"Ahhh, isang kababayan na naman ang aangat sa buhay!" bulong ng mga nakapaligid sa kanila at isa-isa nang nagsi-alisan. "Jane, andito na ang ambulansya!" Anunsiyo ni Aaron kaya tumayo na si Jane at nagpagpag ng mga buhangin na natuyo na sa kaniyang mga palad at tuhod. Dalawang lalaki ang dumating para ilagay sa stretcher ang lalaki na nag-ngangalang Harry. "Jane, to the office," utos ng isang babae na mukhang nasa late 40’s na at bakas sa boses nito ang awtoridad habang nakasimangot, imbes na maging masaya sa pagliligtas na ginawa ni Jane. "Ok," nakayuko na sagot ni Jane saka sumunod sa babae sa opisina. "Jane, sinuspinde kita," walang kagatol-gatol na sabi ng babae nang makarating sa office. "Pero bakit? Wow, niligtas ko siya tapos suspendido pa ako?" di makapaniwalang sumbat ni Jan

