Episode -20

2244 Words
May ngiti sa mga labi kung pinagmamasdan ang mga tao, lalo na ang aking anak. Masayang siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa niya bata. Mga kaklase niya at ang ilan mga anak at pamangkin ng mga staff namin. Minsan sa isang taon lang naman ito. Kung sana kasama namin ang kanyang ama baka lubos-lubos ang kasiyahan namin. Nawala narin ang aking pangamba sa kalagayan niya. Dalawang taong ng mahigit ang nakararaan at wala na daw ang panganib sa kalusugan ni Talah. Naghilom na lahat ng sugat niya. Pero kailangan ko parin ingatan at proteksyonan siya laban sa mga taong mapanakit at walang budhi. Kung sino pa ang kadugo niya siya pa ang panganib sa buhay namin. Sana hindi ko nalang siya nakilala, sana hindi ko nalang siya pinansin nuon at hinayaan sa mga kalokohan niya. Sana hindi ako nagpadala sa mabulaklak niyang dila. Hindi sana hahangtong sa ganito ang lahat. Ganuon pa man nagpapasalamat parin ako at nagkaroon ako ng isang Talah. "Zinayah may mga bisita pang dumarating ikaw ng sumalubong." Dinig kung wika ni Nanay kaya napabaling ang aking paningin sa may entrada ng pinto. "Mama, look oh may gift na naman ako galing sa friends ni Tito Ashton" Aniyang nakangiti hawak ang dalawang hindi kalakihang gift boxes. "Ilagay mo nalang anak sa table lahat ng gift na matatanggap mo, Mag thank you ka rin sa lahat ng bumabati at nagbibigay sayo ng gift." Utos ko sa kanya. Dahil hindi lahat ng bisita niya puro mga bata. Kasabay din kasi ng birthday niya ang celebration ng pagkakapanalo ng basketball team ng kapatid kung si Asthon. Pinagsabay na namin. Para isang gastos nalang. Marami rin dumalong mga kaibigan ng mga kapatid ko. At maging ang naging mga kaibigan ni Nanay invited namin, maging ang mga barkada ni Jake. Kaya maraming tao. Bukas naman magapapakain kami sa mga streets children at kasama namin ang mga ka-team ni Asthon sa basketball. Simula ng maka-recovered si Talah sa pakikipaglaban niya sa kamatayan, tuwing birthday niya nagpapakain na kami sa streets children bilang pasasalamat na binigyan pa siya ng pangalawang buhay. Pangalawang taon na namin itong ginagawa. Pero parang kailan lang ang lahat. Wala narin ang mga pelat niya dahil sa mga cream na pinapahid dito. Kasing nipis at liit nalang ng sinulid at hindi na masyadong nakikita mawawala rin daw yun ayun sa mga doctor. Parang kailan lang ang liit pa niya ngayon six years old na siya. Dalawang taon na ang nakalilipas at wala na akung balita sa mga Villaneza. Minsan tuloy napapaisip ako kung tuloyan na ba kaming tinalikuran ng ama niya. Kung may sarili na ba itong pamilya at kung may anak narin. Sabagay yun naman ang gusto ko ang mawalan ng koneksyon sa kanila. Buti nalang at hindi nagtatanong ang aking anak kung sino siya, dahil anduon siya ng mangyari ang malagim na pamamaril ni Devora sa kanya. Hindi rin ako sigurado kung narinig ba niya o hindi ang mga sinasabi ni Devora. Pero hindi siya nagtatanong tungkol duon. Matapang ang aking anak sabi nga nila mana daw sa Villaneza walang inuurungan laban. At ang paboritong laruan toygun tulad ng kanyang ama baril ang laging hawak. "Bang! Bang! Tito Jake tinamaan kita." Sigaw niya. Kalaru naman niya ang bunso kung kapatid. Kahit anung bawal ko sa kanila na huwag maglalaru ng baril-barilan pero pilit parin nilang dalawa ginagawa. Pagnakahawak sila ng hanger ng damit, sandok, spatula, rolling pin o kahit anung mahabang bagay ginawaga nilang baril-barilan. "Tumigil na nga kayung dalawa. Ikaw Jake gumayak ka na baka ma-late ka pa sa school." Singhal ko na sa kanya. May mga harina pa siya sa damit. Ganun din si Talah. "Si Ate Zinayah talagang ang sungit. Hindi mo naman maiaalis kay Talah yan. General's daughter kaya siya." Pang-aasar pa niyang bulong. Simula ng malaman nila kung sino ang ama ni Talah at kung anung naging trabaho nito. Kinukonsinte na nila sa hilig nito. Buti nalang at hindi nila sinasabi ang tungkol sa ama nito. Una ko siyang nakilala Major palang siya. At halos ayaw ng umalis sa tabi ko. At bago pa niya narating ang position niya katakot-takot na hirap ang dinanas niya. . ...... Flashback ...... . "Magandang araw po Tita." Bati ko sa kanya pagpasok sa loob ng bahay nila. Pero nagtaka ako kung bakit andito rin si Devora at nakapagitna pa siya sa Mommy ni Ace at kay Ace. "Honey come here." Ani Ace at nagpilit siyang tumayo kaya nagmamadali akung naglakad papalapit sa kanya. "Anung nangyari sa iyo? Bakit may benda ka?" Nahihindik kung tanong ng makita siyang may benda sa braso may sugat din siya sa muka. May mga galos din siya. "Wala yan daplis lang malayo sa bituka." Aniya matapos akung kintalan ng halik sa labi. Nahihiya man ako sa Mommy niya pero siya naman ang humalik sa akin. Inalalay ko nalang siyang maupo ulit. "May masakit pa ba sa iyo? Dapat magpahinga ka na mula pagod ka pa." Usal ko. "Tama si Zinayah Ace umakyat ka na sa kwarto para makapagpahinga kana." Sabad din ng Mommy niya. "Tita Clara, ako na pong sasama kay Ace sa kwarto niya." Singit din ni Devora. "Mas mabuti pa nga Hija samahan mo na si Ace para makapagpahinga."Aniya kaya napatingin ako kay Devora. "Devora bakit andito ka. Hindi ba may trabaho ka ngayon?" Tanong ko sa kanya dahil mas nauna pa siya sa akin dito. "Tinawagan ako ni Tita Clara para asikasuhin si Ace. Kaya ako ng bahalang mag-alaga sa kanya. May pasok ka di ba? Saad niyang ipinagtaka ko. Bakit siya ang tinawagan ng Mommy ni Ace, ako ang girlfriend. Piping tanong ko sa isipan. "Ace umakyat ka na sa kuwarto mo sasamahan ka ni Devora. Kailangan mong magpahinga. Hindi ka pwedeng mapagod sariwa pa ang sugat mo." Mahabang litanya niya. Kaya wala akung nagawa kung hindi manahimik. Ilang linggo akung walang balita sa kanya simula ng pinaalis ako ng Mommy niya. Wala akung magawa kung hindi maghintay kung kailan niya ako maalala. "Honey attend ka ng awarding ceremony namin. Mapro-promote na ako to Admiral. Para sa iyo naman ang tagumpay ko para sa future natin." Pagmamalaki pa niya. "Mapro-promote ka nga. Lagi naman buhay mo nakasalalay. Ikaw nalang iniisip ko kung ano ng nangyayari sa iyo. Baka naman mauna pa akung mamatay sa iyo sa nervous sa tuwing may mission kayo." Reklamo ko sa kanya. "Hon, ito na buhay ko. Ito ang gusto ko. Bata palang kaming magkakapatid pare-pareho na ang hilig namin. Mas gusto ko ang baril kaysa sasakyan. Si Kuya Franz lang mahilig sa sasakyan. Nagagaya lang kami sa kanya. "Hindi na siguro ako pupunta. Wala rin naman akung gagawin dun. Wala naman akung karapatan sa iyo. Mas pinapaboran mo pa nga si Devora." Pagtatampo ko. "Ako ang girlfriend mo pero wala akung karapatang malapitan ka. Sana pinaglaban mo naman na dapat ako mag-alaga sa iyo at hindi si Devora. Kaya mas mabuti pa si Devora nalang isama ninyo. Marami akung trabaho ngayon, marami akung gagawing reports." Saad ko nalang. . ......End of the Flashback...... . Yung ang kauna-unahan nakatanggap ako ng dislike sa Mommy niya. Alam ko naman nuon pa man at ramdam kong ayaw sa akin ng Mommy nila at mas gusto niya si Devora para kay Ace. Si Devora ang pinasasama niya lagi kay Ace. At bawat promotion niya hindi ako uma-attend. Maliban nalang ng ma-promote siya ng General dahil pinagpilitan niya at ayaw niyang umalis sa apartment ko. At sa kauna-unahan pagkakataon nasaksihan ko ang awarding ceremony niya hindi rin ako sinama ng Mommy niyang tumayo at pinaiwan sa bangko ng kabitan siya ng medal. Pero kasama parin namin si Devora, mas ito ang kinakausap niya at ini-intertain mabuti. Bandang huli ang babaing gusto niya para sa anak niya ang naglagay sa piligro sa buhay ng mag-ama. Siguro may kasalan din ako masyado kung kinunsinti si Devora at lahat ng hilingin niya sa akin pinagbibigyan ko. Inunawa ko siya pero pananamantala pala ang ginagawa niya. May pansarili pala siyang hangarin. "Ma'am may naghahanap po sa inyo sa labas may importatr daw sasabihin." Ani isang staff ko. Kaya napatigil ako sa pagmamasa ng dough. "Sino yun kilala ba natin?" Tanong ko at nagmamadaling naglinis ng kamay dahil puro harina. Hinubad ko narin ang apron ko. "Yamileth daw po pangalan, personal daw ang sasabihin at importante, kahit sandali lang daw, ma'am" Aniya pa kaya napahinto ako sa pagmamadali. "Huh." Kunot noo akong napatingin sa kanya sa binanggit niyang pangalan. Ang tagal ko ng hindi maririnig ang mga pangalan nila. Wala na akung balita sa kanila. Ayaw ko narin marinig ang ano mang tungkol sa kanila. Ngayon andito si Yamileth ang dati kung kaibigan. "Nakikiusap po kasi, kahit saglit lang daw." Dagdag pa niya ng hindi ako tuminag sa kinatatayuan ko. At inisip kung anung hatid ng pagpunta niya dito. May kabang biglang umusbong sa aking dibdib. Hindi nga siya pupunta kung hindi importante. "Anong kailangan mo Yamileth? Bakit andito ka? Alam ba ng asawa mo nagpunta ka dito? Ayaw ko na ng gulo, nanahimik na kami. Ayaw ko ng magkaroon pa ng kahit anung koneksyon o kaugnayan sa pamilya ninyo kaya kung maaari lang kalimutan mong naging magkaibigan tayo." Mahabang litanya niya dito. Ayaw man niyang kausapin ito pero gusto parin niyang malaman kung anung sadya nito. Kung anung hatid nitong balita at kung bakit nakaramdam siya bigla ng kaba ng marinig na importante ang sasbihin nito. Seryoso lang ang mukhan nitong nakatitig sa kanya. Ilang taon narin silang mag-inang matiwasay na nabubuhay ng walang ano mang balita sa mga ito. Hindi narin sila ginugulo ng mga ito at hindi narin niya nakikita isa man sa pamilya Villaneza kaya natahimik ang mga pamilya niya. Ayaw na niyang makisawsaw dito. Para sa kaniya salot ang dala ng pamilya Villaneza sa buhay nila. Ngunit ngayong nasa harap niya ang isang miyembro ng pamilyang matagal na niyang isumpa. Ang dati niya kaibigan nuon high school days sila. "He's in a hospital. He's in a critical conditions. 50/50 chance na mabuhay pa daw siya." Diretsong wika nito, Ni hindi nito hinayang pang makapagsalita siyang muli. Nabigla man sa narinig pero hindi parin niya ipinahalata sa kaharap ang lumukob na takot sa dibdib at matinding pag-aalala na baka nga hindi na ito maka-recover. Paano na ang kanyang anak, may pakiramdam siyang alam na nito ang buong katotohanan kung sino ang ama nito bagamat hindi ito nagtatanong alam niyang alam nito ang totoo. Matalino ang kanyang anak at marunong makiramdam. "So, ano ngayon sa akin? Anong gusto mong palabasin ang maglupasay ako dito ngayon. Ang magtatakbong sugurin siya ng yakap at iyak. Ang puntahan siya kung saan man siyang impeyerno naroroon."Singhal niya dito upang pagtakpan ang totoong damdamin. Tao lang siyang may puso at damdamin, at pagbuhay na ng tao ang pinaguusapan nanghihina rin siya at hindi kaya ng konsensiya niya kung may mangyari ditong masama. "Hindi ako Doctor Yamileth. Ihanap ninyo siya nag magaling na doctor at dalhin sa sikat na hospital, marami kayung pera kayang-kaya ninyo siyang ipagamot. Huwag ako, wala na akung pakialam kung ano mang mangyari sa inyo. Matagal ko ng ibinaun sa limut ang mga pamilyang kinabibilangan mo. Kaya makaalis ka na at huwag na muli akung gambalain pa. Ano mang mangayri sa inyo hindi ako interesado. Dagdag asik pa niya dito. "Wala akung sinabing mabahala ka. Ang sa akin lang pinagbibigay alam ko lang ang kalagayan ni Ace ang ama ng anak mo." Balik singhal din nito. "Nasa Amerika silang lahat ngayon. Itinawag lang ni Franz sa akin kagabi ang tungkol sa kanya. He needs prayers. Prayers for he's immediate recovery Zinayad. Para maka-survive siya sa pinagdaraanan niya ngayon. I know you still love him. Huwag mong patuloy na gawing bato ang puso mo sa taong mahalaga at mahal mo. Sa ama ng iyong anak. Sana matutoo ka rin magpatawad. Sana dumating ang araw na mapatawad mo parin siya before it's to late. Baka kung kailan matigas at malamig na bangkay na siya saka mo lang siya patawarin, hindi na niya maririnig at madarama yun. Mag-isip ka Zinayad. I have to go. Dumaan lang talaga ako dito para ipaabot sa iyo ang kalagayan ni Ace." Mahabang saad nito at tumalikod na, diretsong naglakad ito palabas ng pinto. Ni isang salita wala ng lumabas sa bibig niya. para siyang nagising sa malalim na pagkakatulog. Isang mahinang taimtim at taus pusong panalangin ang kaagad namutawi sa mga labi niya. Hindi man niya aminin pero gusto pa sana niyang palawigin ang kaalaman sa mga impormasyon tinuran ni Yamileth. Takot at matinding pag-aalala ang nakapa niya sa kanyang dibdib. Minsan na niyang nadama ito, nuong nalagay din sa panganib ang buhay ng anak niyang si Talah. Aminin man niya sa hindi si Ace ang nagligtas sa buhay ni Talah, nuong mabaril ng nababaliw na si Devora. Sa sobrang obsessive nito kay Ace kung anu-ano na ang ginagawa nito, handa itong pumatay at mamatay para maangkin lang si Ace. Nakita niya ang lahat ng pangyayari. Bumagsak ito sa paanan niya, butas ang gitnang noo, dilat ang dawalang mata at sa takot niya nawalan siya ng ulirat. Wala sa loob na pumasok siya sa kusina kailangan niyang ituloy ang gagawin mga cupcakes at cookies na order. Wala siyang panahon sa taong naglagay sa kanya sa matinding kahihiyan at pasakit. Tinalikuran at pinagtabuyan siya nito matapos siyang mabuntis. . . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD