PAGTAPOS ng oras ng trabaho, mag-isa ako dumiretso pinakamalapit na grocery store para mamili. Gabi na, wala pa rin ako natanggap na mensahe mula kay Keith. Siguro’y ganon na lang ang pagiging abala niya sa ginagawa.
Kung marami ang trabaho ko, siguradong double pa ang sa kaniya. Sa ilang negosyo na hawak niya, pasalamat na lang sa oras na nilalaan niya kasama ako.
Bumaling ang atensyon ko sa nag-iisang milo na naiwan sa shelves, aabutin ko na sana ng may isang kamay ang kasabay na umabot. Nang lingunin ko ang tao na ‘yon, bumungad sa akin ang matangkad na lalaki, ang balat ay maihahalintulad sa labanos at ang nakakagigil na itsura.
“S-sorry—” Binitawan ko ang milo para hayaan siya na makuha ito.
“It’s okay, sa iyo na, ikaw na ang kumuha..” Pagbibigay daan niya.
“Pero...” Nagdadalawang isip ko na sagot.
“It’s really okay.” Pagpupumilit niya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi niya.
Hindi maialis ang tingin ko sa lalaki, kasabay ng pagngiti niya ay ang pagkawala ng mata at pagtaas ng cheekbone. Shocks, hindi ko akalain na may ganitong klaseng lalaki ang nanatili sa mundo—I mean hindi sa pagiging over reacting pero ang mukha ng lalaking kaharap ko ay madalas ko lang nakikita sa mangas.
“Ikaw ang naunang humawak kaya sa ‘yo na.” Inilagay niya sa tulak ko na cart ang milo.
Hindi ako nakapagreact kaagad, di ko na malayan na tumalikod na siya ‘t papalayo sa kinatatayuan ko. Napakagat ako ng ibabang labi, gusto ko pa titigan ang mukha niya pero... nakakaramdam ako ng pagkakonsensya sa hindi ko malaman na dahilan.
Pinagpatuloy ko ang pamimili, pasulyap-sulyap sa cellphone, naghihintay ng mensahe ni Keith pero umasa lang ako sa wala dahil hanggang sa nakauwi ay wala akong natanggap na mensahe o tawag mula sa kaniya.
“Nalaman mo na ba kung sino ang taong ‘yon?” Tanong ko sa kabilang linya, kay Maxine.
“Wala pa rin po akong balita, bago lang ang groupchat na ‘yon at halos lahat ng balita ay nakalagay doon.” Ani Maxine, tinapat ang camera sa screen ng laptop. “Pero nakakapagtaka, ma’am, alam niya ang listahan ng mga empleyado at kahit isa ay wala siyang friends sa social media.” komento nito.
“Its means...”
“Ibig sabihin ay nasa loob ng kompanya—o may isang tao na gusto ka sirain.” Si Katherene. Pero impossible na siya dahil maski isang papeles sa kompanya ay hindi niya hinawakan kaya paano?
“Sa mga gossips na tungkol sa iyo, Ma’am Katt, ay mula sa user na ‘yon.” Pahabol pa nito.
“Can you kick him/her?”
Umiling si Maxine. “I can’t. Siya lang ang nag-iisang admin, wala akong access na magremove ng members.”
Napabuga ako ng marahas na buntong hininga, walang magawa na tumango na lang. “Ang mga pictures na ‘yon, hindi iyon galing sa company meeting natin kaya paano siya nakakuha ng mga kopya.” usal ko.
“Hindi kita masasagot d’yan, ma’am.” Komento ni Maxine. “Pasensya na.”
“Hindi mo kailangan humingi ng pasensya, wala kang kasalanan.” Suway ko sa kaniya saka ngumiti. “Anyway, thank you, labas na ‘to sa trabaho mo—”
“Ano ka ba, ma’am. Ayos lang.” Nahihiyang putol sa akin ni Maxine.
Ngumiti na lang ako saka tumango, nagpaalam na kami sa isa’t isa bago pinatay ang tawag. Nilingon ko ang wall clock, mag-aalas nuwebe na ng gabi, wala pa rin ako balita kay Keith. At mukhang wala na rin siya balak magpunta para kumain.
Tahimik na iniligpit ang nakahain na pagkain sa mesa, inilagay sa ref at mukhang hindi na talaga siya magpupunta. Gusto ko na rin magpahinga, sa dami nangyari nitong mga nakaraan araw, gustong-gusto ko na maligo ng dagat at takasan lahat ng problema.
Kinuha ko ang cellphone, tinignan ang numero ni Keith. Hindi lingid sa kaalaman ko kung alam niya na ang nangyayari, siguro ay hindi pa dahil kung—kung lang naman, kung alam niya ‘to ay baka matutulungan niya ako alamin kung sino ang nasa labas ng pagpapakalat ng litrato namin.
Pinipigilan ko ang tawagan siya, sabihin sa kaniya ang problema. Ayaw ko na dagdagan pa ang iisipin, simpleng bagay lang ito at mabilis na mawawala sa isip ng mga tao. Sana lang, hindi maka-epekto sa kaniya ang pagdating ko.
Sunod-sunod ako napabuga ng mararahas na buntong hininga, umayos ng higa at pilit na matulog. Dalawang araw pa bago magsabado ‘t lingo, dalawang araw pa ako magtitiis sa nakakapagod at paulit-ulit na nangyayari sa buhay ko.
“GOOD JOB, Kattleya, anak.” Napuno ang opisina ko ng masayang halakhak ni daddy.
Hawak ang cellphone, nakalagay sa screen ang skandalo ko. Hindi siya nagalit bagkus ay sobra pa ang tuwa nito sa kumakalat na balita patungkol sa akin—na ang balita ay maari mag-iba ang tingin sa akin ng iba.
Maliit na ngiti ang sumilay sa labi ko. Pangarap ko ang mapagtuonan ng atensyon ng isang ama, na maging proud siya sa bawat achievement na nakukuha’t pinaghihirapan ko pero wala niisa—maliban na lang kung nagawa ko ang bagay na gusto niya mangyari.
Wala na itong pakealam kung masira ang pangalan o dignidad ko. Hiyang-hiya ako humarap sa mga tao, bawat tingin nila na may pandidiri ay hindi mawala sa isipan ko. Ngayon, ang nasa isip ng lahat ay isa akong kaladkarin na babae—isang babae na walang delekadesa sa katawan para makita ng madla.
“Here..” Binuklat ko ang folder na inilapag ni daddy sa mesa, bumungad ang print out ng flight details papunta sa isang isla. Napag-usapan na natin ang tungkol dito, matagal pa ‘yan pero alam natin na abala ang fiancé mo sa trabaho kaya sabihin mo sa kaniya ng mas maaga.” paalala nito.
“Opo, daddy.” Katulad ng lagi kong sagot. Ang pagsang-ayon sa bawat gusto nilang gawin ko.
“Ipagpatuloy mo pa ang ginagawa mo, mas maraming balita tungkol sa inyo ay mas maganda.” Paalala nito bago nagpaalam na’t lumabas sa opisina.
Nang maiwan ako mag-isa sa malamig na opisina, sunod-sunod ako napabuntong hininga. Ipinatong ko sa gilid ang folder, hindi ko alam kung paano sasabihin ito kay Keith—o baka h’wag ko nalang sabihin. Ayaw ko makaistorbo , gagawan ko nalang ng rason kung bakit hindi kami natuloy sa araw na dumating ang panahon na ‘yon.
Sunod-sunod na katok ang umagaw sa atensyon ko, pumasok sa loob ng opisina ko si Maxine. “Ma’am Katt, naipasa ko na po ang kakailanganin niyo para presentation niyo sa susunod na linggo.”
“Pakilapag na lang d’yan..” Turo ko sa mesa, di siya nakuhang tapunanng tingin.
Natuon ang atensyon ko sa kakapasok lang na mensahe ni Keith. “Baby, let’s date.” Pag-aaya niya na parang walang nangyari, hindi siya nagparamdam mula ng umaga na inihatid niya ‘ko at ngayon ay umaasta siyang ayos kaming dalawa.
Sunod-sunod ako napabuga ng hangin saka nagreply. “Ok, see yah later.”
Reply ng isang marupok na tulad ko.