Isang middle class hotel ang napili kung tuluyan pansamantala. Para walang makakilala sa akin. Dahil tanghali ang nakuha kung flight. Iniisip na baka hindi ko na masilayan pa ang aking bayan sinilangan. Wala na akung planong bumalik pa maliban nalang kung siya ang mag-uutos na umuwi ako. Walang pagdadalawang isip na babalik ako. Pero malabo ng mangyari. Kung nuon siya ang dahilan kung bakit ko tinalikuran ang propesyon ko ngayon siya parin ang dahilan kung bakit ako babalik dito. At dito na ilalaan ang natitira ko pang buhay.
Mabibigat ang bawat hakbang ko papalapit sa dambuhalang sasakyan, umaasang may maririnig na tatawag sa pangalan ko kahit alam kung imposible. Muli ko pang nilingon ang pinanggalingan ko. "Paalam mahal kung Zinayah at Talah. Kayung dalawang babae lang ang nakaukit sa puso ko hanggang kamatayan." Mahinang usal ko at nagpatuloy na naglakad paakyat sa hagdanan.
.
******
.
"Jake bantayan mong mabuti si Talah at huwag mong hahayaan makipagtakbuhan hindi pa siya pwedeng mapagod." Bilin ko pa.
"Oo na Ate alam na alam ko na ang mga litanya mo ilang buwan ko na ngang naririnig sa iyo yan. Seyempre hindi ko naman pababayan ang pamangkin ko." Usal niyang nagrereklamo.
Kung tutousin ayus naman na ang kalagayan ni Talah gusto ko lang na makasigurong walang makakalapit sa kanya na kahit sino. Kung pwede ko nga lang dalhin siya sa ibang bansa para dun nalang manirahan ginawa ko na. Sa ngayon tahimik naman na kami walang nang-iistorbo sa amin mukhang tinupad nila ang napagkasunduan namin.
"Mama bye bye po pasok na ako." Paalam niyang nakangiti at humalik pa sa pisngi ko.
"Ingat anak ha, huwag masyadong malikot sa school." Bilin ko pa at hinalikan din siya sa pisngi. Ilang buwan nalang birthday na niya. Gusto daw niya maghanda sa school tulad ng mga classmate niya.
Ilang buwan narin ang nakalipas ng huli kaming magkita. Masama parin ang loob ko sa mga nangyari. Una nawalan ako ng anak. Pangalawa nalagay sa panganib ang buhay ni Talah. Sino ba naman ang hindi magagalit nun. At ang dahilan ang mismong ama niya at ang pamilya nito. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko sila mapapatawad. Sa ngayon sariwa pa ang lahat hindi ko pa kaya. Hindi ko man aminin nami-missed ko rin siya at tinatanong sa isip ko kung kumusta na siya.
Nasayang lang ang mga pangarap namin at nauwi sa wala ang lahat. Ang dami naming binuong pangarap nuon. Hindi ko pa man siya boyfriend marami na siyang pangarap para sa aming kinabukasan. Siya lagi ang nag-iisip para sa future daw namin. Nuon masayang-masaya ako at nagpapasalamat sa poong may kapal at nakilala ko siya. Inilaan na ang buong buhay ko sa kanya dahil sigurado na akung siya na ang lalakeng makakasama sa pagtanda ko.
.
......Flashback......
.
"Miss Fuentes paki tulongan mo nga akung dalhin ito sa office, wala kasi si Glenda malamang kasama na naman nun ang boyfriend niya." Reklamo ni Ma'am Alcantara, teacher ko siya sa isang subject ko. Kaya walang pagdadalawang isip ko siyang nilapitan. Binuhat ko ang isang tray na may lamang mga sandwiches at sumunod sa kanya.
"Ma'am muka pong marami kayung bisita." Usal ko dahil ang daming pagkain na nakahanda.
"Yung mga guest natin mga militaries kanina sana office ko dun sila dinala ni Dean. Ako ang nakaa-sign na magpapakain sa kanila. Kaya kung pwede paki tulongan mo ako wala ka naman pasok ngayon hindi ba?" Tanong niya.
"Wala na po ma'am. Mamaya pa pong hapon next subject ko."Aniko.
"Ako na tulongan na kita." Nakangiting prisinta ng isang military pagpasok ko sa loob ng office ni Ma'am Alcantara. Nakatayo lang siya sa pinto. Siya rin ang nagbukas nito.
"Thank you po sir, hindi na po ako nalang." Pagtanggi ko pero pilit parin niyang kinuha sa kamay ko ang tray at siya na ang nagbaba sa mesa. Kaya muli akung nagpasalamat at naglakad palabas dahil babalikan ko pa ang iba.
"Meron pa pala hindi mo sinabi sana sinamahan kita." Usal niya at muli na naman niyang kinuha sa aking ang tray na may lamang spaghetti. "Kaya ko naman na sir. Upo na sir kayo para makakain kayo." Usal ko at muling lumabas ng opisina ni Ma'am Alcantara.
"Meron ka pa bang kukunin?" Saad niyang ikinagulat ko. Kaya napahawak ako sa aking dibdib.
"Hala sir nakakagulat ka naman, bigla ka nalang nagsasalita." Bulalas ko na ikinatawa niya. Kitang-kita ko ang isang dimple niya sa kaliwang pisngi. "Dapat sir sa loob nalang kayo ng office ni Ma'am Alcantara. Hindi na sana kayo sumunod. Bisita namin kayo." Aniko.
"Magugulatin ka pala." Aniya pero inirapan ko lang siya at pumasok sa canteen para kunin pa ang tatlong tray ng mga pagkain. Dahil nakikipag-usap na si Ma'am Alcantara sa mga bisita at hindi na makalabas.
"Tutulongan na nga kita para hindi ka na mapagod." Aniya at siya na ang nagbuhat ng dalawang tray.
"Kaya mo sir?" Singhal ko ng kunin niya ang dalawang tray.
"Oo naman kung gusto mo sumakay kapa." Usal niya
"Yabang." Asik ko.
"Ano nga palang course mo?" Tanong niya sa akin. At tumingin sa dibdib ko. Alam kung ang ID ko ang tinitingnan niya kaya bahagya kung itinaas ang hawak kung tray para matakpan ito. "Zinayah Fuentes, nice name. Kasing ganda ng may ari ng pangalan. CAS-BSC ka pala. Huwag mo ng takpan nabasa ko na. Ang cute mo sa ID picture mo." Nakangiti niyang saad.
"Feeling closed lang sir nuh." Irap ko sa kanya.
"More than that. Just call me Ace not sir. I want more than that, Zinayah. I'm interested in you. I want to know more about you." Sunod-sunod niyang usal.
"Ewan ko sa iyo sir. May baril ka lang kasi kaya kung magsalita ka sir para kang hari. Isumbong kita sa asawa mo dyan nakita mo." Singhal ko pa at nagmamadali ng naglakad.
"Miss Fuentes for your information I'm still single and available. Wala akung sabit. Kung sakali sa iyo palang." Bulong niya sa akin bago pa kami makapasok sa office ni Ma'am Alcantara. Kaya hindi na ako nakapagsalita.
Matapos kung maibaba at maiayus ang mga pagkain, suminyas na akung aalis kay Ma'am Alcantara. At hindi na nilingon ang military sa may giliran kung kausap na ng isang professor. Nagmamadali na akung naglakad palabas ng University para magtungo sa part time job ko. Sayang din kasi ang kikitain ko, malaki rin kung minsan ang nagiging commission ko kung may mai-di-deal akung sasakyan. Nakapagpapadala pa ako ng pera sa probinsya para makatulong kay Nanay.
"Zinayah kanina pa ring ng ring ang cellphone mo baka galing sa probinsya ninyo." Sigaw ni Karen ang ka-share ko dito sa apartment. Graduating na siya kaya abala na siya sa pagre-research at pag-gawa ng thesis niya.
"Oo andyan na." Balik sigaw ko din at nagmamadali ng umakyat sa hagdanan.
Kunot noo kung pinagmamasdan ang unregistered number na tumatawag pero hindi ko naman matandaang may pinagbigyan ako ng personal number ko. Kaya nag-scroll ako sa isang cellphone ko para hanapin ang number pero wala rin. Nakita ko rin may 6 missed call na siya. At isang mahiksing tunog ang narinig ko ibig sabihin text message.
From unregistered number: ... Miss Zinayah Fuentes, this is Ace, can you please answer my call or else i'm going to your apartment now.
Halos lumuwa ang aking mga mata sa nabasa ko. "Sira ulo talaga ang lalaking ito. Saan kaya niya nakuha number ko? Sino kaya nagbigay." Bulong ko pa.
"Sir huwag feeling hari. Military ka lang po. Please din po sir don't disturb me i am studying may lessons sir." Reply ko sa text niya at nag-insert pa ako ng angry face ng emoji.
From: Unregistered number: "Don't tell me na may pasok ka bukas, sunday. And please don't call me sir. Call me Ace, Zinayah." Napatakip ako ng aking bibig ng nabasa ang text niya. Nakalimutan ko linggo nga pala bukas. Talagang halatang nagsisinungaling ako.
"Ako: "Advance study po sir may exam kami sa monday. Gud nyt po sir." Pagdadahilan ko pa. Hinintay ko pa ang ilang minuto kung magre-reply pa siya pero wala na. Kaya muli akung nahiga sa sofa.
From: Unregistered number: "See u around. save my no. good night, sleep tight." Talagang hindi ako titigilan ng baliw." Usal ko sa kawalan. At muling itinutok ang aking paningin sa tv.
Payapa na ang buhay ko walang distraction. Isang buwan narin mula ng makaalis si Ace at wala ng makulit na laging sumusunod sa akin. Pero gabi-gabi naman kung tumatawag at halos oras oras yata nakakatanggap ako ng text messages mula sa kanya. Kaya naisipang kung i-block ang number niya.
Kaagad kung sinagot ang tawag ni Karen pagbaba ko ng pampasaherong jeep dahil kanina pa siya tumatawag. Hindi ko lang masagot dahil sisiksikan sa loob ng jeep at hindi ako masyadong makagalaw.
Halos magtatakbo ako patungo sa apartment namin ng sabihin niyang may naghihintay sa akin lalaking matangkad. Iniisip na baka ang kapatid kung si Asthon yun.
"Shit.!" Bulalas ko ng makita kung sino ang naghihintay sa akin. Prente siyang nakaupo na mukhang inip na inip na.
"Maiwan ko na muna kayo. Isa-submit ko lang itong project ko." Aniya pagpasok ko palang. "Major, huwag na huwag kang gagawa ng hindi maganda dito. Kahit military ka pwede ka parin namin ipa-pulis at ipakulong." Pagbabanta dito ni Karen bago siya lumabas ng apartment namin.
"Bakit andito ka? Anung ginagawa mo dito? Hindi ba naka-duty ka?" Nahihindik kung sunod-sunod na tanong ng kaming dalawa nalang.
"Hindi ba sabi ko sa iyo once na hindi mo sagutin ang tawag o ang text ko uuwi ako at pupuntahan kita." Usal niya.
"Ibig mong sabihin para yun lang umuwi ka agad at dito ka nagtuloy?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Ganun na nga." Malumanay niyang turan kaya napabuga ako ng hangin. Hinila din niya ako sa kamay at iniupo sa tabi niya. "I-unblock mo na number ko." Utos pa niya.
"Kumain ka na ba? Kain na muna tayo, nagugutom na ako." Aniko at dumiretso sa kusina. Hindi ako makapaniwala sa mga pinaggagawa at sinasabi niya.
"Ang gwapo talaga niya."
"Oo nga suplado naman hindi namamansin."
"Pihikan daw sa babae kahit babaero."
"Mas gusto pa daw humawak ng baril kaysa babae, kaya wala pa daw nagiging girldfriend, pero babaero."
"Pero marami daw babae silang magkakapatid."
"Anung ginagawa mo dito? Bakit andito ka? Huwag mong sabihin bibili ka narin ng sasakyan mo?" Sunod-sunod kung tanong ng lapitan siya. Hindi ko alam na siya pala ang pinagbubulongan ng mga kasamahan ko. Tawa lang sinagut niya.
"So dito ka pala nagtratrabaho? Nakangiti niyang wika.
"Eh ano naman sa iyo kung dito ako nagtratrabaho? Bibili ka ba?" Singhal ko na sa kanya. Hindi ko na yata siya nakitang hindi nakangiti. Kahit inaangilan ko siya.
"Yeah. Anung gusto mo at yun ang bibilhin ko para may sasakyan tayo. Para paghinahatid kita may gagamitin na tayo hindi na tayo mababasa sa ulan. Hindi narin tayo nakikipag-unahan sa taxi." Mahabang wika niya. Kaya humalukipkip ako sa harapan niya.
"Aahh ganuon huh. Sige kung yun ang gusto mo tingnan natin kung hindi ka pa sumurender." Aniko at hinila siya sa manggas ng polo niya papasok sa show room ng mamahaling mga sasakyan. Dinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Ayan kaya mo? Tingnan ko lang yaban mo ngayon." Aniko ng ihinto siya sa mamahalin sports car.
"Wow, ang ganda naman nito." Bulalas niya ng makita ang isang brand new red LaFerrari. "Ito bang gusto mo? Ganito yun nakita kong wallpaper ng cellphone mo." Aniya.
"Hindi lang labas ang maganda, maging ang loob niyan napakaganda rin. Ang kulay ng upholstery niya ang ganda." Saad ko at binuksan ang pinto para ipakita ang loob sa kanya. Kita ko pagtango-tango niya. Malalaki ang hakbang niyang tinungo ang driver seat. Hindi ko na siya napigilan ng buksan niya ang pinto at kaagad pumasok sa loob at naupo. Kaya napasunod ako sa kanya.
"Hala lumabas ka na at baka makita tayo ng boss ko magalit yun. Bagung-bago ito at ang mahal mahal nito. Lagot ako sa kanya baka itapon niya ako." Nahihindik kung turan ng makita siyang pinipindot ang kung anu-anong piyesa maging ang steering wheel hinihimas niya na para bang kinikilatis niyang maigi.
"Maganda nga at gusto ko. Kung bibilhin ko ba ito sasagutin mo na ako?" Aniya habang pinagmamasdan mabuti ang kabuoan ng sasakyan.
"Baliw ka talaga. Anung akala mo sa akin mukhang sasakyan. Bumaba ka na nga at lumabas na tayo dito, baka nakita pa nila tayo dito mawalan pa ako ng trabaho." Saad ko. Pero bago pa ako makababa, bigla nalang niyang akung kinabig sa batok at hinalikan sa mga labi. Halos hindi ako makahuma sa ginawa niya.
"Now you're officially my girlfriend. Ikaw ang kauna-unahan babaing isasakay at tanging isasakay ko dito." Usal niya ng pawalan niya ang aking mga labi. "I love you more Zinayah." Saad niya, hindi ko alam ang gagawin ko. Hinila niya ako muli at niyakap. "I know it's your first kiss. And i hope i am the last, till our last breath." Anas pa niya sa akin.
Wala sa loob na lumabas ako ng sasakyan. Masama ko siya tiningnan. Nakatawa lang siyang nakatingin din sa akin. Muka siyang tuwang-tuwa, nangingislap ang kanyang mga mata.
"Halika na nga baka magalit na sila sa atin. Dapat pala hindi kita dinala dito." Maktol ko na at nauna na akung naglakad pero nakakailang hakbang pala ako ng masalubong namin ang boss ko.
"Good morning Boss" May kabang bati ko dito. Ramdam ko rin ang pagtabi ni Ace sa akin.
"Ace, anung ginagawa mo dito? Kailan ka pa dumating?" Takang tingin ko sa kanila.
"Tito Dwayne." Bati niya dito at nagmano kaya napamulagat ako sa ginawa niya. Hinila din niya ako sa kamay papalapit sa boss ko."Tito Dwayne, si Zinayah girlfriend ko." Aniya. Kaya mas lalong akung nagulat sa sinabi niya.
"Girlfriend mo si Zinayah? Naku Ace, bata pa yan at nag-aaral pa, mananagot ka sa akin pagniloko mo yan. Itatapon kita sa gitna ng bukid ni Papa." Pagbabanta niya dito.
"I'm serious to death Tito." Aniya na ikinagulat ko na naman kaya hindi ako makaimik. "Tito Dwayne gusto ko yun LaFerrari." Aniya at hinugot ang wallet niya at inilabas dito ang card niya.
"Kagagaling lang ng Kuya Franz mo dito nuong isang linggo kumuha rin ng sasakyan. Ireregalo yata sa asawa niya. Ngayon ikaw naman. Si Zinayah na bahala sa iyo. Susunduin ko pa ang Tita Leigh mo baka naiinip na yun." Mahabang anito at nagmamadali ng naglakad papalabas, naiwan na naman kaming dalawa.
"Tito Dwayne is my Mom's eldest brother. Half brother, magkapatid lang sila sa ama." Aniya. "Akala mo siguro nagbibiro lang ako. "Seryoso ako Zinayah at hinding-hindi na kita pawawalan akin ka na ngayon. Soon ipakikilala rin kita sa pamilya ko." Seryoso niyang turan.
.
....End of the Flashback......
.
Napapikit nalang ako ng mariin ng maalala kung paano nagsimula ang lahat.
.
.
.
.
.
.................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....