FINALE PAGDATING nilang simbahan ay napansin niya ang maraming bulaklak. May mga tao rin at hindi ito isang tipikal na simpleng kasalan lang. “Ang buong akala ko ba ay simple lang itong kasal?” tanong niya. “Kilala mo si Lola. Iba ang katagang simple para sa kanya. Kasal mo ito dapat engrande,” ani Homer. Nang ihinto ni Homer ang kotse sa harap ng simbahan ay tumunog bigla ang kampana. Bababa na sana si Veronica nang pigilan siya ng kapatid. “Sigurado ka ba rito?” “Diyos na ang bahala,” aniya. Pagbaba niya sa kotse at kaagad na bumukas ang malaking pinto ng simbahan. Nandoon sina Cedrix at Stanley na may hawak na wedding ring at bible. May mga bata ring babae na may hawak bulaklak. Nakakagulat lang dahil hindi niya kilala ang mga ito. O baka sa side nina Ashton? Sa kabilang panig
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


