Chapter 11: You're mine.

1522 Words
NAG-AAGAW ang liwanag at dilim, nag-uumpisa na magliwanag ang bawat gusali. At maski ang sasakyan sa kalsada ay nag-uumpisa na sumikip. Mag-isang naglalakad palabas ng opisina, wala na ang lahat at tanging ako nalang ang natitira. Bagsak ang balikat, sagad sa buto ang lagod na nararamdaman ko. Sa isip ng karamihan, nakaupo lang kami buong araw pero ang utak namin ang walang tigil sa pagtratrabaho ng walong oras. Huminto ang BMW sa harap ko, bumubaba ang bintana at sumalubong ang mukha ni Keith na malapad ang ngiti. "Hi, Miss Beautiful." Tumirik ang mata ko, umikot sa kabilang pinto at hindi na hinintay na pagbuksan ako ng pinto na pumasok. Kahit gaano pa ako kapagod, hindi pa rin ako pwedeng mahiga at matulog dahil sa usapan namin ng lalaking 'to. Sana lang ay dinner lang ang kainin niya at h'wag na ako gawing dessert. "Nearest grocerry store." Ani ko, sinuot ang seatbelt at inilabas ang listahan ng ipapamili. "You look tired." Komento niya. "Gusto mo ba na i-postponed muna natin ngayong araw at sa labas nalang tayo maghapunan?" Bumaling ang tingin ko sa kaniyam "Kung pwede sana.." isinandal ko ang likod sa upuan 't pinikit ang mata. "Gusto ko na magpahinga." Hindi ko siya narinig na sumagot pa, di ko na rin na malayan na hinila na ako ng antok sa haba ng traffic sa kalsada. Naalimpungatan ako sa mahinang pagyugyog, nang buksan ko ang mata at napansin ko wala na kami sa kalsada. "Nasaan na tayo?" Tanong ko, umayos ng upo at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha. "Dito sa restaurant ni Sonny," tugon niya kinuha ang wallet at sinuksok sa bulsa. "Nasabi mo na nasarapan ka sa steak na hinahain nila kay dito kita dinala." "Pero ang mahal no'n," Komento ko. Mabubutas ang bulsa ko pag siya lagi ang kasama ko. Mukhang hindi kumakain sa turo-turo ang isang 'to. "I'll pay." Agad na sagot saka pinihit ang pinto palabas ng sasakyan saka pinagbuksan ako ng pinto. "Ako ang nagdala sa 'yo rito kaya hayaan mo akong magbayad para sa iyo." dugtong niya. "Sa susunod ako naman ang magbabayad." Mukha lang akong walang pera pero may laman pa ang bulsa ko kahit papaano. "Kung ano ang gusyo mo." May malapad na ngiti usal niya bago kinuha ang kamay ko at sabay na pumasok sa loob. Sinalubong kami ng waitress, mukhang kilala na kami ng mga trabahante sa loob kaya todo asikaso silang lahat sa amin ni Keith na walang kurap na um-order. "Ipagpatuloy mo ang pagpapahinga pagpauwi na tayo." Iniabot niya ang menu sa waitress. "Hindi ko alam kung saan ang paborito mong kainan, wala rin ako idea kung ano ang gusto mo kainin kaya dito kita dinala--naisip ko rin na pinuri mo ang pagkain nila ng isang beses." Tumango ako. "Naiintindihan ko, salamat." "So, how's your day? Mukha ka pagod na pagod ngayon araw." Hindi lang mukha kundi literal na pagod tagos pa hanggang buto. "End of the month, tambak ang gawain tuwing sasapit ang ganitong araw." Paliwanag ko saka sunod-sunod na napabuga ng hangin. Kahit papaano ay nawawala ang antok pero andoon pa rin ang pagod sa buong katawan ko. "Wala ka bang ibang katulong?" "Meron... pero hindi ibig sabihin non ay wala na ako dapat gawin." At nagtitipid na rin kami sa tao, naghihigpit ang daddy sa expenses sa loob ng kompanya kahit malaki ang kinikita. "Kung sabagay." Kibit-balikat niyang sagot. "Your father's compamy is all about copying machine, right?" "Yeah, bakit bibili ka?" Pabiro kong tanong. "Okay then, let's have a meeting and be ready for the presentation." Walang paligoy-ligoy niyang sagot saka ginulo lalo ang magulo kong buhok. "Walang bawian 'yan ah?" Tumango siya. "Basta, ikaw ang magprepresent. But I want to warn you, baby, walang personalan pagdating sa trabaho. Kukuha ako kung nagustuhan ko ang presentation na gagawin mo." "Ko?" Nagtataka na tanong. "Accounting Manager ako, hindi ahente." pagpapaalala ko sa kaniya. Nakita niya ng pagod ako, dadagdagan niya pa ako ng trabaho. "Ikaw ang gusto ko.." Pagpipilitan sa gusto. "So, deal or no deal?" "Okay. Okay." Humaba ang nguso ko na tumango. "Pero ipagpapaalam ko muna kay daddy." Pero siguradong papayag 'yon. Ayaw ko lang manguna-nguna dahil siguradong magagalit na naman siya. "Good." Dumating ang pagkain, tahimik kami naghapunan. At hindi katulad nang nasa condo ko siya, ngayon ay halos hindi niya maubos ang laman ng pinggan. Patuloy ko lang siya inoobserbahan hanggang sa matapos ang pagkain na hindi pa rin niya nauubos ang sa kaniya. "Bakit hindi ka kumain?" "Kumain ako.." Isinandal niya ang likod sa upuan. Tinitigan ko siya ng mabuti. Siguro nga, hindi masakit sa bulsa niya ang ganitong klaseng pagkain pero nakakapanghinayang pa rin. "Nagsasawa na ako sa ganitong pagkain." Tumaas ang tingin ko sa kaniya ng mag-umpisa siyang magpaliwanag. "Hindi marunong si mommy sa kusina, madalas din sila wala sa bahay kaya sa labas ako kumakain, at kung may lutong bahayman ay nakakawalang gana rin dahil wala akong kasabay." "Kaya ba..." Kaya ba nakipagkasundo siya sa akin? Tumango siya. "Pasensya na, hindi ko naisip ang pagod mo at tanging kinonsidira ko lang ay ang gusto ko." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita bago muling pinagpatuloy ang sasabihin niya. "Kung hindi mo gusto ang ganon set-up, sabihin mo sa akin ang totoo." Naghahalong pakiusap sa tono ng pananalita niya. "Hmm, i don't mind." Sumilay ang ngiti sa labi ko. "Ngayon lang 'to, abala lang ako sa trabaho. At tuwing gabi talaga ay nagluluto ako... madali lang naman gawin ang dalawang serve ng pagkain para sa isang gabi." pagsisinungaling ko. Hindi ako kumakain tuwing gabi, mas lalong hindi ako nagluluto dahil ako lang mag-isang kakain. Mas gugustuhin ko ang mahiga diretso pag-uwi kesa kung ano-ano pa ang gagawin. "Salamat." Pinatong niya ang kamay niya sa palad ko, nanatili siyang nakatitig na tila may hinahanap sa katawan ko. Kumunot ang noo. "Anong ginagawa mo?" "Paano nawala ang..." Iniwas niya ang tingin saka pinagpatuloy ang sasabihin. ".. nilagay ko sa leey mo nakaraan gabi?" Parang dinaanan ng anghel ang lamesa namin, walang nagsalita at ilang beses ako napakurap sa hindi ko inaasahang tanong niya. "Sabi na nga ba!" Pataas ang boses, hinugot ang kamay saka inilagay sa leeg. "Sinasadya mo lagyan!" "Para alam nila na akin ka." Kaswal na sagot nito. "Lagi ako wala sa tabi mo, malay ko ba kung maraming umaaligid sa 'yo. Kaya bago pa sila makaaligid, babakuran na kita ng walang makalapit." Napatanga ako sa rason niya. Ang layo na ng pahina niya, nasa pagkain pa lang ako pero siya nakaraan na pala bumabakod. "Kailangan mo nga talaga ako bakuran.." pang-aasar ko saka mahinang tumawa. Tumalim ang tingin niya. "Sino 'yon?" "Secret." Kahit wala talaga. "Kattleya.." May pagbabanta ang tono niya. Akmang magsasalita pa sana siya ng sumulpot ang waitress dala ang bill. Walang kurap niya kinuha ang card at binigay 'yon sa babae na hindi inaalis ang tingin sa akin. HINDI ko na dapat ginawang biro 'yon, buong byahe ay tahimik siya at nagdidikit ang kilay. Walang lumabas na kahit anong salita mula sa kaniya. Nawala rin ang antok ko sa pananahimik niya hanggang sa makarating kami ng condo ay nanatilinpa rin siyang walang imik. "Sa wakas!" Tili ko ng makalabas ng banyo at dali-dali tumalon sa higaan. Muli kong naramdaman ang pagod at mahabang byahe ngayong araw. Pagulong-gulong ako sa higaan ng bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa si Keith na masama pa rin ang mukha. "Bakit andito ka pa?" "Hindi mo talaga sasabihin sa akin?" Pagbabalik niya ng tanong sa akin. Napakagat ako ng ibabang labi, umayos ng upo saka sinenyasan siya na lumapit. Sumunod siya sa akin, naupo sa gilid ng kama na malayo sa kinauupuan ko. "Binibiro lang kita kanina." pag-amin ko kay Keith. "Dalawang babae ang matalik kong kaibigan, matagal na rin ng huli akong nagpaligaw, at bukod sa iyo ay wala na akong lalaking sinasamahan." Hindi siya nagsalita, nanatili siya nakatitig sa akin na akala mo'y bimabasa ang tumatakbo sa isipan ko. Ngayon ko lang napansin ang pagiging possesive niya sa ganitong bagay. "Kattleya, akin ka lang.." Seryosong usal, inabot ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "Hindi pa tayo kasal, wala pa masasabing pinanghahawakan, pero hindi rason 'yon para lumapit at may lalapit sa iyo na iba." Parehas na natahimik ang buong kwarto, napatanga ako sa sinabi niya. Ngayon pa lang, nakikita ko na masasakal ako kung papasok ako sa relasyon kasama siya. "Don't be possesive." Paalala ko sa kaniya, kinuha ang kamay ko sa pagkakahawak niya. "Umuwi ka na 't magpahinga, gusto ko na matulog." Wala akong ibang masabi, hindi na gumagana ang isip ko at wala na akong lakas para magpaliwanag pa sa kaniya. Nang dahil sa simpleng biro, grabe na ang pag-ooverthink niya. "Hindi ako uuwi.." Pagmamatigas niya. "Bahala ka," nahiga ako, nagtabon ng kumot, at pinikit ang mata. Ramdam ko ang pag-alis niya sa kama, may kung anong kinuha sa study table ko at narinig ko nalang mabilis nitong pagtipa. Hanggang ngayon magtratrabaho pa siya? Isip-isip ko pero hindi na nakuhang suwayin pa si Keith dahil tuluyan na ako hinila ng antok. Ngunit, bago pa ako tuluyan makatulog narinig ko ang boses niya. "Akin ka lang, Kattleya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD