Episode - 14

2253 Words
"Sa wakas dumating ka rin mahal kung kaibigan." Nakangisi niyang bungad sa akin animo siya adik. Malalalim ang mga mata niya, mukhang hindi siya nakatulog magdamag. Tulad ko wala parin tulog sa pag-aalala sa aking anak. "Nasaan ang anak ko Devora anung kailangan mo sa akin? Ano bang nagawa kung kasalanan sayo at maging ang anak ko dinadamay mo pa?" Mariing sikmat ko sa kanya. "Nasaan siya Devora ibigay mo na siya sa akin para makauwi na kami." Muli kung sikmat sa kanya. "Not so fast my dear friend. Maghintay ka lang. Marami pa akung gustong gawin sa inyong mag-ina. Mamaya makikita mo rin ang anak mo." Tumatawa na niyang wika. Baliw na talaga siya. Malayung malayo sa Devorang nakilala ko nuon. "Gusto kung makita ang anak ko. Gusto kung malaman ang kalagayan niya. Kumain na ba siya baka sinaktan mo siya. Kilalang kilala kita Devora wala kang tiyaga at mapanakit sa bata." Sigaw ko na sa kanya. "Kumain na siya kagabi at hanggang ngayon natutulog parin ang bungangerang mong anak na walang iniwan sa iyo." Saad niya nanlilisik ang mga mata. "Itali ninyo ang babaing yan at sigurohin hindi makakawala. Bantayan din ninyong mabuti at baka makatas lagot kayo sa akin." Mariing niyang utos sa mga lalaking nakahawak ng mahigpit sa magkabilang braso ko. Kahit nagpupumiglas ako wala akung nagawa. Naghihina ako ng sikmuraan ako ng isang lalaki sa utos narin ni Devora. Iniupo nila ako sa makapal na kahoy na bangko. Sapilitan din nilang tinalian ang kamay ko sa magbilang armchair. Magkalayo din ang aking mga paa sa pagkakatali sa mga paa din ng bangko. Kahit nagpupumiglas ako talagang wala na akung nagawa sa lakas ng mga lalaki. Umiiyak akung nagmamakaawa kay Devora pero bingi siya sa mga hinaing ko at ayaw parin niyang ipakita ang aking anak. Gusto ko lang naman masigurong nasa ayus ang aking anak pero ayaw pa niya akung pagbigyan. Ilang malalakas na sampal ang ibinigay niya sa akin. "Yan ang bagay sa iyo hayop ka masyado kang maingay naririndi na ang tenga ko sa kabubunganga mo. Tulad karin ng anak mong walang tingil ang bunganga sa katatalak." Sigaw niya sa akin. "Napakasama mo Devora. Wala kang utang na loob. Lahat ginawa ko para sayo tapos ganito pa ang gagawin mo sa akin hayup ka. Halos lahat ng pera ko ibinibigay ko sayo nuon may maipan-tuition ka lang, ngayon ginaganito mo ako. Demonyo ka. Wala naman akung nagawang masama sayo hayup ka." Sigaw ko ng umiiyak. "Wala ka ngan nagawa Zinayah pero inagaw mo sa akin ang lahat ng gusto ko. Ikaw ang marunog sa klase na dapat ako ang number one pero napupunta parin sayo at lahat halos ng mga professor natin ikaw ang paborito, samantala ako ang tingin nila anino mo lang isang puppet mo. Si Ace na gustong-gusto ko ikaw ang naging girlfriend. Alam mo bang nagustuhan ko na siya nuon nag-guest sila sa campus. Pero ano? Nabalitaan ko nalang kayo na pala. Malandi ka rin hayop ka." Sigaw niyang umiiyak. Wala akung alam sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam na may gusto siya kay Ace. Hindi ko alam na naiinggit siya sa akin. Pero lahat ng pakikisama ginawa ko sa kanya. Dahil naawa ako sa kalagayan ng buhay nila. "Wala akung alam sa mga sinasabi mo Devora. Hindi ko alam na may gusto ka kay Ace. Matagal na kaming walang ugnayan na dalawa, hiwalay na kami ilang taon na ang nakakaraan kaya malaya na kayung magpakasal na dalawa at hinding-hindi ako hahadlang sa inyong dalawa. Wala na akung pakialam sa inyo. Sarilinin mo siya hanggang gusto mo" Asik ko. "Ang kailangan ko ang anak ko. Isoli mo na siya sa akin, baka hinahanap na niya ako. Baka umiiyak na siya. Baka nagugutom na siya." Sunod-sunod kung usal. "Hanggat andyan kayo ng anak mo hindi ako matatahimik. Hindi ako nakasisigurong hindi kayo magkikita ni Ace kaya kailangan mabura kayo sa landas ko para masaliri ko ng lubusan si Ace." Sikmat niya. Kaya naglalaki ang mga mata ko sa naiisip. Iisa lang ang ibig niyang mangyari ang iligpit kami ng aking anak. Hindi ko siya hahayaan saktan ang aking anak. Alam kung may darating na saklolo sa amin. "Please panginoon ko tulongan n'yo po kaming makaligtas." Usal kung taimtim na dalangin. Sana umabot ang mga pulis na sasaklolo sa amin ng anak ko bago mangyari ang lahat. . ****** . "Sa likod ako dadaan Kuya Franz. " Aniko matapos kung pag-aral ang palibut. Hindi kami pwede dumaan kung saan sila nagdadaan. Kailangan namin magkubli sa matatas na d**o at gumapang ng hindi dumagalaw ang mga ito, upang hindi kami makakuha ng pansin kung may mga bantay man sa paligid. Suminyas din si Kuya Wyatt na sa left side siya tutungo nasa right side naman si Kuya Franz. Mabilis at maingat ang ginawa kung pagkubli sa mga d**o. Matatalim ang magkabilang gilid ng mahahabang dahol ng mga talahib na nakakahiwa ng balat pero sanay na ako sa ganito. Mga ligaw na mga hayup lang ang dapat ingatan at baka sa kagat nila kami mamatay lalo na ang may malalakas na venom na ahas. Saglit lang siguradong patay ka agad. Basa ang paligid ng bakod na mukhang umaapaw ang tubig ng katabing ilog. Kaya sariwang-sariwa ang sari-saring mga d**o. Mukhang ring kaunting tadyak lang babagsak na ang bakod na steel matting, mabuway na at tadtad ng kalawang ang nakabaun sa lupang bakal na kinakapitan nito. Maingat kung hinawi ang mga d**o at sumilip kung may pwede akung daanan at kung may bantay, nakiramdam din akong mabuti. Tanging huni lang ng ilang mga crickets ang maririnig sa palibut. Tiningala ko pa ang lumang gusali na sa tingin ko ay kamalig ng palay. Katulad siya ng imbakan ng mga palay sa bukid nila Lolo Frank. Puro yero ang dingding mula taas hanggang baba. Semento ang palibot nitong sahig na may mga nakagapang na mga d**o. Ang kabilang parte nito mukhang bahay na dalawang palapag. May bintanang jelousing basag na ang ibang peraso ng salamin. Nakabukas din ang pinto nitong kahoy na kinain na yata ng mga anay dahil may mga uka na ito. Mukha rin hindi na pwedeng isara, tanaw ko rin hagdanan kahoy malapit sa pinto. Naka-alsa narin ang ibang dingding na yero nitong kalawangin. Paano nila natuklasan ang lugar na ito? Sino ang may ari nito?" Mga katanungan sa isip ko at pagapang na sumuot sa siwang ng mga kalawanging steel matting. Dahil bawat sigudo mahalaga sa akin kailangan kung iligtas ang aking mga-ina sa kamay ng isang nababaliw na babae at mga kasama nito. Payuko akung mabilis na nagtungo sa mga nakasalansang lumang gulong upang magkubli at nakiramdam ulit kung may bantay ba. Ilan yabag ang aking narinig mukhang palapit sa gawi ko kaya mabilis kung iniyuko ang aking ulo at maingat na sinilip kung sino ang naglalakad. Kita kung papalapit siya sa may bakod at mukhang manunubig. Kaya maingat akung tumayo at walang kilatis ng nilapitan siya.Tama nga ang hula ko, hindi pa man siya natatapos isang nakamamatay na pagbalya sa batok ang ibinigay ko sa kanya. Hinila ko siya sa isang sulok upang itago alam kung hindi siya maggigising agad pero kinuwintasan ko parin siya ng mga luman gulong para mahirapan siyang makalagaw at hindi agad makatakas. "One down" Bulong ko at maingat na naglakad ng payuko. Amoy ng segarilyo at sinindihan palito ng pospuro ang nasinghot ng aking ilong kaya alam kung may tao malapit sa akin. Nakiramdam pa ako at tinalasan ang pandinig kung may kakaiba ingay. "Talagang kursunada ko ang babae sa taas, tang'na si boss kanina pa ako binibitin." Dinig kung boses ng isang lalak.i "Tang'na, sino ba hindi gaganahan dun ang ganda at ang kinis ng balat ang sarap papakin kung ako lang masusunod kanina pa lupaypay sa kin yun. Kung hindi lang ako inawat ni Boss kanina baka ilang beses ko na siyang dinala sa langit, nakakagigil siya." Halos umakyat sa ulo ko ang dugo ko sa mga narinig na usapan nila. Kung hindi lang ako makakaagaw ng pansin pinagbabaril ko na sila sa isipin dumapo ang nakakadiring mga kamay nila sa balat ni Zinayah. At ano naman kaya ang ginawa nila kay Talah. Inilinga ko ang mata ko para maghanap ng pwede kung pagsilipan para alamin kung ilan ang taong nasa loob. Isa ang tulog at dalawa ang naglalaro ng baraha muka rin dito galing ang lalaki kanina dahil ayun sa naririnig kung usapan nila naiinip na sila sa kasama nilang hindi pa bumabalik. Nagbilang pa ako ng tatlo at hinugot ang knife daggers weapon sa binti ko at inasinta silang dalawa. Mabilis at sinigurado kung matatamaan sila. Magkasunod kung ihinagis ang mga weapo ko, sapol ang bawat isa sa biddib na ikinabagsak nila. Kaagad din akung mabilis na tumakbo dahil alam kung magigising ang kasama nila. Isang malakas na flying kick agad ang pinawalan ko ng tumayo siyang pupungas-pungas, sapol siya sa panga kaya bagsak uli siya at tulog na naman. Tiningala ko ang hagdan mukhang gapot na ang mga baitang at isang maling tapat mo lang masisilat ka. Hindi narin pwedeng tapakan ang isang baitang bagsak na ito. Maingat at palinga-linga akung nagumpisang umakyat sa handan. Sa kaunting tapat lang lumalangit-ngit na ang mga kahoy na sahig. Tadtad na ang mga anay kaya mga wala ng laman ang tablang sahig. Dinig kung umingit ang sahig kaya agad akung nagkubli sa sirang aparador. Isang lalaki ang lumabas sa isang pinto at diretso siyang naglakad pababa ng hagdan alam kung hahanapin niya ang mga kasamahan niya. Bahala na sila Kuya sa kanila. Alam kung sa oras na ito nakapasok na sila. Maingat pa akung naglakad kung saan may naririnig akung mga boses. "Lahat ginawa ko para mapaghiwalay ko kayo ni Ace. Pero alam kung ikaw parin ang mahal niya at hindi niya ako magawang mahalin. Peste ka talaga sa buhay ko Zinayah lahat nalang ng gusto ko napupunta sayo. Pero ngayon tingnan natin kung kapitan ka pa ng swete sa buhay sa gagawin ko sa inyo ng anak mong bastardo." Tumatawa niyang asik sa akin. Daig pa niya ang naka-drugs. Para na siyang baliw. Malayo sa dati kung kaibigan ang pag-uugali niya ngayon. Kinain na siya ng kasakiman at matinding pagnanasa kay Ace. Hindi ko naman alam na kaya pala lagi niyang tinatanong si Ace sa akin kumukuha lang pala siya ng information para bumuo ng planong mapaghiwalay kami. Kaya pala lagi siyang sunod ng sunod sa aking pagkasama ko si Ace may gusto pala siya dito. Buong akala ko pa naman pinoprotektahan lang niya ako, hindi pala. Siya pala ang makamandag na ahas na tutuklaw sa akin. "Pawalan mo na ang anak ko Devora maawa ka naman sa kanya. Huwag mo siyang sasaktan. Huwag kang mag-alala hindi ko aagawin sayo si Ace matagal na kaming walang relasyon. Ilang taon na kaming hiwalay at walang kinalaman dito ang aking anak, huwag mo siyang idamay maawa ka sa kanya napakabata pa niya para danasin ito. Please kung gusto mo ako nalang saktan mo huwag ang anak ko." Umiiyak kung pakiusap sa kanya. Wala na siya sa katinuan. Masyado siyang obsessed kay Ace. Bakit hindi ko nalaman nuon na may gusto rin siya dito. "Masyado kang madaldal Zinayah sinasayang mo lang ang laway mo. Ilaan mo nalang yan mamaya sa mga tauhan kung gutom na gutom at kanina ka pa nila gustong lapain. Hindi kana makakalabas ng buhay dito kasama ka ng anak mong mamatay dito. Pareho kayung sagabal sa buhay ko." Asik pa niya at inundayan ako ng sunod sunod na sampal. "Boss kung ibinabalato mo na ba siya sa amin ngayon di solve-solve na kami. Kursunada ko siya. Ang ganda niya." Ngumingising parang demonyong pakiusap ng isang lalaki sa harap ko. "Maghintay ka Bruno. Hindi pa ninyo siya pwedeng galawin ngayon. Marami pa akung gustong gawin sa kanya. Pagnatapos na ako, sa inyo na siya hanggat gusto n'yo pagsawaan na ninyo wala na akung pakialam kahit anung gawin ninyo sa kanya sa ngayon bantayan muna ninyo siyang mabuti." Mahabang wika niya. Kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. Wala na tagala siya sa katinuan, nababaliw na siya. Pero kailangan kung lakasan ang loob ko at umisip ng paraan para malibang siya hanggang dumating ang amin saklolo. "Devora nasaan ang anak ko gusto ko siyang makita. Dalhin mo ako sa kanya parang awa mo na. Dalhin mo nalang siya dito gusto kung makita ang anak ko kahit sandali lang. Gusto kung makasigurong ligtas siya at hindi mo sinasaktan." Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Simula pa kaninang dumating ako hindi ko pa nakikita ang aking anak tanging boses lang niyang umiiyak ang narinig ko. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanya baka nagugutom na siya. Baka sinaksakatan nila ito. Sunod-sunod na naman sampal at suntok ang ibigay niya sa akin. At wala akung laban sa kanya. Mahigpit ang pagkakatali nila sa mga kamay at paa ko. May mga sugat narin ang kamay at paa ko sa kapipiglas."Yang ang bagay sa'yo masyado kang maingay dapat sa iyo pinatatahimik." Sigaw niya sa muka ko. Lasang-lasa ko pa ang malansang pulang likido mula sa labi kung pumutok. Lagyan ninyo ng busal yan sa bibig naririndi na akong naririnig ang boses ng babaing yan." Sigaw na niyang utos at wala akung nagawa ng marahas nila akung tinalian sa bibig. Tanging ungol at pag-iyak nalang nagagawa ko. Nanalanging may dumating na saklolo sa amin ng anak ko. . . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD