Maxine’s POV NAMIMIGAT pa rin ang mga mata ko ngunit dahan-dahan ko iyong iminulat. Pulang kisame, iyon ang unang tumambad sa paningin ko. Marahan kong inilibot ang tingin sa kabuuan, pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko. Anong ginagagawa ko rito? Pilit akong bumangon sa kabila nang panghihina ng aking katawan. Bingit na napa hawak ako sa aking tiyan. Nagugutom ako, as in sobrang nagugutom ako. Gaano ba ako katagal natulog at parang walang kalaman-laman ang sikmura ko?! Bababa na sana ako ng kama nang biglang bumukas ang pinto. Si Lucas ang iniluwa no’n. “Don’t move,” malumanay na wika nito bagamat utos iyon. Lumapit ito sa direksyon ko at umupo sa gilid ng kama. “How do you feel? May masakit pa ba sayo? Masakit pa ba ang ulo mo?” sunod-sunod na tanong nito’ng mababakas sa tono ang p

