Dinig na dinig ko mga hikbi niyang walang katapusan simula palang ng sugudin niya ako sa opisina ko. Namamaga rin ang magkabilang pisngi niya maging ang mga mata sa kakaiyak. Tinatanong ko ang sarili ko kung bakit nangyari ito. After four years ngayon ko lang uli siya nakita at sa ganitong pagkakataon pa. Umiiyak na naman siya ng dahil sa amin pero mas matindi ang paghihinagpis niya ngayon dahil kasangkot ang kanyang anak. Ni minsan hindi ko siya pinaiyak nuon kaming dalawa palang at ayaw kung makita siyang umiiyak kaya ingat na ingat ako sa mga ginagawa at sinasabi ko sa kanya. Ayaw kung bigyan siya ng sama ng loob, gusto ko lagi siyang nakangiti at masaya.
Iginaya kami ng mga pulis na kasama namin papasok sa loob ng isang kwarto, may tatlong lamesa itong may pulis na nakaupo sa bawat isa, pawang abala sa pagtipa ng mga computer nila. At hindi kami pinansin. Hindi naman ito matatawag na interrogation room kung hindi isang opisina.
"Sir sa kabilang opisina nalang daw kayo sabi ni Hepe." Singit ng isang pulis kaya muli kaming lumabas at sumunod sa kanya. Kaagad naman nagtayuan ang mga pulis na nadatnan namin sa loob ng nasabing opisina at sabay sabay silang sumaludo sa amin.
Pinaupo kami at inalok pa ng maiinom pero tinanggihan na namin dahil hindi naman ito simpleng pagbisita lang kung hindi paglilinaw sa mga inaakusa ni Zinayah sa aming mag-kakapatid. Pero mukhang dawit ang bunso naming kapatid at ang amin ina dito. Buong pamilya namin. Pero hindi pa ako pwedeng magbitiw ng ano mang salita ng hindi malinaw ang lahat. Baka mas lalong makasama.
"Sir pasensiya na sa abala, kailangan lang namin gawin ito at alam namin alam ninyo ang proseso ng ganitong pangyayari. May ilang katanungan lang kami sa inyo." Aniya. Kaya napatango ako. Sinulyapan ang babaing hanggang ngayon patuloy parin umiiyak. "Kilala po ba ninyo si Miss. Zinayah Fuentes at ano pong kaugnayan ninyo sa kanya. May katotohan po ba ang mga ipinaparatang ni Miss Fuentes sa inyo? Gaano po katotoo ang mga inaakusa niya sa inyo." Sunod-sunod na tanong niya alam ko ng mauungkat ang mga nakaraan pero andito na, wala na akung magagawa kung hindi sabihin ang totoo.
"Yes, Miss. Zinayah Fuentes was my partner, my fiance. We had serious relationship for moren than five years. But unfortunately we seperated for almost four years now. About k********g, i don't have any knowledge for that. This is the first time i saw her after we seperated." Diretsong turan ko na siya naman totoo. Lagi ko nalang ba siyang makikitang umiiyak ngayon.
"Anong wala kang alam hayop ka, Nanay at kapatid mo ang sumugod sa amin at ikaw ang sinasabi nilang dahilan ng pagpunta nila sa amin. Mga kriminal kayo, ibalik ninyo ang anak ko wala kayung karapatan sa kanya." Naghihisterikal niyang sigaw at ipinagpipilitang ilabas ang anak niya. Bakit niya sa amin ibinibintang ang pagkawala ng anak niya.
"Miss. Fuentes hayaan po muna nating sagutin ni Gen.Villaneza ang mga katanungan namin. Hindi po makakatulong ang mga pagwawala ninyo. Maaring tumahimik muna kayo." Malumanay na pakiusap ng isang pulis na babae. "Pwede rin po namin kayung palabasin dito kung hindi kayo tatahimik." Dugtong pa niya.
"May complaint dito sa opisina namin si Miss Zinayah Fuentes actually nag-filed na siya ng kasong k********g and physical injuries sa mga taong sinasabi niyang nanakit at sapilitang kumuha sa anak niya sa mismong bahay nila. Sinampahan na niya ng kaso sila Mrs. Clarita Mae Villaneza, Miss. Kiara Princess Villaneza at Miss. Devora Huliganga at anim na lalaking hindi pinangalanan. Kasama ang mga pangalan ninyo sa nasabing sworn statement na isinumiti niya, allegedly may partisipasyo kayo sa nangyaring pag-kidn*pped sa anak niya dahil malaki daw ang galit ninyo sa kanya at minsan na ninyong pinagbantaan ang buhay niya. Meron din naka-attached na blatter report dito kung kailan at kung saan nangyari ang pagbabanta sa buhay niya. Sir ano po ang masasabi ninyo tungkol dito? Kung may katotohanan ba mga binibintang niya?" Mahabang wika ng pulis sa harap namin.
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko rin alam na ipina-blatter niya ang mga nangyari sa amin noon. At lalo na ang mga kasong isinampa niya kila Mommy at Kiara. Bakit sila nasangkot sa ganitong nakakahiyang iskandalo. Kaninang tumawag siya may mga pulis daw sa bahay, iniimbitahan din sila sa presinto dahil sa reklamo ni Zinayah. Alam kung pwede silang hulihin ng mga pulis dahil kanina lang nangyari ang krimen at hindi na kailangan ng warrant of arrest. Pero bakit ang bilis ng proseso? Sino ang abogado niya? Bakit nakatawag agad siya ng pulis? At nakapag-sampa agad ng kaso? Ano ba ang totoong nangyari? Bakit ginawa ito nila Mommy? Bakit kasama nila si Devora? Bakit miss parin siya hanggang ngayon nasaan ang ama ng anak niya? Bakit hindi niya kasama ito? Wala naman siyang pera o kapangyarihan para makapag proseso ng ganito kabilis? Sino ang taong tumulong sa kanya? Mga katanungan biglang nagrambulan sa isipan ko at hindi ko alam ang isasagot sa kanila.
Sabay sabay pa kaming napalingon sa pinto ng bumukas ito, unang pumasok ang isang police woman at niluwagan niya ang pagkakabukas nito indikasyong may iba pang taong papasok.
"Itong matandang ito ang nanakit sa akin. Siya ang mastermind sa pag kidn*pped ng aking anak. Ikaw maldita ka, akala ko kung sino kang santa dimonyita karin palang tulad ng nanay mo hayup ka nasaan ang anak ko? Ilabas ninyo siya. Ibalik mo siya sa akin mga kriminal kayo. Mga lahi ng kriminal, isang pamilyang puro dimonyo at matapobre. Hindi pa kayo nakuntento sa pagpatay ninyo sa isang anak ko ngayon maging ang kakambal niya kinuha pa ninyo. Anung gagawin ninyo sa kanya papatayin din tulad ng kakambal niya na hindi na nasilayan ang liwanag ng mundo huh." Mariing niyang sikmat at pinagsasampal si Kiara. Nakatungo lang itong at hindi tumitinag hinayaan lang niya si Zinayah na sampalin siya maging si Mommy walang ginawa kung hindi umiyak.
"Tama na Miss Fuentes baka kayo naman kasuhan nila. Hayaan na nating ang korte ang magpasya sa lahat ng kasong isinampa ninyo." Usal ng isang pulis at sapilitan siyang inilayo kila Mommy. Nakatayo lang si Daddy at tila masama rin ang loob sa nangyari. Kung dati ayaw niyang may nanakit kay Kiara ngayon kuyom lang mga kamao niyang matalim ang mga matang pinanagmamasda ang mga nangyayari.
"Nasaan ang anak ko? Saan ninyo siya dinala napakabata pa niya para parusan ninyo, ako nalang sana ang sinaktan ninyo at hindi na dinamay ang aking anak na walang kamalay malay sa mundo, mga hayup kayo. Mga salot kayo sa buhay ko. Ibalik ninyo si Talah sa akin. Anak ko siya at wala kayung karapatan sa kanya." Muli niya sigaw na ikinagulat ko. Nahigit ko ang aking hiniga sa mga narinig. Anak niya si Talah namatay ang kakambal nito, patay na daw ang Papa nito ayun sa mga pamangkin ko. Anak namin si Talah. Mahinang nausal ko. Kaya ba ganuon nalang ang nararamdam ko sa tuwing makikita ko ito, ang mukha niya at kung paano siya mangatwiran. Parang piniga ang aking puso sa nalamang nawala ang kakambal nito. Nanghihina akung parang kinakapus ng hangin sa dibdib at hindi maigalaw ang aking katawan parang bigla itong namanhid at nawalan ng pakiramdam.
Gusto ko siyang lapitan at yakapin ng mahigpit. Gusto kong pahiran ang mga luha niyang walang tigil sa pag-agus simula pa kanina. Humingi ng tawad sa lahat ng nangyaring hindi maganda sa pagitan namin at ng aking pamilya pero hindi ko maigalaw ang aking katawan. Sa tindi ng galit niya sa akin at sa pamilya ko, hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako lalo na ngayon nawawala si Talah at walang nakakaalam kung saan ito dinala ni Devora.
"Patawad Zinayah hindi namin alam na may masama palang plano si Devora laban sa inyong mag-ina. Hindi ko alam na gawa-gawa lang pala niya ang mga sinasabi niya. Nuon pa man marami na siyang sinasabing hindi maganda laban sayo. Pinaniwalaan ko 'yun dahil alam kung kaibigan mo siya at alam niya ang lahat ng tungkol sa iyo. Paninira lang pala ang lahat ng iyon para makuha niya ang loob ko para kay Ace." Umiiyak na saad ni Mommy matapos niyang isalaysay ang mga nangyari. "Patawarin mo sana kami ni Kiara, wala kaming alam dito. Ang sabi niya ipapa-DNA test lang ang bata." Dagdag pa ni Mommy.
"Wala kayung karapatan sa anak ko. Sinaktan at ipinagtabuyan ninyo kami nuon. Nawalan din ako ng anak. At ngayon kinuha pa ninyo si Talah. Ano ng mangyayari sa kanya ngayon? Napakasama ninyo talagang mga kayup kayo, mga kriminal kayo, kahit walang laban sinasaktan ninyo. Tapos sasabihin mo patawad, matapos ninyo akung pagsasampalin mag-ina kanina sa harap ng maraming tao at sapilitang kunin ang anak ko. Hinding-hindi ko kayo mapapatawad kahit magluluhod pa kayo ngayon at lumuha ng dugo. Ibalik ninyo ang anak ko mga hayup kayo." Mahabang sikmat niyang umiiyak. "Lalo ka ng maldita ka, ikaw ang nagsabing ibabalik ang anak ko. Nasaan na siya, ibigay mo na siya sa akin. Walang katumbas na halaga ang buhay ng anak ko hayop ka at kahit kailan hindi ako nag-intetest sa salapi ninyo. Marunong akung maghanap buhay. ibalik mo na siya hayup ka. Ang bata-bata mo pa demonya ka na. Ilabas mo ang tapang mo ngayon, ipakita mo sungay mo. At sisiguruhin kong mabubulok kayo sa kulungan mag-ina. Pagbabayaran ninyo ang mga ginawa ninyo ito sa akin."Humihingal na niya dagdag. Pinagduduro rin niya ng isang daliri sa mukha si Kiara. Nagpapasalamat parin ako at hindi niya sinasakatan si Mommy. Kita ang matinding galit sa mukha niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagalit.
Tikom naman ang bibig ni Daddy, nakatuon lang ang mga mata niya sa ibabaw ng table pero mababakas sa mukha niya ang galit, kung kay Mommy ba o kay Kiara o kay Devora. Tahimik din sila Kuya Franz at Kuya Wyatt. Nasa amin ang mali at alam kung alam nila yun, mabigat ang isinampang kaso ni Zinayah kila Mommy at Kiara. Bata at hindi basta bata ang involved dito. At damay din kami dito. Marami daw silang ibedensiya at mga tistigo, ang mga staff at mga customers handa daw tumistigo laban kila Mommy. Ganuon naman talaga dahil may inosenteng batang nadamay.
Napatingin ako kay Kuya Franz ng bahagya niya akung sikuhin sa braso, kita ko sa mga mata niya ang kalituhan, marahil marami siyang gustong itanong sa akin lalo na tungkol kay Talah alam kung kilala niya ito at madalas makita sa school ng mga anak niya.
Natapos ang mga pag-uusap at mga katanungan ng hindi ko na namalayan dahil ang buong attention ko nasa aming anak, kay Talah. Hindi man niya tahasang sinabi pero ramdam kung anak ko siya. Kamukha ko siya. At base sa mga sinasabi niya nagpapahiwatig lang na anak namin ito. Saan ito dinala ni Devora. Ano ang dahilan niya at kinuha niya si Talah? Bakit alam niyang anak namin ni Zinayah si Talah. Sabagay hindi kataka-taka dahil kaibigan niya ito. Inaalala ko rin siya kung kumain naba ito. Kung sinasaktan ba ito ni Devora. Ako ang makakalaban niya pag may nangyari ditong hindi maganda. I swear to God baka mapatay ko siya.
"Kaya pala ang lapit ng loob ng mga anak ko sa kanya. Ilang beses ko narin siyang inalok na ihatid pero magalang lang siyang tumatanggi." Makahulugang turan ni Kuya Franz pagkalabas namin ng headquarter.
"Sabi ko na nga ba't pamilyar sa aking ang mukha ni Talah. Nagkataon lang na babae siya pero ganuon na ganun ang muka mo nuong bata ka pa." Sabad din ni Kuya Wyatt. Alam kung nakikita rin niya ito dahil minsan siya rin ang sumusundo sa mga pamangkin namin. "Andito lang kami tutulongan ka namin ma-locate kung nasan na sila. Babawiin natin ang anak ninyo." Dugtong pa niya.
"Wala pa bang tawag o text si Devora sa'yo? Sigurado ikaw ang tatawagan nuon." Ani Kuya Franz. "Pinayagan din makapagdala ng cellphone sila Mommy, baka daw sila ang tawagan ni Devora." Dagdag pa ni Kuya Franz dahil hindi na umabot ang abogadong maiayus ang mga papel na kakailanganin para makalabas sila Mommy sa kulongan. Sa lack up na sila magpapalipas ng gabi ni Kiara ngayon.
Malaki ang nagawa naming kasalanan kay Zinayah siya ang biktima dito at higit sa lahat sa aming anak. Kasalanan ko lahat ng ito. Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag nuon at agad hinusgahan. Sa galit ko at selos nasira ang buhay namin, nawala ang isang anak namin napakasakit ng nangyari, mag-isa lang niyang dinala ang sakit at sama ng loob. Mag-isa niyang pinasan lahat problemang dapat kasama niya ako nuong panahong naghihirap siya. Ako ang sumira ng mga pangako ko sa kanya. Ako ang dahilan ng paghihirap niya ngayon. Ako rin ang dahilan kung bakit nawawala ang anak namin. Sa ganito pang pagkakataon kami muling nagkita. Naghiwalay kaming umiiyak siya, ngayon nagkita kami umiiyak na naman siya ng dahil ulit sa akin at sa pamilya ko. Kailan ba matatapos ang gulong ito sa buhay namin. Kailan ba kami muling liligaya kasama ang aming anak.
.
.
.
.
.
.
.
..................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....