Hindi ko pa naimumulat ang mata, ramdam ko na ang sakit ng ulo. Ilang beses na ako paikot-ikot sa kama ngunit wala pa rin epekto. Pikit-mata akong naupo, hinahampas ang ulo ng isang kamay. Sa dami ng bote na walang laman kagabi, hindi na ako magtataka kung ganito kasakit ang ulo ko ngayong umaga. Iminulat ang mata, inilibot ang tingin. Nasa loob na ako ng kwarto, hindi ko maalala kung paano ako nakarating dito sa sobrang kalasingan pero mas ayos na rin 'to kesa makita ko ulit ang sarili sa ibang kwarto at may katabing lalaki. Sa kabila ng iniinda, pilit na tumayo at lumabas ng kwarto. Nanunuyot ang lalamunan na dumiretso sa kusina 't kumuha ng maiinom ng sumulpot si Keith mula sa likod na may nakakunot na noo. "Ano ang ginagawa mo rito?" Tanong ko sa malamig na tono. "You don't remem

