BAGSAK ang balikat na nilakad ang pagitan sa pinto ng condo at kinatatayuan. Pagod ang buong katawan at masakit ang ulo sa rami ng iniisip na problema--hindi lang sa trabaho kundi pati na rin sa personal na buhay.
Kumunot ang noo ko ng pihitin ang doorknob. "Bakit bukas 'to?"
Nakakasigurado ako at sinisigurado ko na nakasara ang maindoor ng condo sa tuwing aalis ako kaya paanong--?
Pumasok sa isip ko ang dalawa, si Jaica at Lei. Baka sila lang, hindi ulit nagpaalam nadadalaw sa condo ko.
Binuksan ko ang pinto, nagpalit ng sapatos at pagdating sa salas ay hindi inaasahan ang nadatnan ko.
Maliliit na bumbilya ang nagbibigay liwanag sa kanuohan ng kwarto, sa sahig ay nakalatag ang mattress na napalibutan ng mga rosas, habang nakabukas ang TV at naghihintay ang palabas.
Dumapo ang tingin ko sa lumabas ng kusina, wala itong damit pang-itaas at mukhang gulat ng makita ako.
"Baby, akala ko mamaya ka pa..." Ipinatong niya ang hawak sa mesa, dali-dali na lumapit sa akin, hinawakan ang baba ko at hinalikan sa labi.
Napapikit ako, sa malambot at punong-puno ng sensiridad na paghalik niya. Parang nawala lahat ng inaalala ko ng maramdaman ang init niya.
"A-ano 'to?" Inilibot ko ang tingin sa paligid, hindi pa tapos ang pagkakagawa at mukhang nilalagay pa lang niya ang pagkain sa maliit na mesa sa gilid ng kama.
"I'm planning to surprise you, wala akong alam sa gusto mo puntahan at alam ko pagod ka pag-uwi kaya naisip ko guluhin na muna ang condo mo." Mahabang paliwanag niya, kinuha ang bag na nasabit pa rin sa balikat ko. "Sorry kung pinakealaman ko ulit ang condo mo."
Tumaas ang tingin ko sa kaniya, marahan na umiling. "Ayos lang, tulungan na kita sa pag-aayos." presinta ko.
"No.." Pigil niya. "Magpahinga ka muna, mag-ayos ng sarili at hayaan mo 'ko tumapos ng lahat ng ito."
"Sigurado ka?" Nag-aalinlangan na tanong ko.
Tumango siya. "Okay, fine, basta ingatan mo na hindi makabasag ng kahit ano sa kusina."
"Noted, ma'am." Saludo niya.
Tumango ako, dumiretso sa kwarto at naglinis ng katawan. Sandaling nagbabad sa maligamgam na tubig ng matanggal ang stress ko sa katawan.
Sa buong araw na nakatapat sa akin ang aircon, pakiramdam ko ay babagsak ang katawan ko dahil hindi na napagpapawisan. Ilang linggo na rin ako di nakakabisita ng gym sa sobrang abala sa buhay.
"Baby, matagal ka pa ba d'yan?" Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng marinig ang boses ni Keith sa labas ng banyo at ilang beses na pagkatok.
"Matatapos na." Sigaw ko pabalik, tumayo sa bathtub at nag-umpisa banlawan ang katawan.
Siguro, nahanda niya na ang mga kailangan niya ihanda. Hindi ko talaga inaasahan ang dito niya naisip gawin ang date namin.
Paglabas ko ng banyo, bumungad sa akin ang bagong ligo na si Keith. Suot ang pajama na kulay itim, bumabakat ang matipuno niyang katawan.
"Here.." Inabot niya sa akin ang pares ng pajama na katulad na katulad ng sa kaniya. "..suotin mo."
Bago pa ako makareact, tumalikod na siya at lumabas ng kwarto. Napatingin ako sa hawak na pajama at lihim na napangiti.
Hindi ko akalain na mahilig siya sa mga ganitong bagay, ang korni sa paninhin pero nakakikilig pa sa kaniya nanggaling.
Naiiling na sinuot ko ang binigay niya bago lumabas ng kwarto. Hindi katulad kanina, ang liwanag ay nanggagaling sa mga kandila at namamayani ang mabangong amoy.
"Surprise..." Ani niya na may ngiti sa labi. "Kahit maaga mo ako nabuko." biglang bawi niya.
Mahina ako napatawa sa reaksyon niya, umiling at kumapit sa braso. "Thank you. I really appreciate it."
Kahit isang beses sa buhay ko, ngayon lang ako pinaghandaan ng ganito. Ang effort na ginawa niya ngayon ay hinding-hindi ko makakalimutan.
"Bakit parang hindi?" Tanong niya.
Marahan ko siyang kinurot, napatawa siya at hinawakan ang kamay ko. Inalalayan hanggang parehas kami makasampa sa kama, nakahanda na rin sa gilid ang pagkain na hinahanda niya kanina.
"Hindi ka pa nakakapagdinner.."
Tumango ako. Maaga ako umuwi para maghanda ng hapunan namin kahit wala siyang naging paramdam buong araw at kaninang hapon lang nakaalala.
Hindi ako gumalaw sa kinauupuan, siya ang nag-asikaso ng lahat. Nanatili lang ako sa kinauupuan at tinitignan ang bawat kilos niya.
"Here, nalaman ko na paborito mo ang inihaw na liempo kaya naghanda ako mg marami.." Inilagay niya sa pinggan ko ang nanunuot sa ilong na mabangong liempo.
Para akong maglalaway, gusto ko na sunggaban ang inilalagay niya nang maalala ang isang bagay. "Marunong ka magluto?"
"Pinaluto ko 'to sa bahay..." Oo nga pala, ano ang aasahan ko sa isang ito pagdating sa kusina, eh kahit maghugas ng pinggan ay hindi marunong.
Tinusok ko ang isang parte saka sinubo. Ilang segundo ako natahimik bago nagbitaw ng komento. "Halata nga... ang sarap eh."
Humaba ang nguso niya. "Baby..."
"What?" Inosenteng tanong.
Umiling na lang siya, sabay kami kumain. Nag-umpisa na ang movie, hindi ko maalala ang huling movie na napanuod ko. Madalas ako pagod sa trabaho, tuwing sabado lingo ay mas pinipili ko na lang ang humilita buong araw.
Parehas kaming tahimik, hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kaniya habang sinusubo ang karne. Maski ang pagkagat niya sa kinakain ay sobrang gwapo niya tignan, ang paggalaw niya ay natural na natural.
"Baby, h'wag mo ako titigan ng ganyan..." may pagbabanta sa tono niya.
Inirapan ko siya, binalik ang atensyon sa kinakain. Nawala siya ng ilang araw at ngayon ay bumalik siya na parang ayos lang ang lahat.
"Keith..." Tawag ko sa pangalan niya.
Ngunit hindi siya lumingon, nanatili ang atensyon sa pinapanuod.
"Keith..." Muling banggit ko sa pangalan niya perp ganon pa rin ang realsyon.
Sunod-sunod ako nabuga ng buntong hininga, inipon sa dibdib hangin bago muli siyang tinawag. "B-baby.."
"Yes?" Malapad ang ngiti na lumingon siya, tinigil ang panguya't pagsubo. Sabi na nga ba.
"Bakit..." Kagat ang ibabang labi na umiling. "...wag na pala." bawi ko.
Oo nga't nagdadate kami, nagkikita at umaastang may relasyon pero hindi pa rin magbabago ang katotoohanan na walang namamagitan sa amin dalawa.
Fiancé? Gawa lang 'yon ng magulang namin at hindi matibay na dahilan para tanungin siya ng mga personal na bagay.
"Itanong mo na, sasagutin ko ng tapat at walang halong kasinungalingan."
"Personal 'to."
"I don't care. Just ask.."
Muli ako napabuntong hininga. "Gusto ko lang itanong kung bakit naisipan mo na surpresahin ako ng ganito?"
"Cause you deserve it." Hindi pinag-usapan na sagot ni Keith. "You deserve everything, Kattleya."
Mapakla ako ngumiti, binaling ang atensyon ko sa pinapanuod namin nang muli siyang magtanong. "Iyon lang ba ang gusto mo malaman?"
Tumango ako. "May iba pa ba akong kailangan malaman?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya.
"Wala.."
"Iyon naman pala eh." Tugon ko.
Parehas kaming natahimik. Gusto ko malaman kung bakit siya biglang nawala at ngayon ay nagparamdam ulit. At sa tuwing gabi lang ako nakakarinig ng balita mismo sa kaniya.
Hanggang sa gabi na lang ba talaga ako para sa kaniya?
Natapos ang pagkain, ako ang nagpresinta na maglagay sa kusina. Hindi na siya nakipagtalo pa at hinayaan ako.
"Kumusta ang araw mo?" Pagbasag ko sa mahabang katahimikan.
Bumaling ang atensyon niya. "Busy as always, may malaking project kaming ginagawa kaya halos lahat ay walang pahinga."
"At nakakapaglaan ka pa ng oras para sa ganitong bagay imbis na magpahinga?"
"Ikaw ang pahinga ko." Mabilis niyang tugon, pinulupot ang kamay sa bewang ko saka ipinatong ang baba sa balikat ko. "Hanggang sa makakaya, gusto ko ibigay sayo ang oras na natitira sa araw ko. Gabi na lang ang oras na 'yon kaya ayaw ko na sayangin pa. "
Tumaas ang tingin ko sa kaniya. "Kaya ba wala ka pa paramdam ng ilang araw?"
Hindi s'ya sumagot, humigpit ang yakap niya. Ilang minuto na ang lumipas, wala akong nakuhang tugon mula sa kaniya. At ayaw ko rin pilitin siya.
"How about you?" Baling niya ng usapan sa akin. "How's your day?"
"Ganon pa rin, paulit-ulit. Masakit sa ulo pero kinakaya pa.." Kibit-balikat na sagot.
Sinadya ko talaga na hindi na sabihin ang kumakalat na usap-usapan patungkol sa amin, katulad ng sabi niya abala siya at hindi na dapat pa intindihin ang opinion ng iba.
"Kung napapagod ka na, magpahinga ka. Huwag mo pilitin ang sarili mo dahil mas mahirap magkasakit kesa ang kumita ng pera." Paalala nito.
"Galing pa 'yan sa iyo?" Mahina siyang napatawa at hindi na muling umimik pa.
Parehas namin tinuon ang atensyon sa pinapanuod ng tumunog ang cellphone ko. Si Maxine.
"Sino 'yan?" Tumaas ang tingin ko sa kaniya. "Gabi na pero nagmemessage pa rin sa 'yo."
Mabilis na pinatay at tinago ko ang cellphone. "Si Maxine, secretary ko. May pinapaasikaso ako sa kaniya sa labas ng trabaho.."
"Baby, that's illegal." Komento niya.
"Willing siyang gawin at siniswelduhan ko rin siya sa oras na 'to." Sagot ko. Ayaw ko sabihin ang iba pang detalye kaya sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at pinikit ang mga mata ko. "Baby, i missed you."
"I missed you too." Sagot niya sa gitna ng gulat sa biglang paglalambing ko. "Pasensya na sa mga araw na bigla ako nawala."
"Wala 'yon..." Tugon ko, pinasok ang kamay sa loob ng pajama niya at ramdam ang nagagalit na alaga.
"Baby, don't tempt me." Suway niya.
Bagkus na matakot, pinadausdos ko ang kamay ko sa loob ng boxer niya. At sa puntong 'yon, tanggap ko na sa sarili ko na hindi ako mamakapasok kinabukasan.