Sige pa ang inom ng alak ni Marco ng may tumawag sa kan'ya. Sinagot ito ng binata na naiinis dahil naabala siya. "Sir Marco 'yong tauhan po ninyo sa Canada sumusunod kay Madam Jenna, namatay daw po ang nanay kaya siya ay uuwi. Wala po siya makita na ipapalit na bihasa sa mga pinagagawa ninyo puro mga baguhan daw ang available sa ngayon, okay lamang po ba sa inyo?" tanong ng sekretarya niya na nangangamba pa sa isasagot ng boss niya. "Basta ba huwag tanga ang papalit sa kan'ya ay okay lang pero kung palpak ito tiyak siya ay masusuntok kong bigla!" ani Marco na lasing na yata at hindi na alam ang sinasabi. Samantala sa Canada, busy si Jenna sa harap ng mesa niya at panay rin ang tingin nito sa computer nang mag ring ang telepono. "Hello, bakit ka tumawag?" ani Jenna sa kausap naningkit

