Episode -7

2335 Words
Dito na ba yun?" Tanong ko ng makita ko ang lugar isang two story building na pahaba. Red ang kulay na may combination na kulay gold and silver sa palibut na nagbibigay ng nakakaakit na ambiance, very peaceful. May mga yellow chinese bamboo rin na lampas tao ang taas sa gilid na halos makoberan na ang pader kaya lalong nabuhay ang kulay at hitsura ng building, malamig sa mata. Nakaatras ang building at ang harap ang pinaka-parking space nila. Meron sa left side na pwede rin paradahan ng mga sasakyan. Glass ang halos kabuoang dingding nito na may design na ilang slices na cake at cupcakes. Ramdam ko ang pagkapit ng kamay niya sa braso ko. "Let's get inside." Mataray na saad niya. Kaya naglakad nalang kami papasok sa loob. Kaagad din kaming sinalubong ng isang babaing may ngiti sa mga labi. Iginiya niya kami sa isang pang-apatan mesa. Matapos namin sabihin ang pakay namin. "Sige po Sir, Ma'am paki-hintay nalang po at tatawagin ko ang may-ari para sa sadya ninyo." Magalang niyang wika at tinalikuran na niya kami. Isang babae ang tanaw kung lumabas sa pinto, nakasuot pa siya ng uniform ng isang chief. May suot siyang apron na may logo ng bakeshop sa kaliwang dibdib. Mukhang bata pa siya. Maganda ang mapupungay niyang mga mata. Wala siya ni ano mang kolorete sa mukha pero maganda parin siya. Maputi ang makinis niyang kutis. "Good morning ma'am, sir how can we help you ma'am, sir." Nakangiting bungad ng babae sa amin paglapit niya. Ito daw ang may-ari. She's very accommodating and pleasant. Kaya pinagmasdan ko ang kanyang maamong mukha parang may kahawig siyang hindi ko naman maalala kung sino sa mga kakilala ko. "Gusto kong makita ang brochure ng cakes na gawa ninyo." May kataray na saad ni Devora sa babae. "Yes ma'am wait a minutes ma'am kukunin ko lang." Kaagad niyang tugon at nagmamadali ng tumalikod sa amin. Sinundan ko lang siya ng tingin ng may abutin siya sa harap ng counter at kaagad din naglakad pabalik sa amin may hawak narin siyang isang notebook at ballpen. May tipid na ngiti sa mga labing naupo siya sa harap namin. "Here's our brochures ma'am anung okasyon po ba?" Magalang niyang tanong. "We need wedding cake. A six layers wedding cakes for our wedding." Diretsong wika ni Devora. Kaagad ding nagbuklat ang babae sa isang brochure. "Ito po ma'am our six, seven layers cakes. If you have any suggestions po para sa designs pwede po namin i-add. May mga fondant, icing, bold, mouse cakes po kami, marami po kayung pwedeng pagpilian. Kung may sarili naman po kayung gustong designed pwede rin po namin gawin." Mahabang paliwanag niyang nakangiti. Kaya naaliw akung pinagmamasdan siya at iniisip kung sino ang kahawig niya. Napabaling lang ang tingin ko sa ibang direksyon ng tumunog ang wind chime na nakasabit sa tapat ng pinto na sa tuwing bubukas at sasara ang glass door nila nagbibigay ingay ito. Isang babae ang pumasok dito kasunod ang isang batang babaeng mabangal na naglalakad, umiinum ng akung anong drinks sa tumbler niyang kulay pink na may designed na barbie. Kaagad niyang inabot sa babae ang mga hawak nito matapos uminom. Mabangal din siyang naglakad patungo sa gawi namin. Ilang dangkal bago pa siya makalapit sa babaing kausap namin huminto na siya at pinaglaruan ang kanyang mga daliri. Mataman ko lang siyang pinagmasdan nakayuko lang siyang panapasadahan ng maliit niyang mga daliri ang nakatatak na kulay pula at asul na mga stars sa likod ng kamay niya. Halos mangunot ang aking nuo ng tumitig siya sa mga mata ko. Parang nakita ko na siya, hindi ko lang alam kung saan at kung kailan. Diretso lang siya nakatingin sa mga mata ko. Parang hindi ko naman maintindihan ang aking sarili habang nakatitig din sa mga mata niya. Pinatutulis pa niya ang kanyang nguso at iginagalaw-galaw ito. Isang tao lang ang kilala kung madalas gumawa nuon pang naiinip o nag-iisip. Kaya mas lalo akung naaliw na pagmasdan siya. Napaka-cute niya sa suot na school uniform. Ang itim na itim niyang unat na buhok na naka-ponytail. Also remained me someone na nagwasak ng aking puso. Ang nag-iisang babaing aking minahal, ayaw ko mang aminin andito parin siya malalim na nakaukit sa aking puso. "Huh." Daing ko ng bigla nalang tumama ang matulis niyang siko sa tiyan ko. "What?" Asik ko na ng masama niya akung tingnan. "Ano ka ba kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman nakikinig. Kanina pa kita tinatanong nakatanga ka lang d'yan na parang walang kasama." Mariing singhal na niya sa akin. Bumaling din ang tingin niya sa batang ngayon ay nakayuko na, muli na naman niyang hinihimas ng mga daliri ang stars sa kamay niya. "Bwisit na bata yan. Sino bang bata yang at nakatanghod sa harapan natin. Ano bang kailangan n'yan nanghihingi ng tulong o nagugutom. Bakit nagpapasok kayo dito ng batang namamalimos." Mataray niyang histirekal. "I'm sorry po wala naman po akung ginagawang masama. Bahave naman po ako dito, hindi naman po ako nangaabala sa inyo. I'm just here waiting to show may stars to her." Nakatayo siya ng diretso at matapang siyang napapaliwanag. Hindi mo mababakasan ng takot sa mga mata. May kompiyansa sa sarili kung magsalita at alam niyang ipagtanggol ang sarili. Para siyang matanda kung magpaliwanag. "I'm so sorry ma'am, sir. Sa tingin ko po wala naman ginagawang masama ang bata sa inyo. Hindi ko naman po alam na nasa likuran ko siya pasensiya na." Hingi niya ng paumanhin. Kaagad din niya kinabig payakap ang batang titig na titig sa amin ni Devora. "Sorry Baby hindi kita napansin. May gusto ka bang sabihin Talah?" Malambing niyang tanong dito. "Gusto ko lang pong ipakita sa inyo ang mga stars ko. Look po oh ang dami." Pagmamalaki pa niya. "Wow, very good. You did it again. Good job Talah. Congratulations my baby princess." Malambing niyang usal at kinintalan ng halik sa magkabilang pisngi ang batang tinawag niya sa pangalang Talah. "Go inside na anak." Utos pa niya. Muli pa niya kami pinasadahan ng tingin bago siya naglakad patalikod. Hindi ko alam kung bakit ako ang nasasaktan sa pagtataray ni Devora sa bata. Gusto ko siyang yakapin at aloin dahil alam kung nasaktan siya sa mga sinabi ni Devora. "Pasensiya na po ma'am dapat po hindi kayo nag bibitiw ng mga salitang hind maganda sa harap ng isang batang paslit. Ilan taon lang po siya para murahin ninyo at laitin. Wala po kayung karapatan pagsabihan ng hindi maganda ang bata. Wala naman ginawang masama ang bata sa inyo pwede naman sabihin ninyo ayaw n'yo ng may bata sa harapan ninyo." Mataray ng wika ng babae mukha lang pala siyang mabait, palaban din pala siya. At handang makipagsalpukan para maipagtanggol ang anak. "Ngayon sa palagay mo kami pa ang may kasalanan. Dapat kami ang inuuna at kinakatigan mo dahil kami ang customers ninyo at hindi ang walanghiyang batang yun." Halos pasigaw na niyang singhal. Kaya ang mga taong kumakain sa paligid nililingon na kami. "Enough, Devora ano bang ginawa sa iyo ng bata? Wala naman di ba? Nakatayo lang siya at hindi naimik ano bang masama dun." Asik ko narin. Nakakahiya ang ginagawa niya wala siyang manners talaga na ayaw na ayaw ko sa kanya. "Bwisit talaga siya iniisturbo niya tayo. Tingnan mo hindi kita makausap ng matino sa katitingin sa kanya. Wala ang attention mo sa akin, kanina pa kita kinakausap pero wala ka sa saliring nakatingin sa pesteng batang yung." Asik pa niya. "Sorry po kung pwede sa iba nalang kayo mag-order ng wedding cakes ninyo. Duon sa walang batang aabala sa inyo. Child is a gift from heaven, it's a blessing, kaya dapat alagaan at mahalin ito. Have a good day po sa inyo." Malumanay pa rin niyang saad at tumayo. Iniwan na niya kami pero ang babae sa tabi ko nagtatalak pa rin hindi na yata matatapos ang wala sa lugar na litanya niya. "Stop it Devora wala ka sa katwiran, hindi ugali ng matinong tao ang inaasal mo. Saka na natin pag-usapan ang kasal pag matino ka ng mag-isip. I'll call the wedding coordinator and event organizers to cancel our wedding. Kung gusto mo naman magpakasal kang mag-isa mo." Sikmat ko. Ako ang nahihiya sa inasal niya, isang bata paslit nagpakita siya ng kagaspangan ng ugali. Padarang akung tumayo at hindi na pinansin ang nilikhang ingay ng bangko na lalong nakakuha ng pansin sa ibang customers na kumakain. Malalaki ang hakbang na nagmartsa akung naglakad palabas at hindi na siya pinansin. Bahala na kung sumunod siya o hindi. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit parang sa aking tumagos ang mga panlalait niya sa bata. Parang pinitik ang aking puso ng marinig ang mga binitiwan niyang maaanghan na salita sa bata. Ngayon ko siya lubus na nakikilala. Hindi ko gusto ang paguugali niya, malayo sa pinangarap kung babaing makakasama ng habang-buhay. Nagdadabog siyang naglalakad habang nagtatalak." Ano ba Ace hindi pa tayo tapos mag-usap iiwan mo na ako dito. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo. Ano nalang ang sasabihin ng Mommy mo? Umaasa siyang matatapos na nating ang pag-sasaayus ng kasal natin ngayong araw." Mga litanya niyang nakakaaburido. "Sasakay ka ba o hindi?" Mariin ko ng tanong sa kanya at binuksan ang pinto sa driver seat. "Hindi. Mag-uusap pa tayo. Lumipat nalang tayo ng ibang bake shop para sa wedding cake natin ayaw ko na sa bwesit na bake shop na ito." Nagmamatigas din niyang asik. Kaya sa inis ko pumasok nalang ako sa loob ng kotse ko at pabalibag kong isinara ang pinto. Mabilis ko itong pinaharurot paalis sa lugar. Bahala na siya sa buhay niya matanda na siya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon, kung babalik ba ako para humingi ng apology sa bata at sa ina nito dahil sa inasal ni Devora. May bahagi ng isip kung nag-uutos na balikan sila, may parte naman ng isip kung pabayaan nalang. Nangyari na ang lahat at wala na akung magagawa. Bakit ba parang ako ang apektado sa nangyayari. Pamilyar sa aking ang mukha ng bata, hindi rin magkamukha ang mag-ina saan ko man angolo tingnan, maaring sa ama nito ito kumuha ng mukha. Ipinilig ko ng ilang beses ang aking ulo sa naiisip dahil imposible naman mangyari yun. Malinaw na kaharap ko ang ina ng bata. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ayaw ko naman umuwi dahil magtataka si Mommy. Diretso lang ako sa pagda-drive. Kabisado ko ang daang aking tinatahak kaya naisipang kung lumiko sa isang kanto. Sa tapat ng isang lumang apartment ako napadpad at masusing pinagmasdan ito. Iba na hitsura niya ngayon bakbak na mga pintura nito. Sa tuwing umuuwi ako dito ako naglalagi. . . ..........Flashback.......... . Pagbaba ko ng taxi agad na akung naglakad at halos tumakbo na patungo ang isang pinto ng apartment at hindi pinansin ang mga taong bumabati sa akin, nakangiti lang akong diretsong mabilis na naglakad. Kilalang-kilala na nila ako dito. Dala ang isang bouquet ng puting mga tulips at isang brown stuff toy, kaagad kung hinugot sa bulsa ng pantalon ko ang susi at agad ko itong isinuksok sa doorknob upang mabuksan ko agad. Ang kasabikan makita at mayakap ko siya ang tanging nasa isip ko. Maingat kong itinulak pabukas ang pinto at walang kilatis na pumasok sa loob ng apartment. Amoy na amoy ko ang bawang na piniprito kaya maingat akung naglakad palapit sa maliit niyang kusina. Nangiti ako ng masilip siyang nag-iisa, buti nalang wala ang kaibigan niyang laging nakabuntot sa kanya na parang kuting na sunod ng sunod sa amo. May hinahalo siya sa kawali, may nakasalpak din headsets sa magkabilang tenga niya, mukang kagigising lang niya. Kaagad ko siyang sinudot ng isang daliri ko sa tagiliran ng makalapit ako. "Ayyy!" Tili niya sabay hampas niya ng sandok sa akin buti nalang at nailagan ko. "Aceee!" Bulalas niyang sigaw na nanlalaki ang mga mata kaya hinapit ko siya at mahigpit na niyakap at agad din siniil ng halik sa kasabikan sa kanya, hindi ko na mapigil ang aking sarili. "Surprise. Did i scared you Honey? Did you miss me?." Pagbiro ko pang pinisil ang ilong niya ng pawalan ko ang mga labi niya. Natatawa nalang ako sa naging reaksyon ng muka niya. Hindi parin siya makapaniwalang sana harap na niya ako. "Sabi mo ng huli tayong magkausap hindi ka makakauwi, hindi ka pwedeng lumabas ng kampo ninyo." Nakanguso niyang humihingal na turan. Kaya muli ko siyang niyakap at hinagkan. "Miss na miss na kita. Kung pwede nga lang ayaw ko ng umalis sa tabi mo." Usal ko sa kanya at iniabot ang aking pasalubong sa kanya. Agad naman siyang nagpasalamat at kinintalan pa ako ng halik sa labi. "So ibig sabihin dito ka na agad dumiretso." Naglalaki ang mga mata niyang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa ng makita niyang nakasuot pa ako ng full camouflage uniform may backpack din itong katernong hanggang ngayon nasa likod ko pa. "Tanggalin mo nga yan backpack mo ako ang nahihirap sayo ang laki-laki hindi ka ba nabibigatan dyan?" Reklamo na niya sa akin at siya na ang humila nito pakalas sa aking likuran. "Honey sanay na sanay na akong maraming dala. Ilang taon ko ng ginagawa ito. Bali wala nalang yan." Usal ko at muli siyang kinabig pakayap. "Maupo ka na para makakain na tayo, buti nalang tapos na akung magluto." Aniya at mabilis na siyang kumuha ng mga plato at agad din inihain ang mga niluto niya. Binigyan din niya ako ng umuusok na kape. Kabisado na niya ako kung ano ang mga gusto ko ilang taon ko narin siyang girlfriend at walang bagay kaming hindi napagkakasunduan. Maunawain siya at mapagmahal na nobya. Sa kanya na umiikot ang mundo ko at handa kung isakrepisyo ang lahat para sa kanya. Bumuo ng isang masayang pamilya kasama siya at ng mga magiging anak namin. . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD