“I want a good news—a good result after a week, Kattleya. Gawin mo ang lahat ng makuha ang loob ni Keith sa loob ng isang linggo. Nakikita ko na hindi ka mahihirapan sa gusto ko mangyari, that guy are obviously like you.” Tumirik ang mata kong pinapakinggan ang bawat paalala ni Daddy habang nakatanaw sa malawak na karagatan mula sa kinatatayuan. “Yes, dad.” Hindi ko maipapangako, tignan natin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sa akin. “I’ll do my best to give you a best result.” pahabol kong usal. Dinig ko mula sa kabilang linya ang pagtawa niya, natutuwa sa sagot ko na pabor sa kagustuhan niya. “That is good, kahit kailan you never disappoint me, Kattleya. I trust you.” Hindi ako sumagot. Wala akong ideya kung ano ang magiging resulta ng bakasyon na ito dahil maski ako ay

