"Ano ang sabi ninyo, papa? Na ako ay pinasusundan ng dati kong asawa?" tanong nito sa nabiglang magulang. Hindi alam ng mga magulang na nasa likod na pala nila ang anak na si Jenna at lahat ng bagay na kanila pinag-usapan ay narinig nito. "A-anak h-hindi ako sigurado at suspetsa ko lang ang mga nasabi ko." Ani ama ni Jenna kinakabahan para sa anak. Lumukot ang mukha ni Jenna at ito ay napasimangot nang bigla. "Ano pa ba ang kailangan niya sa akin at ako ay ginaganito niya?" galit na sinigaw nitong dalaga at siya ay malungkot na naupo sa tabi ng ina. Bigla naalala ni Jenna ang mga sinabi ng dating asawa nang huli sila nito magkita. "You're mine and no one can take you from me!" Napatakip ng bibig si Jenna at nanlaki ang mga mata. Hindi niya akalain na tinotoo nito ang banta sa kan'y

