MAHABANG katahimikan ang lumukob sa hapagkainan, tumigil na sa pagpapansin si Keith sa magulang at mukhang tanggap niya na hanggat andito ako, hindi siya papansin ng mga ‘to.
Hindi ko inaasahan ang mainit nilang pagtanggap pero masaya ako na ganito ang kinalabasan ng lahat. Iyon nga lang, mukhang kailangan ko mag-adjust sa lifestyle na kinasanayan ng pamilyang Veloria nang hindi ako magmukhang kahiya-hiya sa paningin nila.
“Anyway, Kattleya, Keith, aasahan na ba namin ng papa niyo ang pagdating ng apo namin?” Nasamid ako sa biglang hirit ni Mama Emelita, kinuha ang tubig sa gilid saka pinakalma ang sarili.
Si Keith ang sumagot. “Wala, ma.”
“What? Why?” Singit ni Papa Karlos sa naging tugon ng anak. Pati ito ay naghahangad ng apo, hindi ko nga alam kung anong relasyon ang mayroon kami ni Keith maliban sa pagkakasundong ginawa nila ng magulang ko.
“Pa, we’re not married.” s
“Yeah, yeah, you’re not married.” Sarkastikong sagot ng ginang. “But you already do ‘that’ thing.”
Kahit kailan, hindi marunong gumawa ng maayos na palusot ang isang ito, mas lalo kaming mapapahamak sa mga sagot niyang malayo sa sitwasyon.
“Ma, we’re taking our time pa.” Singit ko na may ngiti sa labi. “Gusto muna namin ng panahon na magkasama but don’t worry, bibigyan namin kayo ng apo—I think five grandchildren? Kung kakayanin.”
Nawala ang kunot sa noo ng mag-asawa, napalitan ng galak at ngiti na abot tenga. “You look healthy, siguradong kakayanin niyo ang paggawa ng limang apo. Basta, promise us, limang apo.” Hirit nito.
Nagkatinginan kami ni Keith, napailing na lang siya at pinagpatuloy ang pagkain. Binalik ko ang tingin sa mag-asawa na may ngiti sa labi. “Hindi po ako mangangako pero kung kakayanin ko magluwa ng lima ay gagawin namin—isa lang po ang nakakasigurado ako, iyon ay ang bibigyan namin kayo ng apo.” pangungumbiinsi ko sa dalawa.
Hindi mawala ang malapad na ngiti ng mag-asawa na sumang-ayon na lang. Lingid sa kaalaman nila na ang panganganak ay hindi ganon kadali, nakabaon ang isang paa sa hukay na maari ko rin ikapahamak.
Bumaling ang tingin ni Papa Karlos kay Keith. “Ikaw, anak, galingan mo nang makabuo kami agad.”
“Kahit na mabuntis mo si Kattleya na wala pa ang kasal, ayos lang, naiintindihan namin ng daddy mo.” Segunda ni Mama Emelita.
“Mom!” Suway ni Keith sa magulang.
Mahina akong napatawa. Ngayon ko lang nakita ang nahihiyang itsura ni Keith, masyado itong seryoso sa trabaho at walang nagtatangka na ipahiya sa ibang tao.
Kumawala ang ngiti sa labi ko at lumibot sa kanilang tatlo,masayang nag-aasaran sa hapag na maraming pagkain na nakahain. Hindi nag-aalala ng kinabukasan dahil sa dami ng kanilang kayamanan.
Sa susunod na mga buwan, magiging parte na ako ng pamilya nila. At sa susunod na mga taon y magkakaroon na rin ako ng masasabi kong sa akin. Ipinapangako ko na katulad ng ginawa ni mama, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng pamilya—mas lalo na ng magiging mga anak ko.
At hindi ko hahayaan na danasin nila ang katulad ng hirap na dinanas ko, hanggat sa maari ay bibigyan ko sila ng buong pamilya—na hindi ko naranasan sa buong buhay ko.
MATAPOS ang tanghalian, hinila ako ni Mama Emelita para ilibot sa bahay. Isa-isang pinaliwanag ang paintings na nakasabit sa dingding, mga vase na nakakalula ang presyo, at ibang parte ng bahay na may tinatagong kwento.
Sa halos tatlong oras na paglilibot, pakiramdam ko ay bumababa na ang lahat ng kinain ko pero ang ginang ay bibo pa rin na nagsasalita at inililibot ako. Hanggang binuksan niya ang isang pinto, bumungad ang amoy ng binata na nagmamay-ari nito.
“Mama, hindi po ba magalit siya kung pumasok ako dito?” Nag-aalangan na tanong ko.
Pinahahalagahan ko ang privacy ko kaya’t pinahahalagahan ko ang privacy ng ibang tao.
“Sinong magagalit? Si Keith?” Tanong nito bago tumawa. “Kaninong galit ang mas mahalaga—sa akin o kaniya?”
Hindi ako nakaimik, natatameme sa tanong ni Mama Emelita. Kung sa bagay, sa bahay na ito, siya ang reyna.
At nang hindi na ako makaimik, hinila niya ako papasok sa kwarto ni Keith. Simple lang ang nasa loob, walang gaanong gamit maliban sa study table at mga litrato na naka-frame.
Naagaw ang atensyon ko sa litrato sa side table, ang bata pa ni Keith sa family picture at ang sobrang nakaagaw ng tingin ko ay inosenteng ngiti. Ibang-iba sa ngiti niya ngayon na sobrang seryoso—ang nasa larawan ay sobrang puro… At saya?
“Kinuha ang litrato na ‘yan four years ago.” Lumapit si Mama Emelita sa akin, mas ngiti sa labi nakatitig sa larawan na hawak ko. “And that’s the last time we take a family picture.”
Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. “Last time? Bakit po?” Nagtataka kong tanong.
“Dahil ayaw niya na kumuha pa ng mga larawan, maski ang i-feature siya sa magazines ay sapalitan pa.”
Ngayon ko lang ‘to nalaman—well, wala pa naman kaming litratong dalawana magkasama.
“Shy type po pala.” Komento ko.
Sandaling natahimik ang ginang bago tumawa ‘t tumango. “Mukhang ganon na nga.”
“Ang mga kabataan, mabilis na magbago ang hilig nila sa lahat ng bagay mas lalo na pagtumatanda na sila at nag-uumpisa na humarap sa hamon ng buhay.” Komento ni Mama Emelita.
Ngumiti ako, inilapag ang larawan sa side table. “Siguro, gusto rin po ni Keith ng tahimik na buhay na malayo sa tingin ng mga tao.”
“Siguro nga.” Tumango ang ginang. “Nag-iisang anak lang namin si Keith kaya nang magkaisip siya, inumpisahan na ng daddy niya na i-train sa company dahil nag-iisa lang siya magmamana no’n kung sakali. Siguro dahil doon ay mas maaga siya maging mature at hindi na na-enjoy ang kabataan niya,:”
“Sigurado po ako na naiintindihan niya kung bakit kailangan niyo gawin ‘yon.” Pagpapagaan ko sa loob ng matanda.
Naalala ko nang araw na tinanong ko siya kung ano ang pangarap niya sa buhay at wala siyang maayos na naisagot. Nakakasigurado ako na ang pagnenegosyo at pagpapatakbo ng companya ‘yon, hindi niya lang nakikita ngayon pero marerealize niya rin iyon sa susunod.
“Tara, puntahan naman natin ang mga koleksyon ko sa kabilang kwarto.” Pag-aaaya ni Mama Emelita at sa hindi mabilang na pagkakataon, hinayaan ko siya na muli akong hatakin papunta sa kung saan.
Sunod ko nalang namalayan, naka-uwang na ang labi ko sa rami ng nagkikintaban na mga bato at mamahalin na gamit sa loob ng kwarto. Sa mga drama ko lang napapanuod ang mga ganito, halos lahat na ay nasa loob ng kwarto na ‘to.
“Wow..” Manghang bulaslas ko.
“Nagustuhan mo ba, anak?” Tinapik ng ginang ang likod ko, malapad ang ngiti na binaling ang tingin sa hilehilerang damit, sapatos, bag, alahas at kung ano-ano pa.
“Ngayon lang ako nakakita ng ganito karaming mga gamit.” Komento ko. “Sobrang ganda!”
“Mabuti ‘t nagustuhan mo..” Masayang-masayang usal nito. “Ang dalawang lalaki sa buhay ko, hindi nila m-appreciate ang ganitong bagay at iniisip na nagsasayang lang ako, palibhasa hindi nila maintindihan ang katulad kong isang matanda na may pusong dalagita.”
Hindi pa ako nakakapagsalita ng hilahin niya ako papunta sa mga alahas, iba’t ibang uri ng bato ang nakalagay sa loob ng salamin na may kanya-kaniyang lock.
“Hija, mamili ka ng nagustuhan mo..” Anito tinuro ang sobrang gandang kwintas. “Bagay ito sa iyo..”
Napangiwi ako, napakamot ng ulo. “Parang hindi naman po.”
“Bagay ‘to sayo,” pagpupumilit ni Mama Emelita. “Ibibigay ko sa ‘yo.”
“Huwag po!” Napatakip ako ng bibig ng tumaas ang boses ko, inilibot ang tingin ng mapansin ang maliit na bato na hugis luha. “Heto po, heto ang ang gusto ko.” sabay turo doon.
Malapad ang ngiti ng ginang, lumapit sa tinuro ko. “Pero masyado itong maliit..”
“Mama, mas preperado ko po ang maliliit na kwintas. At kumpara sa isa, hindi ko siya masusuot sa pang-araw-araw.” pangungumbinsi ko.
“Kung sabagay, tama ka.” Sang-ayon nito.
Napahinga ako ng maluwag. Hindi ko matatanggap ang ganong kwintas—ang gusto ibigay ni mama kanina, masyado iyong mamahalin kaya’t hindi ko matatanggap.
“Ibibigay ko ‘to sa iyo, sayang lang at heto lang ang nagustuhan mo—”
“Mommy?” Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses na pumutol sa sasabihin ng ginang.
“What?” Iritable na tanong sa anak..siguro dahil naistorbo kaming dalawa?
“Nawalan ng malay ang isa sa mga kasambahay..”
“What?!” Muling ulit nito. “Nasaan na?”
“Nasa baba..”
Hindi natapos ang sasabihin ni Keith ng bumaling muli ang tingin sa akin ni Mama Emelita. “Sandali lang, hija, pupuntahan ko muna ang kasambahay.” paalam nito.
“Dito ka muna..”
“Doon na lang po ako sa kwarto ni Keith maghihintay.” Hindi ko kaya na titigan ang mga mamahaling bagay na narito.
Paulit-ulit ako sinampal ng kahirapan sa bawat isang gamit dito.
“Oh, siya, tara na..” Sabay kaming tatlo na lumabas.
Halos kumaripas ng takbo ang ginang papunta sa nahimatay na kasambahay. Samantala, naiwan kami ni Keith sa harap ng kwarto niya.
“Pupuntahan ko muna sila.” Paalam nito.
Tumango ako, sinundan ang tingin niya na papalayo sa pwesto ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto, naupo sa malambot na kama nang muling mabaling ang atensyon ko sa mga larawan na nasa side table.
Kinuha ko ng frame na larawan ni Keith. Mukha pa siyang totoy kahit ilang taon lang ito nakuha.
Kumunot ang noo ko, nang mapansin na may nakaawang na isang larawan.
Tinignan ko ang pinto, mukhang wala naman papasok. Binuksan ko ang frame, bumungad sa akin ang dalawang litrato. Ang isa ay family picture na katulad na naka-display sa isang frame ngunit apat silang andoon. Isang babae. Isang magandang babae na kahit saang anggulo ay makikita ang mataas na antas sa buhay.
Nakaupo ang dalawang matanda sa harapan, nasa likod si Keith at ang babaeng kasama nito habang na nakayukod at inilapit ang mukha sa dalawang matanda. Silang apat, sobrang saya nila sa kuhang litrato.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ang kirot, sa uang pagkakataon ay nakaramdam ako ng inggit dahil sa larawan na ‘to. At nang makita ang pangalawang litrato ay tuluyan kinain ng selos ang puso ko. Nang makita si Keith...
Si Keith na may masayang ngiti, nagniningning na mga mata habang yakap sa likod ang isang babae na nakatingin sa camera.