Chapter 12: Nightmare

1595 Words
MALALIM na ang gabi, mahimbing ng natutulog si Kattleya sa kama. Isa-isa pinangsasara ang ginawa at pinatay ang laptop na hiniram ko lang sa kaniya. Hindi maganda ang tumatakbo sa isipan ko, naiinis ako at aayaw ko sa kaniya ipakita ang pangit sa ugali ko. Tahimik na lumabas ng pinto at nilinis ang katawan, bumalik sa kwarto niya ng iba na muli ang pwesto niya. Naipiling ako ng itaas ang damit at kinamot ang pw3t para siyang bata, inosenteng tignan habang nakakanganga’t humihilik. Marahan ako na lumapit sa kaniya, ibinababa ang damit niya ng muli siyang umayos ng higa. Pinakatitigan ko ang mukha niya. Hindi maipagkakaila na marami akong nakasalamuha na mas maganda sa kaniya pero sa kaniya ako tunay na tinamaan. Hindi sa puntong ‘Mahal’ pero ayaw ko siyang mawala. Ang inosente niyang ngiti na nagpapakalma sa galit at masamang araw ko, ang maganda niyang mukha na hindi maalis sa isipan ko. Matapos ang gabi na ‘yon, nang umalis siya kinabukasan pagbalik ko sa kwarto, hindi ko na inaasahan pa na muling magtatagpo ang landas namin pero sadyang mapaglaro ang tadhana—iniisip ko kung hindi ako pumayag na makipagkita sa babaeng nirereto ni mommy, baka nga hindi na muling nagtagpo pa ang landas namin. “Ma,” mahinang bulong ni Katt. Inilapit ko ang tenga nang marinig ng maayos ang sinasabi niya. “Mama...” “Kattleya?” Marahan ko iniyugyog ko ang balikat niya ng maputol ang masamang panaginip ngunit hindi pa rin niya naimumulat ang mata. “Ma.. h’wag po..” Tumulo ang luha sa mga mata. Paulit-ulit niya tinawag ang ina, nakakailang yugyog na rin ako sa kaniya ng sa wakas ay maalimpungatan siya. “Ayos ka lang ba?” Tanong ko sa kaniya. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa pisngi, walang lumabas sa kaniyang bibig at tulala sa isang gilid. “Baby,” pag-aagaw ko sa atensyon niya. Bumaling ang tingin niya sa akin, inilapit ang katawan at pinulupot ang dalawang kamay sa bewang. Tahimik siyang humihikbi, walang ibang sinasabi. Tumaas ang kamay ko, hinimas ang buhok niya habang ang isang kamay ay inaalo. Hindi ako nagsalita, wala rin ako masabi dahil hindi ko alam ang nangyayari. Ngayon ko lang na pagtanto, sa lahat ng nangyari at pagkakasundo ng kasal namin, wala pa rin akong alam kahit na katiting sa buhay niya. Mas lalo na kung paano namayapa ang ina niya. “Iiyak mo lang, andito lang ako sa tabi mo.” Niyakap ko siya pabalik saka hinalikan sa tuktok ng ulo. “Hindi kita iiwan..” dagdag ko. Ilang minuto kami tumagal sa ganong posisyon, nakatulog na lang siya ulit sa sobrang paghikbi. Inayo ko siya sa pagkakahiga ‘t tumabi sa kaniya, mahigpit pa rin siya nakayakap sa bewang ko kahit sa gitna ng malalim na pagtulog niya. Mula sa gilid ng kama, pilit na inabot ang cellphone at tinawagan ang isang numero na sigurado ako na makakatulong. “May gusto ako malaman, imbistigahan mo ang ibibigay ko sa ‘yong pangalan.” PAGMULAT ay namayani ang hapdi sa mata, bumungad sa akin ang inosenteng mukha ng lalaki mahigpit na nakayakap. Bumalik sa aalala ko ang nangyari kagabi, ang panaginip na hindi pa rin ako tinitigilan at ang konsensya sa nangyari sa nakaraan. Dahan-dahan ako gumalaw, inalis ang kamay ni Keith sa aking bewang. Nang muli niya itong hugutin bago nagsalita. “Gising ka na...” Tumango ako. “Yeah, bitawan mo na ‘ko baka mahuli pa tayo sa trabaho.” “Sigurado ka ba ayos ka na?” Iminulat niya ang mata, hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha. “Kung hindi mo pa kaya, h’wag ka na muna pumasok, ako na ang bahala kumausap kay Tito Benjo—” “Maraming kailangan tapusin, may mga taong naghihintay sa akin.” Tanggi ko at umayos ng upo. “Sigurado ka ba na ayos ka lang?” Muling tanong niya. “Oo,” maigsing sagot ko saka ilang segundo na tumahimik. “Nanaginip lang ako kagabi, pasensya na kung hindi ka nauwi ng dahil sa akin.” Wala siyang sinabi na dito siya magpapalipas ng gabi, ang suot niyang damit ay ang gamit na naiwan niya dati. Napaiwas ako ng tingin, umalis sa kama at dumiretso sa kusina para magluto ng umagahan namin dalawa. Dahil hindi kami nakapaggrocerry, simpleng itlog at hotdog lang ang inihain ko bago nag-ayos ng sarili. Nang makalabas sa banyo, kumunot ang noo ko ng mapansin hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto. “Keith, wala ka bang trabaho?” Tanong ko sa kaniya. “Nakahanda na ang pagkain sa labas, hindi mo dapat pinaghihintay ang pagkain.” pangangaral ko sa kaniya. Umalis ang tingin niya sa cellphone saka ito bumaling sa akin. “Hindi ako papasok.” “Sana lahat..” Sana lahat ay makaka-absent ng walang ibang inaalala, kung sabagay, lumaki siya na mabubuhay kahit hindi magtrabaho at lumabas ng bahay. “Ihahatid na kirta sa trabaho.” Presinta niya. “Ihahatid mo ba ako para bakuran ulit?” “Syempre.” Nakataas ang gilid ng labi na pag-amin niya, Naiilang na nagbihis ako, lumabas siya ng kwarto para mag-ayos ng katawan. Nang makalabas ako ay nasa hapag na siya’t naghihintay. “May gagawin ka ba ngayong araw?” Naupo ako sa harap niya nagsandok ng umagahan. “May kailangan ako kitain..” Mabilis na sagot. “Ah, sige.” “Baka hindi rin kita masusundo mamayang gabi..” Tumigil siya sa pagsasalita ng ilang segundo bago muling binuka ang bibig. “Ipapasundo na lang kita ng makasigurado ako ligtas ka makakauwi—” “Hindi na..” Putol ko sa kaniya. “Walang mangyayaring masama sa akin, matagal na ako bumabyahe at nasa kompanya ang sasakyan ko, naiwan ng sinundo mo ‘ko nakaraan.” Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nai-uuwi dahil madalas niya ako sunduin nitong mga nakaraan. “Tumawag ka sa akin kung nakauwi ka na..” “Hmmm...” Hindi na ako nakipagtalo. Tahimik namin na tinapos ang pagkain, binalaan ko na rin siya na huwag galawin ang hugasin sa lababo. Sa-sampung piraso na plato ko, anim pa ang nabasag niya, ayaw ko ng dagdagan pa dahil baka sa dahon ng saging nalang kami kumain sa susunod na araw. Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa na pumasok sa kusina. Matiwasay at magaan ang loob ko na umalis ng condo na nasisiguradong walang nasira sa loob. "Galit ka pa rin ba sa akin?" Tanong ko sa kaniya ng mapansin na wala pa rin siyang imik. Kagabi pa siya ganon, akala ko ayos na kami dahil pinapansin niya nna ako kanina pero mukhang hindi pa rin pala. "Sabi ko sa 'yo, wala ibang lalaki sa buhay ko maliban sa iyo at kay daddy.." Kung alam ko lang na magiging ganito ang reaksyon niya dahil sa simpleng biro ko kagabi ay sana pinigilan ko na lang ang bibig ko. Bumaling ang atensyon niya sa akin. "Tell me, ayaw mo ba sa mga taong possesive?" Kumunot ang noo ko ng mapansin ang kakaibang tono sa tanong niya. Tinutukoy niya ba ang sarili niya? "It depends.." Kibit-balikat ko sagot, diretso ang tingin sa kalsada. ".. Siguro, depende pa rin iyon sa sitwasyo at lugar. Ayaw ko ng nasasakal, Keith." May kadena nang inilagay si daddy, ayaw ko malagyan pa ang kamay at paa na galing sa iba. Kalayaan lang ang hiling at wala ng iba pa. Muling natahimik si Keith matapos ko sagutin ang tanong niya, walang ekspresyon ang mukha. Hindi ko malaman kung nagustuhan niya ba ang sagot ko o mas kinagalit niya. "Pero kung para sa akin din.. bakit hindi?" Pagbawi ko na may ngiti sa labi. "Paanong para sa iyo?" "Kung sa ikabubuti ko ang pagiging possesive ng taong 'yon, ano ang rason para ikagalit ko 'di ba?" Pagpapaliwanag ko. Matagal-tagal na rin ang panahon na naranasan ko ang ganon--noong buhay pa si mama at sabay namin kinakaharap ang buhay. Si Mama.. Matapos ang maraming taon, bumalik muli ang aalala ko sa kaniya.. mga aalala na minsan ay gusto ko ng kalimutan. Mula sa gilid ng mata, napansin ko ang paghinga niya ng maluwag. Ano ba ang problema niya? Huminto ang sasakyan sa labas ng gusali, lahat ng dumadaan ay napapatingin sa amin. Paanong hindi, sobrang agaw atensyon ang kulay pulang sasakyan na dala namin. "Mag-iingat ka sa pag-uwi." Paalala niya. Tinanguan ko lang siya 't lumabas ng sasakyan. Sumunod ang tingin ko ng humarurot na ang kotse. "Hindi niya sinagot ang tanong ko." Humaba ang nguso ko. Mukhang hindi naman siya galit... sana. Napabuga ako ng sunod-sunod na buntong hininga, pumasok sa loob ng kompanya. Hindi pinapansin ang kakaibang tingin nv ilan. Siguradong dahil 'yon sa balita tungkol sa amin ni Keith. Mukhang hindi pa rin sila maka-move on na hanggang ngayon ay big deal pa rin sa kanilang lahat. Duniretso ako ng opisina, sunod-sunod na pagbati ang sumalubong sa akin. Nang makapunta sa table ko ay sumugod si Maxine sa loob. "Mamaya na, Maxine, kakarating ko palang." Pigil ko sa kaniya. "Ma'am Katt, nabasa niyo na po ba ang kumakalat dito sa kompanya?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Kung tungkol 'yan sa pagsundo sakin ng fiancé ko, nabasa ko na sa group chat. Big deal pa rin ba 'yon sa iba?" Ang mga tao nga naman, imbis na buhay nila unahin, ang mata nila ay nakatingin sa iba. "Hindi po 'yon.." Inilabas niya ang cellphone, ilang sandali na nag-scroll saka hinarap sa akin. Nanglaki ang mata ko ng makita ang apat na larawan.. Paano kumalat 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD