Maxine’s POV “HEY..,” tawag ni Lucas. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago ito nilingon. Hindi ko siya maintindihan. Ayaw niya pala akong makita, eh anong ginagawa niya rito?! Kabwesit lang. “Ano?!” napipikong tanong ko. Matagal bago ito nagsalita.. “Ang totoo niyan..,” Mukha itong naguguluhan. Maya-maya ay nagsimula na itong maglakad papunta sa akin. Tinitigan niya ako sa mga mata. Sumimangot ako. Magtitigan na lang ba kami buong oras?! “May gusto lang akong kumpirmahin.” anito sa mahinang tinig. Mas lalong kumunot ang noo ko. Anong drama ng aroganteng ‘to?! Ngunit napatda ako sa sumunod nitong ginawa.. ..unti-unti itong yumuko na ipinagtataka ko. Hindi ako maka-react o makagalaw man lang. Dilat na dilat ang mga mata kong nakatitig lang sa mukha ni Lucas. Nak

