MATAPOS ang araw na makita kaming dalawa ni Keith sa ganon posisyon, hindi ko na alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa magulang niya. Hindi na ako umaasa na magugstuhan pa nila ako. At bukod doon, ang oras na rin na ‘yon ay tinanggap ko na ang tuluyan pagkasira ng imahe ko sa mata ng dalawang matanda.
Bumuntong hininga ako, inilihis ang tingin kay Keith abala sa pagmamaneho. “Galit ba sila sa akin?”
“Baby, pang-sampung beses mo na ‘yan tinanong ngayong umaga at wala pa tatlong oras tayo magkasama.” Siya naman ngayon ang napabuga ng marahas na buntong hininga. “Uulitin ko, hindi sila galit sa iyo o kung ano pa ang negatibong iniisip mo.”
“Bakit nila ako pinapapunta ngayon?” Pagbabato ko ng tanong,
“Dahil gusto ka nila makilala.” Tugon niya saka inihinto ang sasakyan ng magpula ang stoplight. “Matagal na nila itong kinukulit sa akin, hindi ko lang magawa dahil ayaw kitang biglain. At kung galit sila sa iyo, hindi ka nila papuntahin sa bahay at matagal na sanang tapos ang kasunduan nila ng pamilya mo.”
“Pero kasi—”
“Baby..” Suway niya.
Humaba ang nguso ko na tumango. Hindi niya maintindihan ang nararamadman ko dahil gustong-gusto siya ni Daddy na makatuluyan ko. Aba, siya ang unang lalaki na magpapakilala sa akin sa mga magulang.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko, nang pumasok kami sa loob ng subdivision. At huminto sa tapat ng marangyang bahay.
“Baby, calm down.” Ani niya.
“Paano kung hindi nila ako magustuhan?” Tanong ko.
“Magugustuhan ka nila—gustong gusto ka nila.”
“Hindi pa rin ako naniniwala.” Paano kung sinasabi niya lang ‘to para pakalmahin ako pero sa totoo ay napipilitan lang ang magulang niya sa akin.
Tama, hindi malabo ‘yon mas lalo na ‘t nakita nila kami sa ganon na posisyon, sa parte palang na ‘yon ay sirang-sira na ako.
Bumababa ang tingin ko sa kamay ng maramdaman ang paghigpit na paghawak ni Keith. “Andito lang ako sa tabi mo, hindi kita pababayan.”
Tumaas ang tingin ko sa kaniya, nagtama ang tingin namin sa isa’t isa at sumilay ang ngiti sa labi ko bago tumango sa kaniya. Nauna siya bumababa ng sasakyan, pinagbuksan ako ng pinto at bumungad sa amin ang nakahilerang kasambahay.
Nahihiya na ngitian ko sila, nang makarating sa dulo ay ayaw na humakbang ng paa ko ng makita ang mag-asawa na Veloria.
“My daughter-in-law..” masayang bati ni Tita Emilita, nakipagbeso at ginawaran ako ng mahigpit na yakap. “..Masaya ako na nakarating ka na sa bahay namin, hija.”
“Maraming salamat po sa pag-imbita.” Tinugon ko ang yakap ng ginang.
Nang bumitaw kami sa yakap ay bumaling ang tingin ko kay Tito Karlos na maganda ang ngiti na nakatingin sa amin.
Lumapit ako sa kaniya at nagmano. “Magandang araw po, Tito Karlos.” Magalang na paggalang ko.
“Magandang araw din sa ‘yo, hija.” Mas lumapad ang ngiti nito saka tinuro ang daan. “Tara, pumasok na tayo sa loob. Nakahain na ang tanghalian natin apat.”
“Walang babati sa akin?” Napalingon kaming tatlo ng magsalita si Keith sa tabi ko.
“Oo nga pala, andito pala ang anak ko.” Mahinang natawa ang ginang saka muling bumaling sa akin. “Tara, pinahanda ko ang mga paborito mong pagkain.”
“Maraming salamat po, Tita.”
“Diba ang sabi ko sa ‘yo nakaraan ay ‘mama’ na ang itawag mo sa akin..” Humaba ang nguso ng ginang. “Ayaw mo ba mapabilang sa pamilya namin?”
Napakagat ako ng ibabang labi. “H-hindi po.. Nahihiya lang po ako.” pagrarason ko.
“Then tawagin mo na akong mama—”
“Opo, mama.” Nakangiting tugon ko.
Pumasok kami sa loob, bumungad ang malawak na living room bago kami makarating sa mahabang mesa ng dining area. At nakalulula ang dami ng pagkain na nasa mesa.
“May fiest po ba?” Tanong ko sa kay Mama Emelita.
Marahan itong tumawa at kumapit sa braso ko. “Nakalimutan ko itanong kay Keith kung ano-ano ang mga paborito mo kaya pinaluto ko nalang ang sa tingin ko magugustuhan ng babae na katulad mo.”
Lihim ako napangiwi. Ganito ba talaga tumanggap ng bisita ang mga mayayaman tao?
Masasabi ko na mayaman ang pamilya ni daddy pero hindi sa ganitong punto. Apat lang kami na kakain pero pangsampung pamilya ang nakalatag na pagkain.
“Maraming salamat po. ti—mama.” Pasasalamat ko. “Hindi naman po ko pihikan sa pagkain, ‘yon nga lang ay hindi ako mahilig sa isda.”
“Parehas tayo!” Tuwang-tuwa na segunda ng ginang. “Mamaya ay ililbot kita rito sa bahay—dito ba kayo magpapalipas ng gabi?”
Nagkatinginan kami ni Keith. “Ma, may pasok siya bukas.” siya ang sumagot.
Humaba ang nguso ni Mama Emelita kaya agad ko nagsalita at kinuha ang atensyon niya. “Sa susunod po, ma. Magpupunta kami ng sabado at dito na kami magpapalipas ng gabi sa inyo.” pagpapagan ko ng loob niya.
“Talaga?” Nangingilid ang luha na tanong niya saka bumaling sa asawa. “Karlos, nakita mo na kung bakit gusto ko ng babaeng anak imbis na lalaki katulad ni Keith? Ang mga babae, alam ang dapat gawin at marunong makiramdam. Hindi katulad ng anak mong ‘yan, titirik nalang ang mata ko ay hindi ko pa rin nagpapakita dito sa bahay!”
“Honey, hindi tayo biniyayaan ng anak na babae pero andyan na si Kattleya..” Pagpapagaan ng loob ni Papa Karlos sa asawa. “’Di ba, Kattleya?”
Ngumiti ako at tumango. “Opo, ma. At bibisitahin ko kayo ng madalas ng hindi kayo nabuburyo dito sa bahay—pwede rin po tayong lumabas kung gusto niyo.” segunda ko.
Ang kaninang naluluhang mata ay ngayon ay nagniningning na sa tuwa. “Talaga?”
Tumango ako. “Pero sa tuwing wala lang po akong trabaho.” Paalala ko.
Baka mamaya ay puntahan niya ako sa trabaho, panibagong usap-usapan ulit ‘to.
“Walang bawian na ‘yan, anak..” Masayang usal nito.
“Ma, andito pa po ako, si Keith...ang anak niyo.” Singit muli ni Keith sa usapan namin tatlo.
Ngunit, hindi pa rin siya pinansin ng ginang at hinila ako papunta sa hapagkainan. Sunod ko nalang namalayan, puno na ang plato ko ng pagkain na walang tigil na nilalagyan ng mag-asawa.
Bumaling ang tingin ko kay Keith, tahimik na kumakain at minsan ay kinukuha ng atensyon ng magulang. Kawawang Keith.