Sunset Beneath His Touches (Part II)

1705 Words
“Tulungan ko lang po kayong tumayo,” nagtitimpi na sabi ni Zarina at pinilit na buhatin ang lumpong ina kahit na diresto ito sa pagwawala at pananakit sa kaniya. Sanay naman na si Zarina. Ilang kalmot o sabunot o sampal pa ay di na niya inaalintana. “Tumigil ka na, Ma! Pinapagod mo ang sarili mo!” hirap na hirap na sabi ni Zarina. “Hindi! Hindi ako titigil! Kasalanan mo lahat to!” “Ma naman!” Natigil lang ang komusyon nilang mag-ina nang dumating si Chloe. “Zarina!” sigaw ng malapit na kaibigan niya na si Chloe na hahangos-hangos na galing sa labas. “Tulungan mo ako,” utos ni Zarina sa kaibigan. “Ok, ok!” sabi nito na binaba lang ang mga bitbit na pagkain. Pinagtulungan nilang ihiga sa kama ang ina ni Zarina saka sabay silang napaupo sa sahig dahil sa pagod. “Chloe, tumawag ka ng doctor. Kailangan pakalmahin si Mama kung hindi, matatagalan tayo rito sa ospital,” pawis na pawis na sabi ni Zarina. Tumayo si Chloe at mabilis na tumakbo dahil nagpupumilit na naman ang ina ni Zarina na makaalis sa kama. Nakabalik agad si Chloe kasama ang doctor ng ina ni Zarina at tinurukan ito ng pampatulog. “Zarina, mag-usap tayo ha!” sabi ng doctor. “Mag-usap na tayo,” matamlay na saad ni Zarina sa doctor bago ibinaling ang tingin sa kaibigang babae. “Chloe labas!” “Ah wow naman te, baka naman gusto mo kong igalang ng kaunti. Baka nalilimutan mong libre ang pag-aalaga ko sa nanay mo na pinaglihi kay lusiper! Ang yaman-yaman ko, ginaganito mo ako…” “Tama na, Chloe. Mas mayaman ako sayo!” mas lumamig pa ang tono ng boses ni Zarina. “Dati yon!” galit na sabi ni Chloe saka binitbit na ang mga dalang pagkain palabas. Pagkasarado ng pinto ay naupo si Zarina sa sofa, “Oh, simulan mo na.” “Zarina, wag ka naman ganito oh!” sumamo ng doctor. “Jeremy, please! Sige na, dahil pagod na pagod na ako!” Bumuntong-hininga ang doctor at kumuha ng med kit sa cabinet sa tabi ng kama na kinahihigaan ng mama ni Zarina. “Mauubos na ang pera para sa pagpapagamot ni Tita. At base sa test na ginawa namin ngayon, lumaki na ang bukol sa utak niya,” mahinahon na sabi nito saka naupo sa tabi ni Zarina at ginamot ang mga sugat sa mukha. “Ooperahan na ba?” tanong ni Zarina habang hinahaplos ang mga band-aids na nilagay ni Jeremy. “Oo dapat,” “Kailan pwede operahan?” “Anytime ay dapat maoperahan na siya, kaso, di kasya ang ipon ko para i-cover muna ang pambayad. Sina Mama at Papa, ayaw naman akong tulungan…” “Jeremy, hindi ako charity. Sabihin mo kung magkano. Ako nang bahala! Sige na, umalis ka na. magpapahinga na ako,” sabi ni Zarina. Tumayo naman si Jeremy at hinubad ang doctor’s gown nito sunod ang pang-ilalim na polo. Natira na lang ang puting t-shirt. “Or you can go back and live the life you should be living. Hayaan mong tulungan ka ng mga taong gustong tumulong sayo. Oh, magpalit ka! Saka no stresses na kay Tita, or magco-collapse na lang siya,” sabi nito pagkatapos na iabot ang polo at lumabas na. Pagbukas ng pinto ay pumasok na rin agad si Chloe. “Umuwi ka na rin, ako na muna bahala rito!” turan ni Zarina kay Chloe. “Seryoso? Ako pa talaga paalisin mo? Tsk! O kumain ka na muna!” alok ni Chloe at umupo sa tabi ni Zarina sabay nanlambing na daig mo pa ang pusa. “Ano na ang balak mo? May pasa ka na naman!” “Hinarang na naman ako ng mga tauhan ni Papa,” sabi ni Zarina at inayos ang unan sa sofa. “May interview ako bukas, pag wala pa ring mangyayari, baka doblehin ko na ang offer ko sa BC,” “Ayan ka na naman sa interview. Alam mong mahaharang lang ng Papa mo yan. Halos lahat ata ng mga kumpanya sa buong bansa, Papa mo ang top shareholder. Teka yong interview ba na tinutukoy mo ay yong offer sayo ni Wilfred?” “Oo,” “Takado talaga ako sa sobrang paniniwala mo kay Wilfred eh niloloko ka lang non,” “Chloe, hanggat di ko nakikita mismo na niloloko ako ni Wilfred, maniniwala ako sa kaniya,” “Ano naman ang gagawin mo kung makita mong niloloko ka ni Wilfred?” “Wala, eh di titigil na ako,” “Haay! Kasalanan talaga ito nong abnormal na nan-reject sayo noon sa village. Pero…ayaw mo pa ba talagang bumalik sa village? Sa Papa mo? Alam mo di mo naman talaga kailangan kumayod ng kaganiyan, sigurado pang mapapadali ang pag-galing ni Tita dahil sa yaman ng Papa mo!” “Chloe, bakit ako ang babalik ay kami ang iniwan?” buntong-hininga ni Zarina. “Sige na, matulog ka na.” “Tsk! Magpapa-interview pero ganiyan kabangasan ang mukha mo. Hay nako,” usal ni Chloe saka hinigit si Zarina pahiga sa kaniyang hita. “Matulog ka na dahil alam kong pagod ka.” Kinabukasan, maagang nagtungo sa opisina ni Jeremy si Zarina para sa paghahanda niya sa interview. Wala pa si Jeremy nang pumasok siya sa opisina nito. Diretso na siya sa c.r. dahil nakasanayan na niya iyon. Matapos maligo at magsuot ng damit, ay lumabas na si Zarina. “Jeremy! Salamat, una na ako!” dali-daling sigaw ni Zarina na may towel pa ang ulo, di nag-abala pang lumingon para tingnan kung nakarating na ang kaibigan. “Teka!” pigil sa kaniya ni Jeremy. Natigil si Zarina sa pagbukas ng pinto at humarap. “Inagahan ko na nga para di mo ko sitahin. Bakit?” inis na tanong ni Zarina. Umiling naman si Jeremy at tumayo sabay may kinuhang bag mula sa ilalim ng desk nito. “Sinabi sakin ni Chloe na may interview ka raw. At alam ko na kung ano na naman lang ang susuotin mo. O, wag ka mag-alala di yan bagong bili. Sa ukay ko yan binili,” usal nito saka inabot ang bag kay Zarina. “Wag na ok na to,” “Isa Zarina! Kung gusto mong makuha sa trabaho, dapat mukha kang katanggap-tanggap! Sige na, bago pa mag-init ang ulo ko at ako ang magpalit sayo!” “Kararating pa lang, bwisit!” “Ano Zarina?” “Wala!” Mabilis na bumalik si Zarina at nagpalit ng damit na bigay ni Jeremy. Mabilis lang siyang nagbihis at lumabas ng banyo. “Oh, ok na ba? Hiyang-hiya ako sa ukayan na pinagbilhan mo. 10k sa palda? Babalik ko na lang pagtapos!” sabi ni Zarina saka lumabas na ng opisina. “Welcome!” pahabol pang sigaw ni Jeremy. Naglakad na pabalik si Zarina sa kwarto ng kaniyang ina, bubuksan na niya ang pinto nang saglit siyang matigilan. Matagal na niyang nararamdaman na may sumusunod sa kaniya pero di niya lang pinapansin at ngayon, parang nahagip ng kaniyang mata ang lalaking kliyente niya kagabi, kasing pigura ng lalaking matagal nang sumusunod sa kaniya. “Hoy Zari, bibili lang ako ng makakain ha! Intayin mo na lang ako. Mi-make-upan pa kita nang maitago ang mga pasa mo!” tawag ni Chloe kay Zarina na lalabas para bumili ng pagkain kahit mukhang kagagaling lang nito sa hospital’s canteen. “Sige!” maiksing sagot ni Zarina kaya nawala ang pansin sa tinitingnan na lalaki. Pagbukas niya ng pinto ay sabay rin ang pag-bagsak ng kaniyang wallet sa sahig. “Ma, anong ginagawa mo?” tanong ni Zarina nang makapasok at maisara ang pinto sa kaniyang likuran. “Lalabas na ako ngayon. Kumuha na ako ng pang-aliw-aliw ko dahil malapit naman na akong mamatay! Na hindi sana mangyayari kung hindi ka mayabang. Kung hindi ka sana maarte! Kasalanan mo talaga lahat ito!” tuloy-tuloy na sabi ng kaniyang ina. Napakuyom ang mga kamay ni Zarina. “Sapat na ba yan?” nagtitimping tanong niya. “Bakit? Ah, sabagay, isang lalaki lang pala ay kayang-kaya mo na eh no? May utang ako sa limang tindahan sa labasan ng barangay natin, may utang rin ako sa sugalan sa kanto,” “Yon lang ba? Sige ako nang bahala! At di ka mamamatay! Akong bahala sayo kagaya ng pangako noong gabi na muntik ka na mapatay ni Papa dahil sa kabit niya. Dahil ipinagpipilitan mo ang sarili mo sa taong ayaw naman na sayo. Kung kasalanan ko na inilayo kita sa buhay na ganon, sorry Ma! Susubukan kong magbayad sayo habang nabubuhay ako!” nangingilid ang luha ni Zarina at kinuha ang bag sa sofa. “Kumain ka.” Padabog na lumabas si Zarina at nilagpasan na lang si Chloe nang makasalubong ito. “Te! Anong…” “Bantayan mo si Mama!” maiksing sabi ni Zarina na di na nag-abalang lingunin ang kaibigan. Dire-diretso si Zarina patungo sa elevator nang matigilan siya. Sa mga oras na iyon ay sabay niyang pumindot ng elevator si Wilfred. Pormal ang suot nito habang nakaakbay sa isang babae na malaki na ang kabuntisan. “Za…Zarina?” uutal-utal na sabi nito. “Wilfred,” “Zarina, pasensiya na ha! Di ko naman gustong lokohin ka kaso, mahirap ka na kasi ngayon. At nakakahiya sa pamilya ko kung malalaman nila ang trabaho mo!” walang-modong saad nito. Ngumisi si Zarina. “Ah okay! Sige!” Bumitaw ito sa pagkaka-akbay sa babae. “Yon lang sasabihin mo?” “Ah oo. Bakit ano pa ba dapat?” “Totoo nga, di mo manlang ako minahal,” “Minahal kita pero, hindi naman sobra na kailangan kong ipagpilitan ang sarili ko. Sige mauna na ako! Congrats sa baby niyo,” akmang hahakbang na paalis si Zarina nang tumigil siya at humarap sa babae. “Ay wait, Hillary? Right? Sana kay Wilfred talaga yan.” Ismid ni Zarina saka pumasok na sa elevator nang magbukas na ito. “Aba at ang bastos…” susugod sana si Wilfred kay Zarina nang may lalaking lumagpas rito at tuloy-tuloy sa loob ng elevator. “Hi, Love! Sorry nag-intay ka!” sabi ni Luke at walang pasabing hinalikan si Zarina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD