Kinabukasan, 6pm to 6am ang shift ni Liam kaya maaga silang namalengke ni Jali. "Oy Liam, alam kong successful kana at lahat pero...kung gusto mo lang dahil baka talagang tinadhanang mag-isa ka nalang sa buhay, fill-upan mo na yong application sa pagpapari," sabi ni Jali habang namimili ng mga pang-bake. “Hay nako, Jali. Ang umay. Pero tingnan ko," sagot ni Liam dahil kung wala siyang mapapala kay Athena, ay baka i-consider na niya ang pagpapari. "Tara sa detergent section," yaya ni Jali. "Bakit marami pa naman tayong sabon sa bahay," "Kay Athena, alam mo naman yon ang babaeng hindi nauubusan ng labahin," “Baka kamo, babaeng di maubusan ng gawain. Pero ako na ang maghahatid," presenta agad ni Liam. "Sige, maraming pa-order si nanay kaya tutulong na ako. Sabihin mo nalang na pagtapos

