Now, please, be my wife. Para sa babies natin!”
Si Chloe parang mababaliw sa katitili.
“Ok!” maiksing sagot ni Zarina. “Sorry nga pala.”
“All is forgiven!” nakangiting sabi ni Luke. “I love you, Zarina.”
“Te I love you daw!” singit ni Chloe.
“Dinig ko. Panira! Labas!” irap no Zarina kay Chloe saka tumingin kay Luke. “I love you too.”
Nagpakasal sila ni Luke. Naging gamot nila ang isa’t-isa para sa paghilom ng kanilang mga sugat. Nakakatakot pero pinangako nila na lagi nilang pipiliin ang magpatawad.