Chapter 9: So..

1699 Words
TUMUNOG na ang alarm, nanatili pa rin nakahiga. Umaga na pero madilim pa rin ang kalangitan at patuloy sa pagbagsak ng malakas na ulan. Napatitig ako sa mukha ni Keith. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. Hindi na nakakapagtaka na habulin siya ng babae at nawawala ako wisyo sa tuwing hahawakan niya ako. Napailing ako ng maalala ang nangyari kagabi. Hinayaan ko na muli niya akong angkinin, hindi ko na kayang pigilan ang sarili. Bakit ba pagdating sa kaniya lagi ko nalalabag at nagagawa ang hindi dapat—bakit si Keith palagi? Sunod-sunod ako napabuntong hininga, itinaas ang kamay at marahan na hinaplos ang pisngi niya. Hindi ko kayang gumalaw, di ko maatim na gisingin siya na ngayon ay malalim na nagpapahinga habang nakayakapa sa akin. Mariin akong napapikit ng makaramdam ng malakas na kabog ng dibdib. Hindi maitatanggi na mabilis naagaw ng alindog niya ang atensyon ko pero hindi ako ganito, halos hindi ko na makilala ang sarili ko sa tuwing siya ang katabi ko. “Ginayuma mo ata ako..” Patuloy ang paghaplos ko at pinakatitigan ang mukha niya. MADILIM ang kalangitan ng gumising kami ni Keith. Magtatanghali na’t hindi ko namalayan na nakatulog ako matapos magising sa alarm ng umaga. At saktong pagmessage ng company na h’wag na pumasok ang empleyado na baha na ang daraanan. Samantala, mula pagmulat ng mata ni Keith, may malapad na ngiti na sa mga labi niya. He’s happy at hindi ko alam kung bakit. Speaking of that guy, nang magising siya, wala na ito ginawa kundi ang makipag-usap sa telepono. Siguro dahil katulad ko ay stranded din siya sa lakas ng ulan at marami pa naiwan na trabaho. Akmang papasok ako sa kwarto sng marinig ko na tinawag niya ang pangalan ko. “Baby, Kattleya,” Nilingon ko siya. “Ano?” “Do you have extra laptop?” At tinaas ang cellphone niya. “And can I connect to your internet?” Oo nga pala, hindi ko pa siya nabibigyan ng passcode ng internet. Lumapit ako sa kaniya, kinuha ang cellphone niya saka tinipa ang passcode. “Mayroon akong extrang laptop kaso may kabagalan na, gamitin mo na lang ang ginagamit ko ngayon, h’wag ka lang magbubukas ng kahit anong file sa loob.” “Don’t worry. I respect your privacy.” Tumango ako, tinalikuran siya at pumasok sa kwarto para kunin ang laptop na hinihiram niya. Matapos ibigaysa kaniya ay mas naging abala siya sa ginagawa. At ako, nahiga sa kabilang sofa, nag-scroll ng social media ng sunod-sunod pumasok ang mga mensahe sa cellphone. “Group chat?” Sa huling pagkakatanda ko, tanging sa department lang namin ang groupchat na kasali ako. Binuksan ko ang group chat, kaunting scroll sa pataas at umawang ang labi ko ng makita ang picture namin ni Keith kahapon. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang pagsundo niya ang magpapagulo ng buhay ko. “He’s name is Keith Veloria, the only son of Mrs. Emilta and Mr. Karlos Veloria. Their family owns a several resort in the Philippines, a financial business, and Construction Business. And base on our source, they’re already engage—a arrange marriage fixed by their parents.” Kasunod nito ang mga larawan kahapon, iilang mga research mula internet at larawan ni Keith. Iba’t ibang komento ang nakalagay doon, may ibang negatibo at may iilan na positibo. Sunod-sunod ako bumuga ng marahas na buntong hininga ‘t minute ang group chat na kinabibilangan ko ngayon. Sunod na pinindot ang groupchat ng department namin. Sa pangunguna ng sekretarya ko, pinag-uusapan at walang tigil akong inaasar. Napailing na lang ako. Mabuti hindi kasama ang mga intern sa groupchat namin. “Tapos ka na?” Bumaling ang tingin ko kay Keith ng itigil nito ang ginagawa. “Malapit na maglunch.” komento nito tinaas ang tingin sa orasan. “Ano ang gusto mo kainin, mag-order na lang tayo sa labas. “Walang magdedeliver ng ganito kalakas ang ulan,” Kontra ko sa suhestiyon niya. “Ano ang gagawin natin?” lumibot ang tingin ko sa paligid ng maalala ang sinabi ni Katherene noon nasa bahay kami ni daddy. “Wala rin naman ako ginagawa. What If ipagluto na lang kita ng kare-kare?” suhestiyon ko. “That’s a good idea..” Lumapad ang ngiti niya na lumapit sa akin. “May mga gamit ba sa kusina mo?” “Iyon lang ang problema, hindi pa ako nakakapaggrocerry pero meron naman sa harap ng building.” Nakangiwing nakangiti bago umiling. “Bibili na langt ako sa labas.” “No, stay here and wait for me.” Pigil niya saka kinuha ang wallet at susi ng sasakyan na nakalapag sa mesa. “Malakas ang ulan, ako na ang lalabas, ilista mo nalang ang mga kailangan ng mabili ko nang sabay-sabay.” Tumango ako, kumuha ng ballpen saka binigay sa kaniya. “Heto ang kailangan, nagdagdag na rin ako ng iba para hindi na lumabas mamaya kung sakaling malakas pa rin ang ulan. Babayaran nalang kita pagbalik mo. At heto,” inabot ko ang mahabang payong. “Mag-ingat ka sa paglabas, madulas ang daan.” “Yes, ma’am.” Lumapit siya sa akin, pinabot ang ulo ko saka inilapit sa kaniya at hinalikan ako sa noo. Naestatwa ako sa kinatatayuan, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at parang kinikiliti ang tiyan ko sa ginawa niya. Bago pa ako nakapagreact, nagpaalam na siya at lumabas ng unit. Naiwan ako na tulala sa pwesto at napahawak sa dibdib. Bakit ganito ang pakiramdam ko? “Magpapacheck up na lang ako sa sabado.” Pangungumbinsi ko sa sarili. Isa-isa ko inilabas ang kaldero, inihahanda ang mga gagamitin sa pagluluto. Ilang minuto na siyang nasa labas at hindi pa rin bumabalik, nanatili ang malakas na pagbuhos ng ulan at mula sa itaas ay kita ko ang baha sa iilang lugar sa kalayuan. Naagaw ang atensyon ko malakas na magring ang cellphone. At dali-dali sinagot ng makita kung sino ang tumatawag sa akin. “Dad, napatawag po kayo?” Tanong ko. “Nakita ko at nalaman ko ang usap-usapan sa trabaho mo, sinundo ka daw ni Keith sa trabaho?” Walang pagbati na tugon. “Yes, dad.” “Good move, anak.” Punong-puno na pagmamalaki at tuwa sa tono ng pananalita. “Ipagpatuloy mo ang ginagawa mo nang matuloy ang kasal niyo. At nang maging ganap na pamilya na ang Ameller at Veloria.” “Yes, dad.” “Mabuti.” Komento nito. “Oh, siya, tumawag lang ako sa iyo para ipaalala ang dapat mong gawin. At bago ko makalimutan, balak namin ng Tita Therene mo na magbook ng flight para sa inyong dalawa ni Keith nang mas makilala niyo pa ang isa’t isa.” “May trabaho po ako.” Tutol ko. “Tatakbo ang kompanya kahit wala ka.” Tugon niya saka tumawa. “Ibibigay na lang namin ang ticket sa iyo, ikaw na ang bahalang magkumbinse kay Keith sa pag-alis niyo.” Kagat ang ibabang labi na tumango ako. “Okay, dad.” Wala ako magagawa, nanatili niya akong aso at hawak sa leeg kahit saan sitwasyon tignan. At si Keith, ang nag-iisang paraan para makalaya ako sa nagbibigkis na ‘yon. Kasabay nang pagkaawala ni Daddy sa kabilang linya ay ang pagkawala ng sunod-sunod na buntong hininga. Hanggang kailan ako aasa na makakatanggap ako ng tawag na wala silang kailangan? Si Keith, kung matatali ako sa kaniya ay magiging malaya ako sa kamay ni Daddy at siguradong magiging masaya si Daddy dahil sa wakas, isa nang pamilya ang Ameller at Veloria. Isang win-win na sitwasyon namin pero ang konsensya ko—hindi ko maatim na gumamit ng isang tao para sa personal na kapakanan. Sa magandang pakikitungo sa akin ni Keith, hindi ko kayang magawa siyang gamitin. Isama pa ang magandang pakikitungo ng pamilya niya sa akin noong unang beses ko silang nakilala. Sobrang sama kong tao kung gagamitin ko siya. “Anong nangyari sa ‘yo?” Natataranta ako lumapit kay Keith ng basang-basa pumasok sa loob ng unit. “Baby—” “Sandali, kukuha ako ng towel.” Tumakbo papasok ng kwarto, hindi na ako nag-abala na hanapin ang extrang towel at kinuha ang personal na ginagamit bago bumalik sa kaniya. “Anong nangyari? Nasaan ang payon mo?” “Binigay ko sa matanda kanina..” kaswal na sagot niya. “Pasensya na.” “Maglinis ka na ng katawan sa banyo baka magkasakit ka pa.” Kinuha ko ang mga pinamili niya at dinala sa kusina. Hindi na siya nagreklamo, dumiretso sa banyo na hindi kumukuha ng damit, Bago umpisahan ang pagluluto, inabutan ko muna siya ng masusuot at nagtimpla ng mainit na kape ng mainitan ang katawan niya. Abala ako sa pagluluto ng bumukas ang pinto ng banyo, sunod-sunod ako napalunok ng sariling laway ng makita ang istura niya. So....hot Wala siyang saplot, bumabalandra ang malapad at maganda niyang katawan habang ang pang-ibaba ay natatakpan ng towel ko. Basang-basa ang buhok, na tumutulo sa papunta sa katawan. “Baka matunaw ako niyan?” Napaiwas ako ng tingin. “M-magbihis ka nga!” “Bakit namumula ka..” Tumatawa siya lumapit sa kinatatayuan ko ska niyakap ako sa patalikod. “Hanggang ngayon, nahihiya ka pa rin na makita ang katawan ko?” “Ano ba ang pinagsasabi mo d-diyan?” “Baby, klaro pa sa isipan ko ang sinabi mo kagabi na uulitin natin ngayong araw..” Bumaling ang tingin niya sa dining table at hinalikan ang tenga ko. “..Masarap ang luto mo pero mas masarap kung ikaw ang nakahain sa mesa na ‘to.” “Keith!” Panunuway ko. Isa pang halik niya sa tenga ko, siguradong bibigay na ang tuhod ko. “Lumayo ka sa akin or else—” “Or else, what?” “Papalayasin kita sa condo ko...ohhh .” Mariin ko naipikit ang mata ng maabilis dumaosdos ang kamay niya sa loob ng suot kong pajama. “You’re so wet.” Komento nito. “K-keith, please, mamaya na...” “Promise?” Paninigurado niya. Tumango ako saka hinarap siya. “But in exchange, I’ll do have a favor.” “What favor?” “Sasabihin ko sa iyo sa susunod.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD