Sunset Beneath His Touches (Part I)
!!! DISCLAIMER!!!
***Warm me up, Cassandra is not a novel but a part of a compilation of various short love stories. Enjoy everyone!***
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Good evening, Client 0423! I am Sunset, and I’ll be your bed companion for tonight!”
Pilit ang mga ngiti at malamlam ang mga matang bati ni Zarina sa isang lalaki sa loob ng isang madilim at malamig na kwarto na ang tanging liwanag ay nanggagaling sa lamp shade sa bedside table.
“Take your clothes off!” utos ng lalaki.
Napatingin sa baba ng saglit si Zarina at umiling. Saka binalik ang tingin sa lalaki sabay buntong-hininga. “Sir, nabasa niyo ho ba ang terms and conditions ng services namin?” mahinahon na saad niya.
Tumayo ang lalaki mula sa pagkakaupo, ibinaba ang librong binabasa sa sofa, at marahang naglakad palapit kay Zarina. Wala itong suot na pang-itaas kaya mababakas sa malamlam na ilaw ang magandang structure ng katawan nito, “Bayad ka na kaya gawin mo kung ano ang gusto ko!”
Napaatras si Zarina at napakuyom ang mga kamay. “Pero po, wala po sa services namin ang hinihingi niyo,” nagtitimping sagot niya.
“Aba at talagang nagmamatigas ka pa! Dagdag ba ang gusto mo?” saad ng lalaki saka tumigil sa harapan ni Zarina, tinitigan siya ng malaswa, at ngumisi. “Ganito ba ang pakana mo para makadagdag? Baka mamaya sa dami ng gumamit sayo, di na ako masayahan. Nag-iinarte ay salot lang naman kayo sa lipunan.”
Ang malamlam na mga mata ni Zarina ay napalitan ng matinding galit pero di niya mapakawalan dahil baka mawalan siya ng trabaho.
“I’ll get you a refund…Sir! Sorry for the inconvenience! Mauuna na ho ako,” lunok-pride na saad ni Zarina para di na magkagulo.
Nang masabi ang kaniyang paalam ay tumalikod na si Zarina para umalis pero natigilan siya nang magsalita ang lalaki.
“Edferer Montenegro, Hafrey’s CEO, nag-avail ng service mo three years ago. Ama ko siya. Dahil sa lecheng Bed Companion na yan, nagpakamatay ang mama ko. Dahil sa pagkabit mo kay Papa, nawalan ako ng ina at pamilya. Kung tutuusin, walang buhay dapat ang nasasayang sa mga kagaya mo. Dahil tinatapon kayo!”
Binitawan ni Zarina ang hawak na bag, humarap, at napuno ng iritasyon ang kaniyang mukha. “I’m sorry, Sir! Hindi po kita nauunawaan! Dalawang taon pa lang akong nagtatrabaho sa…”
“Tumahimik ka!” Pwersahang hinigit ng lalaki si Zarina at hinagis pahiga sa kama sabay umibabaw. “Hindi mo naman talaga mauunawaan dahil ang alam mo lang ay kumita ng pera kahit makasira ka ng buhay ng tao!” gigil na sabi nito habang pinipigil ang dalawang braso ni Zarina.
“Ano ba ang sinasabi mo? Hindi ko talaga alam!” nagkukumawalang reklamo ni Zarina mula sa pagkakahawak ng lalaki.
“Ah sabagay sa dami ng lalaki na naging kliyente mo at kinabitan mo, mahirap na nga pala malaman!”
“Aalis na lang ho ako, Sir!” halos pabulong na sabi ni Zarina saka tinulak ang lalaki at tumayo mula sa kama.
Galit na lumabas si Zarina ng kwarto at nagsuot ng shades pagkasakay sa elevator. Kita niya ang pagsunod ng lalaki sa kaniya bago sumara ang pinto ng elevator.
Pagbaba ng hotel ay tumama agad ang paningin sa limang lalaki na nakasuot ng itim na suit sa entrance ng building.
Napahinga ng malalim si Zarina bago kinuha ang cellphone sa bag na kanina pa nagva-vibrate.
“Hello?” usal ni Zarina nang sagutin ang tawag, nakatitig sa mga lalaki na halatang siya ang binabantayan.
“Zarina! Ang Mama mo! Nasa ospital kami!”
Napalaki ang mga mata niya sa narinig at napuno na siya ng mas matinding galit. “Sige, papunta na ako!”
Pagkasabi ay binaba na niya ang tawag saka mabilis na tumakbo para sugurin ang mga lalaki.
Wala namang silbi kung magpupumilit siyang tumakas, mas mabuti pang tapusin na niya agad.
Pero nagulat si Zarina nang tulungan siya ng kliyente niyang lalaki sa pakikipaglaban kaya wala pang sampung minuto ay napatumba na nilang dalawa ang mga lalaking nakasuot ng itim na suit.
Mabilis na tumakbo si Zarina palabas dahil mamaya ay masundan pa siya ng mga iyon. Kaso, paglabas niya sa hotel ay hinablot siya ng kaniyang kliyente lalaki at marahas na hinila papalapit sa isang magarang sasakyan.
“HOY! Bitawan mo ako! Wala talaga akong alam sa sinasabi mo. Kung yong pera, ire-refund ko naman!” nagsisisigaw na si Zarina habang nakatingin sa mga nagdadaanan na mga tao.
Di naman sumagot ang lalaki at diretso lang sa paghila kay Zarina.
“Ah bwisit!” bulong ni Zarina saka sinubukan na makawala sa pagkakahawak ng lalaki.
“Nag-aaksaya ka lang ng pagod! Sa itsura mo ngayon, huwag ka ng umasa na may magtatangka na tumulong sayo,” malalim at maawtoridad na sabi ng lalaki.
Hinila na ulit ng lalaki si Zarina at nagpatuloy sa paglalakad.
Tumigil ito sa gilid ng isang magarang kotse at binuksan ang pinto ng sasakyan.
Hinigit ni Zarina ang kaniyang kamay at nagkusa nang sumakay sa kotse.
Isinara ng lalaki ang pinto at umikot saka sumakay naman sa driver’s seat.
“Ano ba talaga ang gusto mo sakin?” diretso ang tingin at walang buhay na tanong ni Zarina, bawat salita ay mas lumalalim ang kaniyang pahinga.
Inayos ng lalaki ang seatbelt at preskong inayos ang suot nitong coat bago nagsalita, “Maniningil ako! At wala kang magagawa kundi…”
“Wala kasi akong oras ngayon!” putol ni Zarina sa lalaki. “May pupuntahan ako. Mag re-sched ka na lang.”
Bakas sa mukha ni Zarina na wala siyang kahit katiting na interes sa lalaki.
Napatawa naman ng bahagya ang lalaki.
“I’m Luke Montenegro! At wala akong…”
“Teka lang, may tumatawag.” Putol na naman sa kaniya ni Zarina.
Kinuha ni Zarina ang cellphone sa bag at sinagot ang tawag.
“Oh? Sige, malapit na ako!” maiksing tugon ni Zarina saka ibinaba ang tawag. “Pasensiya na, pero may importante talaga akong lakad. Bibigyan na lang kita ng discount sa re-sched mo,” sabi ni Zarina at akma nang lalabas ng kotse nang biglang mag-lock ang mga pinto nito.
Napaharap si Zarina na nagpupuyos sa galit.
“Hoy! Anong problema mo?” bulyaw niya kay Luke.
“Sa tingin mo talaga ay habol ko sayo ang serbisyo mo? Gamit ka na, at di ako mag-aaksaya ng pera sa kagaya mo. Ang mga kagaya mo, walang pinahahalagahan kundi per…”
“Paulit-ulit ka! Malaki kang abala!” gigil na saad ni Zarina pagkatapos na paliparan si Luke ng napakalakas na sampal.
Humawak si Luke sa pisngi at mas ngumiti pa ito.
Humahangos sa galit si Zarina na sinigawan na naman si Luke, “Buksan mo ang pinto! Hindi mo ako kilala para husgahan ng pabasta-basta. Pag naubos pasensiya ko, ipapaubos ko rin ang lahat sayo!”
Nawala ang ngiti ni Luke at sumeryoso ang mukha bago ina-unlock nito ang pinto at mabilis pa sa segundo na tumakbo palabas si Zarina.
Mula sa sasakyan ay nakasunod ang tingin ni Luke kay Zarina.
Samantalang si Zarina, ay pumara ng taxi at sumakay agad.
Pero dahil gabi na rin ay na-stuck na siya sa traffic.
“Manong dito na lang ho ako,” sabi ni Zarina sa driver at nagbayad.
Pagbaba ay nagulat pa si Zarina nang may tumigil na motorsiklo sa harapan niya.
“Sakay!” sabi ng lalaki na nagmamaneho ng motor.
Itinaas ng lalaki ang helmet at namukhaan agad ito ni Zarina.
“Ano na naman ba?” asar na tanong ni Zarina kay Luke.
“Umangkas ka na, ihahatid na kita sa pupuntahan mo!”
Dahil malayo pa talaga ang ospital ay umangkas na si Zarina.
“Sa ospital!” sabi ni Zarina.
Mabilis na nagmaneho si Luke at di nga naglaon ay nakarating na sila sa ospital.
Bumaba si Zarina sa motor at nag-singit ng bayad sa jacket ni Luke, “Ayoko ng utang na loob!”
Tumakbo na si Zarina papasok ng ospital at nagtanong sa admission clerk. “Florida Fuentes po?”
“Sige po, Mam. Tingnan ko lang po,” sabi ng receptionist.
“Pakibilis po!” sabi ni Zarina pero awtomatikong nagsalubong naman ang mga kilay nang makita si Luke na naglalakad palapit sa kaniya.
“Te bilis!”
“Yes po Mam, Florida Fuentes, room…” uutal-utal na ang nurse sa takot dahil di mapalagay sa mga pasa sa mukha ni Zarina.
“Ang tagal!” sabi ni Zarina saka hinarap na ang monitor sa kaniya at mabilis na nagtungo kung saan ang room ng kaniyang ina.
Nawala na sa isipan niya si Luke at di na nilingon kung sumusunod pa rin ito.
Nadatnan niyang nakaratay sa sahig ang kaniyang ina, at pilit na gumagapang papunta sa c.r.
“Ma!” sigaw ni Zarina saka tumakbo at lumuhod sa harapan ng kaniyang ina.
Tumingin ang kaniyang ina kay Zarina na walang-kabuhay-buhay.
“Ma, bakit andito ka? Nasaan si Chloe?” usisa ni Zarina saka akmang hahawakan niya ang kaniyang ina para tulungang tumayo nang sampalin siya nito.
“Lumayo ka!” galit na sabi ng kaniyang ina.
Napahawak sa pisngi si Zarina at di mapigilang mapangiwi sa inasal ng ina.
“Marumi ka! Lumayo ka!” mas gigil na duro ng kaniyang ina.