Chapter 2: Just One Night
Nangibabaw ang malakas na ungol nang ipinasok niya ang nanggagalaiting alaga sa loob ko. Magkahalong hapdi at kirot ang namayani sa pagitan ng mga hita, kagat ko ang ibabang labi at pigil ang pagpatak ng luha.
“You’re a virgin,” hindi makapaniwalang usal nito.
“Y-Yes.” Pugto ang paghinga, mariin kong ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang paggalaw niya.
Ang tingin na puno ng pagnanasa ay napalitan ng pag-aalinlangan. Akmang ilalayo niya ang sarili nang hawakan ko ang braso niya at tumingin na may nangungusap na mga mata. “Please, continue.”
“But—”
“I want this.” Tumaas ang tingin ko direkta sa kaniyang mga mata. “I want you inside me.”
Hindi naalis ang tingin namin. Mababasa pa rin ang pag-aalinlangan sa mga mata niya kaya’t kahit mahapdi at hindi pa nawawala ang sakit sa pagitan ng mga hita ay pilit kong ipinulupot ang braso sa leeg niya.
Maliit at marahan na mga halik ang isa-isang tinanim sa balikat at leeg hanggang umabot sa kaniyang labi. Mas lalo akong ginanahan nang kumawala ang mahinang ungol sa kaniya.
Marahan akong gumalaw at binaon ang mukha sa leeg niya. Sa bawat segundong lumilipas ay nawawala ang sakit na nararamdaman. Mula sa loob ay ramdam ko ang buong-buo niyang p*********i, ang kiliti at kakaibang init.
Kasabay nang pag-ungol ay ang pagkagat ko sa balikat niya. Ang sarap—hindi ko maipaliwanag.
Patuloy sa ginagawa pero wala pa ring reaksyon mula sa kaniya. Tinigil ko ang paggalaw, sinalubong ang tingin niyang nangungusap. “Move. Fvck me hard.”
Hindi siya nagsalita, sinakop ang labi ko at hinawakan ang magkabilang bewang ko at marahas na ibinaon ang p*********i sa loob ko. Sa pagitan ng malalim na halik, malakas na ungol ang tumakas mula sa labi ko.
Damang-dama ko ang kahabaan niya sa loob ko na sumasagad hanggang sa kaibuturan. Hindi ko na kinaya ang sensasyon, humiwalay sa halik niya‘t inihilig ang likod sa lababo.
“Ahhh... ahh... faster... sige pa...” nangunguyampit na pagmamakaawa.
Buka ang labi, tumitirik ang mata sa sarap ng pakiramdam. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang ulo‘t saan kukuha ng lakas. Walang ginawa kundi ang malalakas na ungol, hindi alintana kung may ibang makarinig sa labas.
“Iyan... ang sarap niyan!” Pinulupot ko ang hita sa bewang niya nang mas bumilis ang galaw niya’t gigil na binabaon ang kahabaan.
“Ohh... Leya, ang sikip mo!” ungol nito.
Ginalaw ko ang balakang, sinabayan at sinasalubong ang bawat pagbayo niya. Napuno ng ungol ang buong banyo. Isang bagay lang ang tumatatak sa isip ko at ‘yon ay gusto ko pa.
Binaba ko ang kamay sa p********e at marahan na hinihimas. Basang-basa at mas lalo pa namamasa sa ginagawa niyang pagbayo.
“Ohhh, baby,” ungol ko. “S-Sige pa, s-sige... m-malapit na ako!”
Kasabay nang malakas na pagbaon ay ang ungol na lumalabas sa labi na mas nagpapagana at nagpapainit sa aming dalawa. Katulad ko ay pinagpapawisan na rin siya pero mas lalo siyang nag-iinit sa paningin ko.
Mas lalo kong ibinuka ang mga hita nang malaya siyang makagalaw, umaangat ang balakang na sinasabayan siya sa paghampas.
“Uhmm... harder... faster...” Sa ilang pagbayo ay tuluyan nang nanghina ang hita ko kasabay nang paglabas ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita ko.
Ngunit hindi pa rito natatapos ang lalaki, sinukbit nito ang dalawang hita ko sa balikat niya at walang tigil na naglabas-pasok sa p********e ko.
“Ohh... ang sarap mo, Leya,” puri nito sa pagitan ng mga ungol. “Ang sarap-sarap mo.”
Hindi na makapag-isip pa ng tama, sarap na sarap sa ginagawa niya sa katawan ko. Kumawala ang mahabang ungol sa labi ko nang triplehin niya ang bilis. Para na akong mababaliw sa sarap habang sumasagad sa kaibuturan ko ang alaga niya.
At pagtapos nang limang malakas na paglabas-pasok, mabilis niyang hinila ang kahabaan kasabay nang pagtalsik ng mainit na puting likido sa katawan ko.
Parehas kaming hinihingal, habol ang hininga na nakatingin sa isa’t isa. Muling dumampi ang labi niya sa akin at ang pilyong daliri na dumulas sa aking p********e. Akmang ipapasok niya pa ang alaga ng malalakas na katok ang umagaw sa atensyon namin.
“Open the door!”
Nagkatinginan kami sa isa’t isa. “Let’s go somewhere, doon natin ang ipagpatuloy ang pag-abot ng langit.”
Wala sa sarili akong tumango, nagmamadaling inayos ang sarili at hindi alintana ang masakit na p********e. Nang buksan namin ang pinto, masasamang tingin ang ipinukol ng mga lalaking nakapila pero hindi namin ‘yon pinansin at dumiretso sa sasakyan.
Tinupok ng init ang katawan, hindi mabilang kung ilang beses na nilabasan. Parehas na hayok sa isa’t isa, walang tigil sa pagsigaw ng pangalan. Hanggang sa tuluyan nang nawalan ng lakas at bumagsak sa malambot na kama.
MASAKIT ang ulo ko nang magising kinabukasan. Parang paulit-ulit na pinukpok sa pader at gugustuhin ko na lang tanggalin kaysa makaramdam ng ganitong pakiramdam. Napangiwi ako nang namayani ang sakit sa buong katawan ko nang marahan akong gumalaw—mas lalo na ang pagitan ng mga hita ko.
“Ano ba ang nangyari?” Gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang hindi pamilyar na kwarto pagmulat ko.
Natulala sa kawalan, isa-isang bumalik sa isipan ko ang nangyari kagabi hanggang makarating sa lugar na ito.
Ang alak, dare, halik at ang—tinaas ko ang kumot, bumungad sa ‘kin ang hubo’t hubad na katawan. At para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto na hindi panaginip ang lahat.
“Ang bobo mo kahit kailan, Kattleya!” sigaw ko at sinabunutan ang sarili.
Hindi ininda ang sakit ng ulo‘t katawan, bumangon ako sa higaan at natagpuan ang gamit ko na maayos nakatiklop sa taas ng mesa. Nang matapos maisuot ang lahat, muli kong inilibot ang tingin sa kwarto.
Wala na ang lalaki kagabi... mabuti!
Hindi na ako nag-aksaya ng oras, lumabas sa condominium at pumara ng taxi. Kagat ang daliri, para akong maiiyak habang pumapasok sa isipan ko ang lahat ng nangyari.
Bago pa mag-ingay ang cellphone, sinagot ko agad ang tawag ni Jaica.
“Babaita ka! Saan ka ba galing?!” malakas na sigaw nito at halata ang inis sa tono. “Ang sabi mo kagabi maghahanap ka lang ng lalaking hahalikan pero hindi ka na bumalik!”
Nailayo ko sa tainga ang cellphone, dumagdag ang lakas ng boses niya sa init ng ulo ko. “Mamaya na ako magpapaliwanag, masakit pa ang ulo ko,” usal ko sa paos na boses.
Marahas na bumuntonghininga si Jaica. “Fine, pero umuwi ka na. Your dad’s calling me since ten in the morning—hinahanap ka. Pinalusot ko na lang na may binili ka sa labas at baka matagalan ka.”
“Pauwi na ako.” Kagat ko ang ibabang labi.
“Bilisan mo na.”
“Wait... wala ba siyang sinabi sa iyo kung bakit niya ako hinahanap?” nag-aalangan ang paos na boses kong tanong. “Hindi ako hinahanap ni Daddy kung wala siyang mahalagang sasabihin.”
Iilang beses pa lang ako hinahanap ni Daddy. Una, nang mamatay ang mama at ang pangalawa, nang panahon na napagpasyahan niyang ipasok ako sa kompanya. Bukod doon ay wala na.
“Wala siyang nabanggit. Hinahanap ka lang niya dahil hindi ka ma-contact sa phone mo.”
“S-Sige, papunta na ako. Salamat.”
“Call me if anything bad happens,” paalala ni Jaica.
“I will.” Saka ko pinatay ang tawag.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga at pinikit ang mga mata. Patuloy na umaagos sa isipan ang mga alaala kagabi, ang bawat paghaplos, ungol, at pagmamakaawa sa lalaking ‘yon. Naiinis ako sa sarili, hinayaan ko na kontrolin ako ng alak at ibinigay ang bagay na ibibigay sa magiging asawa ko... wala na, wala na ngayon.
Huminto ang taxi sa harap ng condominium. Hindi na ako nag-aksaya ng oras na nilinis ang sarili sa kwarto saka tumawag sa bahay para ipaalam na papunta na ako.
MALAKAS ang kabog ng dibdib ko nang bumukas ang malaking pinto at sinalubong ako ng iilang kasambahay. Walang ingay na maririnig sa buong kabahayan maliban sa pagbati ng mga ito.
Dumiretso ako sa matandang mayordoma na may magandang ngiti nang sumalubong sa akin. “Nasaan si Daddy?”
“Nasa opisina kasama sina Ma’am Therine at Katherene.”
“Pupuntahan ko muna sila.”
“Magtatagal ka ba? Gusto mong ipaghanda kita ng paborito mong meryenda?”
May maliit na ngiting umiling ako. “Huwag na po kayong mag-abala. Mabilis lang ako at aalis din agad.”
Dumiretso ako ng hagdan. Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay pinasok ko ang pinto kung nasaan ang tatlong naghihintay sa akin.
“Good afternoon, Daddy,” bati ko bago bumaling ang tingin ko sa mag-ina. “Tita Therine and Katherene.”
Umasta akong walang nakita nang tumirik ang mga mata ni Katherene—ang half sister ko sa ama. Samantala, hindi kumibo si Tita Therine at nagpakita ng maliit na ngiti.
“Bakit n’yo po ako ipinatawag?”
Namayani ang katahimikan sa buong kwarto, naghihintay na may magsalita sa kanilang tatlo. Ilang beses tumikhim si Daddy, humigop ng mainit na kape bago diretsong tumingin sa akin.
“Pinag-isipan namin ito ng Tita Therine mo and we came up to this idea.”
Sumeryoso ang tingin ko, naghihintay ng karugtong sa sasabihin niya. “Kattleya, you’re already twenty nine and still not married, wala ka ring boyfriend. We’re kinda worried about your future kaya kami na ang naghanap para sa iyo.”
“H-Huh?” naguguluhan kong tanong.
“He’s a good man. Mula sa isang maimpluwensyang pamilya at nakakasigurado kami na magiging maganda ang iyong kinabukasan sa pamilya nila.”
“Diretsuhin n’yo na ako, Dad,” usal ko na nagsasalitan ang tingin sa mag-asawa.
Parehas silang walang imik nang sumingit si Katherene na may nakangising ngiti. “In short, they want you to marry that Keith Veloria.”
“Keith?” ulit ko sa pangalang sinabi nito saka bumaling ang tingin kay Daddy upang makumpirma kung totoo nga ba ang sinasabi ni Katherene. “Dad, is it true?”
Ilang segundong hindi nakapagsalita ang ama bago marahan na tumango sa tanong ko sa kaniya. “What Katherene said is true...”
“I want you to marry Keith Veloria.”