Alam na ba ng mga parents mong dumating ka? Na andito ka na ngayon?" Tanong niya sa akin matapos kaming kumain. "Baka naman isipin nilang inaagawan ko sila ng karapan sa iyo." Dagdag pa niya.
"Nope, wala silang alam. Dito na ako dumiretso from airport. Nag-taxi lang ako at hindi napasundo. Alam mo naman umuuwi lang ako ng dahil sayo." Saad ko. Niyakap ko pa siya sa likuran niya at ipinatong ang akin baba sa balikat niya. "Papasok ka ba ngayon?" Dagdag tanong ko pa.
"Oo, bakit mo tinatanong? Hindi ka ba uuwi sa inyo. Baka nami-missed karin ng mga magulang at kapatid mo. Umuwi ka na muna, magpakita ka sa kanila." Saad niya.
"Hindi ka ba pwedeng mag-leave kahit ilang araw lang para sa akin." Aniko, alam kung tuwing ikalawang buwan nagli-leave siya para madalaw ang pamilya niya sa probinsya nila. "Kung ayaw mo naman ipagpapalam kita kay Tito Dwayne, hindi ako matatanggihan nun." Paninigurado ko pa.
"Oo na magpa-file ako ng leave, nakakahiya sa boss ko. Lagi mo nalang siyang iniistorbo." Nakanguso niyang wika kaya natawa ako. Isa siyang magaling na sales representative sa car dealer shop ni Tito Dwayne.
"Sasamahan na kita bago ako umuwi. But i have a proposal for you and i don't want no for an answer." Seryoso ko ng turan. Kunot noo naman niya akong tinitigan.
"What is it? Brigadier General Ace Luther Villaneza dinadaan mo naman ako sa military tactics mo." Reklamo niyang nakataas kilay. Kaya natawa ako sa tinuran niya at niyakap siya.
"Alam mo naman na hindi pa tayo pwedeng magpakasal hanggat hindi pa nakakasal si Kuya Wyatt. At mukhang matatagalan pa yata ang kasal nila. May proposal is once makasal na sila Kuya Wyatt magpapakasal na tayo after one year. So, gusto ko iwan mo na itong apartment mo, bibili ako ng bahay natin, para sa atin dalawa." Mahabang usal ko. Agad naman niyang kinalas ang pagkakayak ko sa kanya at matiim niya akung tinitigan.
"What's that Ace Luther a marriage proposal or a live-in proposal?" Singhal parin niyang nakataas ang isang kilay. Kaya napakamot ako sa aking batok nahihiyang kinabig siyang payakap muli.
"Hhhmm... Both." Anas ko sa punong tenga niya at kinintalan siya ng halik sa leeg. "Hindi ba malinaw naman sinabi kung hindi pa tayo pwedeng ikasal ngayon, pagbigyan mula natin sila Kuya Wyatt na mauna. Tapos tayo na susunod. Let's make a deal. Leave this apartment. I give up my profession. I will resign from my militay job para magkasama na tayo. Para sayo gagawin ko ang lahat pumayag ka lang sa proposal ko." Bulong ko sa kanya, hindi ko na kayang malayo sa kanya gusto ko lagi siyang nakikita, lagi siya sa tabi ko.
"Ganyan bang mga-proposed ang mga marine? Walang kae-efforts. Parang hindi yata yan ang nakikita ko sa kanila. Hindi proposal yan, kung hindi command. Hindi porque General ka iku-command mo na ako ng ganyan, na magsama tayo agad ng ganuon kabilis." Natatawa nalang ako sa mga reklamo niya.
"Promise. I'll be faithful to be your partner and fiancee. Hinding-hind na ako titingin sa kahit kaninong babae dahil ikaw lang sapat na sa akin. Mahal na mahal kita Zinayah Fuentes. Will you accept my proposal? Will you marry me?" Malambing kung tanong sa kanya alam kung hindi niya ako mahihindian dahil kilang-kilala na namin ang isat-isa. Ilang taon ko na siyang girlfriend. Matagal ko ng pinagisapan ito, at siguradong-sigurado na ako sa damdamin ko na siya lang ang tinitibok ng puso at isipan ko. Baka mabaliw na ako pagnawala pa siya sa akin at alam kung mahal na mahal din niya ako. Magkasundo kami sa lahat ng bagay.
"Paano kung tumangi ako, tututokan mo ba ako ng baril, haharangan ng kanyon ang daraanan ko, hahagisan ng granda, pauulanan ng bala ang bahay ko, ka.... " Kaagad ko siyang siniil ng halik at hindi pinatapos pa mga lintaya niya ang dami na niyang sinasabi.
"Ang sabi ko hindi ka na pwedeng tumanggi sa mga gusto ko. Hindi naman kita pababayaan. Poprotektahan kita itataya ko ang buhay ko para sayo. At hinding-hindi kita iiwan kahit anung mangayari, andito ako para sayo. Sana ganuon ka rin sa akin. "Humihingal kung usal matapos ko siyang sibasibin ng halik.
"Di hindi nga proposal yun kung hindi general's commands. Is there any other options Sir General Villaneza Sir?" Pang-aasar na niya. "Ang hirap naman pag military ang boyfriend laging siya ang nasusunod." Bulong na reklamo pa niya. Tumatawa akung mahigpit siyang niyakap.
"I love you so much Honey, you're my life and string.You're my everything." Taus puso kung turan dahil ito naman talaga ang nilalaman ng aking puso.
"Kung hindi lang kita mahal binatukan na talaga kita." Usal niya at kumapit pa sa leeg ko, kinintalan din niya ako ng halik sa pisngi. "Akyat na ako sa taas maliligo na ako para hindi tayo tanghaliin." Usal niya.
Isang half shoulder maxi dress na kulay old rose ang napaili kung suotin na abot hanggang kalahati ng binti ko ang haba at tenernohan ng isang three inches gladiator sandal. Ilang beses pa akung umikot sa harap ng vanity mirror para makita ang aking ayus. Bago nagpasyang lumabas ng aking kwarto at baka naiinip na si Ace. Alam kung pagod pa siya sa mahabang biyahe.
"You look gorgeous in your outfits Honey." Usal niya ng makita niya akung pababa ng hagdanan at agad pinatakan ng halik sa noo. Hinila na niya ako sa kamay at sabay kaming lumabas ng bahay.
"Saan tayo pupunta ngayon? Alin ang uunahin natin sa opisina o sa bahay ninyo para makapagbihis ka muna." Tanong ko sa kanya pagkalabas ng bahay.
"Sa bahay muna para may sasakyan tayo." Usal niya. Itinaas niya pakaway ang isang kamay ng may matanawan siyang taxing parating.
Isinandig ko nalang ang aking ulo sa balikat niya ng makasakay kami ng taxi at hindi na umimik dahil busy siya sa pagkalikot ng gadget niya. "Ako na nga kasama niya nakikipag-textmate pa." Bulong niyang umabot sa pandinig ko kaya natawa ako at inakbayan siya.
"Don't be jealous Honey, babae nga katext ko pero hinihingi ko lang ang mga delatye ng bahay na lilipatan natin. Kahit tingnan mo pa." Paliwanag ko at pinakita sa kanya ang hawak kung cellphone. Ayaw kung nagdudoda siya sa akin. Tapat ako sa kanya at siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko ngayon.
.
.
......End of the Flashback.......
.
.
Isang malakas na busina ang nagpagulantang sa malalim kung pag-iisip kaya napalingon ako sa aking likuran. Isang itim na pick truck ang nasa may likuran ko. Minsan ko pang nilingon ang ikalawang pinto ng apartment na hindi ko na mabilang kung ilang beses na akung naglabas pasok duon. Minsan ko narin pinalitan ang doorknob nuon at kinabitan ng lock sa loob para sa safety niya. Naiiling nalang akung pinasibad ang aking kotse ng sunod-sunod na busina na ang narinig.
Hindi parin ako makapagdesisyon kung saan pupunta, ayaw ko naman umuwi na at sermon lang aabutin ko kay Mommy. Isa nalang ang naisip kung puntahan at kailangan ko ng ilang araw na pahinga para makapag-isip. Bago harapin ang aking mga trabaho. Kailangan ko ng mag-focus sa mga trabaho para makalimutan ko siya. Kailangan kung may mapagbabalingan ng isip ko para hindi na siya maisip. Ilang taon narin wala akung balita sa kanya at hindi na nakikita. Siguro nga dapat ko na siyang kalimutan at harapin ang aking kapalaran magpakasal narin, tulad niya. Siguro masaya na siya sa piling ng asawa at ng mga anak nila. Kung sana nabigyan ko siya agad ng anak hindi siguro siya naghanap ng iba.
"Señorito Ace, kayo po pala magandang gabi po." Bati niya agad sa akin ng makita niya akung papasok sa bahay. "Gusto po ba ninyong kumain muna?" Alok pa niya.
"Ano po bang makakain meron tayo?" Tanong ko nalang dahil hindi ko na naisip kumain sa daan. Parang hindi ako nakakaramdam ng gutom.
"Meron pong sinigang na karne ng baboy at may ginisan gulay. Kung gusto naman ninyo ipagluluto ko kayo." Usal niya.
"Ayus na po sa aking yun, iinit nalang ho ninyo." Utos ko at naglakad na patungo sa dining area.
Kinabukasan maaga akung bumangon gusto kung libutin ang palibut ng hacienda. Kaya bumaba na ako matapos maligo. Tumuloy ako sa kusina para humingi ng kape. At agad din lumabas diretso sa teresa. Buti pa dito tahimik, presko at sariwa ang hangin malayung-malayo sa lungsod na puro polluted na ang masasagap mong hangin. Tanging mga huni lang ng ibat-ibang uri ng mga ibong ang maririnig. Inikot ko pa ng tingin ang paligid ng bahay. Pero isang tao parin ang naaalala ko. Ilang beses ko naba siyang dinala rito at lahat yata ng lugar na pinupuntahan ko sinasama ko siya. Sa Isla kung saan kami unang natulog na magkatabi sa kama. Ang unang gabi naming dalawa na hinding-hindi ko malilimutan. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad patungo sa kwadra para kumuha ng kabayong masasakyan sa paglilibut.
Pinagmasdang kung mabuti ang mga taong abala sa pagtatabas ng mga tubo. Hindi narin naaasikaso ni Kuya Franz ang hacienda niya. Iba na talaga pang may asawa na priority na niya ang pamilya. Mukha rin hindi na siya nagagawi dito. Hindi tulad ng dati lagi kaming apat dito. Simula ng mawala na si Lola Caring madalang ng pumupunta si Kuya Franz dito. Minahal niya talaga si Lola Caring na parang tunay na lola. "Hiyaa!" Sigaw ko at hinirit ang tali ng paborito kung kabayo.
Maghapon akung naglibot at sadyang pinagod ang sarili. Nagiisip kung tama bang sundin ang mga kagustuhan nila Mommy dahil sa bandang huli ako rin ang aani ng hirap o ligaya. "Hiyaa!" Hiyaw ko sa kabayo at ipinadyak ang aking paa upang bilisan pa niya, patungo sa dulohan para makapag refresh. Ang talon na madalas namin paliguan nuon.
Kaagad kung hinubad ang aking mga saplot matapos kung masigurong walang tao sa paligid at tunalon sa ilog. Malamig ang tubig at nakaka-relax, dito kami laging nababad nuon nila Kuya. Ilang langoy balik-balik pa ginawa ko. Sumisisid din ako para damhin ang lamig ng tubig napakalinaw niya at ang sarap maglunoy.
"Ayyy! May tao sa talon."Dinig kung tili ng boses babae pero hindi ko pinansin at tuloy lang ako sa paglangoy at pagsisid.
"Ay..oo nga sino ba yang nakahubad?" Ani pa ng isa.
"Magsialis na kayo dito ano pang ginagawa ninyo. Bakit hanggang dito nakararating kayo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng taong naliligo." Naiireta kung sigaw sa kanila. Nagtitilian parang ngayon lang nakikita ng nakahubad na taong naliligo, may patakip-takip pa sa mga mata pero pinagmamasdan naman nila ako. "Tsk! Mga babae nga naman kunyari ayaw pero gustong-gusto naman." Bulong ko nalang at naupo sa nakausling bato ng makalayo na sila. Kung inaakala nilang papatulan ko sila nagkakamali sila. Ngayon pang wala na akung ganang makipag fling sa kahit sinong babae. Nawalan na ako ng tiwala sa mga babae. Manggagamit lang sila. Hindi nakokontento sa iisa.
Padilim na nang maisipan kung umuwi sa bahay. At bawat trabahador na masalubong ko bumabati sa akin. Pero balewala lang sa akin at hindi sila pinapansin hindi tulad nuon na nakikipag-kwentuhan pa ako sa kanila. Inaalam ang kalagayan ng bawat isa. Kung sino ang may sakit at kung kumain na ba sila. Dumiretso ako sa kwadra para itali ang kabayo. Kaagad din akong sinalubong ng tagapag-alaga ng mga kabayo.
"Señorito ako na po magpapasok niyan." Usal niya at kinuha na sa aking ang tali. Hinimas himas pa niya ito na parang taong kinakausap. Naiiling nalang akung naglakad patungo sa bahay.
Maliwanag naman ang buwan kaya kita ko parin ang aking dinaraanan. Sanay naman ako sa ganito. Mas madilim at masukal na kagubatan pa nga ang amin nilalakaran sa training. At pang nagkamali ka aakyat ka ng matarik na bundok na may pasang mabigat na bagay bilang parusa. Mahirap pero nakaka proud din kung may naa-achieved ka. Pero isinuko ko ang lahat ng hilig ko para lang sa kanya. Sinunod ko ang ikasasaya ng puso at damdamin ko at lahat ginawa, nagsikap sa negosyo para mapalago ito para sa kanya pero kulang pa pala lahat. Saan ba ako nagkulang. Wala rin palang mabuting naidulot ng pagsasakripisyo ko.
"Magandang gabi Señorito." Bati nila pagpasok ko sa bahay. Diretso lang akung naglakad paakyat sa hagdaan. Tinatanong sa isipan ko kung ano ng nangyayari kila Mommy. Alam kung sa oras na ito alam na nila ang ginawa ko kay Devora at panigurado uulanin na naman ako ng sermon pag-uwi ko. Wala talaga akung kapayapaan sa kanila. Kaya tuloy napapaisip ako kung ano ba talaga ang gusto ko ang magpakasal kay Devora o bumalik nalang sa serbisyo at maglingkod sa bayan. At dito gugolin ang aking mga araw. Malayo sa kanila. Malayo sa babaing naging sanhi ng pagsasakripisyo ko. Ang pagtalikod sa aking tungkulin.
.
.
.
.
.
..................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....