Chapter 6: I cannot

1662 Words
PAGPASOK sa opisina, sumalubong kaagad si Maxine dala ang patong-patong na papeles na sa tingin ko ay kailangan ng approval at pirma. Hindi pa ako nakakapag-ayos ng gamit pero nakapila na ang trabaho na kailangan gawin. “Good morning, Ms. Katt.” Magalang na bati ni Maxine at pumasok sa loob ng opisina. “Kailangan na po ‘to ng pirma niyo para maidala na ni Jonathan sa banko.” “Pakilapag na lang d’yan.” Pakisuyo ko bago humarap sa salamin—bumungad ang naglalakihang eyebag sa ilalim ng mata ko na dahilan ng isang tao, si Keith. Muling bumalik sa aalala ko ang nangyari kagabi, isa sa nakakahiya at desperadang ginawa sa buong buhay ko. Sa sunod-sunod na kagagahan at walang kahihiyan na ginawa, kung magkikita kami ngayon, hindi ko na alam kung anong mukha ang ihaharap ko. “Marry me...” sigaw ko sapat na para marinig niya sa layo ng pagitan namin dalawa. Nag-iisa lang ang laman ng isip ko ngayon, ang sundin si daddy at pakasalan ang lalaking nasa harapan ko. Matataliman ako sa isang kasal, ito naman ang natatanging paraan para makaalis sa pagkakapos ng tinatawag nilang ‘Pamilya’ ko. Buo na ang desisyon ko, hindi na ako uurong sa bagay na ito. Pagod na ako maging sunod-sunuran sa gusto nila mangyari—sa pagiging aso na gusto nilang kumain ng pagkain na ayaw kainin at hindi pumapasok sa panlasa nila. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan namin, nanigas ako sa kinanatayuan ng mapansin ang unti-unting paglapit niya. Hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan pero andito na ‘ko, siya ang nakauna sa akin kaya’t hindi masama na siya ang mapangasawa ko. Hindi naghihiwalay ang tingin sa isa’t isa, hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha at inipit sa likod ng tenga. “Baby, I can’t.” Para akong binusan ng yelo sa naging sagot niya. “Why—” “I don’t want to marry you.” Putol niya sa sasabihin ko, kinuha ang palad ko saka marahan na pinisil. “I want to date you first. To court you.” “Hindi na kailangan—” “No, you deserve it.” Muling putol niya saka sumilay ang matamis na ngiti sa labi. “Sa loob ng dalawapo ‘t walong taon, iningatan mo ang katawan mo, sapat na ebidensya na iyon para malaman ko na hindi ka katulad ng ibang babae.” Walang lumabas na kahit anong salita sa labi ko, nanatili nakatuon ang tingin ko sa mata niya habang sinasabi niya ang bawat kataga. Lahat ng sinabi niya ay puno ng senseridad at mula sa puso. “Kaya h’wag ka makulet, liligawan kita at mas lalo kikilalanin. Hindi natin gusto parehas ang malagay sa alanganin, ang kasal ay sagrado, walang bawian ng pangako.” Tinaas niya ang kamay at marahan na kinurot ang pisngi ko. “Sige ka, baka magsisi ka na pinakasalan mo ‘ko.” biro niya. “Ms. Kattleya, nakikinig po ba kayo?” Nagising at nabalik ako sa ulirat ng tawagin ni Maxine ang pangalan ko. Inilibot ko ang tingin, lahat ay nakatingin sa akin na may pagtataka. “Huh? Ano nga ulit ‘yon?” Umayos ako ng upo, matamis na ngumiti sa lahat. “Pasensya na, lutang, walang maayos na tulog.” paliwanag ko. “H’wag mo kasi siya masyadong isipin, ma’am.” Biro ng isa na kinatawa ng lahat ng lahat. Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Minsan, hindi masama ang humingi ng pasensya sa taong nakapaligid, mataas o mababang taoman. Bilang isang manager, hindi sobrang kailangan na ipakita sa empleyado ang pagiging mataas mo—kundi bilang kapantay, dahil sa ganon paraan ay walang aalis at hindi mahihiya magsabi ng opinion. “Sa darating na katapusan ng abril gaganapin ang sportfest.” Paliwanag ni Maxine. At sa ganon, mabilis na lumipas ang oras ng trabaho. “LAHAT ay na-eexcite na sa darating na sport fest, sigurado maraming sasali sa dami at halaga ng premyo ng mga mananalo. Ikaw, Ma’am Katt, ano ang sasalihan mo?” Tanong ni Maxine. “Hindi ko pa alam, siguro, kayo na muna ngayong taon.” Sa dami ng dinadala kong problema ngayon, gusto ko nalang maatulog buong maghapon. “Sayang naman ‘yon...” komento niya. Sabay na lumabas ng elevator, mag-aalas singko na ng hapon at dagsa na ang labasan ng empleyado na nag-uunahan umuwi. Isa na ako na gusto nang mahiga sa malambot na kama at makabawi ng tulog. “Ano ang nangyayari doon?” Bumaling ang atensyon ko sa tinuro niya, nagkukumpulan ang mga empleyado ‘t nagnining ang mata. Nagtataka na lumapit kami sa pinagkakaguluhan ng madla. Nang magtama ang tingin namin ng isang lalaki na sentro ng atensyon ng mga andoon. “Ayan na pala si Ms. Kattleya,” sigaw ni Beng na kasama ko sa department. Teka, kanina pa siya lumabas. Bakit andito pa rin ang isang ito? Bumaling ang atensyon sa akin ng lahat, nanatili ako sa kinatatayuan at hindi alam kung maiilang sa ngiti ng ilan. Sunod-sunod na napalunok ng sariling laway, nang unti-unti siyang lumapit sa harap ko na may ngiting nakakamatay. “A-anong ginagawa mo rito?” Tanong ko. “Sinusundo ka..” Tumingin ito sa paligid. “Bakit mo ako susunduin?” “Kailangan ba laging may dahilan para sunduin ang nililigawan ko?” Pagbabalik niya ng tanong. Parang nabingi ang tenga ko, nang malakas na umirit si Maxine sa tabi ko. Ang gaga, mas kilig na kilig pa sa akin with matching hampas pa. “Sabi na nga ba, siya ang iniisip niyo kaya hindi ka kaagad nakatulog eh!” madaldal na pang-aasar nito. Umakyat ang dugo ko sa mukha, nag-iinit at gusto ng tumakbo para makawala. Maxine, ano ba ang pinagsasabi mo?! Mahinang tawa ang lumabas sa labi ni Keith. “Tara na.” Hindi pa nag-fufunction sa utak ko ang lahat, nang itulak ako ni Maxine papalapit kay Keith na kinuha ang bag na hawak. Muli kong inilibot ang tingin sa paligid, siguradong ako ang sentro ng chismis bukas ng umaga. Sumusunod ang tingin ng lahat hanggang makasakay ng sasakyan, nakahinga ako ng maluwag ng humarurot na si Keith. “Hindi mo dapat ginawa ‘yon.” “Kung hindi ko ginawa ‘yon, hindi ko malalaman na hindi ka nakatulog kakaisip sa akin.” Abot-tenga ang ngiti niya. At naniwala siya doon? “Hindi ‘yon totoo..” Depensa ko. “Sabi mo eh.” Sabay mahinang hagikgilk. Akmang magpapaliwanag pa ako, nang mas pinili na itikom na lang ang bibig, Hindi rin naman siya maniniwala sa sasabihin ko. Palihim ako nabuga ng malalim na buntong hininga. Yare ka talaga sa akin bukas, Maxine! “Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko nang mapansin na papalayo na kami. “May bagong bukas na restaurant ang kaibigan ko, inimbitahan niya ako kaya naisipan kita dalhin.” “At anong connect ko sa imbitasyon niya?” Lumingon siya sa akin at hinuli ang tingin. “Para ipagmalaki ka.” Nakakabinging katahimikan ang namayani, natameme ako sa kaniyang sinabi. Ilang segundo kami nagkatinginan, nang iniwas ko ang tingin at tinalikuran siya. Napahawak ako sa dibdib, ang lakas ng kabog ng puso ko. Walang may nagtangka na muling nagsalita, huminto kami sa restaurant na maraming bulaklak sa pintuan. “Good evening, ma’am, sir, welcome to Fime Restaurant!” “Keith, my friend!” sigaw ng lalaki na dali-dali lumapit sa pwesto namin. “Akala ko hindi ka na makakapunta—teka, sino ang chickababes na kasama mo?” Segway nito na baling sa akin. “Hey, stop.” Suway ni Keith bago hinuli ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. “Sonny, meet my fiancée, Kattleya.” “Fiancée?” Sabay na tanong namin ni Sonny. “Pinagloloko mo ba ako, pre?” Tanong nito kay Keith bago muling bumaling ang tingin sa akin. “I’m not.” Mabilis niyang sagot. “Pwede mo siyang tanungin kung ayaw mo maniwala or kung gusto mo pwede mo tawagan ang parents ko—alam din nila.” Naguguluhan na pabalik-balik ang tingin sa amin ng kaibigan niya, hindi pa rin na naniniwala. “Tatanungin ko na lang ang parents mo.” sagot niya, kinuha ang cellphone at iniwan kami sa kinanatuyuan namin dalawa. “Hindi manlang niya tayo pinaupo?” Nagtataka kong tanong, nakasunod ang tingin sa lalaki na may tinatawagan sa telepono. “Hayaan mo s’ya, tara doon.” saka tinuro ang pinakadulo na pwesto ng lugar. Maganda at maaliwalas ang ambiance sa loob, ang malaking chandelier na nakasabit sa kisame ang isa sa nakakaagaw na atensyon. Ang bawat tao ay masaya sa bawat lamesa, kung hindi ako nagkakamali ay magkakakilala ang bawat isa. “Fiancee?” Tanong ko sa kaniya. “Akala ko ba hindi ka pumayag—” “Ang biglaang kasal ang hindi ko sinang-ayunan pero ang maging fiancée ka?” Matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya, hinawakan ang kamay ko sa mesa. “Wala akong sinabi na hindi ako pumayag.” Sa bawat magssalita siya ay nakatingin siya ng direkta. “Ano ang pakay mo sa akin?” “Ikaw, ano rin ang kailangan mo sa akin?” Pagbabalik niya ng tanong, isinandal ang likod sa upuan. Napaiwas ako ng tingin, pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ni daddy. “Just kidding.” Pahabol niya ‘t mahinang tumawa. “Nakakasigurado naman ako na hindi ka katulad ng iba, na lumalapit lang sa akin ng dahil sa pera at koneksyon ng pamilya.” Tinamaan ako sa sinabi niya dahil ‘yon talaga ang pakay ng pamilya ko sa kaniya. “Hindi ako ganong klaseng babae pero alam mo kung ano ang naisip ko ngayon lang?” Umiling ako saka matamis na ngumiti. “Ano?” “I will make you fall in love with me.” Hinuli ko ang tingin niya at malalim na nakipagtitigan. Tumaas ang sulok ng labi niya. “Then try me, my innocent fiancée.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD