SUMISIGAW ang malaking itim na bilog sa ilalim ng mata, hindi na nag-abala na takpan at pumasok sa opisina na humihikab. Matapos marinig ang boses ni Katherene na sumagot sa telepono ni Keith, hindi na mawala ang kung ano-anong bagay sa isipan. Nag-uumpisa mag-overthink sa bagay na walang kasiguraduhan. Bakit sila magkasama ng ganong oras? Ano ang ginawa nila pagtapos nilang kumain sa labas? Did they fnck each other after? Mas magaling ba si Katherene kesa sa akin? Mga tanong na paulit-ulit tumatakbo sa isipan ko buong gabi. Halos hindi ako makatulog, sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ay nakikita ko sila sa ibabaw ng kama ‘t humahalinghing sa init na pinagsasaluhan nilang dalawa. Karamihan ng mga lalaki ay nahuhumaling kay Katherene. Hindi mapagkakaila na maganda at may maipagmamalaki

