Episode - 10

2214 Words
Mabibigat ang aking mga paang naglakad papasok sa aking opisina makaraan ang halos dalawang linggo, hindi na tulad ng dati. Masigla at masaya na parang walang problema sa buhay. Buhat ng magkahiway kami ni Zinayah nawala ang sigla ko. Nawalan ako ng ganang magpursiging palaguin ang negosyo ko. At kung ano nalang ang meron ayus na at hindi na nangangarap ng mas mataas o mas malaki. Hanggang ngayon hindi parin siya nabubura sa isipan ko kahit anung gawin ko lahat sinubok ko na. Maglasing gabi-gabi sa bar kasama ang mga kaibigan. Mag-take out ng babaing hindi ko naman magalaw dahil makiramdam ko nagkakasala ako sa kanya. Ilang taon narin hindi ko siya nakikita at walang balita sa kanya pero madalas parin nasasama ang pangalan niya sa usapan at laging sinisisi nila Mommy sa mga nangyari sa akin. Kaya paano ko siyang malilimutan kung sila mismo ang gumagawa ng dahilan para maalala ko si Zinayah. Kailangan ko na talagang lumayo at magpunta sa lugar na walang babanggit sa pangalan niya upang makalimutan ko na siya ng tuloyan. Hopefully next month i'm leaving for my own good. Ilang buntonghinga pa ang pinakawalan ko at sinimulan na ang trabaho. Kailangan kung tapusin ang mga nabinbin kung mga trabaho. Kailangan kung maisa-ayus ang lahat bago ako umalis at bumalik sa serbisyo. Para hindi mahirapan sila Kuya. Sa kanila ko iiwan lahat ng trabaho ko. Bahala na sila Mommy kung magalit siya sa hindi ko pagpapakasal kay Devora kung gusto nila silang dalawa ang magpakasal. This is my life and my happiness kaya dapat ako ang masusunod at hindi sila. Kailangan kung balansihin ang buhay ko ngayon sa trabaho at sa iba pang bagay bago ako tulyan lumisan at baka hindi na bumalik dahil wala ng rason para umuwi pa dito. . ****** . Ilang beses pa akung napamura dahil sa haba ng trafiic idagdag pa ang mga taong walang patid sa pagtawid. Kailangan kung tuklasin ang mga itinatago ni Ace kung may iba pa siyang babae na pinagkakaabalahan. At kung saan ang kanilang private island baka dun niya dinadala ang babae niya. Malalagot sila sa akin dahil akin lang siya. Kunot noo kung pinagmamasdan ang babaing naglalakad patawid siya sa harapan ng kotse ko may karga siyang bata. Mukhang natutulog sa balikat niya. "Zinayah!" Bulong ko ng makilala siya. Ngayon ko lang uli siya nakita makalipas ng ilang taon. Akala ko hindi ko na siya makikitang muli dahil sa nangyari sa kanila ni Ace. Sinudan ko siya ng tingin may nakatalukbong na towel sa batang kilik niya. Patungo siya sa bakeshop at mukang dun siya nagtratrabaho ngayon. Marahil anak niya ang karga niya. Ang anak nila ni Ace. Agad kung iminaneubra ang aking sasakyan ng mag-go signal. Maraming sasakyan sa harapan kaya sinunod ko ang itinuturo ng bata sa giliran kung saan pwede akung makapag-park ng kotse ko. Pagpasok ko sa loob matalas ang aking mga matang luminga. Maraming tao ngayon hindi tulad ng una kaming nagpunta dito ni Ace. Sa isang sulok ako pumuwesto para makapagkubli at hindi madaling makita ni Zinayah. Inilinga-linga ko pa ang aking paningin para hanapin siya. "Ma'am ano po order nila?" Boses ng isang babae na muntikan kung ikahulog sa upuan sa gulat. Gusto ko siyang bulyawan pero nagaalala akung makaagaw kami ng pansin at makita ako ni Zinayah. "Miss mamaya nalang may hinihintay pa ako." Tugon ko nalang at medyo nagtago pa dahil nakita ko si Zinayah nagbigay ng order sa kabilang mesa. Nagmakaalis na siya agad na kung tumayo at nagmamadaling lumabas ng bakeshop. Ngayon alam ko na ang aking gagawin. Humanda ka na Ace. Lalabas ka sa lungga mo sa ayaw at gusto mo at susunod ka sa lahat ng gusto ko, kung hindi makikita mo ang hinahanap mo. Kailangan ko nalang magpa-impress sa pamilya niya. Alam kung nasira ko na si Zinayah sa kanila nuon pa man kaya hindi siya tanggap ng mga Villaneza. At lahat gagawin ko para mapasakin ka lang Ace Luther at ang mga pera mo. Kaunting diskarte nalang mabubuo na ang aking plano. At sigurado akung magtatagumpay ako. "Hi, Ate Dev." Bati niya sa akin habang pababa siya ng magarbo nilang hagdanan, kaya matamis ko siyang nginitian at sinalubong ng isang magaang yakap at mainit na pag-halik sa magkabilang pisngi. Kaagad din siyang bumeso sa akin. Sabay din kaming umupo na magkatabi sa harap ng Mommy niya. "Mukhang blooming ka ngayon ah." May ngiti sa mga labing paunang wika ko. Ngiti lang ang naging tugon niya sa akin pero kaagad din nalukot ito. Umaayos siya ng pagkakaupo at humarap sa akin. "It's that true na cancelled ang wedding n'yo ni Kuya Ace?" Kunot noo at taas kilay niyang tanong sa akin. Umandar na naman ang kamalditahan niya. Lihim ang ngiting namutawi sa akin. Ito ang gusto ko sa kanya ang pagiging maldita. "No. Actually pinos-postponed lang namin hanggat hindi pa naaayus ni Ace ang problema. Meron kasing gustong umeksena sa kasal namin. Gusto niya kaming gulohin at nag-aalala si Ace na baka daw sa araw ng kasal namin gumawa ito ng isang nakakahiyang iskandalo." Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nilang mag-ina sa inusal ko. Inilukot ko pa ang mukha ko upang maging kapani-paniwala. "Who are they?" Hindi makapaniwalang bulalas niyang tanong. "Sino pa ba ang sa palagay mong gagawa nuon? Isa lang naman ang naghahabol at hanggang ngayon patuloy parin niya kaming ginugulo. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang motibo niya at kung ano pa hinahabol niya kay Ace kahit isinusuka na siya ng Kuya mo." Pagdradrama ko pa upang mapaniwala ko sila. "At sino naman siya? Si Zinayah ba? Hanggang ngayon ba hindi parin niya nilulubayan si Ace. Hindi pa ba siya nakuntento sa panluluko niya sa Anak ko? Hindi ba may anak na sila ng lalaki niya?" Mariing singhal ng Mommy niya sa galit. "Malandi talaga ang babaing yun, pagnakita ko siya makikita niya ang hinahanap niya. Makakatikim na naman siya ng sampal sa akin." Asik din ni Kiara. Kaya mas lalo ko pangpinagbuti ang drama ko. Akala ko matalino sila may katangahan din palang itinatago, madaling magpauto. Madaling bilugin ang ulong may lamang kultadong utak. "Sa totoo lang po Tita Clara nag-aalala nga po ako dahil ang anak niya sa lalaki niya ang ginagamit niya at pinagpipilitang anak daw ito ni Ace. Isa po ako sa saksing meron talaga siyang mga lalaki kahit nuong pang college kami, piniperahan po niya ang mga ito. Tulad din ng ginawa niya kay Ace. Mukhang po yatang hindi siya pinanagutan ng lalaki niya. Sino po ba naman kasi ang matinong lalaking papatol sa ganuon klasi ng babae. Alam na alam naman po ni Ace na pera lang niya ang habol nito sa kanya." Litanya ko pang may pagdiriwang sa isip. Kuhang-kuha ko na ang simpatiya nilang mag-ina at mukhang sumasang-ayun sa akin ang pagkakataon. Kaunting arte pa at mahuhulog na sila sa plano ko. Piping bulong ko sa isip ko. "Nasaan sila ngayon at paano mo nalaman ang mga ito? Nagkikita pa ba kayo ng babae yun? Sila ni Ace nagkikita pa ba?" Mariing na niyang singhal. Mukhang na-high blood na siya sa galit. Namumula na ang pisngi niya. "Ang pagkakaalam ko po Tita nagtratrabaho siya sa isang Pantry and bakeshop. Duon po namin siya nakita nuong mag-o-order sana kami ng wedding cake namin. Hindi ko lang alam kung anung trabaho niya duon, parang sebedora or taga-masa ng harina. Kaya nga po hindi na kami duon nagpagawa ng wedding cake namin. Duon po nagsimula ang lahat ng gulo, simula po nuon hindi na niya kami tinantanan ni Ace. Ginugulo na niya kami ng malaman niyang ikakasal na kami ni Ace." Mahabang ani ko. Kitang-kita sa mukha nila ang matinding galit. Mag-ina nga silang uto-uto. Sige lang kumagat kayo. Bulong ko sa isipan kong nagdiriwang. "Bakit hindi namin alam na hanggang ngayon nagkikita pa sila ng babaing yun at ginugulo pa kayo? Bakit wala kaming alam dito? Ano pa ba ang kailangan niya sa inyo? Tapos na ang lahat ng namamagitan sa kanila ni Ace. Pagnalaman pa ito ng mga kuya ni Ace mananagot ang babaing yun." May pait niyang usal. "Siguro po ayaw lang ni Ace na mag-alala pa kayo kaya sinasarili nalang niya. Hayaan nalang po natin si Ace na lutasin niya ang problema niya sa babaing iyon.Hindi rin po ako papagyag na gulihin niya kami. Nananahimik po kami at walang sinasagasaang tao. Kung hindi lang po ako naawa sa bata baka kung ano ng magawa ko sa kanya. Dahil pilit po niyang ipinagpilitang anak ni Ace ang bata at hinihingan ito ng malaking sustento." Dagdag panggagatong ko pa sa kanila. Muli sindak na naman ang rumihistro sa mukha ng mga-inang tanga. Ang taas ng pinag-aral hindi alam kung paano gamitin, kaunting sundot lang bumibigay na. "Ang kapal talaga ng mukha ng malanding babaing yun, talagang makakatikim siya sa akin." Nakatikwas ang kilay niyang saad. Naguumpisa na naman tumubo ang sanga-sanga niyang sungay. "Kung hindi ko lang siya naging kaibigan nuon college kami baka kung ano narin nagawa ko sa kanya. Pinipigilan lang kasi ako ni Ace siya nalang daw ang bahala dito." Pa-victim effect kung turan. Sakay na sakay naman silang mag-ina. Sige kapit pa para hindi kayo mahulog. Piping bulong ko sa isipan. "Sisigurohin kung wala siyang makukuha kahit isang centemo sa aking pamilya. Kakausapin ko si Ace tungkol dito." Mariin niyang wika. Kaya nabahala ako. "Tita Clara siguro po mas mabuting huwag na muna nating ipaalam kay Ace. Kung gusto po ninyo ipa-DNA test muna natin ang bata nakakaawa po kasi siya, mukha siyang malnouris. Maliit lang po kasi ang kinikita ni Zinayah sa bakeshop na pinagtratrabahuhan niya. Kaya kung mapapatunay anak nga ito Ace hindi naman po masamang tulongan siya o kaya kunin nalang natin siya. Willing naman po akung alagaan ang bata kung mapapatunay anak nga siya ni Ace." Bait-baitan kung turan para sumang-ayon sila sa plano ko. "Mom tama si Ate Dev pero pag hindi talaga anak ni Kuya Ace ang bata may paglalagyan siya. Lagot siya kila Kuya Franz baka hindi na siya sikatan ng araw, sila ng anak niyang bastardo." May ngisi sa mga labing pagmamagaling pa niya. Ang pagtango rin ng ina niya ang indikasyon sumasang-ayun sila sa akin. Hulog na hulog na sila sa bitag ko. "Gusto mo po ba Tita na puntahan nalang natin sila at pansamantalang hiramin ang bata para makuhanan ng sample na gagamitin sa DNA test? Kung kayo po ni Kiara ang manghihiram sa bata sigurado pong papayag ang babaing yun. Alam ko naman malaki ang takot niya sa inyo." Pangungumbinsi ko pa. "Alam ko po ang schedule ng duty niya sa bakeshop at isinasama po niya ang anak niya sa tuwing papasok siya duon." Dugtong ko pa. "Malamang isasama niya ang bastardo niyang anak kahit saan siya magpunta dahil wala namang mag-aalaga dito. Kaya madali nalang nating makukuha ang bata. Pero hinding-hindi ko gustong ampunin o makita dito sa mansyon ang anak niya sa kalandian." Mariin sikmat niya. Spoiled brat talaga siya pinalaking may sungay ng mga magulang. Kaya siguro magkasundo kami, iisa ang likaw ng bituka naming tatlo. May ngisi sa mga labing bulong ko kaya napayuko ako. Iniangat ko ang aking ulo upang makita ang pananahimik nila. Bakas na bakas na ang malalalim na gatla sa noo ni Tita Clara mukha nag-iisip siya. May mga gray hair na siyang hindi na mabilang sa dami, tanda na marami na siyang pinagdaanan pagsubok sa buhay. May mga experiences at achievements sa buhay, pero sa kabila ng lahat at ng edad niya madali parin siyang magtiwa at maniwala ng hindi sinusuri ang tao. Malayo sa mga ikinukuwento nuon ni Zinayah. Ngayon ko magagamit ang mga nakalap kung impormasyon sa kanya nuon. Buti nalang at lagi ko siyang tinatanong nuong tungkol sa mga Villaneza. "Tita mauna na po ako baka po kasi abutan pa ako ni Ace magtaka pa siya kung bakit ako andito." Basag ko sa katahimikan nilang mag-ina. "Pakiusap lang po Tita huwag po muna ninyong ipaalam kay Ace ang mga plano natin. Gusto ko lang po siyang tulongan resolbahin ang problema. Pagnatapos na po ito ipapalam ko rin po sa kanya. At baka po pasalamatan pa niya tayo." Dagdag ko pa at tumayo na. Kailangan ko ng umalis at baka nga magpang-abut pa kami ni Ace mabulilyaso ang mga plano ko. Alam kung uusok na naman ang bunbonan niya pagnakita niya ako dito. Kaagad din silang mag-inang tumayo, nagbigay pa ako ng halik sa kanilang dalawa at humakbang ng patungo sa main door. Nangingiti ako sa mga tinatakbo ng pangyayari dahil pomapabor sa akin ang lahat. Kaunting oras nalang ang kailangan ko magiging akin ka narin si Ace Luther Vilalneza. Ako na ang papalit sa pwesto niya hindi lahat ng swete para sa iyo Zinayah. Magiging isa na akung Villaneza at ako ang magiging reyna nag mansyon ng mga Villaneza. Mapapasaakin na ang lahat, pera, alahas, mamahaling mga damit, magagarang sasakyan at kapangyarihan. Muli ko pang nilingon ang malaking bahay sa likuran ko at may ngisi sa mga labing pinagmasdan ito. Soon akin ka na, at ang pinakakamamahal kong lalaki. CEO, General Ace Luther Villaneza my husband to be. . . . . . . .................................. please follow my account... and add my story in your library.. ...loveyouguys..God Blessed Us.. thanks much......lrs.. ....."Lady Lhee"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD