Chapter 15: I think

1644 Words
NATAGPUAN ko ang sarili sa loob ng kwarto ng magising, masakit ang buong katawan, nanginginig ang hita at masakit ang kaselanan. Hindi ko alam kung paano ako nakalipat dito pero iisa lang ang sigurado ako, iyon ay hindi ako makakapasok ngayong araw. Nakapangiwi ako ng gumihit ang hapdi sa pagitan ng hita, nanginginig na tumayo at pumasok ng banyo para linisin ang katawan. Kung hindi pa ako nawalan ng ulirat kagabi ay siguradong hindi niya ako tinigilan at hindi lang ganito ang daranasin ko kinabukasan. Napabuntong hininga ako, nagbabad sa bathtub. Ang landi mo naman kasi Kattleya. Sa tuwing nagsasama kami sa iisang kwarto, bigla nalang nag-iinit ang pakiramdam ko at kung ano-ano nang pumapasok sa utak ko. Wala na siya ng magising ako, siguradong pumasok na siya sa trabaho. Sana lahat ‘di ba? Muli kong ipinikit ang mata, nilublub sa maligamgam na tubig ang katawan. Kahit papaano ay nawawala na ang panginginig ng hita ko pero talaga—hanggang sa maari ay ayaw ko ng ulitin pa. Pasalamat na lang talaga ako na ganito lang ang inabot ko—wow. At ako pa ang dapat na magpasalamat ‘no? Sa susunod ay hindi na ako papayag sa Neflix and Chill. Wala ako naintindihan sa pinapanuod at mas napagod pa ako sa ginawa namin kesa sa walong oras na trabaho. Tumuon ang atensyon ko nang mag-umpisa mag-ingay ang cellphone, si Maxine. “Yes?” “Madame, nagagalit ang daddy niyo dahil hindi kayo pumasok ngayon araw—” “Anong sabi niya?” “Tinatanong kami, may importante ka raw na bidding ngayong araw pero sinabayan mo na hindi pagpasok. Mabuti na lang ay may tumawag sa kaniya, nag-iba kaagad ang mood niya saka hindi na nag-usisa pa.” Pagsusumbong nito. Mariin ako napapikit. Ito na nga ba ang sinasabi ko, napapadalas na ang hindi ko pagpasok ng tama—sigurado sa susunod ay memo na lalabas at nag-aantay na tambak na trabaho sa akin. “Mabuti naman..” Tugon ko nanatili sa pwesto. “Iyon lang ba ang sasabihin mo?” “Meron pa,” Ilang segundo siya huminto sa pagsasalita bago pinagpatuloy ang sasabihin niya. “Na-detect na nang IT natin kung saan galing ang post na patungkol sa ‘yo—hindi na rin magtatagal ay malalaman na natin kung sino ang nasa likod ng account na ‘yon.” “Mabuti kung ganon..” “Ma’a, bakit hindi na lang natin paalisin ang mga empleyado na mga kasali roon—“: “Hindi na sakop ng kompanya ang gusto mo mangyari, may sariling buhay ang mga tao sa loob at hanggang sa maari ay gusto ko maging tahimik sa pag-alam nito.” Sobrang impossible talaga, gusto ko malaman kung ano nga ba ang pakay ng tao sa likod ng account na ‘yon. “Kung sabagay..” Napabuntong hininga ito. “Oh, s’ya, ma’am, magpahinga ka na at naghihintay ang trabaho mo sa iyo bukas.” sarkastikong usal nito. Napailing ako na pinatay ang tawag, mabuti at mayroong Maxine sa paligid ko. Lagi ako may mata sa likod at mga bagay sa dilim na pilit di pinapakita sa akin. Nanatili pa ako ng ilang minuto sa bathtub bago nagbanlaw, dumiretso sa kusina na tanging roba lang ang saplot sa katawan. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang nakatakip sa gitna, isang sulat kamay ang bumungad sa akin at kung hindi ako nagkakamali ay mula ‘yon kay Keith. “I know your tired, nag-order na ako ng pagkain, initin mo na lang kung iyo nang kakainin. Anyway, tinawagan ko na ang daddy mo at pumayag na hindi ka pumasok ngayong araw.” So, siya ang tinutukoy ni Maxine na tumawag kay daddy kanina. Hindi nga nakakapagtaka kung mabilis na nalusaw ang galit niya dahil umaayon pa rin ang tadhana sa plano niya. Mag-isa ako nagtanghalian, hindi ko matignan ang salas ng matagal dahil pumapasok sa isip ko ang ginawa namin kagabi sa pwestong ‘yon. “Sino ‘yon?” Tanong ko sa sarili ng sunod-sunod nag-ingay ang doorbell. “Wala naman akong inaasahan na bisita—o baka bumalik na siya?” Nilakad ko ang pagitan namin ng pinto at nang buksan ko ay bumungad sa akin si Lei at Jaica na may malaking ngiti. “Anong ginagawa niyo rito?” “Tumawag kami sa trabaho, sabi ng secretary mo na hindi ka pumasok ngayon araw kaya dito na kami dumiretso.” Paliwanag ni Jaica, tinulak ang pinto at pumasok sa loob. Sumunod si Lei na lumilibot ang tingin sa loob. Sunod-sunod ako napabuga ng mararahas na buntong hininga, kung kailan masakit ang katawan ko saka sila nagpunta. “So...” “So?” Pag-uuulit ko sa sinabi niya. “Sabihin mo sa ‘min kung sino ang swerteng lalaking ‘yon?” Dagdag ni Lei. “Ang mukha niya, mukhang pamilyar sa ‘kin.” komento ni Jaica. Naupo ako sa harap nila, kagat ang ibabang labi bago nagsalita.. “Nag-umpisa ito sa dare niyong dalawa na nauwi sa mainit na gabi...” “Say what?!” Gulat na putol ni Lei. “Hindi ka na virgin?” Napakamot ako ng batok, namumula ang pisngi. I know, too much information ang sasabihin ko sa kanila pero alam ko na sa lahat ng tao silang dalawa lang ang mapagkakatiwalaan ko na sabihan. “Congrats!” Pagbati ni Jaica na naiiyak. “Hindi ka na inosente—I’m so proud of you.” pahabaol pa nito. Nanatiling walang ekpresyon ang mukha ko, hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaskyon. Inaasahan ko na magagalit sila, na daadmayan pa nila ako pero mukhang masaya pa sila na hindi na ako birhen. “Sabay, ano ang nangyari?” Muling tanong ni Lei. Inumpisahan ko ang pagkwekwento simula ng gabing ‘yon hanggang sa ipagkasundo kami ng mga magulang. At hindi ko na sinabi pa ang ibang detalye kung paano kami nagkasundo at nagiging malapit sa isa’t is ani Keith. “A Velloria..huh?” Seryosong banggit ni Jaica. sa apilyedo ng binata. “Bakit pakiramdam ko may ibang pakay ang daddy mo sa pamilya nila.” Mapakla akong ngumiti, hindi tinugon pa ang sinabi niya. Maski sila ay nagkita ang butas sa kwento ko, si Keith, napansin niya din kaya ang sitwasyon ko ngayon. “Ano ang balak mo?” Tanong ni Lei. “Go with flow..” sagot ko. “Mas lalo mo lang tinali ang sarili mo kung hahayaan mong magpakasal..” “Iyon lang ang naiisip kong paraan para makawala kay daddy—” “Makakawala nga ba o mas lalo mo lang kinakadena ang sarili mo?” Putol ni Jaica. “At ganon ka ba kasigurado na pagkinasal na kayo, bibitawan ka na nila? Think abou it, Kattleya, alam kong hindi ka bobo na hindi maisip na maari ka nilang gamitin kahit nasa loob ka na ng bahay ng mga Velloria.” Natahimik ako. Aminado na minsan ng sumagi sa isip ko ang bagay na ‘yon. “Katt, matanda ka na, kahit umali ka pa sa salawal ng daddy mo ay makakayanan mo na mabuhay mag-isa. Kung ang trabaho mo ang inaalala, maari ka pumasok sa company namin, buong puso kang tatanggapin ng magulang ko.” Ani Jaica. “Hindi ‘yon ganon kadali.” Komento ko. “O, baka hanggang ngayon ay inaasam mo pa rin na sumulyap sa iyo ang daddy mo?” Dugtong pa nito. “Matagal mo na ginagawa ‘yan pero niisang beses ba nilingon ka nila.” “He’s still my parent.” “Wala akong sinabing hindi..” Bumuntong hininga si Jaica. “Walang masama ang maging selfish at isipin ang sarili minsa, Katt.” “At sa tingin ko ay gusto ko na siya.” Parehas silang natahimik sa sinabi ko, parang dinaanan ng anghel ang kapaligiran at parehas na walang may gustong umimik sa amin tatlo. “Katt, alam mo ang sitwasyon mo!” Suway ni Lei. “Bakit sa lahat ng lalaki—” “Gaano ka kasigurado?” Singit ni Jaica. “Kattleya, iba ang salitang gusto dahil kailangan mo siya at gusto dahil gusto mo siya makasama.” Sa pagkakataon na ‘yon ay ako ang hindi kaagad nakaimik. “Hindi ko alam.” Parehas silang napabuga ng hangin. “Alamin mo muna ang nararamdaman mo para sa kaniya, ayaw namin na mahulog sa isang making problema na maari mo ng hindi malusutan. Kattleya, ang pagpapakasal ay hindi isang laro, sana alalahanin mo ang bagay na ‘yan.” Muling paalala ni Jaica. “Pero kung sigurado ka na sa kaniya—sa nararamdaman mo sa lalaking ‘yon, susupportahan ka namin at maari mo kaming takbuhan kahit anong oras.” Segunda ni Lei. Isang msayang ngiti ang sumilay sa labi ko. Kahit kailan ay laging silang nasa tabi ko—wala man akong maituturing magulang may dalawa naman akong matalik na kaibigan na laging nakaantabay sa akin. “Pero alam mo, Katt, minsan na akong may narinig na balita patungkol sa fiancé mo.” Singit ni Jaica na abala na ngayon sa pagkalikot ng cellphone. “Lagi naman siyang nasa balita.” Hindi na nakakapagtaka ‘yon. “No, I mean, basta!” Ani niya.”Hindi rin klaro at hindi ko matukoy kung siya nga ba talaga ang lalaking ‘yon.” “Heto talaga, Jaica, kaya hindi ka rin tumatagal sa relasyon.. sobrang overthinker mo.” Sita ni Lei. Parehas kaming nagtawanan, nagpalipas ng oras na magkakasama at kahit papaano ay nakalimutan ko ang problemang dinadala. Katulad ng dati, hindi man mdalas na nag-uusap at nagkakasama pero hindi pa rin hadlang ang mga ‘yon para sa pagkakaibigan namin. Napatitig ako sa dalawa, siguro nga tama ang mga tinuran at payo nila. Siguro, mas maganda nga muna kilalanin si Keith ng personal at hindi lang sa kama kami nagpapakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD