Maxine’s POV “ANG ganda..,” mahinang usal ko habang naka-indian-sit at nakatingala sa langit. Kasalukuyan kaming nasa oval ni Lucas, nag-aya kasi itong lumabas ng hall. “Sobra,” rinig kong segunda nito. Nakakawala ng stress ang pagmasdan sila. Para silang mga buhangin sa sobrang dami. Nakakagaan ng loob. “Akin ‘yong pinakamalaki, huh!” tukoy ko sa namumukod tanging bituin. “Sa akin ‘yong naka-pitch.” Kunot ang noong nilingon ko si Lucas na noon ay nakahiga habang nakaunan sa dalawang braso nito. Tsk, sabi na, eh. Hindi naman ito sa langit nakatingin kundi sa akin. “Nang-aasar ka ba?” Hindi sumagot si Lucas, bagkus ay hinila ako pahiga katabi nito. “Mas masarap silang pagmasdan kapag nakahiga.” Tama ito. Ang ganda nga nilang pagmasdan. “Maxine..” “Bakit?” tanong ko bagamat naka

