Episode - 15

2358 Words
Tumayo lahat ng balahibo ko sa mga narinig. Unang kita ko palang sa kanya nuon duda na ako sa ugali niya. Iba rin kung makatingin siya, pasulimpat, palalim. Binalaan ko na si Zinayah nuon pero ang sabi niya mabait ito at naawa siya. Hindi man niya aminin pero alam ko naman binibigyan niya ito ng pera. At siya rin ang nagababayad ng apartment na matagal na niyang nilisan. Dahan-dahan kung iniangat ang isang tablang dingding na matatanggal na sa pagkakapako para makita sila sa loob kung kasama ba nila si Talah. Nanglalaki ang mga mata ko ng makita si Zinayah. Nakatali ang magkabilang kamay niya, ganuon din ang mga paa, magkahiwalay na nakatali sa paa ng bangko. May mga sugat siya sa mukha namamaga narin mga mata niya sa walang tigil na pag-iyak. May dugo rin sa leeg. Ang mga kamay niya may dugo rin. Ang hindi ko nakayanan nakita wasak ang pagitaas niyang damit, halos makita na ang lahat kaya ganuon nalang kung makapagsalita ang lalaki sa tabi niya. Mukhang gawa ito ng mga lalaki sa baba kanina na may pagnanasa sa kanya. Wala na akung sinayang na sandali at baka lalong mapahamak si Zinayah. "Ako ba hinahanap mo Devora? Andito na ako pawalan mo na ang mag-ina." Saad ko agad pagpasok ko ng kwarto. Marumi ang paligid puro sapot ng gagamba at alikabok iba narin ang amoy nito. May mga putik pa ang sahig, marami din nagkalat na sari-saring basang mga lumang damit at karton. "Ace!" Bulalas niyang bigla, naglalaki rin ang mga mata niya. Ganun din si Zinayah gulat na gulat sila ng makita ako. Gusto ko siyang lapitan pero kailangan ko munang makipaglaro kay Devora. "Pawalan mo na sila Devora andito na ako. Umuwi na tayo marami pa tayung aayusin na dalawa tungkol sa kasal natin. Nakausap ko na ang mga coordenator. Nasa isla na sila ngayon para isa-ayus ang venue ng kasal natin." Malumanay ko ng turan para kumalma siya at sumunod sa gusto ko. "Pakawalan mo na siya para makalabas na siya dito. Nasaan ang anak niya? Ibigay mo sa kanya at paalis mo na sila, ayaw ko ng makita pa sila." Dagdag ko pa at pasimpleng sinulyapan si Zinayah, kita ko ang pagismid niya. "Hindi Ace, alam kung niloloko mo lang ako." Saad niyang nakatitig sa akin. "Bakit kita lolokohin, kaya nga ako hindi nagpapakita sa iyo para surpresahin ka sa magiging venue ng kasal natin. Dun walang manggugulo sa atin, walang hahadlang sa kasal natin." Pambobola ko pa. "Dalhin mo na dito ang bata para makaalis na sila. Kalagan mo narin ang babaing yan." Utos ko pa sa mga lalaking nakabantay kay Zinayah. "Huwag mong kakalagan, hindi pa siya pwedeng makawala." Asik niya sa lalaking nagtangkang kalagan sa pagkakatali si Zinayah. "Kailangan pa niyang magdusa. Ang tagal kung nagtiis at bawat sandaling nakikita ko siyang masayang kasama ang lalaking mahal ko unti-unti niya akung pinapatay." Sikmat niyang nanlilisik ang mga mata. Hindi naman makapagsalita si Zinayah at tangin ungol at iyak lang maririnig sa kanya. "Kailangan na nating umalis dito hindi maganda ang lugar at mukhang mapanganib dito. Hayaan mo na sila. Ayaw ko na ng gulo, gusto ko ng tahimik na pamumuhay kasama ka. Bibili tayo ng sarili nating bahay o kung gusto mo sa mansyon tayo titira pagkatapos ng kasal natin. Sa America na maglalagi sila Daddy kasama si Kiara." Saad ko pa at pilit siyang kinubumbinsi. Nakangisi siyang humarap sa akin, pero ang mga mata niya nanlilisik na nakatitig sa akin. Iba na ang tinatakbo ng utak niya at hindi na maganda ang aking nararamdaman. Matalas ang naging pakiramdaam ko at naging mailap narin ang aking mga mata alam kung may masama siyang binabalak. Kaya ihinanda ko ang aking sarili sa mga gagawin niya. Dalawang lalaki lang kasama namin dahil lumabas ang tatlo kanina at kayang-kaya ko silang patumbahin. Baliw na si Devora at wala na siya sa katinuan ng pag-iisip at mapanganib ang bawat lagaw niya. "Ito bang babaing ito ang ipinagmamalaki mo Ace?" Sikmat niya at kaagad niyang dinakma sa buhok si Zinayah. Itiningala pa niya ito habang nagpupumiglas parin si Zinayah. Matapag siya at lumalaban kahit nahihirapan na siya at halos hindi makagalaw sa pagkakatali. Gustong-gusto ko siyang lapitan. Ayaw kung nakikita siyang nasasaktan at umiiyak. "Alam ko namang mahal mo parin siya Ace. Kahit yata anung gawin kung paninira sa kanya hindi mo paniniwalan. Hindi tulad ng Mommy mong lahat yata ng sinasabi ko paniwalang-paniwa. Ilang videos naba ang ipinadala ko sa iyong may kasamang lalaki si Zinayah pero bale wala parin sa iyo. Kaya hindi ako papayag na hanggang ngayon nag-e-exist parin siya sa mundo, sila ng anak n'yo." Tumatawa na niyang singhal. Hindi naman na ako nabigla sa sinabi niya dahil alam ko na ang totoo. Anak namin si Talah. "Tama na Devora paalisin mo siya dito. Hindi ako naniniwalang ako ang ama ng anak ng malanding babaing yan. Umuwi na tayo, pinag-aaksayahan mo lang ng oras ang babaing yan. Ayaw ko na siyang makita at wala na akung pakialam sa kanya. Ikaw ang ipinunta ko dito. Tayo na umuwi." Panghihikayat ko pa. Kita ko ang mabalasik niyang pagtitig kay Zinayah. "Alam mo ba kung bakit ako ang nagpumilit sumama sa kanya sa doctor para magpa-check up kahit ipinipilt niyang ikaw ang gusto niyang kasama. Para malaman ko kung totoo bang buntis siya. Kaya kaagad kung ipinadala ang mga ipinagawa kung fake videos sa inyong lahat. And presto napaghiwalay ko kayung dalawa pero hindi mo parin ako matanggap kahit ginawa ko ng lahat. Halos magpa alipin ako sa iyo. Tanging ang Mommy mo lang at si Kiara ang naging kakampi ko at naniniwala sa lahat ng sinasabi ko. Pero ikaw anung ginawa mo. Pinagtataguan mo ako Ace. Mahal na mahal kita Ace, una palang kitang nakita sa university nuong nagpunta kayo. Pero nabalitaan ko nalang na boyfriend kana ng kaibigan ko." Mahabang litanya niyang umiiyak. Tumatawa narin siya. Basa na ng mga luha ang kanyang muka. Humulas narin ang make-up niya. "Mammaa." Tinig na kanina ko pa gustong marinig pigil siya sa braso ng isang lalaki. Marumi na ang kanya damit. Mugtong-mogto ang kanyang mga mata. Nanliit ang aking mga matang pinagmasdan siyang mabuti. May pasa siya sa braso namumula rin ang muka niya. Mukhang sinampal siya. Matalim kung tiningnan ang lalaking may hawak sa kanya isang sipa ko lang dito sigurado akung tulog siya. Nagpupumislas narin si Zinayah at panay ang ungol niya. "Bakit po ninyo tinalian ang Mama ko? Alisin na po ninyo ang tali niya please, kawawa naman po ang Mama ko." Umiiyak niyang pakiusap. "Isa ka pang pesteng bata ka, napaka-ingay mo talaga. Tumigil ka."Hiyaw ni Devora dito. "Dapat sa iyo patahimikin." Muli niyang sigaw dito at naglabas ng baril mula sa likuran niya. At kaagad itinutok kay Talah. "Bakit po ninyo ako babarilin wala naman po akung ginagawang masama." Matapang na niyang turan. "Ang tapang mo rin peste ka, lahi ka talaga ng mga Villaneza." Asik pa niya. Iwanan mo siya at magbantay ka sa labas." Muli niyang sigaw sa lalaking may hawak kay Talah at dito niya itinutok ang baril. "Devora itago mo yang baril, huwag mong takutin ang bata." Saad kong kinakabahan at baka makalabit niya ito bagamat hindi ito nakatutok kay Talah ng diretso. Pero isang paslit lang na bata ang kaharap namin. "Itabi mo na yan.Tayo na umalis na tayo dito." aniko. Dahil sa isang maling kilos lang ng isa sa amin may magbubuwis ng buhay. Sunod-sunod na putok ng mga baril na ang umalingawngaw sa labas ng bahay. At sa pagkataranta ni Devora nakalabit niya ang gatilyo ng baril na hawak ng hindi alam kung saan itututok. "Nooo... Sigaw ko at kaagad linundag ang aking anak. Upang iharang ang aking katawan sa kanya kasabay ng pagkalabit ng gatilyo ng baril na agad kung nahugot sa bewang ko. Sapul ng bala mula sa baril ko ang noo ni Devora. Nabuwal siya sa mga tuhod ni Zinayah bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Dilat ang mata niyang humandusay sa paanan ni Zinayah. Dalawang magkasunod na putok agad ang napanawalan nito, isa kay Talah na tumama sa dibdib at isa sa balikat ni Ace. Buti nalang naiharang niya ang katawan kung hindi sa ulo tatamaan si Talah. Isang putok pa ang narinig niya at nilingo ang pinanggalingan nito. "Talahhh!" Sigaw ko. Humandusay siya sa unang balang lumabas sa baril ni Devora hindi ko akalain na sa anak ko tatama ang bala. Kay Zinayah siya nakaharap kanina. "Talah baby, Papa's here na wake-up Baby. Please open your eyes." Paulit-ulit kung sigaw at pilit siyang ginigising. Binibigyan ko rin siya ng CPR. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo. "Kuya Ace may mga ambulansiya na sa labas buhatin mo na siya at ilabas dito." Utos agad ni Ivan, galing sa kanya ang putok ng baril. Binaril niya ang lalaki sa tabi ni Zinayah. Kasunod niya sila Kuya Franz. Kita kung agad hinubad ni Kuya Wyatt ang suot niyang jacket, malalaki ang hakbang niyang itinakip ito sa katawan ni Zinayah na halos hubad baro na. Labas na ang itim niyang bra. May mga sugat siya sa katawan, meron din sa leeg at braso. Nawalan siya ng malay tao. Kinalas na din nila ang mga tali nito. Gusto kung ubusin ang lamang bala ng magazine ko kay Devora sa ginawa niya pero kailangan na ako ng akin anak. "Kuya Ace akina baril mo hindi mo dapat dalhin yan." Aniya at hinugot niya ang isa pang baril sa bewang ko maging ang mga magazine bullets kinuha niya. "Ace ilabas mo na si Talah. Lumabas na kayo dito, kami na bahala kay Zinayah." Utos ni Kuya Franz. "Kuya Ace let's go, kailangan na niyang magamot agad aalalay ko kayo." Aniya at mabilis na akung tumayo yakap-yakap ko ang aking anak na halos wala ng buhay. Patuloy ang pag-agus ng dugo niya mula sa dibdib na tinamaan ng bala. Bawat hakbang at tapak ko sa sahig maingat na sinusuri muna ni Ivan dahil isang maling tapat ko lang lulusot kami pababa. Lalo kaming madidisgrasiya. Malalaki ang hakbang ko at halos tumakbo na ako palabas ng bodega, may mga sumasaludo sa aking mga pulis at sundalong nasasalubong ko, pero hindi ko na sila binibigyan pansin ang mahalaga sa akin ang buhay ng anak ko. Kaagad na may sumalubong sa aming mga paramedics na may dalang stretcher, kinukuha nila sa akin si Talah. Pero hindi ko binibitawan ang isang kamay niya. Gusto kung nasa tabi ko siya habang binibigyan ng paunang lunas. Kaagad din siyang kinabitan ng oxygen nilagyan ng benda ang sugat nito para maampat ang pagdaloy ng dugo. "Sir may tama rin po kayo lagyan po muna natin nito." Usal ng isang paramedic. Kaya hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Tanaw ko na sila Kuya Franz na malalaki ang hakbang papalapit sa amin. Karga niya si Zinayah. Nakalaylay ang isang kamay nito na mukhang wala paring malay. Bago pa nila maihiga sa stretcher si Zinayah nilapitan ko na ito at niyakap. Hinawi ko ang mga buhok niya naka takip na mukha niya. "Zinayah please wake-up Honey. Talah needs you." Anas ko sa kanya at niyakap ng mahigpit. Ito ang unang pagkakataong mayayakap ko ulit siya sa loob ng apat na taon. Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa kanya, ng aking pamilya. "Ace sasamahan na kita, si Kuya Franz na daw bahala kay Zinayah." Saad ni Kuya Wyatt at mabilis na rin siyang sumakay sa ambulansiya. Hawak ko lang ang isang kamay ng aking anak at hindi binibitawan. Namumutla na siya. Maputi na ang mga labi niya na parang wala na siyang dugo. Mahina naring ang t***k ng puso niya. Hindi ko alam kung kakayanin pa ba niya ang hirap na dinaranas niya ngayon napakabata pa niya. Parang pinipiga ang aking puso sa nangyari sa aking mag-ina lalo na kay Talah. May mga nakaabang narin mga nurse at doctor pagdating namin ng hospital. Kasunod lang namin ang ambulansiyang sinasakyan nila Zinayah. Kaagad din siyang dinala sa operating room matapos masuri ng ilang minuto. Hindi ko alam kung anung mangyayari ngayon, kung makakaligtas ba ang aking anak sa tiyak na kapahamakan. Kasalanan kung lahat ng ito kung bakit nalagay sa pilegro ang buhay niya. Hindi ko man lang siya naprotektahan. Palakad-lakad lang ako sa tapat ng operating room nanalangin maligtas ang akin anak. Hindi ko rin alintana ang dugong tumatagas mula sa aking dibdib.Takot ang tanging nararamdam ko ngayon para sa anak namin. Lakad paikot-ikot lang ang ginagawa ko habang naghahantay ng balita tungkol sa anak. "Ace kumusta na siya? Anung nangyari sa kanya?" Sunod-sunod na tanong ni Daddy. Mukhang hindi na siya nakapagpalit ng damit niya at sumugod na agad dito. "Ace may sugat ka rin ipagamot mo na yan." Saad ni Mommy pero hindi ko sila pinapansin katabi niya si Kiara. Alam kung hindi sila aalis hanggat hindi nila nalalaman ang kalagayan ni Talah. Malaki ang kasalan nila kung bakit nalagay sa panganib ang buhay ng anak ko. Kung hindi sana nila pinatulan si Devora hindi mangyayari ito. Ang galing din kasi niyang magpaikot ng tao. "Nagkamalay na siya. Ginagamot nadin." Usal ni Kuya Franz pagkalapit niya sa akin kaya nakahinga na ako ng maluwag si Talah nalang ang iintindihin ko. Humahangus din naglalakad si Tito Thom papalapit sa amin. Kasabay niya ang dalawa pang doctor. "Tito Thom please save her." Usal ko pa sa kanya bago siya pumasok sa loob ng operating room. May edad narin siya tulad ni Daddy. At pag-aari niya itong hospital. Pero pag ganitong pagkakataon hindi niya maiwasang hindi tumulong. Lalo sa amin, kaibigan niyang matalik si Daddy. Magaling siyang doctor maraming kumukuha ng serbisyo niya. Isa siyang magaling na surgeon. Dinig ko na ang walang tigil na pagwawala ni Zinayah. Alam kung masakit ang nangyari, nasasaktan din ako dahil ako ang ama. Pero ang laki ng pagkukulang ko sa kanilang mag-ina. Ako ang may kasalanan ng lahat. Gusto ko siyang lapitan, para magkadamay kaming dalawa pero hindi ko magawa. Wala akung lakas ng loob na lapitan siya. . . . . . ................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD