Episode - 13

2413 Words
"Ate may nagpapabigay po kay Ate Zinayah nito." Dinig kung tinig ng isang bata sa pinto. Kaya napalingon ako, siya ang batang lalaking nagpupunas ng salamin ng mga sasakyan ng mga customers ko, siya din ang nagmamando sa mga sasakyan na pumaparada sa harap ng shop ko. Mabilis akung lumapit sa kanila at kaagad inagaw ang papel na hawak ng isang staff ko. "Boy sinong nagbigay nito sa iyo? Agad kung tanong bago pa siya nakalayo sa amin. "Lalaki po Ate Zinayah. Sabi iabot ko daw sa iyo. Umalis din po siya agad, binigyan niya ako one hundred para ibigay sa inyo yan." Saad niya at ipinakita pa ang pera. Magdamag akung naghintay sa tawag o text ng kahit sino pero wala akung natanggap. Ayun sa mga pulis na contact ko wala pa silang balita wala rin daw tawag kay Ace. Hindi rin daw nito ma-contract si Devora. Ngayon eto isang lukot na papel na nagsasabing puntahan ko ang isang lugar at huwag ipaalam sa mga pulis kung hindi papatayin nila si Talah. "Hala po ma'am baka po prank lang yan. Baka po mapahamak kayo kung kayo lang mag-isa ang pupunta dyan." Nahihindik niyang usal ng masaba ang nakasaad sa papel. "Wala akung pwedeng pagpilian kung hindi sundin ang nakasulat dyan. Buhay ng anak ko ang nakasalalay dito. Huwag na huwag mong sasabihin kay Nanay ito, ayaw kung mag-alala siya at baka atakehin siya malagay pa sa panganib ang buhay niya." Mariin kung bilin sa kanya. "Pag hindi pa ako nakabalik hanggat mamayang hapon ipagbigay alam mo agad sa mga pulis, ipakita mo itong sulat." Seryoso kung bilin sa kanya. May takot man sa dibdib pero buhay ng anak ko nakasalalay dito. Hindi ko alam kung naaalagaan ba nila ang aking anak. Kung pinakain ba nila ito. Kung nakatulog ba ito ng mahimbing kagabi. Kung umiiyak ba ito at hinahanap ako. Isang puting t-shirt at maong jean na tenernohan ng sneaker lang suot ko. Sukbit ang isang shoulder bag na may mga laman importanteng gamit na pwede kung gamitin para sa sarili ko. Ilang peraso ng tinapay, tubig at damit para sa anak ko. Isang mahiksing panalangin pa ang inusal ko bago lumabas ng bakeshop. Inilinga ko pa ang paningin ko para siguruhin walang nagmamasid sa akin baka nga trap lang ang lahat at maging ang buhay ko malagay sa panganib, paano na ang aking anak. Wala ng magtatanggol sa kanya pagnawala ako. Nang masiguro kung walang ibang tao sa paligid binuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko at pumasok dito. Nanginginig ang mga diliri ko sa labis na pag-aalala sa aking anak, takot na baka kung ano ng nangyayari sa kanya. Kasalanan lahat ng ito ng mga Villaneza kung bakit dinaranas ng anak ko ito. Bulong ko sa hangin. At ini-start na ang sasakyan ko. . ****** . Nakapatong lang ang cellphone ko sa glass center table namin. Basag ang screen nito dahil sa pagkakahagis ni Zinayah pero pwede parin gamitin nakikita parin at nababasa ang text message. Magkakaharap lang kaming tatlo nila Kuya Franz at Kuya Wyatt naghihintay ng tawag mula kay Devora o kahit kaninong tauhan niya. Dahil kahit anung tawag ko sa kanya hindi ko siya ma-contact naka-off ang cellphone niya o walang signal sa lugar niya. Lagi rin tumtawag ang mga pulis at humihingi ng up-date. Dinamput ko kaagad ang cellphone ko ng tumunog ito at ng makita ko ang caller id. Ihinarap ko kila Kuya Franz at Kuya Wyatt ang screen ito at hinintay ang signal nila. "Nasaan ka Devora bakit hindi ka pa umuuwi. Hinahanap ka sa aking ng mga magulang mo." Kaagad kung tanong ng sagutin ko tawag niya. Magdamang kaming walang tulog sa kahihintay ng tawag niya. Natatakot akung baka kung anung gawin niya sa anak namin ni Zinayah. "Bakit hanggang ngayon hindi mo pa ibinabalik ang anak ni Zinayah. Saan mo siya dinala. Pinakain mo ba siya. Huwag mo siyang sasaktan Devora bata lang siyang walang kamuwang-muwang. Hindi mo siya dapat inilalayo sa kanyang ina ng matagal." Halos manginig ang boses kung mahabang wika sa isiping nagugutom at umiiyak si Talah. "Uuwi rin ako Babe. May importante lang akung ginagawa. Nililinis ko lang ang daan natin para walang sagabal sa atin bago ang ating kasal." Kinilabutan akung bigla sa narinig na sinabi niya. Kaagad kung nilingon sila Kuya Franz na patuloy nilang kinakalikot ang mga gadget sa haparan nila para ma-locate kung nasaan si Devora. Kahapon pa namin naihanda ang mga hi-tech gadget. Dito expert si Wyatt kaya alam kung malaki ang maitutulong niya para mahanap kung saan nagtatago ngayon si Devora kasama si Talah. "Sabihin mo kung nasaan ka at pupuntahan kita. Susunduin kita. Pag-usapan natin kung ano problema at kung ano gusto mo ibibigay ko." Pakiusap ko pa. Kita ko ang pagtaas ng kamay ni Kuya Wyatt, signed na habaan ko pa ang pakikipag-usap. Kaya nagpatuloy lang ako nagsalita. Dinig ko sa background ang boses ni Talah umiiyak siya. Kaya parang piniga ang puso ko. "Devora, bakit umiiyak ang bata? Baka nagugutom na siya, please pakainin mo siya at huwag sasaktan, maawa ka sa kanya." Pakiusap ko pa pero isang sigaw ang narinig ko buhat sa kanya. "Patigilin nga ninyo ang pesteng batang yang sumasakit na tenga ko sa bunganga niya walang t..." Agad ng naputol ang linya na hindi ko narinig ang iba pa niyang sinabi. Matinding pag-aalala ang lumukob sa aking dibdib, bakit umiiyak si Talah anung ginawa nila dito? Nagugutom ba ito o wala rin tulog magdamag sa kaiiyak. "Ace may kalayuan ang location niya mukang liblib ang lugar." Dinig kung saad ni Kuya Wyatt kaya napalingon ako sa kanila at agad lumapit. "Mukhang walang signal sa lugar kaya mahirap ma-trace." Aniya habang patuloy parin siyang nagku-cursor sa laptop niya. Ganuon din ginagawa ni Kuya Franz. "I got it! I found it!" Bulalas niya kaya nilapitan ko ulit siya at tiningnan kung ano ang nakita niya. Matapos kaming bumuo ng mga plano kung ano ang dapat gawin. Nagdesiston akung ipaalam kay Zinayah ang lahat dahil maya't maya akung tinatawagan ng mga pulis sa utos niya. Magdamang siyang naghihintay ng balita kung tumawag na ba si Devora at ano na nangyari kay Talah. "Kuya Franz pupuntahan ko muna si Zinayah para hindi na siya masyadong mag-alala." Aniko at mabilis na kinuha ang mga gamit kung kahapon ko pa naihanda. At ayun kila Mommy may dalang mga armas ang mga lalaking kasama ni Devora. "Magkita nalang tayo sa area. Naabisuhan ko narin si Ivan alam kung nakahanda na sila ano mang oras, naghihintay nalang sila ng go signal natin. Ang mga pulis nalang ang tawagan ninyo." Dagdag ko pa mabilis ng naglakad palabas ng pinto ng mansyon. "Mag-iingat ka Ace." Bilin pa ni Daddy bago ako nakalabas ng pinto. Wala parin siyang tulog. Nakabantay lang siya sa amin buong magdamag. Alam kung nag-aalala siya lalo na kila Mommy at Kiara. Halos ayaw na nga niyang umuwi kagabi kung hindi pa siya pinilit nila Kuya. Halos magtatakbo na akung tinungo ang aking sasakyan at nagmamadaling sumakay dito. Ilang sunod-sunod na busina ang ginawa ko para buksan ng guards ang mataas na gate. At agad din pinasibad ito pagkalabas ko pataungo kila Zinayah. Alam kung umiiyak na naman siya ngayon. Dama ko rin ang paghihirap ng kalooban niya. Gusto ko man kasama siya kagabi para damayan hindi ko naman magawa dahil alam kung lalo siyang magagalit sa akin. Galit na galit siya sa pamilya ko. Isang malakas na pag-ingit ng preno ang nilikhan ng bigla kung paghinto sa tapat ng bakeshop kung saan ko unang nakita si Talah. Ang sabi nila Mommy dito daw nagtratrabaho si Ziyanah ayun kay Devora. Talagang matagal na niyang minaman-manan sila Zinayah at marami na siyang nakuhang impormasyon dito. "Andyan ba si Zinayah?" Agad kung tanong sa babaing sumalubong sa akin at hindi sinagot ang tanong niya. " Pwede ko ba siyang makausap importante lang." Dugtong pakiusap ko pa. "Sorry po sir wala po siya dito may pinuntahan po." Aniya "Please sabihin mo sa akin kung saan siya nagpunta? Saan ba siya nakatira?" Pakiusap ko pa sa kanya. "Importante ang sasabihin ko sa kanya. Kailangan ko siyang makausap ngayon. Tungkol sa anak niya." Pagtatapat ko na para mapapayag ko siyang sabihin kung nasaan si Zinayah.Tumingin lang siya sa mga kasamahan niya na parang nagpapasaklolo kaya naglapitan ang mga ito at nagtatanong. "Hinahanap niya si Ma'am Zinayah." Pagsusumbong niya sa kasamahan kaya agad kung hinuhot ang wallet ko inilabas ang ID at inabut sa kanila. "Hindi ako masamang tao, kilala ako ni Zinayah. Tungkol kay Talah ang ipinunta ko dito." Usal ko para ituro nila kung nasaan si Zinayah. Agad naman naglakad ang babaing may hawak ng ID ko at lumapit siya sa isang babae malapit sa counter at ipinakita dito ang ID ko. Kunot noo siya naglakad papalapit sa amin. "Ano ang kailangan mo kay Ma'am Zinayah?" Kaagad niyang tanong. "Gusto ko lang sana makausap si Zinayah tungkol kay Talah may impormasyon kami kung nasaan sila. Please, gusto ko siyang makausap. Nasaan siya? Saan siya nakatira?" Sunod-sunod kung tanong. "Ako ang ama ni Talah." Pakilala ko na para pagkatiwalaan nila ako. Sinuri pa nila akung mabuti at pinakatitigan ang aking mukha. "Ama ni Talah? Pano kang naging ama ni Talah kung matagal ng patay ang Papa niya?" Sikmat ng isang lalaking staff. "Ma'am Zinayah own this place. Siya rin ang nagma-manage nito katulong ang Nanay at mga kapatid niya." Mataray niyang saad. "Villaneza ka, Mga Villaneza rin ang nanakit at sapilitang kumuha kay Talah dito mismo, ngayon sabihin mo paano ka namin pagkakatiwalaan?" Sikmat pa niya. "May impormasyon na ako kung saan matatagpuan sila Talah at ang babaing kumuha sa kanya. Gusto ko lang siyang makausap upang ipagbigay-alam sa kanya." Saad kong pagmamakaawa. "Please malaki ang maitutulong ko kung sasabihin ninyo kung saan ko makikita si Zinayah." Dagdag ko pa. "Kanina pa siya umalis." Tugon niya at itinaas ang suot na apron na pang-ibabaw ng uniporme nila at may dinukot siya sa bulsa na isang lukot na papel kaya sinundan ko lang ng tingin ang ginagawa niya. Inunat pa niya ang papel at tumingin sa akin. "May nagpa-abot nito sa kanya kaninang umaga at ang bilin niya kung hindi pa siya makababalik hangat hapon mag-report na daw kami sa mga pulis at ipakita yan." Saad niya kaya agad kung kinadkad ang papel. "Damn!" Sikmat mura ko ng mabasa ang nakasulat. "She's in danger bakit siya nagpuntang mag-isa?" Singhal ko. Hinablot ko rin sa isang babae ang hawak niya maliit na notepad at ballpen. "Here's my number kung ano mang mangyaring hindi maganda pakiusap ipang bigay alam ninyo sa akin. Kailangan ko ng puntahan sila agad." Saad ko at tinalikuran sila. "Sir, ingat po. Save them po." Bilin pa nilang hindi ko na pinansin at kaagad ng sumakay sa kotse. Dahil bawat minuto mahalaga sa akin ngayon. Halos paliparin ko ang sasakya ko sa bilis ng pagpapatakbo nito. Gustong kung makarating kaagad sa lugar kung saan nila dinala si Talah at maging si Zinayah. Alam kung sa oras na ito narating na niya ang hideout nila Devora. Iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa kanila. Sana ligtas silang mag-ina sa kapahamakan. Bulong ko sa kawalan. Kaagad kung kinontak sila Kuya Franz ng matanawan ang lugar at sinabi sa kanila ang nalaman. At ayun sa kanila malapit na sila. Nag-aalala akung baka maging si Zinayah mapahamak. Bakit siya nagdisiyong mag-isa. Mapanganib ang ginawa niya. Malalagay sila sa pilegro ni Talah. Nababaliw na si Devora, wala na ito sa katinuan ng pag-iisip. Natatakot ako sa mangyayari sa kanila ni Talah. Sanay akung sumabak sa geyera, hindi ako nakakaramdam ng takot na ganito. Pero ngayon parang kinakapos ang aking hininga. Malakas ang kabog ng aking dibdib na parang tambol. Natatakot ako na baka mapahamak silang mag-ina. Ng dahil sa akin at sa pamilya ko nalagay sa panganib ang mag-ina ko. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang mangyari sa kanila. Kita ko sa side mirror ko ang dalawang sasakyang humahagibis sa bilis patungo sa gawi ko. Kaya binuksan ko na ang sasakyan ko at lumabas dito. Kaagad din silang bumaba sa mga sasakyan nila at tumanaw sa pakay namin lugar. "Lumapit pa tayo ng kaunti mukhan masyado tayong malayo. Dun natin sa tabi ng mga punong kahoy ikubli ang mga sasakyan natin. Humanap nalang tayo ng pwedeng daanan papalapit sa hideout nila." Saad ni Kuya Wyatt matapos niyang masilip sa dala niyang binocular ang kabuoang paligid kaya nagtanguan kami ni Kuya Franz. "Papunta narin sila Ivan." Saad din ni Kuya Franz. Bago kami nagsakayan sa kanya kanyang sasakyan. "Kuya Franz sigurado akung nasa loob na si Zinayah baka kung ano na ginagawa nila sa kanila." Aniko dahil tanaw namin sa di kalayuan ng hideout ang isang pulang kotse. At sigurado akung yun ang ginamit ni Zinayah ayun narin sa mga staff niya. Ngayon ko lang nalamang pag-aari pala niya ang bakeshop. At mga kapatid at Nanay daw nito ang katulong na nag mamanage. Kapatid niya ang nakausap namin kaya pala may pagkakahawig sa kanya ang babae. May pera na siya kaya pala madali nalang sa kanya ang lahat. Masinop siya sa pera kahit nuon pa man. Isang lumang bahay sa gitna ng malawak na bakuran ang aming natanawan. Walang ibang gusali o bahay sa paligid. Ang bakod nitong makapal na old model steel matting, kinain na ng mga kalawang. Halos pabagsak narin ang kalahati ng bubong ng bahay sa kalumaan nito. Masukal sa paligid, mayabong at matataas ang ligaw na mga damong nagkalat sa paligid, tanda na walang nagpupuntang tao dito. Ang daan patungo sa bahay ay isang makitid na daan na mukhang ngayon lang nadaanan dahil sariwa pa ang mga damong nakapahiga. Tahimik at tanging huni lang ng mga ibon sa mga puno kahoy hindi kalayunaan ang maririnig. Kaagad kung pinasadahan ng tingin ang palibut gamit ang binocular.Tahimik at walang tao. Pero mahirap magsiguro sa ganitong lugar. Mas mapanganib pag tahimik kaysa sa maingay. Lalo na at hindi mo alam ang likaw ng bituka ng mga taong wala sa katinuan ang pag-iisip. Wala silang pakialam kung mamatay ka o mamatay sila. At ang tanging gusto lang nilang gawin kung ano ang isinisigaw ng baluktot nilang pag-iisip. Wala rin iniwan sa geyera patay kung patay maipaglaban lang ang gusto nila kahit alam nilang mali at walang kahahatungan maganda ang ipinaglalaban nila. . . . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD