Episode - 6

2147 Words
"Woww!" Bulalas ko pagbaba palang namin ng chopper. "Ang ganda dito Ace." Sigaw ko dahil maingay ang tunog ng chopper habang pumapailanglang ito sa himpapawid paalis. Umikot-ikot pa ako habang nakadipa. Para namnamin ang sariwang hangin. At ang tanging mariirinig lang ang mga huni ng iba't ibang uri ng ibon at ang lagaslas ng alon ng dagat. Puti ang buhangin nito na parang ang sarap yapakan. Ramdam ko rin ang mga bisig niyang pumulopot sa bewang ko at iniangat ako sa ere kaya natawa ako sa ginawa niya para kaming mga batang tuwang tuwa. Taas ang dalawa kung mga kamay na pinaiikot-ikot niya. "Do you like this place Hon? This our private island. Kung gusto kung mapag-isa dito ako nagpupunta. Kami ng mga kapatid ko." Aniya. Kita ang saya sa kanyang mga mata. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa ganitong lugar para kang nasa paraiso napakaganda ng paligid. Idagdag pa ang asul na dagat sa di kalayuan sa amin. "Pang-ilan na kaya akong babaing dinala mo rito?" Saad ko nalang. Malakas na tawa lang sinagot niya. "No one Honey ikaw palang dinala ko dito at hindi ako nagdadala dito ng babae. Pribado ito at hindi kami nagdadala ng babae dito maliban nalang kung asawa namin. Kaya ikaw palang ang kauna-unahang babaing dinala ko dito. At gusto ko pag-kinasal tayo dito rin tayo pakakasal. Sila Mommy at Daddy dito kinasal, sila Kuya Franz dito rin sila kinasal, si Kuya Wyatt malamang dito rin yun." Mahabang wika niya. "Pasok na muna tayo sa bahay, bukas nalang kita ililibut. Kailangan na muna natin kumain bago tayo magkulong sa kwarto at tayo naman ang magkainan." Dugtong niya, kaya nahampas ko siya sa braso. Malakas na halakhak ang pumupuno sa isla. Bigay tudo siya kung tumawa. Kaya napasimagot ako. Pero kinabig lang niya ako payakap. "You're so cute when you are blushing Honey and i love it." Anas niya at kinintalan ako ng halik sa noo. "Let's go inside." Yaya na niya at hinila na ako sa kamay. "Sa Mommy mo pala itong isla." Usal ko ng mabasa ang nangingintab na kulay gintong titik na pangalan ng Mommy niya sa taas ng mansyon. "Yeah, actually regalo daw ng Lolo ni Daddy ito sa kanya nuong bata palang siya, kaya lang ipinangalan ni Daddy kay Mommy. Ito ang pinaka-sanctuary naming magkakapatid. "Magandang hapon po Señorito, ma'am." Bati ng isang matandang babae pagpasok namin sa bahay. "Manang si Zinayah ho, fiance ko." Pakilala niya sa akin. "Pwede na po kayung umuwi kami na bahala dito." Dagdag pa niya. Inilibut ko ang paningin ko sa kabuoan ng living room kita sa mga gamit na hindi biro ang halaga. Materyales pwerte ika nga. Kumikintab na marmol ang sahig na may nakalatag na carpet sa gitna. Puro narra ang ibang cabinet. May napakalaking chandelier sa gitna ng kisaming nakasabit may palawit ng kumikinang na animo mga kristal. Talagang ipinapakita lang kung gaano sila kayaman. Kaya maging sa isang liblib na lugar tulad nito may mansyon silang napakaganda. Para kang nasa gitna ng paraiso. At wala daw nangangahas pumasok dito, takot sa kanila. Isang pamilya ba naman sila ng military, sino bang hindi matatakot mabaril ng wala sa oras sa kaunting pagkakamali lang nila. "Sige po Señorito may mga nailuto na po kaming pagkain sa kusina. Kompleto narin po lahat ng gamit na sinabi ninyo at kung may kulang pa magsabi lang po kayo. Mauna na po kami." Mahabang ani ng may edad ng babae. Nakangiti siyang nagpaalam sa amin kasama pa ang isang lalaking kaedad lang niya at isa pang babae na mas bata sa kanila. "Gutom ka na ba? Tingnan natin kung ano niluto nila." Saad niya at hinila na ako sa kusina. Amoy ko ang aroma ng mga ginamit na ingredients pagpasok namin sa kitchen kaya natatakam kung binuksan ang mga kaldero at kawali isa-isa. "Hhmm.. Ang bago naman ng luto nila. Nakakagutom." Usal ko. Ramdam ko naman ang mga bisig niyang pumuloput sa bewang ko. Pansin kung simula palang kanina lagi na siyang nakayap sa akin parang mawawala ako. "Pwede na tayung kumain nakakagutom." Aniko at kinalas ang mga braso niya dahil nagiinit din ako sa mga ginagawa niya. Nadadarang ako sa init na nagmumula sa kanya na parang apoy na tumutupok sa kahinaan ko bilang babae. "Ok, tulongan na kita para maaga rin tayung makatapos." May pilyong ngiti niyang usal sa akin sabay kindat kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. At tulad ng dati tawa lang iginaganti niya sa akin. "Hon this is our honeymoon, at ang tangal kung hinintay ito. Ang masarili ka.Yung tayong dalawa lang ang magkasama walang asungot. Walang pusang laging nakapulot sa braso at binti mo. Kaya ni halik hindi kita mahagkan kahit gustong-kitang yakapin hindi ko magawa. Hindi ko alam sa iyo kung bakit lagi mong kasama yung chaperone mo hindi naman kita rerepin." Litanya niya. Kaya tumingkiyad ako at pinatakan siya ng halik sa labi dahil mukang nagtatampo na naman siya. "Hayaan nalang natin siya at unawain, wala kasing kapatid yun at nag-iisa. Mukhang hindi rin niya makasundo ang mga magulang niya. Naaawa lang ako sa kanya. Ako lang kakampi niya." Katwiran ko. "Upo na para makakain na tayo, alam kung gutom ka narin, kanina kaunti lang kinain mo." Usal ko. . ......End of the Flashback...... . "Sir kape po ninyo."Aniya kaya naipilig ko ang aking ulo ng bumalik ako sa wisyo. At muling pinasadahan ng tingin ang palibut, lahat ng gamit namin siya ang namili. Lahat ng gusto niya ang binili namin. Dahil wala siyang nakuhang gamit sa apartment niya, pinaiwan lahat ni Devora. Siya ang tumira dun, bandang huli nalaman kung si Zinayah parin pala ang nagbabayad ng rental ng apartment. Wala akung nagawa sa mga katwiran niya. Magaling siyang mangatwiran at napakabait niyang kaibigan kaya inaabuso siya ni Devora. Mahilig din siyang magluto, minsan nagbe-bake din siya ng mga cakes. "Manang pwede ka na munang umuwi tatawagan nalang kita. Dito muna ako matutulog ng ilang araw aniko. At naglakad patungo sa hagdanan. Pagpasok ko sa kwarto namin napabuntong hininga nalang ako. Wala parin nagbago, ilang taon na ang lumipas at ilang taon din kaming nanirahan dito. At bawat araw namin masaya kami, laging tulong sa lahat ng bagay maging sa gawaing bahay. Kompleto parin ang mga gamit niya, walang nabawas kahit isa. Wala siyang kinuha nuon pinalayas ko siya. Marahil binilhan siya ng lalaki niya. Inipon ko ang mga damit niyang naka-hanger at niyakap, sa ganito ko nalang siya mayayakap. Dahil may iba na siyang kayakap ngayon at hindi na ako. "Sana maligaya ka ngayon sa piniling ng lalaki na makakasama mo. Ikaw parin ang mahal ko hanggang ngayon at kahit magpakasal ako sa iba ikaw lang ang laman ng puso ko. Sana dumating ang araw na malimutan din kita tulad ng paglimot mo sa akin. Maging maligaya tulad mo, mag-kaanak din tulad mo. Babaunin ko lahat ng magagandang mga ala-ala mo. Sana magkita tayung muli sa ibang pagkakataon." Bulong kung usal sa kawalan na hindi namalayang ang pag-agus ng aking mga luha. Inisa-isa ko pang buksan ang mga drawers namin lahat mga gamit na binigay ko sa kanya kompleto, mga alahas niya naiwan lahat at mukhan wala yata siyang nadala. Isa-isa kung pinasadahan ng mga daliri ko ang mga ito, habang patuloy na umaagus ang aking luha sa pisngi. "Paalam mahal kung Zinayah. Mananatiling mga ala-ala nalang ang lahat." Usal ko pa. Lumabas ako ng walk in closet namin at nahiga sa kama namin. Dito kami madalas maglambingan. Dito ko ipinadadama sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kaya naiinis ako kung nakikita ang kaibigan niyang nakahiga dito at madalas suot pa niya ang damit ni Zinayah. Ngayon alam ko na kung bakit niya ginagawa yun, may gusto siya sa akin at iniisip niyang mapagkamalan ko siyang si Zinayah. Ipinikit niya ang mga mata upang makapagpahinga. At isang bagay ang nabuo sa isipan niya. Naalimpungatan siyang kumakalam ang sikmura. Hindi niya namalayan nakatulog siya ng mahabang oras. Kaya bumangon siya at nagtuloy sa cr upang mag shower. Kaagad din siyang bumababa paglabas ng cr at nagtungo sa kusina upang maghanda ng sariling pagkain. At bawat makita niyang mga gamit nagpapaalala sa kanya ng nakaraan. "Masasanay din akong wala ka na. At sisikapin ko rin maging isang mabuting asawa at ama ng kaibigan mo at ng magiging anak namin. Ipipre-served ko nalang ang bahay na ito para manatili ang magagandang mga ala-ala natin. At pagnalulungkot ako dito ako mananatili para alalahanin ang mga nakaraan natin." Kausap ko sa hangin. Para na akung baliw na nagsasalitang mag-isa. Alam kung walang nakakarinig sa akin dahil kung meron sasabihin nilang nasisiraan na ako ng bait. Ilang araw din akung nagkulong sa dati namin bahay ni Zinayah. Kaya bumalik na naman ang sakit na dulot ng paghihiwalay namin. Kung paano niya ako niloko, siya ang sumira ng mga sinumpaan namin mga pangako sa isa't isa. Ang dami kung nasayang na sandali ng buhay ko. Dapat nasa loob pa ako ng military camp ngayon at masayang ini-enjoy ang tungkulin ko. O baka ibang babae ang nakatagpo ko at hindi siya.Tama sila Daddy nagkakaedad narin ako at dapat lang na bumuo na ng sariling pamilya. Makakasama sa pagtanda ko. May gagabay sa akin sa oras ng pagtatakipsilim ng aking buhay. "Ace saan ka ba nagpunta at ilang araw kang nawala, hindi ka namin ma-contact. Huwag mong sabihin pinuntahan mo ang babaing yun. Binabalaan kita Ace. Huwag na huwag mo akung subukan at talagang makakatikim ka. Huwag mo kaming susuwayin ng Daddy mo. At baka hindi kita kilalaning anak. Ikaw lang ang masyadong nahaling sa babaing yun. Wala siyang kuwenta. Baka sa tuwing matatalikod ka nasa kama siya ng kung sinu-sinong lalaki. Marumi siyang babae at walang dilikadesa. Hindi siya nababagay sa iyo." Mahabang litanya ni Mommy. Gusto ko ng sumuko sa lagi nilang paninisi kay Zinayah at sa mga panlalait nila dito. "Nagbakasyon lang ako para makapag-isip. Gusto kung siguruhin ang sarili ko kung handa na ba akung bumuo ng sarili kung pamilya."Tugon kung hindi sila nililingon. Nakatingin lang ako sa kawalan. "Huwag narin ninyo binabanggit ang pangalan ng taong wala naman dito. Kayo ang madalas magpa-alala sa kanya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nanggagalaiti parin kayo sa galit sa kanya kahit wala na siya at hindi ko nakikita. Tama na Mom, wala na yun tao. Sinusunod ko na nga kayo ano pa bang gusto ninyo?" Singhal ko na at padarang na tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayon lang ako nagdabog sa harap nila. Malaki ang respeto at paggalang ko sa kanila dahil dun nila kami iminulat na magkakapatid pero nasasaktan din ako sa mga sinasabi at ginagawa nila. "Ace ayusin na ninyo ang kasal n'yo ni Devora para sigurado kaming hindi mo na nga siya iniisip, at baka plano mo pa siyang hanapin. Mabuti narin kung lalagay ka sa tahimik. Makakahinga kami ng maluwag at mapapanatag ang kalooban namin ng Mommy at mga kapatid mo." Maawtoridad niyang usal. "Don't worries Dad para sa ikaliligaya ninyo gagawin ko ang gusto ninyo. Maghintay lang kayo at sana huwag ninyo akung sisihin sa bandang huli at baka isumpa ko ang pagiging isang Villaneza." Usal ko at iniwan na sila. Masama ang loob ko sa gagawin kung pagpapakasal sa babaing wala naman akung nararamdaman na pagmamahal. Bakit kasi hindi nalang nila ako pabayaan sa gusto ko matanda na ako, may sarili akung pag-iisip. Ayaw ko ng kontrahin ang gusto nila. Ano bang ipinakain sa kanila ni Devora at gustong-gusto nila ito. Napakasama naman ng ugali. Mukha siyang kalalabas sa mental institution. Wala sa katinuan ang pagiisip. Wala talinong ipagmamalaki, malablaw ang utak at puro kaartihan lang alam. "Hi Babe." Bati niya sa akin pagpasok niya, pero hindi ko siya pinansin at tuloy lang akung nagtipa sa laptop ko. "Isinama ko na mga wedding coordinator at event organizers para mapag-usapan na ang tungkol sa kasal natin. Sila Tito Clark ang nagsabing isama ko sila dito sa office mo." Aniya at humalik pa siya sa labi ko. Kung hindi lang nakakahiya sa mga tao sa harapan namin gusto kong palisin ang muka niya sa tapat ng muka ko. At ipagtabuyan siyang paaalis. "Good morning sir." Sabay-sabay pa nilang bati sa akin. Walang gana ko nalang silang bahagyang tinanguan at pinaupo sa couch. "Ikaw nalang makipag-usap sa kanila at kung ano mang mapagkasunduan ninyo susuportahan nalang kita. Gusto ko ng isang simpleng kasal lang at ayaw ko ng masyadong magarbo. Wala naman sa klase ng kasal ang masayang pagsasama ng mga-asawa kung hindi kung paano kayo magkasundo." Aniko, at pahinamad na sumandal sa likuran ng upuan ko. Bahala na sila kung anung gusto nila. Sila naman nila Mommy ang nagkakasundo. Sana lang hindi ako makapanakit ng tao at baka hindi ko mapigil ang sarili ko mapatay ko pa siya. . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD