Episode - 18

2300 Words
"Ngayon lang namin nalaman ang katotohanan, patawad. Nabulag kami at pinaniwalaan ang traydor niyang kaibigan." Usal ni Mommy. Tulad ng tunay niyang ama magaling din siya sa negosyo kaya napalago niya ang kanyang bakeshop. Kaya hinayang na hinayang din nuon si Tito Dwayne ng mag-resigned siya. "Kung wala ng magsasalita magpapaalam na ako. At kung may gusto pa kayung ipaabut sa aking kliyente, alam naman siguro ninyo kung saan ako makikita. Madali lang naman hanapin ang opisina ko. Salamat sa abala sa inyong lahat. Magandang araw." Aniya, sinamsam na niya lahat ng gamit at tumayo na ng walang magsalita sa amin. "Ihahatid ko na kayo Attorney." Prisinta ko. "Salamat General. Pero kaya ko na." Aniya, pero hindi ko siya pinakinggan at sumunod sa kanya. Nauna na akung lumakad at pinagbuksan siya ng pinto at sumunod din akung lumabas sa kanya. Dahil sa mga napagkasunduan hindi ko alam ang gagawin. Lagi lang akung nakatanaw sa malayo na para bang makikita ko sila ng namin anak. Pero ang mukhang niyang umiiyak ang laging lumalabas sa aking balintataw. Simula ng maghiwalay kami hanggang sa muli kaming nagkita after four years umiiyak na siya tuwing makikita ko. Hindi ko na siya nakitang ngumiti. Hindi ko na naririnig ang nalutong niyang mga tawa at halakhak. Wala akung mabuong plano kung paano siya makikita at makakausap. Kung makakabuti ba sa amin ang gagawin ko. Pero gusto ko parin subukan at pag wala na talaga saka palang ako bubuo ng plano. . ****** . "Mama papasok na po ba ako sa school. Miss ko na po mga classmates ko maging si Teacher." Nakangiti niyang tanong. Dahil nagho-home study siya para malibang at hindi masayang ang mga araw niya. Pero tulad ngayon gustong-gusto na niyang pumasok sa school. Alam kung naiinip din siya dito. Natatakot akung bumuka ang sugat niya kahit sinabi na ng Doctor niyang safe na siya huwag lang magyadong magpapagod at magbubuhat ng mabibigat. Bumalik na ang dati niyang sigla. Pero marami parin akung ipinagbabawal sa kanya. Hindi biro ang dinanas niyang hirap sa operasyon. At alam kung sariwa pa ang sugat niya sa loob. Nag-aalala akung baka mapagod siya sa paglalaro sa school makasama pa sa kanya. Mabungo ng kapwa niya bata pagnakipaghabulan. "Pagmagaling na magaling na ang sugat mo pwede ka ng pumasok. Pero kung gusto mo ipapasyal kita sa school mo para makita mo sila. Pwede ka ring pumasok once a week pero pababantayan kita sa Tito Jake mo." Usal ko para mapagbigyan siya. Kita ko ang pag-aliwalas ng mukha niya kaya napangiti ako. Lahat ng ikaliligaya niya gagawin ko at ibibigay ko basta nasa tama lahat. Pupunan ko ang mga pagkukulang ng isang ama na wala sa kanya. Ako ang magiging nanay at tatay niya tagapagtanggol sa sino mang mangaapi sa kanya. . ****** . Ilang araw na akung nag-aabang sa tapat ng bakeshop niya pero hanggang ngayon hindi ko sila makita, malabo parin ang lahat. Ni anino nilang mag-ina hindi ko nakikita. Hindi narin pumapasok ang anak namin sa school at ayun sa Teacher nito ang tutor nito ang nagpupunta sa bahay nila. Pero kailangan kung magtiyaga. Kaagad akung bumaba sa sasakyan ko ng makita siyang bumaba sa pulang honda civic RS niyang kotse. Malalaki ang hakbang ko para maabutan ko siya. Binuksan niya ang compartment nito at may kinuhan isang itim na bag. "Zinayah can we talk please." Usal ko kaagad ng makalapit ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang pagkagulat. "Kahit sandali lang please. Gusto ko lang humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Hindi ko alam na hindi totoo ang lahat ng mga natatanggap kung photos and videos." Pagmamakaawa ko. "Tama na Mr. Villaneza. Wala na tayung dapat pag-usapan.Tapos na ang lahat at ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kahit sino sa inyo, lalo sa iyo. Inurong ko na ang kaso sa nanay at kapatid mo para hindi ko na kayo makita. Manahimik na tayo at huwag ng pakialaman ang buhay ng isa't-isa. At kung magpipilit ka pa itutuloy ko ang demanda laban sa inyo at sisigurohin kung mabubulok sa bilanggoan ang nanay at malditang mong kapatid." Pagmamatigas pa niya. Kita sa mga mata niya ang galit. "Please Zinayah listen to me. Gusto kung itama ang lahat ng nagawa kung mali at handa kung gawin lahat mapatawad mo lang ako. Sabihin mo at gagawin ko. Gusto kung makasama kayu ng anak natin. Mahal na mahal kita Zinayah at hindi yun nagbago hanggang ngayon." Pagtatapat ko sa kanya. Sensero ako sa mga sinasabi ko lahat gagawin ko mapatawad lang niya ako. Ipakilala sa anak namin. "Kahit anung gawin mo Mr. Villaneza hindi mo na maibabalik pa ang lahat. Paano pa kita mapapatawad? Kaya n'yo bang ibalik ang anak kong nawala. Alam mong ang tagal kung hinintay na mag-kaanak. Pero anung ginawa ninyo, sa isang iglap lang nawala siya ng hindi nasisilayan ang liwanag ng mundo. Mga hayup kayo. Akala ko langit ang makasama ka hindi pala at sa impreyermo mo ako dinala. Magsama-sama kayung lahat puro kayo hayup. Mga walang kalaban-laban mga tao ang sinasaktan n'yo. At lalong hindi ako interesado sa kayamanang ipinagmamalaki ninyo, kaya kung magtrabaho sa sarili ko. At kahit kailan hindi ako nanghingi sa iyo kahit piso kaya huwag ninyong sabihin pera mo lang kailangan ko sa'yo." Mariing sigaw na niya. Tama siya dalawang taon kaming naghintay na magka-anak. At ayaw niyang magpa-check up kami kung sino ang may problema sa aming dalawa. Para wala daw sisihan. "Please Honey lahat gagawin ko, babawi ako sa lahat ng nagawa kung pagkakasala. Patawad sa pagkakamali, nadala lang ako ng sobrang selos." Usal ko. "Gagawin lahat huh." Sikmat na niya. "Die!.. Baka sakaling mapatawad kita, kayo ng buong pamilya mo. Pero kahit ilang beses ka pang tabunan ng lupa hinding-hindi mo na maibabalik sa akin ang anak ko." Asik niya at mamalaki ang hakbang na iniwan ako. HIndi ko mapigil na hindi maluha sa mga tinuran niya. Talagang suko hanggang langit ang galit niya sa akin, sa pamilya ko. Sino ba naman ang hindi magdaramdam kung nawalan ka ng anak. Anak ko rin yun at mas masakit din sa akin ang malaman ang katotohanan. Sino ba ang dapat kung sisihin ngayon, ang sarili ko o siyang kinunsinti ang kaibigan niya at hinayaan gawin lahat ng gusto nito. Halos ayaw na nitong umalis sa tabi namin hanggang sa kwarto namin hinahayaan niyang matulog ito. Muli kung tinanaw ang bulto ng katawan niyang mabilis na pumasok sa glass door ng bakeshop niya. Ito na ang huling sandaling makikita ko siya at huling kausap. "Mahal na mahal kita Zinayah kayo ng anak natin at hindi na ako muling iibig pa. Ikaw lang at ang anak natin. Hanggang sa muli." Usal ko sa kawalan. Mabibigat ang mga paa ko at bagsak ang balikat na nagsimulang maglakad papalayo sa taong buong puso kung minahal pero hindi pinagkatiwalaan. Hindi binigyan ng pagakakataon alamin ang katotohan sa likod ng mga mapanirang larawan. "Die." Muling umaligawgaw sa aking pandinig. "Yes, i will Honey." Usal ko at sumakay na sa aking kotse. Pagpasok ko sa loob ng masyon namin nadatnan ko sila Daddy sa living room. Binati nila ako pero hindi ko sila pinasin ni lingon hindi ko ginawa at nilampasan sila. Maraming katanungan sa isipan ko kung paano at ano na ako ngayon. Paano na ang anak ko lalaki siyang walang amang gagabay dito? Paano ko bubuoin ang sarili ko kung ang sarili kung pamilya ayaw na akung makita? Paano ang pamilya kung kinagisnan kung kasama silang sumira sa maganda namin relasyon ni Zinayah? Ano na ang magiging kinabukasan ko kung wala sila sa piling ko? Maybe i'll sacrifices my own happiness for them. For their happiness. Hindi ako pwedeng pumili sa kanila, pareho ko silang pamilya and i love them all. So i'll better leave alone far away from them. And die for my country. To serve my country until my last breath. And my dicision is final ang talikuran silang lahat para fair. Bumangon ako sa pagkakahiga sa aking kama at naglakad papasok sa aking walk in closet. Kinapa ko ang susi sa taas ng isang kabinet, apat na taon at walong buwan ko ng hindi nabubukas, kung saan ko itinago lahat ng mga ala-ala namin ni Zinayah. Malalim na buntong hininga ang pinawalan ko bago ko ito binuksan. Unang tumamban sa akin ang mga damit na regalo niya. T-shirt, sando, shorts, polo, neckties, handkerchiefs, pants mayroon din jacket. Ang album ng mga larawan namin. At ang pinaka paborito ko at iniingatan at halos ayaw kung nadudumihan, ang black camouflage na backpack na regalo niya sa akin nuong first year anniversary namin. Hanggang ngayon naka-plastic pa siya. Ilang beses ko palang ginamit at ako rin ang naglalaba para hindi magasgasan. . ........Flashback........ . "Hi, Honey happy first year anniversary." Bati ko agad sa kanya pagpasok ko sa apartment niya. Kaagad ko siyang hinalikan sa labi. At inabut ang bouquet ng puting mga rosas kasama ang hugis pusong chokolate. "Ang ganda naman nito." Puri niya sa mga bulaklak na bigay ko at inamoy pa niya ang mga ito. Kinintalan din niya ako uli ng halik sa labi. "Happy anniversary too Honey kung mahal, umabot tayo ng isang taong masaya. Salamat sa magmamahal at pang-unawa, lagi kang andyan sa tabi ko. Sana huwag kang magbabago. Sana umabot pa tayo ng isang daan taon. Wish kung ikaw na yung lalaking forever ko." Mahaba niyang wika. Natatawa nalang akung hinapit siya sa bewang at siniil ng halik. "Promise ikaw lang wala ng iba. Ikaw ang gusto kung makasama hanggang pagtanda natin. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya. Hinding-hindi ako magbabago, mahal na mahal kita Zinayah Fuentes. At kahit anung mangyari andito lang ako para sa iyo. Aalagan kita, mamahalin at poproteksyonan kita sa sino mang mananakit sa iyo. Kung gusto mo umpisahan na nating gumawa ng mga babies natin ngayon." Biro ko pa sa kanya. "Grabe ka naman marami pa akung gustong patunayan sa buhay. Wala pa nga akung nararating. Kaga-graduate ko lang. Kailangan ko munang tulungan si Nanay, may tatlo pa akung kapatid na nag-aaral. Bata pa naman ako pwede naman tayung maghintay." Reklamo na naman niya. "Wait nga lang kukunin ko yung gift ko sa iyo." Aniya at nagmamadali ng pumasok sa kwarto niya. "Kahit naman wala kang gift sa akin basta kasama kita masaya na ako." Tugon ko sa kanya. "Basta may gift ako sa iyo. Sana magustohan mo." Aniya at iniabut niya sa akin ang naka-wrapped na pabilog na bagay. Kaagad ko naman binaklas ang balot nito. "Woww." Bulalas ko ng makita ang nilalaman. "Thank you Honey, ang ganda ng tela niya, makapal. Sigurado akung mahal ito." Saad ko ng makita kung anong klase ang regalo niya. Alam kung mahal ang pagkakabili niya sa klase palang ng tela at pagkakagawa. "Hayaan mo na ngayon nga lang kita mabibigyan ng ganyan. Sana gamitin mo rin. Lagi ko nalang kasing nakikitang puro brown at green ang backpacks mo. Pwede naman black di ba?" Paniniguro pa niya. "Oo naman kahit anung kulay pwede, ito lang kasi ang available." Usal ko. Na siya namang totoo dahil wala akung makitang ibang kulay. "Ok, Let's go out for our dinner date then." Dugtong ko pa. Agad naman siyang humalik sa labi ko at mabilis na pumasok sa silid niya. "Hi, Ace. Kanina ka pa?" Bungad niya pagpasok sa pinto kaya isang tango lang tinugon ko sa kanya. "Si Zinayah? May lakad ba kayo? Sama naman ako sa inyo. Lagi nalang ninyo akong iniiwan mag-isa." Saad pa niya. Naupo narin siya sa tabi ko na halos wala ng pagitan. "Sorry Devora next time ka nalang sumama. First year anniversary namin ngayon gusto ko kaming dalawa lang. Kakain lang naman kami sa labas." Tamad kung usal. "Zinayah isama mo naman ako. Gusto ko rin kayung kasama." Pagpapaawa pa niya kay Zinayah ng lumabas ito sa kwarto niya. "Let's go Hon, para makauwi rin tayo ng maaga." Singit ko na para matigil na ang kaibigan niya sa pagpapaawa. "Sasama ako sa inyo." Sambot niya at humawak na sa braso ni Zinayah at wala na akung nagawa. "Devora maiwan ka nalang sandali lang kami ni Zinayah, babalik din kami agad." Pakiusap ko pa sa kanya. "Basta sasama ako sa inyo baka kung saan mo siya dalhin. Mahirap na." Pamimilit pa niya. "Baka dalhin mo pa siya sa biglang liko." Dugtong pa niya. "Kahit saan ko siya dalhin kaya ko naman siyang panagutan. Mahal ko si Zinayah at handa akung pakasalan siya ano mang oras." Singhal ko na sa kanya at hinila sa kamay si Zinayah. .....End of the Flashback...... . Naiiling nalang ako ng maalala ang nakaraan napakabait niyang kaibigan. Ang itinuring niyang parang kapatid at tinulungan ng buong puso ang siya palang sisira sa amin. At maglalagay sa amin sa kapahamakan. Sinamsam ko ng lahat ng importante kung mga gamit at ipinasok sa backpack na regalo niya. Pinasadahan ko rin ng tingin ang album pictures namin at namili ng isa para dalhin. Kinuha ko rin ang picture ni Talah ng minsan ko siyang nakitang kausap si Remo, agad ko siyang pinictural. Nakangiti siya sa picture. Naupo ako sa study table ko at naghanap ng papel na pwedeng pagsulatan. Isang decision ang nabuo sa isip ko para sa mag-ina ko. Para sa nag-iisa kung anak. "Para sa iyo ito anak. Para sa iyo Noella Talah Fuentes. Hindi mo man dalhin ang pangalan ko you're my blood and flesh. Magkarugtong ang buhay at puso natin. Mahal na mahal kita anak." Wika ko sa kawalan kasabay ng pagtulo ng aking luhang pumatak sa papel. Kaya nilagyan ko ng hugis puso ang pinatakan ang aking luha at sinulatan ng pangalan ng aking anak. . . . . . . ................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD