Isang four story private hospital na hindi kalakihan ang napili nilang paglipatan kay Talah. Malinis at hindi mo aakalain isang hospital. May hardin sa magkabilang gilid na pwede pagpahingahan ng mga tao. Dalawang block lang ang layo sa bakeshop niya. Pinamamahalaan ito ng mga madre at may Doctor din pari. Kaya madalas makakakita ka ng mga madreng naglalakad sa pasilyong may hawak na maliit na aklat at rosaryo.
Tumukdok siya sa gilid ng kama ng anak hawak ang isang kamay nito. Lumuwag na ng kaunti ang dibdid niya makaraan ang check up ng pedia nito, ayun dito normal lahat ng vital sign at wala na siyang dapat ipag-alala. Dalawang linggo na simula ng maopera ito pero hindi parin nagigising.
Naalimpungatan siyang bigla at nag-angat ng ulo at pinakatitigan ang anak sinipat din niya ang kamay niyang may hawak sa kamay nito. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya, dahil ramdam niyang pumisil ito sa kamay niya. "Talah anak gising na. Uuwi na tayo naghihitay na si Nanay sa bahay." Saad niya at nakiramdam muli kung mararamdaman uli ang pagpisil ng maliit na kamay nito sa palad niya.
"Talah anak, gising ka na ba anak? Gising na baby. Please gising na anak." Kanda-utal niyang sambit ng paulit-ulit. Dinig din niya ang mahinang ungol nito. Kaya agad siyang
tumayo at pinindot sa emergency red botton sa may ulonan nito. "Talah anak." Bulalas niyang muli ng makitang nakamulat na ang mga mata nito pagupo niya. Niyakap niya ito ng mahigpit pero dumaing lang ito. " Sorry anak, sorry." Usal niya ng maalalang may sugat nga pala ang anak sa dibdib.
Kaagad siyang lumayo sa kama ng magdatingan ang mga nurse at doctor nito upang bigyan daan ang mga doctor na masuri ang anak. Lumuluha siyang pinagmamasdan ito habang iniisa-isa ng doctor i-check ang bawat bahagi ng katawan ni Talah particular ang sugat nito sa dibdib. Kita niyang pinapasadahan ng tingin ng anak niya ang bawat tao sa palibut niya.
"May masakit pa ba iyo baby? Ahh ka nga baby. Open your mount Baby." Utos ng isang doctor kaya sumunod naman si Talah. Ang itinuturo nito ang dibdib. Marahil kumikirot pa ang sugat nito. Kita rin ang pagkurap-kurap ng mga mata nito na parang antuk na antok pa.
"Hayaan muna natin siyang matulog. Stable ng lahat, ang sugat nalang niya ang hintayin natin maghilo mabuti. Sa ngayon makararamdam pa siya ng pasumpong sumpong na pagkirot nito lalo kung nagagalaw o napupuwersa sa paggalaw." Saad ng doctor. Kailangan pa raw mga-stay ito sa hospital ng ilang araw para maobserbahan pa.
Nakahinga ako ng maluwag ng magising ang aking anak. Iniisip ko kung gising na rin ba si Ace. Kung nakalabas na ba ito ng hospital. Ang huling balita niya dito naghihintay nalang na magising ito tulad ng anak niya. "Mag-ama nga sila." Anas niya at pinakatitigan ang anak. Kaagad din niyang tinawagan ang ina at ibinalita dito ang tungkol sa paggising ni Talah.
"Mama." Paus na tawag nito sa kanya. Matapos niyang pakainin.
"May gusto ka pa bang kainin o gustong inumin? Kaagad niyang tanong dito.
"Wala na po. Mama i had a dream." Usal nito kaya napahinto siya at hinarap ang anak. "A stranger guy po. Tinawan po niya ako. Dinala niya ako sa harding maraming bulaklak, maliwanag po dun. Sabi niya dun daw ako dumaan naghihintay ka daw sa akin. Sabi pa niya alagaan at mahalin daw kita. Ipagtanggol daw kita sa mga taong gustong manakit sa iyo." Kwento nito na parang kinakapa sa isip ang eksaktong napaginipan.
"Hhmm sino naman guy yun? Nakita mo ba mukha niya?" Malambing kung tanong dahil may pumapasok ng idea sa isip ko kung sino ang guy niyang sinasabi.
"Hindi po Mama kasi maliwanag yun tapat ng face niya hindi ko makita. Malaki po siya." Dagdag kwento pa nito. Naalala ko ang kanyang ama. Halos sabay ang mga itong nakipaglaban sa buhay at kamatayan. Nauna itong nag-flat line. Nauna rin nagkaroon ng heartbeats ang anak niya kasunod din ang ama nito. Malalim na buntong hininga lang pinawalan niya.
Bawat galaw at lakad ni Talah sinusundan niya ng tingin. Maayus na itong nakakakilos. Ino-obserbahan din niya ito kung may kakaiba bang ikinikilos, kung na-trauma ba. Pero matapang ang anak niya parang baliwala dito ang nangyari. Maliban sa paminsan-minsang pagkirot ng sugat nito pagtumatakbo o may binubuhat na laruan o biglang gumagalaw ng mabilis kaya todo bantay sila dito. Pero kailangan parin niyang ipatingin ang anak para makasiguro siya.
Naghahanda siya dahil ito ang unang hearing ng kasong k********g at physical injury na isinampa niyang kila Kiara at sa Mommy nito. Matapos ang halos tatlong buwan. Ngayon lang uli sila magkakaharap-harap. Wala na siyang balita sa mga ito mula ng i-transferred niya sa ibang hospital ang anak. At ayaw na niyang makialam pa sa mga ito at hinding-hindi niya makakalimutan ang malaking gulong ginawa ng mga ito sa kanila ng anak niya. Sa tuwing madidikit siya sa mga ito nagugulo ang buhay niya. May nagbubuwis ng buhay.
Isang floral maxi dress ang suot niya katerno ng black suede ankle strap three inches heels. Kasama si Cynthia at Geneva. Ayaw na niyang isama ang Ina at kapatid dahil mas lalong lumalaki ang gulo.
Pero sa kasamang palad kahapon pa daw naka-confined sa hospital ang Mommy ni Kiara kaya ito lang at ang Kuya Franz nito ang dumating. Nagsumiti ito ng medical certificate ng Mommy nila. Kaya walang silang nagawa ng i-cancelled ang hearing at inire-schedule sa susunod na buwan.
"Desisdido ka bang itutuloy mo pa ang kaso laban sa kanila?" Tanong ni Cynthia.
Malalim na buntong hininga lang naging tugon niya dito. Naawa siya sa Mommy ni Ace may edad na ito at baka hindi na kayanin ang magiging resulta ng kasong isinampa niya. Alam niyang siya ang papanigan ng batas alam din ng mga itong talo sila at siguradong makukulong ang mag-ina lalo at bata ang involved dito. Masisira din ang kinabukas ni Kiara. Hinimatay din ang ina ng mga ito sa sobrang pag-aalala kay Ace ng mag 50/50 at muntikan mamatay ang anak.
"Kahit anung gawin mo, itakwil mo man ng ilang beses ang mga Villaneza, Villaneza rin ang anak mo." Makahulugan din wika ni Geneva. "Nagkasala man sila sayo, iisang tao lang may kasalanan ng lahat ng ito. Ilang beses ka narin binalaan nuon ni Ace na hindi maganda ang ugali ni Devora pero patuloy mo parin siyang kinupkup sa apartment mo hanggang sa bahay ninyo ni Ace pinapatuloy mo siya binibigyan ng pera na hindi dapat. Ahas ang kaibigan mo siya ang puno't dulo nito hindi ang mga Villaneza." Dagdag pa nitong panenermon
"Sa tingin n'yo ba mas magandang iatras ko nalang ang demanda? Hayaang silang sa ginawa nila, halos mamatay si Talah sa nangyari. Ang sama talaga nila at alam kung ayaw nila sa akin, mas gusto nga nila si Devora para kay Ace. Nagagalit sila sa akin wala naman akung ginagawang masama sa kanila. Lahat ng alam kung pakikisama sa kanila ginawa ko ma-please ko lang sila, pero anung kinahinatnan?" Himutok ko sa kanila. "Ang alam kasi nila peniperahan ko lang si Ace. Iba talaga pagmayaman laging minamaliit ang mga gaya kung mahirap." Dagdag ko pa.
"Bueno, yaman din lang andito na kayong lahat hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Kilala naman siguro ninyo ako? Pero mas mabuti siguro kung ipakilala ko parin ang sarili ko, I'm Attorney Leticia Peralta, Zinayah Fuentes legal lawyer. Alam naman ninyo ang ipunta ko dito ang ipaabut sa inyo ang verbal agreement ng klienyente ko. Pero kung gusto naman ninyo ng black and white agreement madali lang yun. Kaya nga may option kayung pwedeng pamilian." Mahabang saad ni Atty. Peralta ang abogado ni Zinayah. Hindi ko man siya kilala ng personal pero madami na akung nababasang mga articles tungkol sa kanya. Isa siyang magaling na abogado at halos lahat ng kasong hinahawakan niya naipapanalo niya. May kaba man ako sa dibdib sa dahilan ng ipinunta niya dito pero alam kung tungkol sa kasong isinampa niya kila Mommy. Pinagmasdan niya kami isa-isa at maging si Ivan na naka-monitor din online kinumusta pa niya.
"Makikinig kami Atty. sa ano mang gustong iparating ni Zinayah." Usal ni Daddy. Nakaupo siya katabi nila Mommy at Kiara. Nakaupo naman kami nila Kuya Franz at Kuya Wyatt sa single seated chair maging si Attorney nakaupo rin sa single seated sofa kaharap niya sila Daddy.
"Ipinaabut ni Miss Zinayah Furntes ang verbal agreement na iaatras na niya ang demanda laban kila Mrs. Clarita Mae Villaneza at Miss Kiara Princess Villaneaza sa mga sumusunod na kasunduan o conditions. Una sino man sa pamilya Villaneza hindi na pwedeng lumapit o kausapin ang pamilya Fuentes lalo na ang mag-inang, Miss Zinayah Fuentes at Noella Talah Fuentes. Wala na kahit sino man sa inyo ang pwedeng lumapit sa kanila." Halos pangapusan ako ng hininga sa narinig na hinihiling na mga kondisyon ni Zinayah. Inaalisan niya ako ng karapatan sa anak namin. Hindi ako makikilala ng aking anak. Hindi ko na alam kung ano pang mga sinabi ni Attorney. Naglakbay na ang aking diwa sa kung saan at parang wala ng naririnig. Gustong kung magsisigaw at magwala sa galit pero wala akung pagpipilian kung hindi sumunod sa mga kahilingan niya.
May edad na si Mommy, hindi narin maganda ang health conditions niya at hindi na niya kakayanin ang makulong lalo na si Kiara. Bata pa siya at siguradong akung masisira siya sa loob ng correctional. Alam namin talo kami sa kaso. Malinaw ang lahat at si Mommy ang tinuturong mastermind ni Zinayah. Ito ang humarap at nanakit sa kanya at aminado si Mommy sa mga nagawa niya. Pero paano ang aking anak? Paano kami? Simula ng lumabas ako ng hospital hindi ko na sila nakita o nakusap. Wala rin balita sa kanila, kung ayus na ba ang amin anak. Nakalabas narin ito ng hospital ng puntahan ko ang pinaglipat nila.
Sinandal ko nalang ang aking likod at batok sa sandalan ng bangkong kinauupuan ko at hinayan sila. Wala ni isa man nagsasalita sa kanila alam kung sa akin silang lahat nakatingin. Nakikiramdam kung anung maginging tugon ko.Tanging mahinang hikbi ni Mommy at pagsinghot ni Kiara ang maririnig. Hindi ko rin alam ang gagawin at kung ano bang tamang decision. Buhay at kinabukasan ang nakasalalay dito at ayaw kong dumating ang araw na pagsisihan ko ang magiging pasya ko kaya nanatili akung tahimik, diretso lang ang tingin ko sa kisame. Hindi sila pinansin.
Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Daddy na dinig na dinig ko dahil sa katahimikan. Ramdam kung nakatingin siya sa akin dahil ako ang hingit na maaapektohan sa ano mang kalalabasan ng usapan. "Attorney." Usal niya sa garalgal na boses at muli na naman siyang bumuntong hininga alam kung mahihirapan silang mag-decision. "Bilang padre de pamilya, nakasalalay man ang damdamin ng isang anak ko dito. Pero kung ano man ang mga kahilingan ni Zinayah pagbibigyan ko, namin. Hindi ko kakayanin makita ang aking asawa at anak na naghihirap sa loob ng kulungan. Baka ito pa ang ikadali ng buhay ng asawa ko o maging ako. Masisira rin ang buhay ng nag-iisang anak kung babae. At alam kung kahit makulong pa sila hindi parin kami mapapatawad ni Zinayah dahil sa mga nangyaring hindi maganda. Malaki ang pagkukulang namin sa kanya at sa apo namin.
Ang mahinang hikbi kanina ni Mommy at Kiara ngayon ay naging hagulgol na. Dinig ko rin ang malalim na paghugot ng hininga ni Kuya Wyatt. Hindi ko lang masyadong naintindihan ang inusal na bulong ni Ivan. Na naka-video called lang siya at nakikinig din sa magiging kalalabasan ng usapan.
Muli na naman namayani ang katahimik marahil hinihintay nila kung anung magiging reactions ko. Kung tututol ba ako sa pahayag ni Daddy. Tama naman siya, ituloy man o iatras ang kasong isinampa niya kila Mommy, siguradong pahirapan ng mapatawad pa kami ni Zinayah. Matigas na ang loob niya ngayon hindi katulad ng dati. Mabait at mapagmahal. Hindi basta-basta nagagalit ng walang malalim na dahilan. Inuunawa ang bawat bagay at binibigyan katwiran. Laging nakangiti at pinakikita ang kababang loob kaya sinasamanta ng kaibigan niyang si Devora na sumira ng magandang relasyon namin. Marahil dahil sa mga naranasan niyang hirap at sama ng loob naging kasing tigas na ng bato ang kalooban niya at maging ang puso niya, hindi narin marunong magpatawad. Wala na akung nakikitang pagmamahal sa mga mata niya, bagkus pagkamuhi at galit ang mababakas dito.
"Atty. ipaabut mo kay Zinayah ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa kanya simula una hanggang ngayon. Hindi ko nakita ang kabutihan loob niya, nabulag ako sa paniniwalang isa siyang babaing opportunistic. Dahil sa dami ng nasasagap kung hindi magandang balita tungkol sa kanya idagdag pa ang mga larawan na nakikita ko. Hindi ko naman alam na pawang mga huwad pala yun. At ang lalaking sinasabi ni Devora ay kapatid pala niya at ginagamit lang nito para siraan siya. Alam kong hindi pa niya ako mapapatawad ngayon dahil sariwa pa ang lahat, sana dumating din ang araw na mapatawad niya ako bago pa ako lubugan ng araw. Makita at mahagkan ko pa ang aming apo." Umiiyak niyang mahabang litanya. Kaya naipikit ko ang aking mga mata. Hinayaan kung sirain kami ng isang baliw at mapagkunwaring babae.
Matapos nilang lahat magpaabut ng tawad kay Zinayah minsang pang muling dumaan ang katahimikan. Hinihintay kung anung salita ang magmumula sa akin pero tikom lang ang aking bibig. Walang isa o sampung salita ang pwede kung sabihin para humingin ng tawad. Siguro kailangan kung sadyain siya at sa harap niya ako hihingi ng tawad. Pero paano ko pa gagawin yun kung may mga napag-usapan na.
"At ang huli, bago ko ito ibigay kay General Ace kailangan ko daw munang ipakita sa inyo. Ayaw na nga daw sana niyang galawin yan pero baka daw hindi ninyo siya patahimikin dahil dyan. At alam daw niyang yan ang hinahabol ninyo sa kanya. Last week lang niya ito ina-up date, walang bawas, walang kulang, hindi niya ginalaw kahit isang centemo. Kasama na dito ang mga naging interest sa nakalipas na apat na taon." Aniya kaya napatingin ako sa hawak niya at muling mariing napapikit at nagtangis ang aking mga ngipin sa nakita. Ang bank account niya kung saan ako nag-deposit ng malaking halaga. "Hindi sa naghihimasok ako sa buhay ni Zinayah, but her biological father is a billionaire business tycoon. I know you know Don Manolo De Asis at isang salita lang ni Zinayah malilipat sa kanya ang milyon-milyong ari-arian at perang laan talaga para sa kanya. Kung tutousin barya lang yan binayad n'yo sa kanya para layuan kayo." May pangiinsultong dugtong pa niya.
.
.
.
.
.
.................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....