Kabanata 31 Natapos ang kanilang masayang salu-salo at hinatid na sila sa mansyon. Inasikaso na muna ni Veronica ang kanyang mga bisita. Mas mabuting magpahinga na muna ang mga ito. Mamayang gabi ay sa mansyon kakain ang tatlo. Sigurado naman siyang magluluto ng masarap na pagkain ang bago nilang mga kasambahay. Nang masigurong ayos na ang lahat ay umuwi si Veronica sa kanilang bahay. Walang katao-tao. Kahit matagal siyang nawala ay halos walang ipinagbago ang labas ng kanilang bahay at pati na ang buong paligid . Kung may nagbago man ay ang mga pananim iyon na bulaklak ng kanyang Mommy Rosette. Mas lalong pinaganda nito ng paligid ng kanilang bahay. Pagpasok ni Veronica ay medyo nagulat siya dahil hindi naka-locked ang pinto. Nilakihan niya ang awng ng pinto. Tumambad sa kanya an

