TAPOS na ang pagiging Disney princess, bumalik na ang buhay ng reyalidad. Reyalidad na kailangan kumayod araw-araw para mabuhay. Suot ang malapad na ngiti na pumasok sa kompanya, hindi pinapansin ang tinginan ng iba.
Hindi pa rin ba sila tapos sa chismiss tungkol sa akin? Dahil kung hindi pa... wala akong pakealam.
Kaya sila nangangayayat, inuuna pa nila ang buhay ng iba kesa ang kumain ng tama.
At masyadong masaya ang araw ko ngayon para sirain ng mga taong walang ambag sa buhay ko—mga tao na walang ginawa kundi ang titigan at pag-usapan ang nangyayari sa buhay ng ibang tao kesa sa ayusin ang mga personal na problema.
“Good morning, ma’am!” Malapad ang ngiti na bati ng intern na sumalubong sa pagpasok ko. “Good mood po tayo ngayon ah? Mukhang may nangyaring maganda.”
Tumawa ako. “Masaya ako palagi, hindi mo lang napapansin.”
Tinignan niya ako na hindi naniniwala, bumaling ang atensyon ko sa kasama niyang intern sa department namin. Kumpara sa kausap ko ngayon, tahimik lang ito at seryosong ginagawa ang trabaho na inaatas sa kanya.
“Good morning, ma’am.” Bati nito.
“Morning..” Saka tumango.
Dumiretso ako sa opisina, hindi na sumunod ang intern at bumalik na sa pwesto. Nag-aayos ako ng gamit ng pumasok si Maxine at sinara ang pinto ng kwarto.
“Yes?” Tumaas ang tingin ko sa kaniya. “May nahanap ka na ba sa pinagagawa ko?”
Tumango ito, inilapag ang folder sa mesa. “Hindi na ako magpapaligioy-ligoy pa... ang user na gumagawa ng headline patungkol sa iyo ay andito lang sa kompanya na ‘to nagtratrabaho. Pinasuri ko na sa IT kung saan maari natin mahuli ang taong ‘yon pero matatagalan pa sa dami ng account—computer dito.”
Binuklat ko ang folder, andoon ang iilang code at IPS ng user na gumawa ng groupchat para siraan ako. “Take your time... siguraduhin mo na hindi lalabas ‘to sa iba. At kung mahanap na ang nasa likod ng account na ‘yon, make sure na papuntahin mo sa akin nang makapag-usap kami ng masinsinan sa paninira at paglalabas niya ng impormasyon sa pribadong buhay ng iba.”
Tumango si Maxine. “Nagconsult na rin ako sa abogado sa maaring ikaso sa taong ‘yon. I’ll send the details nang mabasa mo—wala akong maintidihan pero isa lang ang nakakasigurado ako, magtatagal sa kulungan ang nasa likod nito.” usal nito.
“Maraming salamat, Maxine..” Nakangiting pasasalamat ko. “Sobrang laki ng abala na ginagawa ko.”
“No worries. Katulad ng napagkasunduan, hahayaan mo ‘ko magleave ng isang linggo pagtapos nito.” Paalala niya sa napagkasunduan namin dalawa.
Mahina akong tumawa saka tumango. “Hindi ko makakalimutan ‘yon.”
Lumapad ang ngiti ni Maxine, bumuka ang bibig niya para magsalita nang napako ang atensyon niya sa leeg ko. “Wow... kailan pa ‘yan?”
Bumababa ang tingin ko sa tinuro niya saka napangiti. “Niregalo sa akin ng mother-in-law ko.” Pagmamalaki ko.
Sabi ng mga tao, ang in laws ang mahirap makasundo kaya natatakot ako na baka matulad ako sa iba na nakaaaway ang magulang ng asawa nila. Ngunit, laking pasasalamat ko na hindi na ako pinahirapan pa ng tadhana sitwasyon na ‘yon.
Hindi na nga ako gusto ng magulang ko.. hindi pa ako gusto ng magulang ng mapapangasawa ko. Hindi ko na ata kakayanin ang emosyon na ‘yon kung sakaling mangyari ‘yon.
“Sanaols.” Humaba ang nguso nito. “Samantala, ang family ng boyfriend ko, hindi nila ako itinuturing na kabilang sa pamilya nila.”
“Magpalakas ka lang sa kanila, lagi mo bisitahin ng makita nila ang sincerity mo.” Payo ko.
“Kung sabagay pero maski sabado ay may trabaho ako..”
“Kung sabagay, malaking problema nga ‘yon.” Paano pa mabibisita ang in-laws kung maski sa asrili niya ay wala na rin siyang panahon.
Humaba ang nguso ni Maxine na nagpaalam, Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at hinawakan ang kwintas. Ito ang unang beses na may nagbigay sa akin ng alahas. At hindi lang basta alahas.
SA KALAGITNAAN ng trabaho, kumuot ang noo ko nang mamayani ang malakas na tunog ng takong sa sa sahid ng secretary ni daddy. Kumaripas ito ng takbo palabas ng department at mukhangg may emergency na nangyayari.
Tumaas ako sa upuan para suwayin ito pero nakalabas na ‘to ng pinto. Bumaling ang tingin ko kay Maxine na nasa harap ng office ko ang mesa.. “Ano ang nangyari doon?”
“May dumating na bisita.. walang pasabi na nagpunta kaya’t ayaw papasukin ng guard.”
“Sino naman?” Nakakasigurado ako na walang inaasahan na bisita ngayon si daddy dahil hanggang ngayon ay hindi pa ito dumarating.
Nagkibit-balikat si Maxine. “I dunno.”
Bumaling ang tingin ko sa pinto na nilabasan ng secretary ni daddy, sunod-sunod na napabuga ng hangin at bumalik sa loob. Pagsasabihan ko na lang siya mamaya nang hindi makaistorbo sa iba.
Babalik na sana ako sa trabaho nang may kumatok sa pinto. At pumasok sa loob si Keith, nasa gilid nito si Maxine na humihingi ng saklolo ang tingin.
“We need to talk.” Seryosong usal ni Keith.
Sumenyas ako kay Maxine, agad niyang nakuha ang gusto ko mangyari at lumabas ng office.
Muling tumaas ang tingin ko kay Keith, seryoso at direktang nakatingin sa akin. May nagawa ba akong mali?
"A-ano ba ang problema?" Inabot ko ang remote control, sinira ang bintana ng walang ibang makakita. "May nagawa ba ako na ikagagalit mo?" dagdag ko pa.
"Alam mo ang ginawa mo.." Baritonong boses niya, katulad na katulad ang tono niya noong una kaming magkita sa bar. "Bakit hindi mo sa akin sinabi na may nangyayari na tungkol sa atin."
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Don't act like innocent, Kattleya. Alam ko na, nakarating na sa akin ang usap-usapan tungkol sa iyo--sa ating dalawa."
Sandali ako natahimik sa sinabi niya. "Alam mo na pala."
"Oo, alam ko na, kung hindi pa ako nagtanong sa kalagayan mo ay hindi ko pa malalaman ang tungkol dito.." Ramdam ang asar sa tono niya. "Wala ka ba talagang balak sabihin sakin ang bagay na ito?"
Napagat ako ng ibabang labi, umiwas ng tingin. Aminado ako na wala akong balak sabihin dahil.. "Ayaw kitang istorbohin sa maliit na problema, marami ka nang ginagawa at ayaw ko na dagdagan pa ang aalalahanin mo sa araw-araw."
Sa pagkakataon na 'to, siya ang natahimik sa sinabi ko. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan niya. “Baby, ang problema mo ay problema ko rin. Ang ganitong bagay, hindi mo kailangan solohin. Ano ngayon kung abala ako sa trabaho—hindi mo ba talaga napapansin na kahit gaano ako kaabala ay ikaw pa rin ang inuuna ko?”
“Pasensya na..”
“Iniisip mo kaagad na makakaistorbo ka, na dagdagan mo lang ang problema ko. Ang issue na ‘to ay tungkol sa atin dalawa, kaya hayaan mo na linisin natin ang pangalan mo na magkasama.” Inabot nito ang kamay ko at pinisil-pisil.
“Tanggalin mo sa isipan mo ang negatibong bagay, hindi ka istorbo at mas lalong hindi ka dagdag problema. Lagi mo tandaan na lagi ako andito para sa ‘yo sa tuwing kakailanganin mo ‘ko.” Hinalikan niya ang likod ng palad ko.
Nakatitig lang ako sa kaniya, walang maisagot sa matatamis niyang salita. Walang kahit anong pag-aalinlangan ang tingin niya sa akin habang sinasabi ang bawat kataga na direkta nakatingin sa aking mga mata.
“I’m sorry..” Paghingi ko ng tawad.
Umiling ito. “Hayaan na natin, ngayon gusto ko malaman kung sino ang nasa likod ng skandalo na ‘to.” Ani nito.
Kinuha ko ang kamay ko, naupo sa harapan niya at kinuha ang folder na inabot kanina ni Maxine. “Base sa nasagap ko, andito lang sa kompanya ang nag-upload pero ang pinagtataka ko—paano niya nakuha ang mga larawan na ‘yon kung ang andoon lang sa meeting niyo ang nakakita ng eksena na ‘yon.”
Inabot niya ang folder, tahimik na binasa. Ilang sandali ay kinuhaan niya ito ng litrato at may tinawagan na tao. “I want to know who’s the user is.” saka pinatay ang tawag saka bumaling sa akin.
“Hayaan mo na ako ang mag-ayos nito, nasa loob ng kompanya ko nang galing ang resource kaya may kasalanan din ako sa bagay na ito.” Seryoso na usal niya, lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. “H’wag ka ma-stress, ako na ang bahala dito.”
Tumango ako. “Sa totoo lang, wala akong pakealam kung may kung ano-anong kwento ang kumalat tungkol sa atin dalawa, totoo naman ang impormasyon na pinakakalat nila. Ang akin lang ba’t alam ng isang tao ang pribadong buhay natin—”
“What do you mean?” Tanong niya.
“Naisip ko lang na may tao nagmamatyag sa bawat kilos natin,na nag-aabang sapagkakamali ng masira tayong dalawa sa harap ng lahat.” Sagot ko at bumuga ng buntong hininga. “At iyon ay ang tao na hinahanap ko ngayon, Keith.”
“Sa tingin mo, sino-sino ang sa tingin mo gagawa nito.” Hinarao niya ako sa kaniya. “Dahil sa statement na ginagawa, ikaw ang nagiging puntirya niya, hindi ako.”
Si Katherene... ang unang pumasok sa isip ko at siya lang ang nag-iisang tao na may alam ng lahat. Ang pagkaka-engage namin ni Keith at koneksyon na mari niyang gamitin upang makakuha ng impormasyon.
Ngunit hindi ko sinabi ang pangalan na ‘yon at nagkibit-balikat. “Wala akong ideya.” Pagsisinungaling ko.