MADILIM na ang paligid, ang ka-bahayan ay nag-uumpisa na magliwanag at ang mga batang masayang naglalaro sa parke ay isa-isa na nag-uuwian. Mag-aalas syete na ng gabi, kumakalam na ang sikmura at mula kanina ay hindi pa ako nakakauwi. Hindi ko na pinapansin ang pawis, kagat ng lamok, at init ng panahon. Ngayon, gusto ko lang mag-isip-isip habang lumalanghap ng sariwang hangin—speaking of sariwang hangin, sa susunod na araw na ang araw na dapat alis namin. At wala akong ideya kung itutuloy pa ba o hindi na. Tulala na naglalakad pauwi, hawak ang cellphone na kanina pa naubusan ng batterya. Nang makarating sa palapag ng condo ‘t binuksan ang pinto, madilim na paligid ang sumalubong sa akin. “Mukhang umalis na siya...” Usal ko binuksan isa-isa ang ilaw at ganon na lang ang pagkagitla ko nan

