Still Maxine’s POV KINABUKASAN. “Maxine gumisimg ka na baka ma-late ka niyan,” rinig kong bulahaw ni Nanay, bahagya pa nitong pinagpag ang deck ko. Gusto ko pang matulog ngunit kinailangan kong gumising. Patamad akong bumangon. Hinayaan ko lang muna ang sarili na nakaupo habang nakapikit ng limang minuto. “Bumaba ka na diyan at nang makaligo ka na,” dagdag pa ni Nanay. “Wala po akong pasok, ‘Nay,” tugon ko habang nakapikit pa rin. “Ganoon ba, tamang-tama ikaw na lang ang mang-grocery. Maglilinis pa ako ng master’s bedroom,.” Noon ako nagmulat at nilingon si Nanay. “Sige po. Pero medyo matatagalan ako, ‘Nay. May lakad kasi kami ngayon ng kaklase ko.” “Bakit saan kayo pupunta?” “Magpapasama kasi si Meghan na bumili nang maisusuot para sa acquaintance party namin. Bukas na po ‘yon

