Isang lalaki at isang babae ang magkahawak kamay na tumatakbong patungo sa gawi namin.
"Zinayah, how's Talah? What happened to her? Where is she?" Sunod-sunod niyang tanong ng makalapit siya kay Zinayah. Kunot noo niyang pinakatitigan si Zinayah. "What happened to you?" Gulat nitong tanong. Kaya tinitigan kung mabuti ang lalaki. Yakap na niya si Zinayah na umiiyak. Gusto ko siyang suntokin sa ginagawa niya kay Zinayah pero wala na akung karapan sa kanya ngayon. Kita kung kunot noong titig na titig din si Mommy sa lalaki at alam kung kinikilala niya ito.
"Tita Clara bati naman ng babaing kasama ng lalaki kay Mommy. Kilala ko siya. Anak siya ng pinsan ng step-dad ni Tito Dwayne, si Geneva. Galit na galit din siya sa akin ng malaman niyang hiniwalayan ko si Zinayah na hindi hiningi ang paliwanag nito."Husband ko po." Pakilala niya dito kaya mas lalong nangunot ang noo ko.
"Hi po Tita."Aniya at nagmano kay Mommy. "Bordeaux de Asis po half-brother ni Zinayah mag kapatid po kami sa ama." Diretsong wika niyang ikinabagsak ng panga ko. At nilingon si Zinayah yakap ng isang babae. Siya ang lalaking madalas kung makita sa mga picture na kasama ni Zinayah. Siya ang kasama ni Zinayah na lumabas at pumasok sa isang silid ng kilalang hotel.
"Tang....***na." Mura ko sa isipan ko. Sino ang nagpapadala sa akin ng mga link. May captions na lalaki daw ni Zinayah at ito ang nagbibigay ng pera dito.
"Kung nakinig ka lang sa aking nuon hindi sana nangyari ito." Asik niya agad pagkaupo niya sa tabi ko. "Akala mo kasi kaaway mo ako. Wala kang tiwala sa akin at iniisip mong may gusto ako sa'yo, masyadong kang believe sa sarili mo. Nagmamalasakit lang ako sa inyo ni Zinayah. Gusto ko lang mapalapit sa iyo nuon, para matulungan mo akung kunin ang loob ni Zinayah, para mapatawad na niya ang kanyang ama sa pag-abandona sa kanya. Pero iba ang nangyari mas kinampihan mo pa ang ibang tao. Kung tutuusin Tito ko rin si Tito Dwayne. Hindi mo alam nag-aalaga kayo ng makamandag na ahas. Pero sayang huli na ang lahat. Wala narin tayung magagawa ngayon kung hindi ipagadasal ang kaligtasan ng anak ninyo ni Zinayah. Ooopps. Sorry itinakwil n'yo nga pala sila kaya nawala ang kakambal ni Talah. Full forced ang buong pamilyang mong itinapon siya matapos mong buntisin. Pinag-bintangang binuntis ng kapatid niya." Pang iinsulto pa niya. "Akala ko matitino kayung lahat hindi pala. Tama lang pala sinabi ni Zinayah isang kang duwag at isang lalaking walang bayag, isang heneral na basag ang pula ng itlog. Huwag kang magalala andito lang kami tutulongan namin si Zinayah kahit ayaw niya. Hindi namin siya pababayaan. Kaya kung ako sa iyo dumistansiya kana dahil alam kung hinding-hindi ka niya mapapatawad at hindi ka din niya ipapakilala kay Talah. Dahil alam ni Talah na matagal ng patay ang tatay niya kasama ng kakambal niya." Litanya pa niya at padabog na siyang tumayo.
Halos hindi ako makahuma sa mga narinig muna sa kanya. Hindi ko naman alam na hindi totoo ang mga natatanggap kung mga pictures at videos. Sa tindi ng nararamdaman kung galit at selos. Heto ang kinahantungan. Pare-pareho kaming nasasaktan at nagdurusa nasa panganib pa ang aming anak. Wala pag balita kung ano ng nangyayari sa loob ng operating room mag-iisang oras na. Hindi ko rin alam ang tungkol sa bialogical father niya. Ang sabi niya namatay na ang tatay niya isang taon bago kami magkakilala.
"She needs blood. Blood transfusions." Ani Tito Thom pagbukas palang ng operating room, makaraaan ang mahabang oras namin paghihintay kaya napatigil sa pagwawala ni Zinayah. "Maraming dugo ang nawala sa kanya. Kaya kailangang masalinan siya agad ng dugo." Dugtong pa niya. Nasa may likuran niya ang isang nurse.
"Tito Thom i'm willing to donate my blood to Talah." Prisinta ko at agad tumayo.
"No. Hindi siya pwedeng masalinan ng dugo ng mga kriminal. Kukuha kami sa blood bank maraming dugo dun. Ayaw kung masalinan siya ng dugo ng isang kriminal." Sigaw niya. Nagwawala na naman siya. Umiiyak parin siya hanggang ngayon namamaga ang mukha niya. May benda ang isang palad niya. Nangingitim narin ang mga pasa niya.
"Ace follow me. Mahalaga ang bawat sigundo, buhay ng anak ninyo ang nakasalaylay dito. Para magamot narin yan sugat mo." Utos na ni Tito Thom. Dahil hanggang ngayon hindi ko pa pinagagamot ang sugat ko, tinitiis ang sakit. Gusto kung masiguro muna ang kalagayan ng anak ko.
"Hindi ako papayag na masalinan ng dugo ng isang kriminal at masamang tao ang aking anak. "Sigaw pa niyang paulit-ulit. Pigil-pigil din siya ng dalawang babae. Malalaki ang hakbang kung nilampasan siya at hindi pinansin. Buhay ng anak namin ang nakataya dito. At kahit buhay ko pa ibibigay ko mabuhay lang siya. Nananalangin na sana match ang dugo namin. At lahat gagawin ko para sa anak namin, mabuhay lang ito.
*
*^*^*^*
*
Matapos ang mahaba-habang oras ng operasyon nila Ace at Talah idiniklara parin ng mga doctor na malaki parin ang chance na malagay sa panganib ang mag-ama. Dahil hind pa stable at nasa critical conditions pa ang mga ito. At hindi parin sigurado kung kailan sila magigising at sa parehon condition kaya pinagsama sila sa iisang ICU room. Kaya wala siyang magawa kahit ayaw niyang makita ang mga Villaneza, magkakasama rin sila sa labas ng nasabing silid para magbantay. At tanging sa glass window lang nila nakikita ang mga pasyete nila. Hindi sila pwedeng mababad sa loob ng kwarto. Sa tuwing sisilipin niya ang anak nakikita rin niya si Ace, magkatabi lang ang kama ng mga ito.
Mayat-maya ang silip ng bawat isa ka kanila sa loob ng ICU room. At hindi nawawalan ng tao sa tapat ng window glass. Dalawang mahalagang tao ang nasa loob. Hindi rin siya mapalagay dahil naiilang siya sa mga Villaneza at hanggat maaari ayaw niyang makita ang mga ito. Kaya nag-request siya sa hospital na gusto niyang i-transfers ang anak sa ibang hospital. Pero hindi siya pinayagan ng mga doctor dahil hindi pa raw stable ang pasyente at baka lalong makasama dito. Ayaw niya kasing màkasama ang mga Villaneza. Suko hanggang langit ang galit niya sa mga ito. Hindi sana malalagay sa panganib ang buhay ng anak niya kung hindi sa pakikipagsabwatan ng mga ito kay Devora. Kaya kahit anung gawin at sabihin ng mga ito tinataray niya at hindi pinapansin. Nag-collapse din ang kanyang ina kanina ng malaman ang nangyari. Kaya pinauwi nalang niya ito. Para makapag pahinga.
Nakatayo lang siyang tahimik na umiiyak sa tapat ng glass widow nananalangin para sa kaligtaas ng mga tao sa loob, ang anak niya at ang ama nito. May isang nurse din sa loob na tumitingin sa mga ito. Katabi niya ang ama ni Ace nakamasid din ito sa mga taong nakahiga na may mga tubong nakakabit. Kaagad din siyang nagpanic at halos manginig ang buong katawan. Nagtatakbuhan narin ang mga doctor papasok sa ICU room ng mag-flatline ang heartbeat ng anak niya. Nagsisigaw siya at halos magtatalon siya sa kaiiyak tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan ng anak. At mas lalong silang nagkagulo sa takot ng mag isang linya rin ang monitoring heartbeats ni Ace. Pilit din inire-revive ito ng mga doctor. Nakaagaw din ng pansin niya ng biglang bumagsak ang Mommy ni Ace buti at agad itong nasalo ni Wyatt na laging nakaalalay sa ina. Kaagad din itong ihiniga sa stretcher at mabilis na dinala sa isang kwarto. Si Franz ang laging nasa tabi niya, alam niyang binabantayan siya nito kaya nga lagi niya itong sinisinghalan.
"Ate tama na Ate baka kung mapaano ka niyan." Umiiyak din pagpapakalma sa kanya ng bunsong kapatid na si Jake. Habang magkakasama silang nakatayo sa tapat ng glass window ng ICU room. Yakap-yakap din siya ng kapatid na si Ashton tulad niya umiiyak din ito.
Pinagmamasdan niyang mabuti ang monitor heatbeat ng anak dahil hindi na niya makita ito, natatakpan ito ng mga doctor at mga nurse. Mga pagbalahaw ng iyak niya at ni Kiara ang tanging maririnig sa pasilyo. Ilang mga tao narin ang sumisilip sa lugar nila. Ang iba pinanununod sila. Kita niyang umangat ang heatbeat line ng anak niya at bigla din magpa-flatline ito. Ganuon din ang nangyayari sa monitor heatbeat line ni Ace. Kaya walang tigil ang mga Doctor ng mga ito sa mga ginagawa. Maging ang mag-kapatid na Franz at Wyatt nagpapahid narin ng mga luha. Dalawa sa mahal nila sa buhay ang patuloy na nakikipaglaban sa kamatayan. Ang ama ng mga ito ay kasama ang inang dinala sa kabilang kwarto ng hospital.
Halos tatlong minuto ang itinagal ng pahirapang pagri-revived kila Ace at Talah, bago nag-normal line ang heartbeat ng mga ito. Nakahinga man siya ng maluwag pero natatakot parin siyang maulit uli ang nangyari kaya halos ayaw na niyang umalis sa tapat ng glass window ng ICU. Pinayuhan narin siya ng doctor na magapahinga at baka siya naman ang mag-collapse. At kahit anung pagkain ang ibigay sa kanya nila Wyatt at Franz hindi niya ito tinatanggap. Ang mga ito ang sinisisi niya sa mga nangyari sa anak niya.
"Zinayah kami na bahala ditong magbantay, umuwi na muna kayo ni Jake para makapagpahinga. Matulog ka muna kahit ilang oras lang." Pangungumbinsi pa ni Cynthia sa kanya. Pero puro iling lang ang sagot niya sa mga ito. Gusto niya bantayan at makita bawat sigundo ang anak.
Excited at mabilis niyang isinuot ang plastic gown, face mask at hair net cap. Binigyan ng Doctor ang bawat isa sa kanila ng tig-limang minuto para makapasok sa loob. Pagbukas niya ng pinto kaagad siyang naglakad palapit sa kama ng anak pero hindi rin niya maiwasan hindi lingonin ang kama ni Ace katabi lang ito ng kama ng anak nila. Kahit malaki ang kasalan ng mga ito sa kanya nalulungkot parin siya sa sinapit nito. Nalagay sa panganib ang buhay nito ng dahil sa anak nila. Kinailangan din nitong salinan ng dugo habang inooperahan. Ayaw kasi nitong ipagamot ang sugat hanggat hindi raw nalalaman ang kalagayan ni Talah. Kaya halos maubus din ang dugo nito idagdag pang dito rin nanggaling ang dugong agarang isinalin sa anak nila.
Maingat niyang iniangat ang isang kamay ng anak niya at hinalikan ito. Matapos niyang ilang beses hagkan sa noo. "Talah anak gumising ka na, missed ka na ni Mama." Bulong niya sa anak na umiiyak. Naaawa siya sa anak. May kung anu-anong tubong nakakabit dito. At halos buong dibdib nababalutan ng benda. Kulay ube narin ang mga pasa nito sa braso. Hindi na niya alam ang nangyari matapos tumama sa kandunga niya ang katawan ni Devora, dahil sa pagwawala niya bumagsak ito sa paanan niya. Butas ang noo nito. Dilat ang mga mata na parang sa kanya nakatitig. At dahil sa matinding takot nagdilim na ang paningin niya. Nagising nalang siya sa loob ng hospital, ginagamot ng doctor at mga nurse ang mga sugat niya habang nakatunghay si Franz sa kanya.
Ramdam din niya ang pagdaan ni Franz sa tabi niya. Ito ang may hawak ng mga gown kanina bago siya pumasok. Simula kagabi ito na ang nagbabantay umuwi na ang mga kapatid nito at mga magulang. Ang kasama lang nito ang isang lalaki. Ang sabi abogado daw at kaibigan nito.
"Bro, wake up and get up. Huwag mo kaming masyadong takutin. Gumising na kayo ng anak mo. Umuwi na tayo." Dinig niyang usal ng Kuya nito kaya pasimple siyang lumingon. Mababakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala kay Ace. Bahagya pa nitong hinagod ang buhok ng nakababatang kapatid. Nuong panahon ayus pa ang pagsasama nila ni Ace mabait ito at laging nakasuporta sa kanila. Kaibigan niya nuong high school ang asawa nitong si Yamileth. Laging binubuling anak daw ng tulisan kaya naging magkasaga sila. Dahil siya, tinitukso rin ng putok sa buho nuong bata pa. Lahat ng umaaway dito inaaway din niya. "Bro gising na maraming naghihintay sa iyo." Dugtong pa nito.
Dinampian niya muli ng magaang halik sa noo ang anak at ianyus ang magulong buhok nito. Bakas sa mukha nito ang pinagdaanan hirap. Kaya nagunahan na naman tumulo ang luha niya sa awa sa anak.
"Zinayah ayus lang ba talagang ilipat mo ng ibang hospital si Talah? Hindi ba mas magandang magkasama sila ng Papa niya? Siguro panahon narin para magkakilala ang mag-ama." Nanantiyang tanong ni Cynthia sa kanya.
"Tama lang yun para wala ng maraming gulo. Gusto ko paggising ni Talah tahimik na kapaligiran. Malayo sa mga taong gustong manakit sa amin. Ayaw ko ng magkaroon ng ano mang ugnayan sa kanila. Ang dami ko ng tiniis na hirap at sakit ng kalooban, tama na yun. Ayaw ko ng madagdag pa." Litanya niya. "Bukas ng umaga ililipat na siya. Stable na ang condition niya. Normal na ang mga vital sign niya. Hihintayin nalang na magising siya" Aniya. Buo na pasya niyang ilayo sa mga Villaneza ang anak niya. Tama na hirap at muntikan malagay sa panganib ang buhay ng nag-iisang anak. At sigurado siyang may trauma na ito.
"Huwag mong pairalin ang pride mo Zinayah. Kahit anung gawin mo mag-ama parin sila." Aniya pa.
"Hindi pride ang pinag-uusapan dito kung hindi ang damdamin ng isang inang nawalan ng anak. Gaano kasakit yun mawalan ka ng anak. At ang dahilan ang walang kwenta nilang pag-aakusa ng mapanirang puring hindi ko naman ginagawa. Hindi man lang niya ako hiningan ng paliwanag. Pare-pareho silang may alam sa preseso ng hustisiya, pero malablaw ang utak nila pagdating sa akin dahil hindi nila ako tanggap para sa pamilya nila." Sikmat na niya dito. "Mas gusto nila ang tulad nilang baliw at wala sa katinuan ng pag-iisip." Dagdag pa niya.
.
.
.
.
.
.................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..