Chapter 16: Mr. and Mrs. Veloria Part 3

1554 Words
HINDI mawala sa isipan ko ang babae sa litrato mas lalo na ang ngiti ni Keith na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa tuwing kasama niya ako. Ibinalik ko ang mga litrato sa dating pwesto, naupo sa gilid ng kama hawak ang dibdib na malakas ang kabog. Wala pa akong alam tungkol sa nakaraan ni Keith, limitado at marami pa akong hindi alam sa kaniya. Ni hindi ko naisip kung nagkaroon siya ng seryosong relasyon, kung meron ay bakit sila naghiwalay? Ang larawan na ‘yon, masasabi ko na tanggap din ng magulang ni Keith ang babaeng kasama dahil kung hindi ay wala siya sa family picture ng pamilya. Kaya ba ganon na lang ang ekspresyon ni Mama Emelita ng hawakan at tignan ko ang larawan na ‘yon kanina. Samo’t saring tanong ang umiikot sa isip ko, hindi makuhang magtanong dahil mukhang gusto na rin kalimutan ng mga taong andito ang pangyayaring ‘yon. Bumuntong hininga ako, inilapat ang likod sa higaan nang sunod-sunod na katok ang nanggaling sa pinto saka iniluwa non si Keith na may ngiti sa labi. “Kumusta na ang kasambahay?” Tanong ko bumalik sa pagkakaupo. “Dinala na sa hospital, di na nagtagal sila mommy, mukhang maayos lang ang lagay niya.” Nahiga ito sa tabiko, pinulupot ang braso sa bewang ko’t sinisiksik ang mukha sa leeg ko. “Sa wakas, nasolo rin kita.” Natawa ako. “Pagbigyan mo na si mama, ngayon lang ako bumisita kaya gusto niya ako mas lalong makilala.” “Malayong-malayo ang ugali niyo sa isa’t isa.” “Hmmm?” Hinimas ko ang ulo niya. “Sinasabi mo ba na malayo na magkasundo kaming dalawa?” “Hindi sa ganon pero—” “Baby, hayaan mo na ang mama kung ano ang gusto niya.” Ngayon naiintindihan ko na kung bakit lagin nagsasabi si Mama Emelita na sa bahay na ‘to ay walang ibang nakakaintindi sa kaniya. Kaya siguro, ganon na lang ang paghahangad niya anak na babae ngunit sa kasaamang palad ay hindi sila biniyayaan. Hindi sumagot si Keith, humigpit ang yakap niya at nagtanim ng maliliit na halik sa leeg ko. “Mukhang nakahanap na ng kakampi si mommy...” Mahina akong natawa, naiiling sa tono ng pananalita niya, Mukhang labag sa loob niya ang pagkakaroon ng kakampi ng ina. At pagod sa pag-iintindi sa matanda. NAALIMPUNGATAN ako ng marinig ang pagbukas ng pinto, nadatnan si Mama Emelita na nakangiti ‘t nakatitig sa amin. Ngumiti ako, marahan na tinanggal ang kamay ni Keith na nakapatong ng kamay ni Keith sa bewang ko saka marahan na naupo. “Ma, kanina pa po ba kayo?” Tanong ko inaayos ang buhok. “Pasensya na, nakatulog na po kaming dalawa.” “It’s okay, hija. Wala ka rin naman ibang gagawin dito sa bahay bukod sa matulog at maglibang sa internet.” Marahan ko inayos ang kumot sa katawan ni Keith, lumapit sa ginang na may ngiti sa labi. “May gagawin pa po ba tayo?” Tanong ko. Umiling ito at sinukbit ang kamay sa braso ko. “Magmeryenda na muna tayo, bumili kami ng papa mo ng mango pie.” pag-aaya nito. Bumaling ang tingin ko kay Keith. “Gisingin ko po muna si Keith..” “Hwag na, gigisinmg din ‘yan maya-maya.” Saka ako hinila ni mama palabas ng kwarto. Nang makapunta sa salas, natagpuan ko si Papa na naghihintay sa amin at nakahanda na rin ang pagkain. Ngumiti siya sa akin na aking tinutugunan. “Maupo ka, hija.” Tinuro nito ang kaharap na sofa. “Nasaan si Keith?” Tumango ako, sinunod si papa. “Nasa kwarto, nagpapahinga pa po.” “Hmmmm..” Tango-tango nito, humigop ng mainit na kami sa gitna ng tirik na araw at mainit na panahon. “Hija, ano ang tingin mo sa anak namin?” “Tingin po?” Nagtataka kong tanong, Tumango siya. “Sabihin mo sa amin kung may aasahan ba kami sa inyo.” “Ano ang relasyon niyong dalawa?” Segunda ng ginang. Napatitig ako sa mag-asawa, humugot ng malalim na hininga bago sinagot ang tanong nila. “Sa totoo po, hindi ko alam kung ano ang mayroon kaming dalawa basta’t lagi niya akong binibisita at katulad ng may relasyon ganon pa ang inaasta namin dalawa.” Maski ako ay naguguluhan sa relasyon namin pero ayaw ko na magsalita. Ayaw ko magmukhang naghahabol sa kaniya. Parehas na natahimik ang mag-asawa, hinawakan ni Mama Emelita ang kamay ko saka marahan na pinisil. “Naiintindihan namin, hija. Hindi namin kayo minamadali, basta’t andito lang kami ng Papa Karlos mo kung may problema. Huwag ka mahiyang lumapit sa amin at magsabi.” “Maraming salamat po, mama.” Mabuti na lang “Pero kung maaga niyo kami mabibigyan ng apo—” “Hon, kakasabi mo palang na hindi natin sila mamadaliin..” Paalala ni Papa Karlos. “Walang masamang subukan, honey.” Bungisngis na pagtatanggol sa sarili ng ginang. Napatawa na lang ako sa kakulitan ng dalawa. Hanga ako sa magulang ni Keith, sa kabila ng edad ng mga ito ay makikita pa rin sa mga kislap ng mata ang pagmamahal nila sa isa’t isa. At dahil sa pinapakita nila, naging maayos at puno ng pagmamahal na lumaki si Keith, Nakakainggit.. sana ay nagkaroon din ako ng masayang pamilya na meron sila ngayon. Bumaling ang atensyon namin nang bumababa si Keith mula sa kwarto, dumiretso sa tabi ko at yumakap sa bewang ko. Mukha siyang bata na naghahanap ng lambing. “Keith, nasa harap tayo ng magulang mo..” suway ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin, hinalik-halikan pa ang leeg na nagpatindig ng buong balahibo sa katawan ko. “I don’t care.. iniwan mo ‘ko doon, hindi mo manlang ako ginising.” “Magdrive ka pa mamaya kaya hinayaan na muna kita magpahinga..” Pagpapalusot ko. Hindi siya umimik, binaon ang mukha niya sa leeg ko at hindi pinapansin ang tingin ng magulang niya na nasa amin ang atensyon. “Hikja, nagustuhan mo ba ang bahay?” Tumango ako sa tanong ni Papa Karlos. “Sobrang ganda po.. sa susunod kung may oras ay makikiligo ako sa swimming pool niyo.” pabiro kong usal. Mahinang natawa ang matanda saka tumango. “Oo ba, walang problema. Kahit kailan mo gusto ay pwedeng ka magpunta, bukas ang bahay namin para sa iyo, hija.” “Nagustuhan mo dito?” Tumango ako sa tanong ni Mama Emelita. “Kung nagustuhan mo, pwede ka na dito tumira, we don’t mind.” Napatingin kami sa ginang, na siyang tuwang-tuwa sa offer na ginawa. Akala ko ba ‘Take our time’ bat gusto na ako tumira sa bahay nila? Napakamot na lang ako na batok na may ngiwi sa labi ‘t sinakyan ang biro ni Mama na mas lalo nitong kinatuwa. MATAPOS ang hapunan, nagpaalam na kami ni Keith para umuwi. Hindi pa sang-ayon ang ginang pero nang nangako ako na maari niya akong bisitahin ng kahit anong oras sa trabaho o sa unit ko ay pumayag na rin ito. Sandali kaming nagpapahinga sa salas, naghahanda ang kasambahay sa hiniling kong ipabalot na hindi namin naubos kanina. Buong puso naman ‘yon ibinigay ni Mama Emelita dahil iilan lang sila sa bahay kasama ang ibang kasambahay—hindi nila mauubos ang pagkain na nakahanda. “Hija, bago ka umalis may ibibigay muna ako sa ‘yo.” Malapad ang ngiti sa labi ni mama. Nagtataka ako na bumaling sa kaniya, iniabot niya sa akin ang maliit na kahon at nang buksan ko ‘yon ay halos lumuwa ang puso ko sa lakas ng kabog. Ang kwintas na tinuro ko kanina, akala ko nakalimutan niya na ang tungkol doon. “Masaya ako na magiging parte ka ng pamilya namin, Kattleya.” Ani Mama Emelita sandali huminto bago pinagpatuloy ang sasabihin niya. “Tanggapin mo ‘yan bilang regalo, isipin mo na binigayb ko ‘yan bilang senyales na isa ka na sa pamilya namin.” Napatitig ako kwintas, hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sa ina ni Keith. “Ma, sapat na mainit niyong pagtanggap sa akin bilang pamilya, wala na po akong hihilingin doon. Pero kung itong kwintas ang magiging simbolo na kabilag ako sa inyo, masaya akong tatanggapin ‘to.” Kinuha ko ang kwintas at kinabit sa leeg ko. “Total, hindi rin po kayo papayag kung hindi ko ‘to tatanggapin.” “Mabuti’t alam mo..” Mahinang natawa ang ginang saka tinitigan ang kwintas. “Bagay na bagay sa iyo.” “Maraming salamat po..” Niyakap ko si Mama Emelita na agad niyang tinugonan. At sunod nitong nilapitan ay ang anak na kanina pa hindi napapansin. “Mag-ingat ka sa pagdrdrive...mag-ingat kayong dalawa.” Pumasok kami sa loob ng sasakyan, palabas ng gate ay napansin ko ang naiiyak na itsura ng ina ni Keith. Tahimik muli ang malaking bahay—nakakalungkot. Sobrang ganda nga ng bahay ngunit walang tao at halos hindi makakitaan. “Hindi ka dapat nangako kay mama ng kung ano.” Nag-aalalang tono ni Keith. “Bakit?” “Dahil gagawin niya ‘yon sa kahit anong oras o kailan niya gustuhin.” Bumuga ito ng hangin at napailing. “What do you mean?” Nagtataka kong tanong. “Basta, malalaman mo rin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD