Kabanata 39 KAGAGALING lang ni Veronica sa mall nang marinig ang malakas na bunganga ng ina. Mabilis siyang napapasok sa loob ng bahay at tiningnan kung ano ang nangyari. “Ano ba kasi ang nakain mo, ha? Humingi ka ng sorry kay Douglas.” “Gagawin ko naman po iyon, eh. Para hindi niya ako isusumbong kina Lola.” “Ayan, gagawin mo lang iyon para lang doon. Naku, hintayin mo ang Daddy mo mamaya. Siguradong makakatikim ka roon.” “Mommy naman, e. Gusto ko lang namang sumama kina Ate Veronica at Kuya Homer. Mami-miss ko sila. Tingnan mo, babalik na sila ng Manila bukas.” “Babalik din naman kami dito.” Sumali na si Veronica sa usapan ng ina at kapatid. “Kanina ka pa diyan?” “Kararating ko lang po,” sagot ni Veronica sa ina. “Saan si Homer at Steffan?” “Nandoon sa mansyon, nauna na ako s

