Chapter 10: Caught

1519 Words
PAGTAPOS maluto ng kare-kare, inihanda ko na ang hapagkainan. Tahimik ang buong kusina, matiwasay na ako natapos magluto habang abala sa salas si Keith na nasa kalagitnaan ng pagtratrabaho. "Handa na ang pagkain." Hindi siya kumibo, iniwan ang ginagawa bago lumapit sa aking kinatatayuan. "Kanina pa ako nagugutom." "Ikaw kasi eh.." Kung hindi ba naman pinairal ang init katawan, kanina pa sana kami nakakain ng tanghalian. Mahina siyang tumawa, nauna pumasok sa kusina at naupo sa silya. Nauna siya sumadok, nakatitig ako sa kaniya at hinihintay ang reaksyon sa niluto. "Sinungaling.." Komento niya ibinababa ang kubyertos sa mesa. "Hindi masarap." "G-ganon?" Tanong ko, dali-dali sumandok saka tinikman ang luto. "Masarap naman ah." "Sobrang sarap.." May ngiting papuri niya saka nag-umpisang kumain. Napatitig ako sa maamo niyang mukha, tuloy-tuloy ang pagsubo na akala mo 'y may kaagaw sa niluto. "Dahan-dahan lang," paalala ko sa kaniya. Sinabayan ko siya sa pagkain, parehas na nahimik. Isang kilo ang karne na niluto pero mukhang kukulangin pa sa lalaking ito. "Baby, what if we make a deal." "A deal?" "Yeah, as you see, mag-isa lang ako sa condo at pagtapos ng trabaho, wala na ako ganang kumain." "Anong gagawin?" "Sabay tayo kumain.." Tumaas ang tingin niya. "Dito na ako kakain." "Bubuhayin kita?" Kung dito siya kakain, ako na ang magpapakain sa kaniya--bale ako na ang bubuhay sa lalaking to? "Ofcourse not." Nakadikit ang kilay na sagot. "Sandali, may kukunin lang ako." Sumunod ang tingin ko sa kaniya palabas ng dinning area, dumiretso sa kwarto at lumabas na hawak ang pitaka. "Here," inilapag niya ang ATM Card sa mesa. "Pwede mo 'yan gamitin sa pamamalengke." "Magkano laman nito?" Hindi ko pinansin ang iba niyang sinabi. Nagkibit-balikat siya. "Millions.. I think?" Wow, ang yaman. "Sabay binibigay mo sa akin 'to? Hindi ka ba natatakot na waldasin ko ang pera mo, na hindi lang grocerry ang bilhin ko?" Sunod-sunod kong tanong. Ang lalaking 'to parang hindi nag-iisip. "May tiwala ako sa'yo..." "..kakakilala mo pa lang sa akin." Pagpapaalala ko. Wala pa isang buwan ng magkita at magkakilala kami, dalawang linggo pa lang rin ang lumipas magmula ng ipagkasundo kami ng mga magulang. "I know where you live." Walang kurap na tugon saka bumalik sa pagkain ang atensyon. "Mabilis kita makakatok." "Maglalagay ako ng aso." "Bawal ang aso sa building na ito." Paalala niya. Oo nga pala, kaya kahit anong gusto ko mag-alaga ng aso ay hindi ko magawa dahil sa patakaran ng tinitirhan ko. Hindi na ako umimik, ako ang talo sa usapan at di ko na rin alam ang i-rerebatt sa kaniya. "Go.." "Huh?" Bumaling ang atensyon ko sa kaniya ng bigla siyang magsalita. "Go ahead, magshopping ka at bilhin ang gusto mo. But don't forget to buy grocceries for us." Dalawang beses ako napakurap sa sinabi niya. Mukhang hindi nga talaga siya nagbibiro sa mga sinasabi niya. "Ah.. okay.." ilang segundo na itinikom ang bibig bago muling nagsalita. "Hindi ko gagastusin ang pera mo." "Ikaw ang bahala. Basta, ang usapan natin." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Tahimik namin tinapos ang pagkain--I mean ako lang dahil hindi pa rin siya tapos na balak ata ubusin ang pang-limang tao na nakahain. Si Keith na ang nagpresinta maghugas ng pinagkainan, kampante ako na marunong siya ng sunod-sunod na pagkabasag ng pinggan ang narinig ko na nanggagaling sa kusina. "Ano ba ang pinanggagawa mo?" Lumapit ako sa kaniya. At kusang bumababa ang tingin ko sa mga basag na pinggan. "Sabihin mo, marunong ka ba talaga?" Seryoso na tanong ko sa kaniya. Ngunit ngumiti lang siya, itinaas ang hawak niyang pinggan. At sa hindi ko malaman na dahilan, bigla na lang itong dumulas sa kamay niya at nabasag. Bumababa ang tingin ko sa nagkalat na bubog sa sahig bago tumaas ang tingin sa kaniya. Magsasalita pa lang ako ng unahan niya ako. "S-sorry.. babayaran ko nalang ang lahat ng nabasag.." Kamot-batok na paumanhin niya 't may nahihiyang ngiti sa labi. Sunod-sunod ako napabuntong hininga sa sinabi niya. Marahan siyang tinulak palayo sa mga bubog sa sahig. "Hindi na." "Ako na rito.." Tinanggal ko ang gloves sa kamay niya. "..Bumalik ka na sa salas." "I'm sorry." Muling paumanhin niya. Dali-daling lumabas ng kusina, maihahalintulad sa batang nakagawa ng kasalanan at pinalampas ng magulang. Napabuga ako ng hangin. Kinuha ang walis at dustpan, nilinis ang mga basag na bubog. Bakit ko pa kasi siya pinayagan, halata naman sa kaniya na walang alam sa loob ng bahay. At bakit pa siya nagpresinta kung wala din siyang alam sa paghuhugas ng pinggan. Muli akong napabuntong hininga, nilinis ang kaldero at iilang baso na natira. Lahat ng pinggan na ginamit namin dalawa ay basag at nasa basurahan na. Punas ang kamay na lumabas ako sa kusina, nadatnan ko siya sa salas na seryosong nakikipag-usap sa laptop at nakasalpak sa tenga ang earphone. Hindi ko na siya inistorbo, pumasok sa kwarto at kumuha ng masusuot saka dumiretso sa banyo. "A-ano to?" Napahawak ako sa leeg, bumababa sa dibdib, at ilang parte ng katawan. Sampong marka sa iba't ibang bahagi ng katawan pero natuon ang atensyon ko sa leeg na kitang-kita sa lahat. "Chinikinini?!" Napamura ako sa isipan ng ma-realize ang lahat ng mga nasa katawan. Mariin ako napapikit, pigil ang inis at pagtili. Ang lalaking 'yon, hindi nakuntento at nag-iwan pa ng marka sa katawab ko! MAGDADALAWANG oras ng makalabas ako ng bayo, suot ang pajama na madalas ko ginagamit sa tuwing nasa condo. Magkadikit ang kilay na nagphnta sa salas, andoon pa rin si Keith na abala sa ginagawa pero hindi na ito nagsasalita. "Keith!" Padabog na tawag sa pangalan niya. Lumingon siya, nanlalaki ang mata sa gulat. Lumapit ako sa kaniya, sunod-sunof na hinampas ang balikat niya. "Ano ba..." Usal niya na pilit sinasalag ang bawat pagpalo ko. "... Ano ba ang problema? Anong nangyari sa 'yo--" "Anong problema?!" Nanlilisik na pagbabalik ko ng tanong sa kaniya, hinila ang damit at pinakita ang chikinini na gawa niya. "Ito ang problema! Hindi ka na nakuntento, nilagyan mo pa talaga ako nito." "Baby..." "Shut up!" Natahimik siya, umiikot ang tingin at tila may hinahanap. "Sa lahat ng paglalagyan mo, dito pa talaga sa leeg ko. Paano kung may makakita nito?! Ano ang irarason ko?!" "Nakagat ng mosquito?" Conyo na palusot. "Ang laki naman ng lamok na 'yan para makagawa ng ganitong pasa!" Mosquito-mosquito pa siyang nalalaman. "Yeah, malaki naman talaga kaya nga---" "Keith!" Kasabay ng malakas na tili ay ang pagkidlat sa kalangitan. "Baby---" Akmang puputulin ko ang sasabihin niya ng may magsalita mula sa likod ko. Nang lingunin ko kung saan galing 'yon, nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang sampung mukha. Nakangisi ang ilan at ang iba ay hindi makapaniwala. Ngunit, mas nagulat ako ng makita ang dalawang pamilyar na mukha. Si Tita Emilita at Tito Karlos, gulat din sa nakita pero ang matandang babae ay hindi mawala-wala ang ngiti sa labi. Bumaling ang tingin ko kay Keith, wala itong emosyon. "N-nasa meeting k-ka?" Garagal kong tanong sa kaniya saka bumaling muli ang tingin sa camera. "Yeah, kanina ko pa gusto sabihin pero pinuputol mo bawat sasabihin ko." Nakaangat ang dalawang labi, hinigit ang bewang ko paupo sa hita niya. Kitang-kita ng lahat ng nasa meeting ang ginawa niya, ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko ng dumapo ang tingin ko sa mag-asawa. Sa magulang ni Keith na kita pa rin ang gulat sa mata. "Hmm.. it seems my son busy.." Komento ni Tita Emilita kasabay ng mahinang pagtawa. "Hi, Dear Kattleya." baling nito sa akin. Tahimik ang buong nasa meeting, walang nagtatangka magsalita sa kanila maliban sa mag-asawa. Kung titignan, lahat ng mga andoon ay mga head ng bawat departmet ng kompanya. "H-hello, Tita..." Nahihiyang pagbati ko. "Kaya pala hindi ma-contact si Keith," pang-aasar nito saka binalingan ang asawa. "Honey, mukhang magkakaapo na tayo ngayong taon " Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ng marinig ang sinabi ng ginang, sa harap pa mismo ng mga tao na kasama. "Congratualations, madame." Bati ng isang babae na naglakas loob magsalita. "I'm sorry about that..." Paghingi ng pasensya ni Keith sa lahat saka niyakap ako sa bewang at pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Hindi pa rin ako makapagsalita, walang salita ang lumabas sa bibig ko at para akong nawalan ng dila. "Magpapaliwanag po ako--" "Wala ka kailangan ipaliwanag, dear. Normal lang 'yan sa mga ikakasal at mas makabubuti kung bibigyan niyo na talaga kami ng apo.." Pinutol ni Tita Emilita ang sasabihin ko, malaki ang ngiti sa labi nito at mukhang tuwang-tuwa pa ito sa nakita. "Gusto ko ng babae ah." Nakapagat ako ng ibabang labi, wala sa sariling tumango at tinanggap ang kahihiyan. "Pasensya na po ulit." Paghingi ko ng paumanhin. Bago pa tuluyan maubos ang kahihiyan, tumakbo na ako papasok sa kwarto. At naiwan si Keith na mahinang tumatawa habang ang ginang sa kabilang linya ay pinagsasabihan si Keith. Kattleya naman! Ano na naman itong ginawa mong kagagahan?! Nagpagulong-gulong ako sa kama, gusto ko kainin nalang lupa sa sobrang kahihiyan. Nadinig ko ang pagbukas ng pinto, matahan na tumabi si Keith at pinatigil ako sa pag-ikot. "Baby.." "What?!" Inis na tanong ko. "My mom, inviting us for a dinner."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD