“Sabihin mo...” Napatigil sa pagsubo ‘t tumaas ang tingin sa lalaking na upo sa harap ko. “Paano mo na gayuma ang kaibigan ko?”
Nagktinginan kami ni Keith. Hindi ba pwede na ang kaibigan niya ang gumayuma sa akin? Bakit ako, ba’t parang kasalanan ko.
“Sa huling pagkakatanda ko, hindi ko siya ginayuma..” Kalmadong sagot, ibinababa ang kusara ‘t tinidor na hawak. “Bakit hindi siya ang tanungin mo? Siguradong alam niya ang sagot.” dagdag ko.
Bumaling ang tingin ni Sonny sa kaibigan, mukha na itong iiyak. “Tinatamad ako magpaliwanag, sa susunod ko na sasabihin baka kiligin ang isa d’yan.” sabay baling sa akin.
“At ako pa?”
“Sino pa ba?” Tumaas ang bawat sulok ng labi niya, sumandok ng pagkain at inilagay sa pinggan ko. “Kumain ka na, damihan mo, kaya ka nangangayayat.”
Teka..ano daw? Nanganagayat—payat?! “Excuse me—”
“Baka nakakalimutan niyo na andito pa ako.” Reklamo ni Sonny na walang nakuhang sagot sa amin.
“Pwede ka na umalis.”
“What?!”
“Anong ‘what’?” Pagbabalik ng tanong ni Keith dito. “Papanuorin mo ba kami kumain hanggang sa matapos?” saka lumibot ang tingin sa paligid. “Sa tingin ko ay marami ka pa kailangan asikasuhin kesa sa alamin ang nangyayari s amin.” pahabol niya.
Nagtitigan ang dalawa—matagal na titigan. “Fine.”
“Good.” Ngiting wagi ang g@go.
Sumunod ang tingin ko sa lalaki hanggang sa makalayo sa pwesto namin. Parehas kami natahimik, pinagpatuloy ang pagkain pero hindi ako mapakali at may gusto ako sabihin.
“Hindi ako payatot.” Pagtatama ko sa mali niyang akala.
Halos araw-arawin ko ang pagpupunta sa gym maging maganda lang ang katawan sabay sasabihin lang niya na payatot. Hindi ako makakapayag.
“Oo nga pala, ssexy ka..” Mahina siyang natawa bago sumeryoso ang tingin na itinaas sa akin. “Paano ko nakalimutan ang napakaganda mong katawan... kung sabagay matagal-tagal na rin ng huli kong masilayan.”
Hindi ako naiilang sa kaniya pero sa tuwing binabalikan ang nangyari sa amin dalawa ay hindi ako makapagsalita. Bumababalik sa aalala ko kung paano ko isigaw ang pangalan niya at magpakaawa sa bawat pag-ulos na ginagawa.
“Just kidding.” Napansin niya siguro ang pananahimik ko.
Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagkain.
“Anyway, nagkausap ba kayo ulit ng daddy mo? Si Katherene, ayos na ba ang lagay niya ngayon?” Sunod-sunod na tanong niya. “She looks traumatized last time—”
“Wala silang kailangan kaya hindi sila tumawag.” Putol ko karugtong ng sasabihin niya.
“Hindi mo siya kinamusta?”
“Bakit ko siya kakamustahin?” Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya. “Sigurado kung ano-ano lang ang sasabihin niya, na kesyo kasalalan ko ang nangyari at sisiraan ako kay daddy.”
Gagawin niya ang lahat masira at madumihan ang ang pangalan ko sa ibang tao. Simula ng bata pa kami ay ganon na ang ugali niya, siguro hindi na magbabago ‘yon.
“Sa tingin mo bakit ganon ang pakikitungo niya sa iyo?”
Malalim akong napaisip sa tanong niya, minsan sumagi na rin sa isip ko ang tanong na ‘’yan at iisa lang ang naiisip kong sagot. “Dahil naging magulo ang pamilya nila sa amin ni mama.” pabulong na tugon.
Hindi ko siya masisi, sa paningin niya kami ni mama ang sumira ng masaya nilang pamilya at ako ngayon ay patuloy na nakikisampid sa kanila.
“Ikaw..” Magtaatanong pa lang sana ako ng magsalita na siya.
“Nasa tamang pag-iisip pa ang mga magulang ko—minsan nga lang ay nawawala sa tamang pag-iisip ni mommy. Hindi nila ako pinipilit sa bagay na ayaw ko pero may mga bagay pa rin sila pinagpipilitan—katulad ng pakikipag-meet up sa mga anak ng kaibigan nila.”
“Katulad ko.” Mahina akong natawa.
“Maliban sa’yo. Kilala na kita bago ka pa nila ipakilala.”
“Alam mo ang swerte mo.” Komento ko sa kwento niya. “Sa panahon ngayon ay madalang na lang ang magulang na susupportahan ka sa gusto mo.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Keith. “Ma-swerte ka rin naman, hindi mo lang na-aappreciate ang mga bagay na nasa paligid mo ngayon,:
“Ano ang swerte sa akin?” Mahina akong napatawa. “Bukod na binigyan ako ng isang maarugang ina, wala ng ibang Maganda nangyari sa buhay ko.”
“Meron pa..” Tumaas ang kilay ko sa sagot niya. “...Ako. Swerte ka dahil nakilala mo ang isang katulad ko.”
“Ang lakas ng hangin, nilalamig ako.” Niyakap ang sarili.
Mabilis siyang tumayo, hinubad ang coat na suot at pinatong sa balikat ko. “Kanina ka pa ba nilalamig?”
Nawala ang ngiti sa labi, walang buhay siyang tinitigan. “Ngayon lang, anng lakas kasi ng dala mong hangin.”
“Ah, akala ko nilalamig ka talaga.” Slow ang loko.
“Iba naman ang pag-usapan natin, huwag na ang pamilya ko.” Pag-iiba ko ng usapan. “Ang pagnenegosyo ba ang pangarap mo?”
Tumango siya, “Nang una, hindi, pero habang nagtatagal ay nagugustuhan ko na rin ang trabaho ko.”’
“Ano ba ang pangarap mo?”
“Pangarap ko?” Malalim siyang napaisip. “Ang bumup ng pamilya kasama ka.”
“..g@g0” bulaslas ko na mahina niyang kinatawa. “Ano nga?”
“Hindi ko rin alam kung ano pangarap ko kaya sumasabay na lang ako sa agos ng buhay at dito ako tinangay.” Kibit balikat niyang tugon. “Ikaw, bukod sa pagiging manunulat, ano pa ang iba mong pangarap?”
Malamlam na ngiti ang sumilay sa akin labi. “Pnagarap ko bigyan ng magandang buhay si mama, ‘yon tipo na hindi na niya kailangan kumayod at makakain ng maayos. Iyon lang pangarap ko bukod sa pagsusulat pero ni isa sa mga pangarap ko na ‘yon ay walang natupad.”
Ibinababa ko ang kubyertos sa mesa, isinandal ang likod sa upuan. “Nang mawala sa mundo si mama, kalahati ng pangarap ko ang nawala. Nakokonsensya ako dahil hindi ko naparana sa kaniya ang buhay na tinatamasa ko ngayon.”
“At ang kalahating natira sa pangarap ko ay hinadlangan ni daddy para tuparin ang pangarap na gusto niya para sa akin.” O tamang sabihin na pangarap niya kay Katherene na ayaw nito gawin.
Parehas kaming natahimik, walang nakuhang umimik o basagin ang katahimikan na nakapaligid sa amin. Ngayon, nabubuhay na lang ako para kumayod at katiting na pag-asa na tatanggapin nila ako sa pamilya bilang ako—at hindi taga-salo ng ayaw ni Katherene.
“Kung maikasal na tayo, hindi kita didiktahan sa gusto at malaya mong gawin ang pangarap mo.” Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang sabihin niya ang bawat kataga sa malalim at seryosong boses.
“Pero hindi ibig sabihin no’n ay kailangan mo na ako pakasalan.” Pagbawi nito saka inabot ang kamay ko na nakapatong sa mesa. “Hayaan mo na kilalanin muna natin ang isa’t isa. Nang hindi mo ‘ko iluwa kung sakaling makita mo ang panget sa pagkatao ko.”
“Hindi ako ganon kabilis magsuka ng tao---”
“Pero kaya mong sumuka ng tao.” Putol niya. Pinasok ang daliri sa bawat espasyo ng daliri ko at mariin na hinaawakan. “Kilalanin mo ‘ko, Kattleya. At kung makita mo ang panget na pagkato ko, h’wag ka matatakot na tumakbo at iwan ako.”
“Ganon ba kababaw ang tingin mo sa akin?”
Umiling siya. “Hindi sa iyo kundi para sa sarili ko.”
ISANG ORAS din ang tinagal namin sa restaurant, sandali pa siya nakipagkamay sa na kitang kakilala at nakipag-usap kasabay ng pagpapakilala sa akin. Tumaas ang tingin ko sa kalangitan, tinatakpan ng hamog ang mga bitwin sa kalangitan ang maalakas na simoy na hangin sumisimoy sa buong kalangitan.
“Maalapit na ang tag-init pero mukhang uulan ngayong gabi.” Usal ko, inilabas ang kamay sa binatana ng sasakyan kasabay ng pagpatak ng maliliit na butil ng ulan.
“Ihahatid na kita sa unit mo.” Tumango ako. Wala rin ako balak magbyahe pa ng ganitong oras at hindi alam ang daan pauwi sa bahay.
Nilukob ng nakakabingin katahimikan ang paligid, tanging pagbagsak ng malaakas na ulan ang maririnig sa loob at iilang busina ng sasakyan mula sa likod. Nang maagaw ang atensyon namin dalawa ng mag-ingay ang phone ko.
“Sup?”
“Sup? Seryoso ka, Kattleya?!” Mabilis na nailayo ko ang cellphone sa tenga ng malakas na tili ang bungad sa tawag. “Wala ka ba balak sabihin sa amin na malapit ka na ikasal—”
“Fiance.. hindi ikakasal.” Pagtatama ko sa kaniya.
“Doon pa rin ang punta no’n!” Sigaw pa niya. “Kung hindi pa nagkrus ang landas namin ni Katherene, hindi pa namin malalaman na malapit ka ng ikasal!”
“Hindi nga sabi ikakasal---”
“Basta! Kailangan mo magpaliwanag ka sa amin ni Lei.”
“Fine. Fine.” Pagsuko ko. “Kayo naa ang bahala.”
“Umayos ka, Kattleya. Gusto din namin makilala ang kupal na lalaki na ‘yan..”
“He’s not kupal.” Bumaling ang tingin ko kay Keith na nakabaling ang atensyon sa daan.
“Then, ipakita mo sa amin.” Ibinababa ko ang cellphone sa tenga, pinindot ang request videocall ni Jaica. “Nasaan ka?”
“Pauwi.”
“Sino kasama mo?”
“Bakit dinaig mo pa si mama kung magtanong?” Rebatt ko.
“Kattleya!” Sigaw ni Jaica sa kabilang linya.
“Fine! Kasama ko fiancé ko.” Pagkasabi ko non ay bumaling sa akin ang tingin ni Keith at may maliit na ngiti sa labi.
“Baby. is that your friend?” Pinanlakihan ko ng mata si Keith na mahina nito ikinatawa.
“Iharap mo siya sa akin,” utos ni Jaica.
Nagdadalawang isip pa ko nang hawakan ni Keith ang kamay ko, pinaikot ang cellphone sa kaniya at malapad ang ngiti na binati si Jaica. “Hi! I am Keith. Kattleya’s Fiancé. Nice to meet you.”
Natahimik ang kabilang ang linya, bumaling ang tingin ni Keith sa akin at mahinang natawa. “She hangs up.”