Kung tutuusin ay nakamove on na rin si Jenna pero parang takot pa rin siyang mainlove kaya mas tinuon ang sarili sa kan'yang career. Si Zoren para sa kan'ya ay isa lamang kaibigan at katulad ni Julius hindi na rin siya ilang dito at naging komportable rin ang pakikitungo niya sa lalaki. Pero tinapat na niya kaagad ito para huwag na umasa pa na maari niyang matumbasan ang pag-ibig nito. Dahil graduate na siya kaya niya naisipan na mag-apply ng trabaho bilang clerk sa isang law firm habang siya ay naghihintay at nagrereview. Kailangan rin naman talaga niya 'yon para siya magkaroon nang mga pananaw sa kung ano ba ang mga nangyayari sa loob ng isang law firm. "Anak, kahit ka magpahinga na muna ay okay lamang sa amin ng papa mo. Katatapos mo pa lamang sa college at ikaw ay nagrereview na k

