Tulad ng napagkasunduan namin maaga palang sinundo ko na ang mag-inang akala mo sasabak sa geyera. Kaagad kaming tumulak patungo sa bakeshop kung saan ko nakikita si Zinayah at ang anak niya. Nakasunod lang ang sasakyan nila sa akin. Hindi ko alam ang dali pala nilang utuin at napapayag sa mga gusto ko. Isang malutong na halakhak pa ang pinawalan ko sa tuwa.
Kaagad akung bumaba sa aking sasakyan at nilinga ang akin mga tauhan. Isang tumpok sila sa isang gilid at sininyasan ako ng ok gamit ang thumbs nila pataas. Naglakad nalang ako palapit sa kotse ng mag-ina upang salubongin sila.
"Tita tayo na po loob." Anyaya ko sa kanila.
"Sigurado ka bang dito siya nagtratrabaho ngayon?" Malumanay niyang tanong at pinasadahan pa ng tingin ang building sa harap namin. "Kung makakausap ko ang may-ari pakikiusapan ko siyang tanggalin nila si Zinayah para layuan na niya kayo at hindi na manggulo pa sa inyo ni Ace." Dagdag pa niyang ikinatuwa ko.
"Yes, Tita dito ko po sila madalas makita ni Ace, ilang beses ko narin po siyang nakita dito kasama ang anak niya." Usal ko at nauna ng naglakad.
"Miss pwede ba namin makausap ang isang staff ninyong si Zinayah? Andiyan ba siya? May importante lang kaming sasabihin sa kanya." Diretso kung usal sa babaing sumalubong sa amin.
"Nasa loob po yata siya, Ma'am. Sandali lang po tatawagin ko pakihintay nalang po." Kaagad niyang tugon sa amin at nagmamadali na niya kaming tinalikuran. Talaga nga naman pag-sinusuwerte mailalayo ko narin sila sa landas ko. Masasarili ko narin si Ace. Piping bulong ko. At nilingon ang mga-inang pinasmamasdan ang paligid. Maganda ang ambiance malamig ang aircon, may mahinang sound na nakakahalina. May ilang taong kumakain na abala sa pakikipag-usap sa kasulo sa mesa ng mga ito.
"Anong kailangan ninyo? Bakit andito kayo?" Mataray niyang sagot sa amin ng makalapit siya sa amin.
"So, totoo ngang dito ka nagtratrabaho. At hanggang ngayon ayaw mo paring lubayan ang anak ko, at patuloy mo parin silang ginugulo. Wala ka talagang kahihiyan babae ka. Bakit ba ayaw mong tigilan ang anak ko? Hindi pa ba sapat ang ibinigay niyang pera sa iyo para layuan mo siya? Ikakasal na sila ni Devora kaya lubayan mo sila dahil kung hindi baka maging ang trabaho mo dito mawala sayo, palalayasin kita dito." Sigaw niya dito at inundayan ng isang sampal sa pisngi kaya lihim akung napangisi. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ng dati kung kaibigan. Matalim niyang tinitigan si Tita Clara.
"Wala akung alam sa mga sinasabi ninyo. At lalong hindi ako nakikitapagkita sa anak ninyong duwag at walang bayag." Asik din niya kay Tita Clara. Talagang palaban siya.
"Ang kapal talaga ng mukha mo babae ka kung makasagot ka kay Mommy. Akala mo hindi namin alam na ayaw mo parin tigilan si Kuya Ace. Bakit hindi kaba pinanagutan ng lalaki mo kaya hanggang ngayon gusto mo parin perahan si Kuya Ace? Ginagamit mo pa ang anak mo malandi ka." Singhal din ni Kiara at binigyan niya ito ng sunod-nusod na sampal sa magkabilang pisngi. Pero isang suntok sa panga ni Kiara ang muntikang magpatumba sa kanya kasunod ng isang malakas pang sipa na tumama sa tiyan niya.
"Kiara!." Sigaw ng kanyang ina at agad dinaluhan ito.
"Hayop ka Kiara wala kang karapatan saktan ako, maldita ka. Akala ko santa ka dimonyeta karin pala tulad ng iyong ina. Isang kriminal, lahi kayo ng mga kriminal pumapatay ng taong walang kalaban-laban, ng mga inosente." Nanggagalaiting niyang sigaw kay Kiara habang dinuduro-duro niya ito ng hintuturo niya. Tutop naman ni Kiara ang tiyan niya, mukhang malakas ang pagkakasipa sa kanya ni Zinayah habang ang kanyang ina naman ay nakaalalay dito. Simple naman akung nangingiti sa mga pagyayari.
"Mammaa!" Tili ng isang bata ang nakaagaw ng amin pansin kaya mas lalo akung nagalak dahil ito na ang aking hinihintay na pagkakataon. Kaagad ito yumakap sa kanyang ina ng makitang umiiyak ito sapo ang pisnging nasampal ng mag-ina. "Huwag po ninyong saktan ang Mama ko sino po ba kayo bakit po ninyo sinasaktan ang Mama ko? Ano po bang nagawang kasalanan ang Mama ko sa inyo?" Maangas niyang sikmat na parang isang matanda.Yakap-yakap rin siya ni Zinayah na umiiyak. Kuyom ang maliit niyang mga kamao at masamang nakatingin sa mga-ina, mana talaga siya sa kanyang ina matapang, palaban at walang kinatatakutan.
"Tita siya po ang anak niyang sinasabi ko. Kailangan ko na po siyang dalhin sa hospital para sa DNA test. Para maibalik din po natin siya agad sa kanyang ina." Bulong ko kay Tita Clara at hindi na hinintay sa tugon niya. Kaagad akung suminyas sa mga tauhan kung kanina pa naghihintay ng go signal ko para kunin ang bata.
"Huwag n'yong gagalawin ang anak ko. Saan ninyo dadalhin ang anak ko? Hindi ninyo siya pwedeng kunin sa akin. Hindi ninyo pwedeng ilayo sa aking ang aking anak. Anak ko yan at wala kayung karapatan sa kanya mga hayup kayo." Nagwawala na niyang sigaw sa amin habang sinusuntok at pinagsisipa niya ang mga tauhan ko. Pero wala siyan laban sa mga ito ng pinigilan siya sa magkabilang braso ng dalawang tauhan ko. Maging ang bata ibinibigay ang buong lakas na nagpipiglas sa lalaking may karga sa kanya. Matapang si Zinayah at alam ko yun dahil siya ang tagapagtanggol ko nuon nasa college pa kami. Kaya nga si Kiara ang isinama ko dahil alam kung marunong siya ng martial arts. Pero ilang beses din siyang nasuntok at nasipa sa panga ni Zinayah na muntikan niyang ikatumba.
"Huwag kang mag-aalala ibabalik din namin ang anak mong bastardo, sisiguruhin lang namin kung totoo bang anak nga siya ni Kuya Ace dahil kung hindi baka mapatay kita." Asik na ni Kiara. "Tayo na Mommy hayaan mo siya diyan."Hila pa niya sa Mommy niya at nagmartsang paalis.
Halos tumakbo na akong naglakad papalabas para mauna ako sa kanila. Hindi nila dapat malamang ang totoo kung motibo. Kaagad akung sumakay sa kotse at mabilis na pinasibad ito upang hindi nila ako masundan. Kung hindi ko pa ito gagawin wala na akung paraan para mapasaakin si Ace. Alam ko namang hanggang ngayon si Zinayah parin ang mahal niya.
"Ano po bang kasalan namin sa inyo? Bakit po ninyo ako kinidnap? Anong kailang ninyo sa amin? Sino po ba kayo? Salbahi po kayo sinaktan ninyo kami ng Mama ko. Isusumbong po namin kayo sa pulis." Walang tigil niyang talak habang umiiyak, daig pa niya ang matandang ulyanin.
"Tumigil kang bata ka sa kaiiyak kung ayaw mong mamatay. At sisisguruhin kung hindi na kayo magkikita ng iyong ina." Sigaw ko sa kanya para siyang nanay niyang nagdadadaldal.
Halos maglupasay ako sa kaiiyak ng sapilitan nilang kinuha ang aking anak. Wala akung nagawa, ni hindi ko naipagtanggol ang aking anak sa mga kamay ng mga kriminal niyang lola at tiyahin. Isinama pa nila si Devora ang kaibigan kung traydor.
"Ma'am ipa-blotter po ninyo. Sampahan po ninyo ng kidnapping." Ani ng isang staff namin. Buti at wala sila Nanay kung nadito siya baka kung anung mangyari sa kanya. Kinalma ko ang aking sarili kailangan kung mag-isip kung ano ang gagawin paano kung malaman nilang anak ni Ace si Talah at kunin nila sa akin ang anak ko. Ano na mangyayari sa aming mag-ina. Hindi ko kakayaning maging siya mawala pa sa akin. Wala silang karapatang angkinin ang anak ko, akin lang siya. Sila ang dahilan kung bakit nawala ng maaga ang kakambal ni Talah.
Magtatatlong oras na akung hindi mapalagay sa kalalakad hanggang ngayon wala pa ang aking anak ang sabi ni Kiara ibabalik din nila si Talah sa akin. Nag-aalala ako baka sinasaktan na nila si Talah. Baka nagugutom na ito. Kilala ko si Devora wala siyang tiyaga sa bata kaya niyang manakit ng walang muwang na paslit.
"Olga!" Tawag ko sa isang staff namin. Hindi ko na talaga kayang maghintay pa ng matagal, kailangan ko ng kimilos.
"Bakit po Ma'am?" Sagot niya sakin.
"Samahan mo ako pupunta tayo sa police station ipapa-blotter ko ang nangyari kay Talah mag-sasampa ako kaso, k********g laban sa kanila." Mariing usal ko. Buo na ang disisyon ko. Kung ito ang gusto nila ibibigay ko ang hinahanap nila. Lalaban ako, ipalalaban ko ang aking anak at wala silang kaparatan dito. Kung kailangan i-withdrawn ko ang perang idiniposit ni Ace sa acoount ko nuon gagawin ko para may magamit laban sa kanila. At kung kukulangin pa, wala na akung pagpipilian pa kung hindi ang lumapit at humingi na ng tulong sa taong ayaw ko ng makita pa. Sa taong tumalikod at umabandona sa akin, my biological father para paipanalo ang kasong isasampa ko laban sa kanila. Para mabawi ko ang aking anak.
Hapon na at malapit ng dumilim wala parin ang aking anak kaya nagpasiya na akong puntahan ang isang taong naging sanhi ng lahat ng gulo sa buhay ko. Ang taong nangako ng langit pero sa impeyerno ako dinala. Ang kriminal na lalaking nanakit sa akin ng walang hanggan. Matapos niyang kunin sa aking ang lahat gagawan niya ako ng kwentong walang katotohanan. Bakit hindi nalang niya sinabing sawa na siya sa akin at hindi yung ipinagtabuyan niya akung parang hayup. Pinagtulong-tungan pa nila ako, ng buong pamilya niya. Ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang isang anak ko.
Kaagad akung bumaba ng mobile car ng mga pulis na kasama ko. Mabilis ang mga kilos kung dirediretso naglakad papasok sa loob ng building kung saan ako nuon ipinagtabuyan ng walang pusong mga Villaneza at hindi pinansin ang mga guards na sumisita sa akin. Wala rin naman silang magagawa dahil may kasama akung mga pulis na nakasunod sa akin. Alam kung hindi nila ako papayagang pumasok dito kung ako lang mag-isa. Isa rin siya sa sasampahan ko ng kaso kung mapatunay kung kasabuwat siya ng kanyang ina at kapatid na maldita. Halos lahat ng taong madaanan namin nililingon nila ako marahil nagtataka sila kung bakit ako andito at may kasama pang mga pulis.
Pabalya kung binuksan ang pinto ng opisina niya at walang nagawa ang secretary niya ng tabigin ko siya na halos ikatumba niya. "Subukan mong harangin ako at baka sa iyo ko ibuhos ang galit ko mapatay pa kita." Mariing singhal ko sa kanya at nagtuloy-tuloy na pumasok sa loob ng opisina ng taong hinamumuhian ko at ayaw ng makita. Ang dahilan kung bakit nawala ang isang anak ko, namin. Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya ng makita niya ako. Kaagad kong dinakma ang mga folders sa ibabaw ng mesa niya at ipinaghahataw sa kanya.
"Hayop ka saan ninyo dinala ang anak ko? Ilabas ninyo ang anak ko mga kriminal kayo pati ba naman anak ko gusto niyo pang saktan. Hindi na nga kayo naawa sa akin nuong ipagtabuyan ninyo akung parang hayup ngayon naman maging anak kong walang kamalay-malay gusto niyo pang magdusa mga hayup kayo. Ilabas niyo siya mga kriminal. Wala kayung karapatan ilayo sa aking ang anak ko. Nasaan na siya? Ibalik ninyo siya sa akin." Sigaw ko at pinasusuntok siya, kahit saan nalang siya tamaan. Sinasalag lang sila ang mga suntok ko at hindi umiimik.
"Ma'am tama na po baka kayo naman ang kasuhan niya." Pigil sa akin ng pulis na babae at pilit akung inilayo kay Ace, kasabay ng pagtunog ng cellphone niya.
"Yes, Mom." Dinig kung sagot niya sa cellphone niya ng itapat niya ito sa kanyang tenga. Kunot noo siyang tumanaw sa akin kaya nagpumiglas akung sa pagkakahawak ng pulis at mabilis na hinablot sa hawak niyang gadget.
"Tang... ** ina mong matanda ka saan ninyo dinala ang aking anak. Mga hayop kayo. Mga salot kayong pamilya Villaneza, wala naman akung ginagawa sa inyong masama pero pinahihirapan ninyo ako pati ang anak kung paslit dinadamay ninyo pa sa kawalanghiyaan ninyo. Nanahimik ako ginugulo pa ninyo ako. Ibalik ninyo ang anak ko mga hayop kayong mag-ina." Sigaw ko pa pero naputol na ang tawag at sa sobrang galit ko ibinalibag ko sa mukha niya ang selpon niya. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hindi alam ang gagawin. Malalamlam ang kanya mga mata.
"Ace." Isang boses pa ang narinig kung kinamumuhian ko. Naglakad pa siyang papasok sa loob ng opisina. Nahinto siya sa paglakad ng makita niya ako.
"Isa ka pang hayop ka saan ninyo dinala ang anak ko. Mga kriminal kayo nasaan na siya ibalik ninyo siya sa akin. Wala kayung karapatan sa kanya." Sigaw ko sa kanya kita ko rin ang pagkagulat niya at ni hindi siya nakaimik nakatingin lang siya sa akin. Kaya pinagsusuntok ko rin siya at pilit pinalalabas ang anak ko. "Ang tanda-tanda na ng nanay ninyo nakapawalanghiya parin niya, kinuha niya ang anak ko mamamatay tao kayung lahat wala kayung awa." Sigaw ko na sa kuya Franz niya
"Kompleto na naman ang mga Villaneza mga kriminal bakit kakaladkarin nanaman ba ninyo ako ulit huh mga hayop kayo, Ilabas niyo ang anak ko. Pati ang anak ko dinadamay ninyo sa kawalanghiyaan ninyo." Sigaw ko ulit sa kanila ng makita ko ang isa pa niyang Kuya si Wyatt. Hindi rin ito makahuma ng makita ako. Nagtitinginan lang silang tatlo at walang nagsasalita sa kanila. Alam kung may ibig sabihin ang pagkilos ng mga mata nila dahil pare-pareho silang mga military at bawat galaw ng mga mata nila may kahulugan o nagbibigay babala sa isat-isa. Nakapag-uusap sila sa pamamagitan lang ng paggalaw ng mga mata.
"Sir, pwede po ba namin kayong maimbitahan sa prisinto, para sa ilang mga katanungan." Singit na ng isang pulis. Nilingon niya ang mga Kuya niya, bahagyang nagtangoan ang mga ito. Isang tango din ang tugon niya sa mga pulis.
.
.
.
.
.
..................................
please follow my account...
and add my story in your library..
...loveyouguys..God Blessed Us..
thanks much......lrs..
....."Lady Lhee"....